CHAPTER 4 | YOU'RE LAUGHING KASI
[Wishlist Entry#4]
Kayamanang aking kasalukuyang pinanghahawakan ay pilit na ililihim kahit pa na ang kapalit nito ay aking lilim.
EILIA'S POV
Pasalit-salit ang tingin ko kay Bebe Gurl at kay Gerquien dahil sa tingin nila sa isa't isa. Si Bebe Gurl na mapanghusga ang tingin kay Gerquien, si Gerquien naman na nalilitong nakatingin kay Bebe Gurl. Tumigil lang silang dalawa sa nakakalokong tinginan nila ng magsalita na si Bebe Gurl.
"Akala ko ba kakausapin mo lang sila? Bakit binugbog mo si Cedric? Hindi naman si Cedric ang salarin?"
At tama nga ako, jina-judge ni Bebe Gurl si Gerquien kaya kaagad akong tumayo sa harap ni Gerquien para depensahan siya. "Bebe Gurl, ang judgemental mo, tanungin mo kaya muna si Gerquien kung ano ang nangyari?" Hoy! Nawala iyong kuya! "Mukha bang si... Kuya Gerquien iyong tipo ng tao na basta na lang mananakit?"
"Hindi." Sagot naman niya agad sa akin.
Nilingon ko si Gerquien na nakatingin lang sa amin ni Bebe Gurl. "Pero, ano ba talagang nangyari, kuya?"
Kuya... sa susunod kapag tinawag kita hindi na kuya. Iyan, tumatawa na naman na parang kontrabida ang inner self ko.
"Wala rin akong ideya sa eksaktong nangyari, noong papunta ako sa location na sinabi ni Eilia, nakita ko na lang iyang... si—"
"Cedric." Ako ang nagbanggit ng pangalan ng kumag.
"—iyon na nga, nakita ko na lang si Cedric doon sa court na sinasabi mo Eilia, nakahiga siya sa sahig doon, dahil madilim at halos wala ng katao-tao walang nakapansin sa kanya doon lalo na at iisa lang din ang ilaw na nandoon. But before that, may apat na lalaki pa akong nakasalubong, galing court, is it possible na sila ang may kagagawan nito?"
"Si Cedric ang nagligtas kay Eilia kanina." Sabi ni Bebe Gurl kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil diretso pa niya akong tinignan sa mata.
Like, bakit parang kasalanan ko pa? Ginusto ko bang mangyari iyon?!
Kasalanan ko pa ngayon na nagtiwala ako sa maling tao, ganoon?
Sa asar ko binuklat ko ang kurtina ng kwartonh inuukupa ni Cedric, naabutan ko siyang nakaupo pa rin sa kama habang nililinis ng nurse ang mga sugat niya. Sisigawan ko na sana siya dahil kung hindi niya ako niligtas kanina malamang hindi siya aabot dito sa hospital, iyon lang kusang umurong ang lakas ng loob ko ng mas malinaw kong makita ang dami ng sugat na natamo niya.
Nang mapunta ang atensyon niya sa kinatatayuan ko ay nagsalubong ang tingin namin, siya rin namang bilis ng iwas namin ng tingin sa isa't isa.
Kaya iyan, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko ngayon. Magaling. Siguro nga alam ko pero ayaw kong sabihin.
Lumabas na lang ako ng kwartong iyon at kinuha ang bag ko. "Uuwi na ako ah. Hinahanap na ako ni mommy eh." Paalam ko kay Bebe Gurl at kay Gerquien na nag-uusap pa rin. Hindi ko na sana hihintayin ang response nila para makauna na ako pero hinawakan ni Gerquien ang braso ko at pinigilan akong umalis.
"Ihahatid na kita, Eilia."
"Ha? Hindi na. Mag-co-commute na lang ako, marami namang jeep—"
"Ihahatid na kita, pag-aalalahanin mo lang kaming tatlo. Baka kung ano pang mangyari sa iyo sa daan ganyang madilim na."
Tatlo? Magtatanong pa sana ako pero hindi ko na inabala pa ang sarili ko lalo na at naalala kong kumpara sa amin ni Bebe Gurl paniguradong siya itong mas kinakailangan ng umuwi kaagad.
"Si Bebe Gurl na lang ihatid mo. Mag-s-stay na lang muna ako dito, around one hour, siguro?"
"Mag-s-stay ka dito?" Paniniguro sa akin ni Gerquien at kaagad naman akong tumango bilang tugon. "Sigurado ka? Hindi ka ba pagagalitan?"
"Pagagalitan... pero," nginitian ko siya kaya mabilis na umarko ang kilay niya sa ngiti ko. Bakit nakakakaba ba ang ngiti ko? O baka nakaka-in love? "Pero hindi ako pagagalitan ni mommy kung alam niyang kayo ni Bebe Gurl ang kasama ko!"
"Eilia—"
Mabilis ko siyang kinontra. "Totoo namang kasama ko kayo ah, iyon lang ihahatid mo na si Bebe Gurl ngayon, babalik ka rin naman agad hindi ba? Tapos uuwi na rin tayo once na dumating ang daddy ni Cedric? ‘Di ba? Sige na, may asikasuhin pa iyang Bebe Gurl ko. Ingatan mo ah." Pero mas ingatan mo ako.
Napalingon si Gerquien kay Millicent, nag-aalangan pa siya noong una pero tinanguan lang naman siya ni Bebe Gurl ko. Inilabas ko ang cellphone ko at nag-send ng message kay mommy na ma-le-late ako ng kaunti ng uwi, hindi ko na hinintay pa reply niya, sa halip ay tumakbo ako palapit kay Bebe Gurl at niyakap siya.
"Ingat! Alam ko namang may tatrabahuin ka pa kaya mauna ka na." Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. "Sorry."
"Sorry."
Magkasabay naming nakagat ang pang-ibabang labi namin dahil sa magkaparehong salita na binitawan namin, hinalikan ko na lang siya sa pisngi at muli siyang niyakap bago ngitian. Iisa lang naman ang pinagmulan ng sorry na iyon kaya hindi na kailangan pa ng anupamang paliwanag. "Mmm... mag-iingat kayo ah!" Paalam ko sa kanila. "Gerquien!" Kahit na crush kita... "...ingatan mo ang Bebe Gurl ko pauwi ah, dahil lagot ka sa akin kapag may nangyari sa kanya!"
"Sure, sure!"
"At!" Lumapit ako sa kanya. "I-message mo ako kapag naihatid mo na pauwi ang best friend ko ah!"
Tinanguan lang ako ni Gerquien pero napansin ko iyong nakakalokong ngiti ni Bebe Gurl, ngiting mapanghusga. Hmpf! Hindi ko na sila hinatid palabas, pagkaalis nila ay diretso akong pumasok sa kinalulugaran ni Cedric na hindi ko pala dapat ginawa, bakit nga ba ako pumasok sa lugar na ito? Lalabas na lang sana ako pero napansin kong tulog naman na si Cedric kaya naupo na lang ako sa monoblock na nasa tapat ng kama niya.
Wala akong magawa habang nagpapalipas oras kaya naglaro na lang muna ako sa cellphone ko. Bakit nga naman ba kasi ang tagal dumating ng guardian nitong si Cedric? Sinugod na siya sa hospital pero hindi pa rin dumating ang parents niya.
Poor him.
Manghuhusga pa nga ba dapat ako? Hindi muna. May puso din naman ako kaya tikom muna ang bibig ko sa panghuhusga at panlalait, mas magandang laitin siya kapag gising siya.
"Hija?" Naibaba ko ang cellphone ko na pinagkakatitigan ko na lang pala habang nag-iisip. Naiangat ko ang paningin sa matandang lalaki na biglang sumilip dito sa kwarto ni Cedric.
"Ah..." Ano ba dapat ang sabihin ko? "Good evening po." Bahagya kong nilingon si Cedric mula sa kinahihigaan niya ngunit tulog pa rin siya. "Uhm... kayo po ba ang—"
"Yes, hija. I am Cedric's father... are you his friend?"
"Friend?!" G×ga ka, sige itanggi mo. Anong isasagot mo, b×lly? Ako po ang b×lly ng anak ninyo. "Ahhh... yes po!" Hindi pala magandang ideya na nagpa-iwan ako dito. Gusto ko ng umuwi! Agad-agad, walang pipigil!
"Salamat sa pagbabantay sa kanya..."
"Eilia po."
"...I see, salamat sa pagbabantay kay Cedric, Miss Eilia. Since nandito na rin naman na at ako madilim na rin, mabuti pa ay umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo."
"Pauwi na rin po ako. Hinihintay ko na lang po na dumating ang kuya ko." Bakit nga ba ang tagal ni Gerquien? Nakabalik na dapat siya dito ngayon ah! "Sige po, sa labas na po ako naghihintay—"
"Isn't it impolite if we will just let you wait outside?" Napalingon ako kay Cedric ng magsalita siya. Gising?! "Diyaan ka na lang maghintay."
"Anong impolite pinagsasabi mo? Normal lang maghintay sa labas ano, besides, nasa hospital kaya tayo, what do you expect ba?" Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko pero naalala kong nandito pala ang daddy niya, hindi magandang awayin ko siya dito. "Akala ko ba tulog ka? Nagpapahinga?"
"Nagpapahinga nga ako, nagpapahinga ang mata ko pero hindi ibig sabihin niyon ay inaantok ako. Gustong-gusto na pumikit ng mga mata ko pero gising na gising pa ang diwa ko for some reason kaya hindi pa rin ako makatulog." Paliwanag niya kaya napakibit-balikat na lang ako.
"Cedric, you haven't informed me on what happened." Biglang nagsalita ang daddy niya kaya pareho kaming natahimik. "Sinong may kagagawan niyan. Huwag kang mag-abalang magsinungaling sa akin at huwag mong idadahilan sa akin na ikaw ang nagsimula ng gulo."
"Pero ako naman talaga ang nagsimula ng gulo. Ako ang lumapit sa gulo."
"Hindi ikaw iyong tipo ng papasok at lalapit sa gulo. Pinagbantaan ka ba ng mga b×mugbog sa iyo kaya itinatago mo sa akin? Alam mo namang malalaman at malalaman ko pa rin ang totoong nangyari kahit magsinungaling ka hindi ba?"
"Aish! What the point of asking me if you can see through my lies? Dad!"
"Dahil gusto ko sa iyo ko mismo marinig ang nangyari. Kaya ngayon sagutin mo ako, anong nangyari at sinong may kagagawan niyan?"
"Cool..." Wala sa huwistyong sabi ko kaya napalingon silang dalawa sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-side comment lalo na at napansin kong napa-cool ng tratuhan nila sa isa't isa. Para lang silang magkaibigan kung mag-usap pero nandoon pa rin iyong pagitan na mag-ama sila. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at umiwas ng tingin kay Cedric ng mapansin kong pinagkakatitigan niya ako.
"May nambastos kasi sa babaeng nililigawan ko kaya napasok ako sa gulo. Satisfied?" Doon ako muling nagbalik ng tingin kay Cedric. Babaeng nililigawan? Sino ako? Dapat pala hindi na ako nag-abalang lumingon pa dahil ang t×rantado ginawa pa akong palusot. Sisigawan ko na sana siya na bakit hindi na lang niya sinabi ang totoo, feeling ko kasi pinalala niya lang iyong katotohanan.
"Miss Eilia." Napalingon ako sa daddy niya, medyo nawiwindang ako sa Miss na iyan. "Nagpapaligaw ka dito?"
Ang t×rantado mo kasi Cedric!
Tinignan ko siya at pinanlakihan ng mata pero nagkibit-balikat lang siya na para bang wala lang iyong sinabi ko.
"Ako na nagsasabi sa iyo, huwag ka mag-aabalang sagutin ito." Pagpapatuloy ng daddy niya kaya gulat akong napatingin dito.
Huwag sagutin? ‘Sus, para namang gusto kong sagutin iyang mokong na iyan, bukod doon, mukha bang papayag ako na magpaligaw sa kanya?! He's not my type anyway, sa dinami-dami ng lalaki na lalapit sa akin si Gerquien lang ang tatanggapin ko, kahit na si Vlade manligaw hindi ko rin naman siya sasagutin agad pero kay Gerquien, syempre Gerquien Mosilliea iyon eh, oo agad-agad, walang pipigil.
"Wala rin naman po akong interes na magpaligaw lalo na at naka-focus po ako sa—" hindi ko pa natatapos ang isasagot ko sa daddy ni Cedric ng bigla na lang humagalpak ng tawa ang g×go. Kung hindi lang ganyan ang sitwasyon niya malamang kanina ko pa siya nas×ktan kahit na nandito ang daddy niya. Bumuka sana iyang mga tahi ng sugat mo, hmpf! "May gusto ka bang sabihin ha?" Nakapameywang na tanong ko.
"N-nothing—BWHAHAHAHAHAHA!"
Naiirita ako sa tanong niya kaya nahila ko ang kwelyuhan ng damit niya pero tawa pa rin siya ng tawa.
"You are making jokes kasi kaya naman I'm... I'm laughing—BWHAHAHAHAHAHAHA!"
Nabitawan ko ang kwelyuhan niya bago ako mapahawak sa bibig ko dahil sa gulat. Anong ka-conyo-han iyon?! I don't know but it seems like I should have recorded that. "You are making jokes kasi kaya naman I'm laughing?!" This is hilarious, that was hilarious!
"Yah, Cedric. Gusto mo bang dagdagan ko iyang mga sugat mo?"
"No, no. Of course, no. HAHAHAHAHAHAHA But I can't stop laughing with your joke." Binitawan ko na ang kwelyuhan niya at nakasimangot na tumingin sa kanya, it is not like I can still do anything about him.
Pinagkrus ko ang mga braso ko at tinignan siya ng masama pero tawa pa rin siya ng tawa. Mabulunan ka sana sa sarili mong laway! Ako ang tatawa ngayon oras na mangyari iyon sa iyo.
"Eilia?"
Ngumiti ako ng mapagbanta sa kanya bago ako humarap sa likuran ko dahil nandoon na si Gerquien. Kung hindi ko lang agad nakita ang reflection niya sa salamin paniguradong nasaktan ko na ‘tong kumag na ‘to. Bahagya akong nag-bow kay... sa daddy ni Cedric na pasimple pala kaming tinatawanan o baka ako talaga ang tinatawanan niya?
"Good evening po, aalis na po ako." Paalam ko at nilingon si Cedric na tumatawa pa rin. Sana nga talaga mabilaukan ka sa sarili mong laway at bumuka sana iyang mga tahi mo! "Bye!"
Kinuha ko na ang gamit ko at tuluyang lumabas, inangat ko ang tingin kay Gerquien na naghihintay sa labas, sandali lang niyang kinausap ang daddy ni Cedric bago agawin sa akin ang bag ko. Nakangiti tuloy ako habang papalabas kami ng hospital, kinikilig. Sinong hindi kikiligin kung kinuha sa iyo ng crush mo iyong bag mo para siya na ang magbitbit? Manhid lang hindi tatablan ng kilig!
"Nagdadalaga ka na." Biglang sabi ni Gerquien habang tumatawa. Gulat naman akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
Nagdadalaga??!
"Ha? Bakit mo nasabi?"
"Lumalayo ka na sa crush,"
Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabi niya. Alam ba niya?! Kasi kung alam na niya tatakbo ako agad papalayo ngayon at lalangoy papuntang Pacific Ocean para lang makalayo sa kanya! "Eh? Wala akong naiintindihan."
"Puppy love..." Puppy love?! Hindi nga ako mahilig sa aso! "...kay Cedric." Nakangiting aniya at muntikan ko na siyang masipa dahil doon.
Parang gusto ko tuloy umiyak ngayon. Kay Cedric daw?! Eh nasa harapan ko lang iyong crush ko—puppy love—whatsoever! Nasa harap lang kita bakit nagtuturo ka pa sa malayo?
Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon para itanggi ang bagay na iyon. Kasi kapag tinanggi ko it's either aasarin niya ako o tatawanan lang kasi iisipin niyang idine-deny ko na may crush ako kay Cedric! Siomai! What to do now? M×gpatiwakal syempre!
Eilia, Eilia, Eilia! Kalma. Kilala nila si Catalina na matalino at mabait na bata pero si Eilia, hindeeeee! Kung mayroon mang nakakakilala kay Eilia malamang ay si Bebe Gurl lang iyon, kaya safe ako!
"I admire him... simula nang mangyari iyong kanina. Who wouldn't admire him ba after that?" I said casually pero nangingiwi na ako sa kinatatayuan ko, mabuti na lang at diretso sa daan ang tingin niya.
"Ohhh... I'm not expecting that you will admit it." Aniya at bahagyang natawa, naipaling ko pakanan ang ulo ko dahil sa biglaan niyang pag-akbay sa akin. "Basta Eilia, hanggang diyaan lang muna ah. Huwag kang magtatangkang hawakan ang bagay na hindi mo naman kakayaning hawakan ng pangmatagalan."
Ilang ulit akong napakurap nang iangat ko ang tingin sa kanya. Ano daw? "Wala akong naintindihan sa sinabi mo."
"Ang sinasabi ko lang naman, if ever mang gusto ka rin ni Cedric, don't let yourself to get in a relationship with him immediately." Relationship? With whom? "Walang tamang edad para sa pagpasok sa isang relasyon pero mayroong pinipiling sitwasyon." Relasyon... sitwasyon...? "Either it is out of love or force." Force?
At katulad ng parati kong nababasa sa mga libro, mayroon talagang mga bagay sa mundo na kahit anong pilit nating gustuhin ay hinding-hindi ito mapapasaatin kailanman. Nang mga tagpong iyon, isa lang ang malinaw sa akin, na ang lalaking gusto ko, seryoso man o hindi ang nararamdaman ko ay tanging nakababatang kapatid lamang ang tingin sa akin.
──────⊱◈◈◈⊰──────