Chapter 2

2421 Words
Chapter 2 | CURSES AND CURSES [MI LOST WISH#2] Aking hiling sa Kadiliman Ika'y naririyan kasama ang iyong Kundiman EILIA'S POV Dala ng excitement ko sa biglang pag-aya sa akin ni Keith dahil may sasabihin daw siya ay hindi ko na nagawang mag-isip pa ng maayos, nang mga oras na iyon ang tanging nasa isip ko lang ay gusto ko siyang makasama kahit saan pa kami magpunta at huli na ng mapagtanto kong mali, maling-mali na hindi ko pinairal ng maayos ang pag-iisip ko. "Eilia." Takot ang siyang bumalot sa akin ng marinig ko ang boses ni Keith, gustong-gusto kong naririnig ang boses niya subalit ngayon gusto ko ng tumakbo papalayo marinig ko pa lang ang boses niya. "Anong sasabihin mo sa akin?" Tanong ko at kahit napapansin kong may kakaiba na rito ay pinanatili ko ang pagiging kalmado ko. Baka ako lang talaga itong nag-iisip ng maganda. "Can you believe it?" Natatawang tanong niya bago humakbang paabante, sabi ko sa sarili ko ay manatili lang akong nakatayo sa kinalulugaran ko pero nagkusa ang mga paa ko na umatras. "You like me," o paano mo nalaman?! Ay oo nga pala, kalat sa buong Class 2-A at 2-B na may gusto ako kay Keith, totoo naman iyon ang kaso wala akong ideya kung bakit maraming nakaalam ng tungkol doon, tungkol dito. "And... I like you too." tangkang hahawakan niya ang kamay ko ngunit umiwas ako. I like you too?! Matagal ko ng hinihintay na marinig iyon mula sa kanya at alam ko na dapat ay matutuwa ako oras na marinig ko iyon mula sa kanya subalit hindi ako nakakaramdam ni katiting na tuwa ngayon, labis na takot at kaba ang nararamdaman ko sa hindi maipaliwanag na dahilan o maaaring dala lang iyon ng lugar kung nasaan kami ngayon. Pasimple akong napahawak sa dibdib ko. What if...? Nasapian si Keith? Sa pagkakaalala ko ay may estudyanteng namatay dito sa building na ito ng lumindol noon. Holy crap! Dapat na ba akong tumawag ng albularyo? Pari?! "Keith..." "Eilia." Posible bang kilala siya ng multo kaya nagresponse siya ng tawagin ko siya sa pangalan niya o baka magkapangalan sila—pero binanggit niya ang pangalan ko! Magtigil ka nga, Eilia! Talagang maniniwala ka pa sa ganyan? Talaga?! Uulitin ko talagang naniniwala ka sa ganyan? Pinagtangkaan niya muling hawakan ang kamay ko ngunit iiwas pa lang ako ay may naramdaman na akong humawak sa braso ko at walang sabi-sabi na hinila ako palayo mula kay Keith. Gulong-gulo ang utak kong napalingon sa estrangherong humila sa akin—hindi ko magawang direktang tukuyin kung estrangherong nga ba siya ngunit alam kong parati ko siyang nakikita. Anong ginagawa niya dito? Aalisin ko sana ang pagkakahawak niya sa braso ko subalit tinignan niya ako ng diretso sa mga mata. "Don't." Sa isang bitaw lamang niya ng salita ay mas lalo akong naguluhan, mas lalo akong nalito. Ang takot at kaba na siyang nangingibabaw sa akin kanina ay tila ba bula na naglaho, hindi ko na magawang mahanap pa kung saan naroroon ang takot at kabang iyon, gayunpaman, nasa sariling kontrol pa rin ako. Inagaw ko ang braso ko sa kanya, binitawan niya ako ngunit hinawakan naman niya ang laylayan ng uniform ko. Ano bang problema niya? Anong ginagawa niya rito? Come on, come on, Eilia. He must be one of those guys who likes you—‘yung totoo, hindi iyon ang nakikita ko ngayon. "Tss!" Narinig kong asik ni Keith kaya napalingon ako sa kanya, iyong mala-anghel niyang mukha ay biglang naglaho, para bang may masasamang elemento na nakapalibot sa kanya. Malamang mga engkanto iyan na naninirahan dito sa sirang buildings! "At sino ka naman? Imbitado ka ba rito?" Galit na tanong niya sa estrangherong nakahawak pa rin sa laylayan ng uniform ko ngayon, dalawang beses na magkasunod akong napalunok dahil sa takot kay Keith. What is wrong with him? Nilingon ko ang lalaking kasama ko, nakatingin lamang siya kay Keith mukhang walang ideya kung ano nga ba dapat ang siyang sasabihin niya, nagulat na lang ako ng bitawan niya ang laylayan ng uniform ko at hinawakan ang kamay ko. Iyong paraan ng paghawak niya sa kamay ko... kakaiba ang dulot sa akin, may mumunting kalyo man ang kamay niya subalit iba ang idinudulot na init niya sa akin. "Eh?" Kumunot ang noo ko ng ipaling niya ang ulo niya at nagtatakang tumingin kay Keith habang kamot-kamot niya ang tainga niya. Eww! "May invitation ba dapat? Sorry, mas masaya mag-gatecrash." Invitation? May party ba? Ako mismo walang invitation! Sabi na at napapraning lang ako eh. Malamang kaya ganyan ang gestures ni Keith dahil kinakabahan siyang mag-confess sa akin. Nga naman. Sa huli, nasa akin pa rin ang pinakamatamis na ngiti. "Umalis ka na dito." Utos ni Keith sa estrangherong nakahawak pa rin sa kamay ko. Marahan kong iginalaw ang mga daliri sa kamay ko para lamang bumitaw siya, nalilito siyang napatingin sa akin subalit ako itong mas nalilito sa kanya. Kung wala lang si Keith dito malamang ay kanina ko pa siya nasaktan. Ang kaso kaya nga siya pumunta dito para... para saan nga ba? Nang maagaw ko ang kamay ko mula sa kanya ay hinarap ko si Keith na halos patayin na siya ng tingin. "Keith, bakit ba—woah! Anong mayroon?" Mas lalo akong nalito ng hilahin na lang ako basta ni Keith palayo sa estrangherong iyon. "Tss! Just join if you want to join us pero sa akin ang pinakamalaking parte." So may party nga? Party para saan? Sa akin? Confession party ni Keith... na para sa akin lang?! Omo! The thing is... anong partihan? Pinakamalaking parte? "Hoy!" Mas lalo akong naguluhan ng tawagin ako ng schoolmate ko na bigla na lang sumulpot dito. Ako ang tinawag niya. Hoy? "Sasama ka talaga sa lalaking ito?" Bakit? Hindi pa dapat? Sasagutin ko pa lang sana siya ng hatakin na naman ako palayo ni Keith mula doon, mahigpit ang hawak niya sa braso ko kaya napapahiyaw na ako sa sakit subalit tila ba wala lamang iyon sa kanya. Sasabihin ko na sana siya na nasasaktan na ako subalit kusang lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko, napansin ata niyang nasasaktan na ako sa paraan ng paghawak niya subalit hindi tulad ng inaasahan ko ang nangyari. "G×go ka ba?" Pasigaw na tanong niya sa schoolmate namin. Naipaling ko ang ulo ko, lalo akong nalito. "Anong mayroon?" Tanong ko ngunit wala namang sumagot ni isa sa kanila. Binabato na ng masamang tingin ni Keith ang schoolmate namin—I know him, I really do pero naiirita ako sa pangalan niya, sumagi lang sa isip ko iyon kasumpa-sumpa na, isa pa parang may masamang mangyayari kapag binanggit ko ang pangalan niya. There's no need to make mention of him name after all. "Nagagalit ka?" Parang t×ngang tanong Niya. Hindi ba obvious? Ano ba kasing ginawa mo at ginalit mo si Keith? Napatingin ako sa flakes na hawak-hawak niya. Pagkain ba iyon? "Hayss." Buntong hininga niya bago ibulsa iyong flakes na nasa kamay niya. Baka dr×gs?! "Mali ba na nag-expect akong matuwa ka? I throw a high quality mica to you, its sheet cost around two thousand dollars per kilogram." Nagbato siya?! Nang ano? Pera daw ba? Siomai. Ako na lang sana binato mo, agad-agad walang pipigil. Two thousand dollars? As in... magkano nga ba iyon? Around one hundred thousand?! "Alam mo punong-puno na ako sa iyo, Cedric Rutherford!" Bulyaw ni Keith sa kanya at huli na para mapigilan ko siya, nakita ko na lang siyang nakaibabaw kay Cedric at walang tigil na pinags×suntok ito. Siomai, Siopao, Suman! Umawat ka Eilia! Iangat mo iyang buhok mong nakalaylay kasi pinag-aagawan ka! Fried Siomai! "K-Keith! Tama na ‘yan!" Dapat ba akong lumapit? Paano kung ako naman ang m×saktan? May gusto sa iyo ‘yan Diwatang Eilia, hindi ka s×sapakin niyan! Oo nga naman. "Keith, tama na. Keith!" Sigaw ko at buong pwersa siya na hinila palayo kay Cedric. A B C D E F G H I J K L M N O P S for siomai, shut×nginamers at sumpa!♪ Sabi na nga ba at may sumpa ang pangalan ng walang hiyang ito eh plus mukhang ipinanganak ata siya para maging third party. Ano nga ba naman kasing ginagawa niya rito? Nang mailayo ko si Keith mula kay Cedric at saka ako nagkaroon ng pagkakataong lapitan si Cedric at tulungan siyang bumangon, pinunasan niya ang labi niyang p×mutok at nakangiwing inangat ang tingin kay Keith. "Aish! Bakit mo naman ako sinuntok ng limang beses? Alam mo ba kung gaano kasakit iyong ginawa mo? Tsk! Tsk! Tsk!" Anas niya at hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang paraan ng pananalita niya sa sitwasyong ito. "Yah, Eilia." "Ano?" That's rude. Hindi ko alam. Siomai. Bigla akong nataranta sa pagtawag niya sa pangalan ko, ganitong malapit ako sa kanya. Why did he popped out of nowhere nga ba kasi? "Sasama ka talaga sa lalaking iyan?" Tanong niya habang nakatingin sa akin ngunit ang hintuturo ay nakaturo kay Keith na nagtitimping saktan siya. "Hindi ba dapat?" "Akala ko ba ikaw ang pinakamatalinonsa buong batch ng Class 2. T×tanga-t×nga ka naman pala." "What did you just say?!" Bulyaw ko sa kanya sabay hampas ng malakas sa braso niya. "Aww! Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kasi alam mo... kung hindi ka t×nga in the first place wala ka dito at hindi mangyayari sa akin ito." Sabay turo sa mukha niya. Umiwas ako ng tingin bago sumimangot. "Kasalanan ko pa ngayon?! Ako pa? Eh wala nga akong alam kung anong nangyayari dito plus hindi ko rin alam kung bakit nga nandito eh!" "Tss! Hanggang acads ka lang. Kapag inilagay ka sa kweba nang mag-isa malamang hindi ka makakaisip ng paraan para lumabas doon. Mag-s-stay ka lang at iiyak ng iiyak." Anong—? Ah sige, aangal ba ako eh totoo naman pero iyong sabihin niyang ‘hanggang acads’ lang ako? Teka ah, sagad sa buto iyong sakit. So all this time iyong pag-e-excell ko academically ay hindi pa pala sapat? Kulang pa rin pala iyon... bakit nga ba ngayon ko lang naintindihan iyon? Simula't sapul kitang-kita ko naman na ang sagot pero hindi ko pinansin at humanap ako ng sagot na papanig sa akin. Okay, okay, I should thank him, hindi ba? "Hindi mo pa rin nakukuha ano?" Tanong sa akin ni Cedric at nauna ng tumayo, inalalayan niya akong tumayo at dahil okupado pa ang isip ko ay hinawakan ko na lang ang kamay niya para makatayo ako ng maayos. "Tumingin ka doon," may itinuro siyang isang sulok mula dito sa kinalulugaran namin, sa likod ng ilang upuang sira ay may taong nagtatago doon. "pati doon..." aniya sabay turo naman sa kabilang parte nitong sirang classroom. "...at doon." turo niya sa daan patungo sa kabilang parte ng sirang building. "Mga tropa ni Keith iyan. Kung napakasimpleng bagay lang ang sasabihin ni Keith sa iyo, bakit ka niya dito dadalhin habang nagtatago sa tabi-tabi ang mga tropa niya?" Naguguluhan akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam ang sagot. Wala akong ideya na nandiyan ang mga kaibigan ni Keith at apat pa sila kasama na si Keith mismo. "Eilia, pinaplano nilang g×hasain ka... dito mismo sa lugar na ito." Pagbibigay kasagutan sa akin ni Cedric ang takot na nararamdaman ko kanina ay mabilis akong binalikan, nagsimula akong yakapin ng lamig, ang mga balahibo ko sa katawan ay hindi ko mapigilan sa pagsisitaasan dulot ng takot, sa paglingon ko kay Keith ay nakangisi na siyang nakatingin sa akin habang may hawak-hawak na kinakalawang na bakal, mukha galing sa mga sirang gamit na siyang naririto. "Cedric... tsk, tsk, tsk. Sabi ko naman ay papartihan ka namin hindi ba? Ano ito? Gusto mo iyong-iyo si Eilia? Tingin mo papayag kami na mangyari iyon?" Saad ni Keith habang naglalakad papalapit sa amin. Tumayo naman si Cedric sa harapan ko para harangan si Keith at ang mga tropa niya na nagsilabasan na mula sa pinagtataguan nila. "Ano..." hinawakan ko ang laylayan ng uniform niya. "Hindi ba tayo tatakbo papalabas?" "Gaano ka kabilis na tumakbo?" Tanong sa akin ni Cedric habang nakaharang pa rin sa harapan ko. "Kaya mo bang umakyat agad sa guardhouse at humingi ng tulong?" Pupuntang guardhouse para humingi ng tulong? Kapag nakarating sa teachers at school committee itong nangyayari paniguradong makakarating lahat ng ito sa Kanila at paniguradong hindi maganda ang idudulot niyon sa akin, sa palagay ko ay mas nakakatakot pa ang pagbulyaw nila at paninisi sa akin kaysa sa kinahaharap ko ngayon. "T-tumakbo na lang tayo papalayo, p-please?" Dumoble ang takot na nararamdaman ko ngayon dahil lamang sa naisip ko ang magiging reaction nila sa nangyayari ngayon. Wala akong pakialam kahit magmukha akong sobrang t×nga sa harapan ni Cedric, dahil ang nasa isip ko ngayon ay hindi Nila pupwedeng malaman ang tungkol dito. Kahit na malagay sa alanganin ang sitwasyon ko, hindi ko hahayaang mauuwi ako sa pinakamalalang tagpo dahil tiyak na triple ang epekto niyon sa akin. "Eilia Catalina!" Ang boses na iyon. Unti-unting nawala ang takot ko ng marinig ko ang boses ng best friend ko, nang maramdaman ko ang yakap niya mula sa akin ay mabilis ko siyang hinarap at ibinagsak ako ang sarili ko sa kanya bago ako umiyak ng umiyak. "Nandito na ako." At tulad ng inaasahan ay wala na siyang iba pang sinabi, hinayaan lang niya akong umiyak sa kanya. Isa sa mga batas na ipinatutupad ko o para sa sarili ko para hindi ako maging pasanin sa kaibigan ko ay ang hinding-hindi ako iiyak sa kanya para sa mga problema ko dahil alam kong siya mismo ay may sariling problema na kinahaharap pero ngayon... ito ako umiiyak sa kanya kasi natakot ako, natatakot ako. "Bruha ka Eilia, ikaw din Millicent! Akin na nga iyang cellphone ko!" Narinig kong sigaw ni Washington na mukhang sinundan si Bebe Gurl, hindi ko magawang iangat ang tingin sa kanya dahil abala pa rin ako sa pag-iyak. "Umalis na tayo dito." Biglang sabi ni Cedric. Iniharap naman ako ni Bebe Gurl sa kanya at nginitian ako, marahan niyang sinuklay ang buhok ko na hindi ko namalayang ibinaba pala niya, nagulat man ako dahil nalaman kong alam pala niya ang simpleng habbit ko sa tuwing umiiyak ako ay hindi na ako nagsalita pa. November 12 2018. At nang araw na iyon, iyon ang kauna-unahang beses na tumakbo kaming apat na magkakasama... ──────⊱◈◈◈⊰──────
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD