Nang hindi makatimpi bilang sentro ng asaran si Tito Aidan ay biglaang pinapunta niya kaming lahat sa training room. Ikinaputla naman ng kanyang mga kaibigan at mabilis na natigil sa kani-kanilang mga pagtawa. "Ilang araw ka nawala, Cipher." Pagbaling naman ng atensyon sa akin ni Tito Aidan. "Aasahan ko na makakasabay ka ngayon sa pagsasanay ng lahat." Napatango naman ako dahil alam ko na marami na akong oras at araw na sinayang. Hindi ako maaaring umarte dahil lumiban ako ng tatlong araw habang sila ay puspusan sa kani-kanilang mga paghahanda. Ngunit aaminun ko na hindi ko maiwasang masabik dahil ito ang unang pagkakataon ay mararanasan ko ang magsanay kasama si Tito Aidan. Base sa mga kwento ni mama ay isa siya sa pinakamagaling sa panahon nila af walang binatbat sa kanya sina Tito C

