Hindi ko namalayan na umabot ng tatlong araw ang pamamalagi ko rito sa Death Forest kasama si Erah. Masyado nagiging mabilis ang takbo ng mga oras tuwing kasama ko si Erah. Napuno ang aming mga araw ng lambingan, tawanan at kulitan. Tila ba ayoko ng matapos pa ito at bumalik pa sa akademya. Masyado na yata ko kontento sa ganitong buhay kasama si Erah. Ngunit kahit ganoon man ang aking iniisip ay alam ko ang aking tungkulin. Kailangan kong bumalik ng akademya para ihanda ang aking sarili para sa panibagong magaganap na digmaan. At ang mailigtas si Erol mula sa kamay ng mga anti-faction. Sa ilang araw ko rito ay nagawa ko na ring maikwento ko kay Erah ang buong sitwasyon sa labas at ang tungkol sa nagbabadyang digmaan. Humingi na rin ako ng tawad dahil ako ang dahilan kaya walang kahirap

