Chapter 1

2175 Words
Chapter 1 | THE NEW ERA [MI LOST WISH#1] Sa iyong ngiti ako ay naaakit. Sa talang nagniningning aking hiling, iyong ngiti, sana'y ‘di hatid pasakit. EILIA'S POV "What did you said? They fired you, oh my gosh! Come over, seat here and relax. Everything will be fine, honey—Do you..." Muntikan ko ng mabitawan ang linya ko dahil sa biglaang hiyawan ng mga kaklase ko. Oh my so my gosh kayo guys, aren't you all gonna calm down ba? Bahagya akong ngumiti bago ituloy ang sasabihin ko. "Do you want some juice ba to ease your pain?" Okay, what is with sudden ‘ba’?! Ang ka-conyo-han sa pag-iinarte lang ginagamit iyan at hindi sa pag-arte. Iyong one hundred baka maging seventy-five! "I don't need anything, just stay beside me, will you?" "Ohhh Honey, of course, of course. I'm here, always with you." Umupo ako sa tabi ni Vlade at bahagyang yumakap sa kanya. Chansing ang tawag diyan! Nagsimula na namang maghiyawan ang mga kaklase namin dahil sa pagtatapos ng play. "Payakap nga rin Vlade!" "Honey~!" "Wala na, may nanalo na. Masyadong ginalingan eh. Bigyan ng jacket iyan!" Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Vlade, nagkunwari pa akong nangilag at nailang sa kanya nang hindi niya mahalatang nag-enjoy akong yakapin siya. At sinong hindi mag-e-enjoy sa yakap ng isang Vlade Velasquez? Tumayo kaming magkakagroup sa center at nag-bow in unison bago bitawan ang katagang "Thank you for watching!". Sinong hindi pa nauumay sa linyang iyan after role play? "Let's gave a round of applause to last group." Sabi ni ma'am at nagsipalakpakan naman ang mga kaklase namin, may mga pasaway ma sumipol-sipol, sumigaw at may naghampas-hampas pa sa table. "Everyone, you did great! Congrats, natapos din tayo sa stage play, although nasa classroom lang tayo... hehe!" Sambit ni Vlade na siya ring leader ng group namin, ngiti lang ang itinugon ko pero hindi ko inaasahang lilingunin niya ako para kausapin. "Eilia." "Yeah?" "I'm not expecting the improvement in you acting skills, haha!" Bahagya akong ngumiti bago kuhain ang wet wipes at linisin na ang mukha ko. "If you don't mind, I'd like to work with you in other stage plays again." Huminto ako sa paglilinis ng mukha ko dahil hindi ko gaaanong naintindihan ang sinasabi niya ganoong ina-announce na ni ma'am ang grades ng bawat group. "Pardon?" "I said I'd like to work with you again in the future stage plays!" Okay, voice distortion. Ano daw? He likes me daw ba and he wants me to work with him in reality not just in stage plays? Nakuha ko ba ng tama ang sinasabi niya?! Nahihiya na akong magtanong ulit! Siomai! "Yeah, yeah." Naisagot ko na lang dahil nag-iingay na talaga ang mga kaklase namin, dinaig pa ang nakawala sa animal zoo. "It is fine as long as I know that you are with me." Paki-decode ng maayos iyong message, Vlake! Natapos ang English time ay ang ingay pa rin ng mga kaklase ko, break time ang kasunod kaya dumoble pa ang ingay nila, hindi na ako nag-abalang bumaba ng lavatory dahil sa room pa lang ang ayos-ayos ko na. Ibinalik naming lahat ang ayos upuan bago kami magsilabas para sa break time, nabibigatan pa ako sa pagtulak sa upuan ko ng tulungan ako ni Vlade na ibalik iyon sa ayos. Sandaleeeee! Wala sa maayos na sitwasyon ang puso ko kaya umayo-ayos ka Vlade! "Thank you." Simpleng sabi ko matapos ang ginawa niyang pagbalik ng upuan ko sa tamang kalulugaran nito. "No worries." Umalis na siya subalit ang ngiti sa labi ko ay hindi pa rin umaalis hanggang sa nagsisimula na naman akong magdaydreaming ng kalabitin ako ng best friend ko. "Yes, Honey?" Nang-aasar na tanong ko sa kanya, inaalala ko pa rin kung gaano ako ka-close physically kay Vlade kanina. "May baon ka na?" Mabilis akong tumango. "Dito na tayo kumain. Anong pagkain mo?" "Siya." Medyo wala sa hulog na sagot ko at kahit hindi nakakatawa ang sinabi ko ay natawa pa din ako para sa sarili ko dahilan para tignan ako ng masama ni Bebe Gurl, mabilis kong itinaas ang kamay ko sabay peace sign. "Tsk! Alam mo ba kung ano ang pinagsasabi mo?" "Uhuh." Sagot ko naman na lalo niyang ikinaasar, wala naman na siyang sinabi at naupo na lang sa tabi ko pero napansin ko pa iyong mumunti niyang pag-irap. Bebe Gurl, Bebe Gurl, Bebe Gurl, tsk, tsk, tsk! "Gaano kataas?" Biglang tanong niya habang binubuksan ang lunch box niya. Nginuya ko muna ang nasa bibig ko bago siya tanungin. "Gaano kataas ang alin?" "Iyang kilig mo ngayon," nakangising aniya kaya napangiti ako ng wala sa hulog. "Nakita kong kinausap ka ni Vlake kanina." Naalala ko na naman tuloy ang tungkol doon na ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng manga yari, grabe ang pagpipigil ko sa kilig ko kanina kaya ganoon na lang kabilis ang pag-init at pamumula ng pisngi ko, napapadyak pa ako sa sahig dahil sa kilig. Siomai! Mabuti na lang at may kanya-kanyang business ang mga kaklase namin kaya nakakapagsariling mundo kami ni Bebe Gurl ko. "Paano kayo kung hindi ako nakpagpigil kanina? Tipong mapapasabi na lang ako ng ‘I like you’ out of nowhere!" "Tapos tutuginin ka niya ng ‘I don't like you but I don't hate you either’." Ganti naman ni Bebe Gurl kaya tinignan ko naman siya ng masama. "Possibilities, Eilia. Possibilities." "FYI, for your ikaka-wonder, mapa-possibilities kita diyaan eh! Alam mo, malaki ang possibility na masapok kita, agad-agad, walang pipigil. Do you want a pasa in your face ba? Just tell me lang ah." "At saan mo na naman mapulot iyang ka-conyohan mo?" "Somewhere, somewhere. Bakit ba?! Do you have any problem about me being conyo ba?!" Natatawa naman siyang umiling bago sumubo. "Wala naman. Medyo lang, medyo nakakatanggal angas lang." Aniya sabay halakhak. Ay oo, ako naman kasiyahan mo eh, pipigil pa ba ako?! Napangiwi na lang ako ng bigla siyang huminto sa pagtawa, may napansin sa pintuan at saka inginuso sa akin. Napanguso rin tuloy ako, nalilito. "Sa pinto, pinaggawa mo diyan?" "Hmpf!" Inismiran ko lang siya bago lumingon sa pintuan. Mabilis kong napunasan ang labi ko ng makita si Keith sa pintuan. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya kaya iniwanan ko muna ang pagkain ko. "Babalik din ako ah." Paalam ko kay Bebe Gurl pero hinawakan niya ang braso ko at pinigilan ako. "Sasamahan kita." "Hmm? Hindi, hindi na kailangan, sandali lang naman ako saka baka about sa Yes-O iyon." "Sigurado ka?" Tanong niya sa akin at bahagyang nag-iwas ng tingin sa akin. Anong problema niya? Nag-bend down ako malapit sa tainga niya para lamang bumulong. "Nag-iinit ba pakiramdam mo ngayon?" "Medyo, pero hindi naman ganoon kalala." "Medyo? Hindi kaya dahil lang iyan sa init ng panahon?" Maagap siyang umiling para lamang itanggi ang hinuha ko. Napakibit balikat na lang ako at tinapik siya sa braso. "Babalik agad ako. Besides, nasa school grounds tayo. Sa possibilities ano doon ang posibleng dahilan para mapahamak ako?" Nakangiting tanong ko pero mabilis na naglaho ang ngiti ko dahil sa bilis at direktang sagot din niya. "Si Keith. Maaaring siya ang maging dahilan para mapahamak ka." Walang pakundangan at may kalakasang aniya kaya napalingon pa tuloy ang ibang kaklase namin sa aming dalawa. Alanganin akong tumawa para kahit papaano ay mapagtakpan ang sinabi niya. "Wala ka talagang sense of humor, Bebe Gurl. Sige na, sandali lang naman ako, babalik din agad ako before mag-start ang next class natin." Sabi ko at patalikod ng kumaway sa kanya bago ko lapitan si Keith na naghihintay na sa tapat ng room namin kasama ang dalawa sa mga tropa niya si Jeno at Oliver. "So, anong mayroon?" Bungad ko kay Keith. "Biglaan ito Eilia, sorry. Well if it is fine with you can you at least hear me out?" Pasimple kong nilingon si Jeno at Oliver na tahimik lang na nakikinig sa amin ni Oliver, magkakaklase kami last year, noong grade seven pero wala akong ideya na pagtuntong namin ng grade eight ay hindi ko na sila kaklase, nasa class 2-A kasi ako samantalang napadpad naman sila sa Class 2-B, hindi man pinagpala ng katalinuhan si Keith katulad ko, ang mukha naman niya ay tila ba iniukit ni Michael Angelo dahil sa bawat detalye. "If you don't mind, can we talk in an isolated place?" Hinawi ko ang buhok kong hinangin bago siya tanguan. "I don't mind." Napangiti naman siya ng todo dahil sa naging tugon ko bago niya ako pasunurin sa kanya, dala ng matinding excitement ay hindi na ako nagdalawang isip pa na sumunod sa kaniya, who would know? Baka dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko, sa mga nagdaang taon, baka na-realize na rin ni Keith ang nararamdaman niya para sa akin. Pasimple akong napahagikgik habang sumusunod sa kanilang tatlo. I can't imagine that this day will come, sa ilang taon na pasimple at palihim kong hinahabol si Keith, darating din pala ang araw na magagawa niyang mag-confess sa akin. Ito iyong sinasabi ng matatanda na kapag may itinanim, may aanihin. Sariwang-sariwa pa ang aanihin ko, kung kaya't oras na maani ko ito paniguradong ipe-preserve ko ng bongga-bongga para lamang sa sarili ko. "Nakakain ka na ba?" Tanong sa akin ni Keith habang patungo kami sa sinasabi niyang isolated place. Ang nasa isip ba niya ay i-re-reject ko siya right away kapag nag-confess siya sa akin kaya gusto niyang pumunta kami sa isolated place para hindi siya mapahiya? Grabe lang, wala naman akong plano na i-reject siya, paulit-ulit ko siyang i-a-accept sa buhay ko, agad-agad, walang pipigil! "Kakatapos ko lang kumain." Swabeng sagot ko, kahit na ang totoo ay hindi ko pa nakakalahati iyong baon ko. "Wala ka naman ng gagawin?" Tumango ako. "What about preparation for stage play in English?" "Kakatapos lang ng stage play namin, actually ang group nga namin ang highest eh." "Really?" Nakangiting tanong niya, mabilis naman akong nahawa sa ngiti noyang iyon. "Mauuna nga pala ang English ninyo kumpara sa amin ano? Anyways, let me guess, you are the main character in the play." "Best actress ito eh." Turo ko sa sarili ko sabay halakhak. "Avoid expecting the expected when it comes to me." Lumapad ang ngiti ko ng hawakan niya ang kamay ko dahil napadaan kami sa ilang stalls kung nasaan ang ilan sa schoolmates namin na abala sa pagbili ng kanya-kanya nilang pagkain para ngayon break, ang higpit ng hawak ni Keith sa kamay ko na para bang mawawala ako anytime sa dami ng tao kahit na nandito lang naman kami sa school. Nakagat ko na lang ang labi ko, once na maging kami ba ay ganito din siya ka-protective? Matapos naming makalayo sa stalls ay hawak pa rin niya ang kamay ko, gusto ko mang bumitaw dahil baka may makakita sa amin ay hindi ko ginawa. Kung may Precambrian Era, Palaeozoic Era, Mesozoic Era at Cenozoic Era ngayon ay may nadagdag at iyon ang Eiliande Era. By any means, kung may makakita man sa amin ni Keith sa sitwasyong ito madali na lang na mag-cover up at itago ang totoo sa parents ko, ganitong napipinto na ang pag-amin ni Keith sa akin. Dire-diretso pa rin ang lakad naming dalawa, si Jeno at Oliver ay hindi ko na makita. Naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko, may tumatawag mula Plastizism pero ng makita ko kung kaninong pangalan iyon ay pinatayan ko lang ng tawag ang caller instead na sagutin iyon. Washington! My mortal enemy. There's no way that he'd call me. Baka nga kahit na nasa bingit na siya ng k×matayan piliin pa niyang m×matay na lang sa halip na humingi ng tulong sa akin. "Eilia." Inangat ko ang tingin kay Keith na huminto na siya sa paglalakad. Inilibot ko ng tingin ang paligid, of all place talagang dito niya ako dinala? Sa sirang building na ilang taon ng hindi naaayos. Maaayos lang ito kapag naka-graduate na kami rito! Alanganin akong ngumiti kay Keith. "Is this your definition of... isolated place?" Okay, it is Keith naman, everything will be fine... I think. "Why... why did you brought me here?" "You like me, right?" Diretsang tanong niya, bigla na lang napalitan ng nakakakilabot na boses iyong boses niya, nawala iyong... softness. Should I sagot him straight ba o dapat muna akong magpaligoy-ligoy? "Well, Keith." "Are you going to deny it?" "H-ha? No. Hindi sa ganoon, I'm just—nalilito ako, this kind of weird feeling that I cannot explain. Bakit... bakit mo nga ba kasi ako dinala dito?" Inilibot ko ulit ang tingin sa paligid, those damage chairs, the burned visual aids, some ants that were playing around—I bet there are mice living here! "Eilia—" Tangkang hahawakan ako ni Keith sa braso nang mayroong estranghero na sumulpot mula sa kung saan. Litong-lito akong nakatingin sa estrangherong biglang dumating, naguguluhan ako, iyong mga tanong ko hindi nila binibigyan ng sagot! Itutulak ko sana palayo ang estrangherong nasa harapan ko ngunit mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at diretsong sinalubong ang tingin ko. "Don't." ──────⊱◈◈◈⊰──────
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD