bc

Unraveling The Viridian Hour

book_age18+
25
FOLLOW
1K
READ
dominant
student
comedy
sweet
bxg
campus
highschool
school
sassy
like
intro-logo
Blurb

She was hypnotized and He was manipulated by the science of love.

---

Eilia easily gets attracted to every men that she encounters: from their simple gestures, to their way of talking and the way they flirt with her as a consequence the moment she laid her eyes to Cedric she immediately assumed that he is already the one for her. A glances, a misunderstanding, an intimacy and... a kidnapping incident that could possibly end to a tragedy. Among her wishes does any of it will be granted and will she be able to unravel the science of love upon the Viridian Hour?

UNRAVELING THE VIRIDIAN HOUR

Date Started: October 14 2022

Date Finished:

Genre: Romance | Teen Fiction| Science Fiction

Language: Filipino

©All Rights Reserved 2022

chap-preview
Free preview
Prologue
ANG SABI KAPAG KAYONG dalawa ang itinadhana sa isa't isa para kayo sa isa't isa at walang sinoman ang makakapigil pa roon kahit na ang oras o ang ibang tao pa. Subalit paano kung pinag-uugnay nga kayo ni Tadhana ngunit pareho naman na kayong bumibitaw? Ang napakakapal na lubid na siyang nag-uugnay sa inyo ay sabay at marahan na ninyo pinuputol. Ang mga alaalang pinagsamahan, hindi man nililimot subalit binabago na. Sa kabilang banda, sa bawat putol ng maliliit na lubid na siyang bumubuo sa napakakapal na lubid ay siya ring unti-unting pagkawasak ng puso habang humihiling na sana ay makabalik pa... makabalik pa ako, makabalik pa ako sa mundo ko. Hihiling na sana ay hindi niya binitawan ang pangakong iyon nang sa gayon ay wala akong dapat na asahan pa sa pagbabalik ko. "W-where have you been?" "You look like a mess. Where have you been? What happened to you?" Nasasaktan ako. Sobra-sobra. Pero napagtanto kong kasalanan ko lahat ng ito, kung pinili kong makuntento sa kung anong mayroon ako ay nakakatiyak akong wala ako rito ngayon, maayos ang lahat. Nagulo lang naman ang lahat ng dahil sa akin, nang dahil sa kagagawan ko. Ang kaibigan ko... nagawang gawin ang bagay na kailanman ay hindi niya ninais gawin para lamang sa kapakanan ko. Dapat nga ba akong nandito? Tama lamang bang nakaligtas ako? Subalit para saan pa? Hiniling kong makabalik pero sino pa nga ba ang babalikan ko? Bakit nakalimutan kong wala na pala akong babalikan? Bakit...? Subalit saan nga ba nagsimula lahat ng ito? Paanong umabot lahat dito? Sa dalawang malaking pagkakamali na nagawa ko alin doon ang nagdala sa akin dito? "Project ba iyan?" Nakangiti kong inangat ang paningin kay Bebe Gurl ng tanungin niya ako, ipinagpatuloy ko ang paggupit sa picture ni Nikeris na ipinaprint ko. "Ibibigay ko kay Keith." Siomai! Kinikilig ako, na-i-imagine ko na agad kung paano matutuwa si Keith sa regalo ko! Tipong... "Advance Merry Christmas, Keith. Ito pa lang ang regalo ko sa iyo!" "Woah! Nikeris miniature standee? Ohh! I love you Eilia—" "Bakit? Anong mayroon?" Napatigil ako sa pag-i-imagine nang mang-intriga ang Bebe Gurl ko, umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko bago tignan isa-isa ang picture ni Nikeris. "Christmas gift ko." Humahagikgik namang tugon ko bago ilabas ang colored paper na gagawin kong pambalot ng regalo niya at doon ko inilagay ang binili kong bracelet, miniature standee ni Nikeris na gawa sa glass at kasama ang ilang pictures ni Nikeris na idol niya, kasunod niyon ay pumilas ako ng papel sa notebook ko at sinulatan iyon ng note bago ipaloob sa regalo ko. "May stapler ka?" Tanong ko kay Bebe Gurl na nakangiwing nakatingin sa akin. "Wala..." "Sayang," nakangusong sabi ko bago kalakalin ang bag ko. "Scotch tape?" "Wala rin." "Kahit anong pandikit wala?" "Wala pero may kanin ako, gusto mo?" "Bebe Gurl naman! Mamaya pag-abot ko nito amoy panis na ito." "Eh?" Napakamot siya sa ulo niya at nalilitong tumingin sa akin. Nginusuan ko siya bago ako napakamot sa ulo ko at tumayo sa kinauupuan ko sabay sigaw ng "SINONG MAY PANDIKIT? STAPLER? TAPE?" "Ako mayroon!" Sigaw ni Aron kaya napalingon ako sa kanya. "Electrical tape!" Abnormal. Sa asar ko itinaas ko ang middle finger ko at ibinigay iyon sa kanya. "Eilia oh!" Nilingon ko si Fiona na nag-abot ng stapler sa akin, patalon naman akong lumapit sa kanya bago tanggapin ang stapler. "Thank you, hulog ka talaga ng langit! Salamat!" Dali-dali akong bumalik sa kinauupuan ko at palihim na ini-stapler ang regalo ko kay Keith, nananatiling nakatingin sa akin si Bebe Gurl kaya inangat ko ang tingin sa kanya. "Don't yah worry, may gift din naman ako sa iyo!" Saad ko sabay taas ng dalawang kamay ko at nag-heart sign sa kanya. "Hindi ako nanghihingi ng regalo." "Pero kusang loob iyon, Bebe Gurl! Dahil la-loves kita bibigyan kita ng gift pero sa pasko na, mamamasko naman ako sa inyo eh." Biro ko sabay tawa at agad ko rin naman siyang nahawa ng tawa ko na abot hanggang sa itaas ng room. "Nga pala," natapos ko ng balutin ang regalo. "Palagi namang tahimik sa garden sa likod ng library ano?" "Mmm... bakit naitanong mo?" "Plano ko sanang..." Napahagikgik ako sa sarili kong ideya. "Yayain si Keith doon tapos iabot ko ito. Hehe!" "Kung iniisip mong magandang ideya iyan, ako na nagsasabi sa iyo na huwag mong ituloy. Ano na lang iisipin ng ibang tao kung makitang kayong dalawa lang ang nandoon?" Naipaling ko ang ulo ko bago ituloy ang ini-imagine ko kanina. "I love you, Eilia! Papakalasan kita ngayon din!" Ay shala, ang kilig ko walang pagsisidlan. "May... nakakatawa ba sa sinabi ko?" Nalilitong tanong sa akin ni Bebe Gurl, hindi ko namalayang tumatawa na pala ako dahil sa kilig. Buti na lang at hindi ako binubuking ng sarili ko ganitong kinikilig ako, tipong iniisip ko pero lumalabas na sa bibig ko! Shemay. "Wala naman." Napalingon ako sa pinto matapos kong makita si Keith na kakapasok lang, galing sa kung saan. Mabilis kong itinago sa bag ko ang regalo ko para sa kanya. Sana lang talaga at mag-work out ang plano ko ng sa ganoon kaming dalawa naman na ang mag-work out! Landeee! Hanggang sa dumating ang oras na pinakahihintay-hintay ko, uwian! Gusto ko na magmukhang ako ang pinakamagandang babae sa harapan ni Keith kaya hinila ko muna si Bebe Gurl ng walang pasintabi para samahan niya ako sa CR. "Ang pangit ko!" Himutok ko habang tinitignan ang sarili ko sa salamin, nakuha ko pa tuloy ang atensyon ng schoolmates ko na nandito sa tapat ng lababo. "Bebe Gurl, pulbo?" "Hindi ako nagpupulbo." Sabi niya kaya nalilito akong napatingin sa kanya. Ang bruha mo kasi Eilia, hindi mo inaayos iyang sentence mo! "I mean, paabot iyang pulbo sa bag ko. Pakuha na rin iyong lip tint, salamat!" "Ginawa mo pa akong assistant mo." Narinig kong bulong niya pero kinuha pa rin niya ang powder at lip tint sa bag ko, sorry na, tinamaan ng charm ko maging best friend ko eh! Nang maibaot niya sa akin ang powder ay lip tint ay mabilis ko namang inayusan ang sarili ko pero napatigil ako sa pag-aayos sa sarili ko bago lingunin si Bebe Gurl at abutan siya ng pulbo. "Mas mukha kang haggard sa akin... baka naman—" "Ayaw ko." "Ang bilis ng sagot ah pero hindi ka naman allergic sa powder hindi ba?" Nagtataka pa ring tanong ko ngunit umiling siya bilang tugon. "Ha? Kailan ka pa naging allergic sa powder?" "Allergic mentally." Gulong-gulo ako sa sagot niya at dahil alam kong hindi ko rin naman siya maintindihan ay hindi na ako mag-abalang magtanong pa, like para saan pa ang pagtatanong kung hindi naman maintindihan? Haler. "Bebe Gurl." "Hmm?" "Kinakabahan ako na naiihi na kinikilig na na-e-excite, parang gusto ko umurong ang kaso gusto ko pang marinig iyong ‘I love you’ niya." "Anong ‘I love you’?!" Gulat na tanong niya sa akin kaya napahagikgik naman ako bago umangkla sa braso niya. "Ni ano... enebe! Wait lang, OMG kinikilig ako!" Huminga muna ako ng malalim at ngumiti sa kanya. "Syempre kapag natuwa ng sobra sa akin si Keith... you know!" "Hoy!" Binelatan ko lang siya ng bigla siyang magseryoso. "Ang crush, crush lang, ano ngayon iyan?" "Hindi naman masamang mangarap eh." Giit ko. "Iba ang nagpapantasya sa nangangarap." At iyan na siya sa pag-le-lecture sa akin kaya hindi ko na siya pinansin ng makarating kami sa tapat ng classroom ay nandoon pa rin sina Keith pero nakauwi na ang ilan sa mga kaklase namin. Huminga ako ng malalim bago lapitan si Keith. "Hello!" Mabilis ko namang nakuha ang atensyon niya. Anong sasabihin mo ngayon?! "Ahh... Keith, ayos lang ba na ma-istorbo kita?" Nakikipagtawanan pa siya sa mga tropa niya bago ako harapin ng maayos. "Ano iyon—? HAHAHAHAHA g×go sandale! Sandale!" May sinasabi pa ang mga tropa niya sa kanya kaya hindi niya ako magawang harapin ng maayos. "Oh Catalina," sa wakas ay nakaharap na niya ako ng maayos, pero tinawag ako sa apelyido ko, hmpf! Ikaw din, sa susunod na may tumawag sa apelyido ko pati ikaw mapapalingon kasi iisa na ang apelyido natin. "Ano... may sasabihin sana ako, importante eh, doon sana tayo mag-usap sa tahimik." Sabi ko at nakangiti naman siyang tumango sa akin para sumunod, pasimple ko pa sanang kakawayan si Bebe Gurl ng makasalubong ko siya pero abala siya sa pagdo-doodle sa notebook niya kaya nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa lugar na napili ko dito sa school para magawa kong makausap ng tahimik si Keith ng kaming dalawa lang. "Anong mayroon?" "Advance Merry Christmas!" Sambit ko sabay abot ng regalo ko sa kanya. Gulat naman siyang napatingin doon bago tanggapin iyon. Naghihintay ako ng ‘I love you’! "Pwede mo ng buksan iyan, for sure magugustuhan mo iyan—" hawak-hawak pa naming dalawa ang magkabilang dulo ng regalo ng may bato na bigla na lamang tumama doon sa regalo ko kasunod niyon ay ang tunog ng salaming nabasag! "HALA!" Dala ng gulat ay ako na mismo ang nagbukas ng regalo na dapat ay si Keith ang magbubukas. "Catalina, ayos lang..." "Hindi. Hindi ayos ito." Nagsisimula na akong ma-frustrate habang nakatingin sa regalo ko para sa kanya na sira na ngayon. "Paano mo..." Itinago ko na sa likuran ko iyong regalo na dapat ay ibibigay ko. Sisiguraduhin kong magbabayad iyong taong may kagagawan nito. Bato ang tumama, imposibleng aksidente iyon. "Pasensya na kung naabala kita... next time ko na lang iaabot ang Christmas gift ko sa iyo." "Mmm... sure." Cool na sabi niya bago mamulsa at iwan ako sa kinatatayuan ko. Napabuntong hininga na lang ako para ikalma ang sarili ko pero walang silbi iyon dahil tumulo na ng tuloy-tuloy ang luha ko dulot ng frustration, hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko sa halip ay umiyak ako ng umiyak habang inaalala ang perfect scene na dapat ay mangyayari kung hindi lang nasira all of the sudden ang regalo ko! Tumigil lang ako sa pag-iyak ng may ilang mga bato na siyang tumama sa paanan ko at sa ilang parte pa ng lupa na malapit sa akin, inilibot ko ang paningin ko at doon nakita ang salarin na naroroon sa likod ng malalaking halaman, may kung anong ginagawa doon habang nakasalpak ang earphones sa magkabilang tainga niya, nakafull volume, rinig na rinig ko pa ang pinakikinggan niyang kanta. Sa inis ko ay hinila ko ang earphones niyang nakasalpak sa tainga niya, sa lakas ng pagkakahila ko ay naputol iyon at napaupo siya sa lupa. Nalilito naman siyang nakatingin sa akin habang p×napatay ko siya ng tingin, pabato kong ibinalik sa kanya ang kabilang bahagi ng earphones niya. "Ang kapal ng mukha mong sirain ang plano ko!" Bulyaw ko sa kanya pero pinalingan lang niya ako ng ulo. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at halos matawa na lang ako sa hitsura niya. "Sa hitsura mong iyan nasira mo ang araw ko, really?" Humalukipkip ako. "Ang jologs mong tignan, iyang damit mo ilang bagyo ba ang pinagdaanan niyan kasama iyang pants mo, wow. At alam mo kung ano ang worse? Iyang pagmumukha mo, bakit ba kasi may mga taong ipinanganak pa na tulad mo? Sa dinami-dami ng sperm cell bakit ikaw pa ang naka-survive?" Nakahalukipkip pa rin ako habang masama ang tingin sa kanya ng tumayo siya, umarko lamang ang kilay ko makita kung gaano siya katangkad. Tss. "I'm not aware na may lahi ka rin pa lang kapre o baka kapre ka talaga na naburyong kaya bumaba ka mula sa Puno ng Balete na tinitirhan mo?" "Anong ginawa ko sa iyo?" Diretsong tanong niya sa akin. Nang-aalaska naman akong natawa. "May lakas ka pa talaga ng loob na magtanong?" "Wala ba akong karapatan na magtanong? I'm doing my own business here ng bigla mo na lang hablutin ang earphones ko at sinira mo pa then what you did after that? Nilait-lait mo na ako. I don't even know you." "I don't even know you?" Inulit ko ang huling linya na binitawan niya. "As if I want to know who you are, ngayon pa nga lang naiimby×rna na ako sa presensya mo gugustuhin ko pa kayang makilala ka? Your ugly face doesn't even belong in this planet." Sa pagkakataong iyon, sa mga oras na iyon, wala akong kaide-ideya na nagawa ko na pa lang tawirin ang unang hakbang para lamang maiwala ko ang sarili ko; nagawa ko ang kauna-unahang hakbang para sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ko sa tanang buhay ko at iyon ay nang pinasok ko ang mundo niya, na maging ang paghiling sa mga tala ay wala ng mapapala. ──────⊱◈◈◈⊰────── Disclaimer: - This is a work of fiction. Names, characters, places, events, government and businesses were from the author's imagination. Any resemblance to living or dead is purely coincidental. - There are sensitive things and topic that will be tackled and mention ahead. Reader's discretion is advised. Nevertheless devices and the system used were fictional. UNRAVELING THE VIRIDIAN HOUR Date Started: October 14 2022 Date Finished: Genre: Romance | Teen Fiction | Science Fiction Language: Filipino ©All Rights Reserved 2022

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook