Dalawang oras na akong nakakulong sa kwarto ngunit hindi pa rin ako lumalabas. Dalawang beses na rin akong kinakatok ni Saiven ngunit kahit ito ay hindi ko pinagbuksan. Nabuhay nanaman ang matinding galit sa puso ko.
'''Ang mga hayop na 'yon? Talagang pumunta pa sila ditong dalawa ang lakas ng loob nila.'' mahinang bulong ko sa sarili ko bago ako humarap sa tokador kung saan tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kinuha ko ang lipstick at bahagya kong nilagyan ang labi ko. kumuha ri ako ng isang puting t-shirt at pantalong maong. Napaka simple ng itsura ko dahil sa ganito ako komportable. Nang makontento na ako sa nakikita ko ay agad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at cellphone ko bago ako tuluyang lumabas ng pinto.
Pag-bukas ko palang ng pinto ay agad din bumukas ang kabilang kwarto kung saan naroon ang kwarto ni Saiven.
''Buti naman at lumabas kana. Pero teka saan ka pupunta?'' tanong nito sa akin na agad ko rin naman sinagot.
''Kay Mama, gusto ko siyang dalawin.'' sagot ko dito na tinanguan nito.
''Samahan na kita?'' alok nito pero umiling lang ako. Kilala ako ni Saiven. Pag umiling ako ay di na ito magpipilit pa. ''Alam na alam mo na tutol si mama sa plano ko para kay Third. Kaya hindi matutuwa si mama kung makita ka n'ya. Pasensya kana.'' sabi ko dito na nginitian nito.
''Kung gano'n mag-ingat ka nalang. Tumawag ka sa akin pag naroon kana.'' sabi lang nito na tinanguan ko nalang bago lumakad palayo.
Pero agad din akong huminto at muling nilingon si Saiven ng makita kong may tinatawagan ito sa cellphone.
'' Saiven, ayoko ng bodyguard okay? 'Wag kana magtangka na magpasunod pa. Kaya kona ang sarili ko.'' sabi ko dito na agad nitong ikinangisi nabuko ko kasi ang plano nito na pasundan ako.
''Okay, no bodyguard pero mangako kana mag iingat ka.'' sabi muli nito na nginitian ko at tinanguan.
''Paulit ulit ka Saiven, oo mag-iingat talaga ako. Sabi ko dito bago tuluyang lumabas na ng bahay. Agad akong nagtungo sa garahe at sumakay sa kotse. Habang binabagtas ko ang kalsada ay iniisip ko ang nangyari kanina.
''Hayop kayong dalawa Third, hinding hindi na talaga kita mapapatawad, hanggang ngayon kahit may asawa na si Rein ay nagkikita at nagkakasama parin kayong dalawa. Pasalamat kayo at 'di kayo tinamaan kanina.'' Inis na bulong ko habang unti unting humihigpit ang hawak ko sa manibela. Kaya naman huminga na ako ng malalim bago ko itinuon ang buong atensyon ko sa pagbagtas sa daan. Ilang minuto lang ay narating kona ang bahay namin dati ni
Mama. Lumipat kasi muli si mama sa maliit naming bahay ng mamatay si Dad. Mas gusto raw nito na mabuhay ng simple gaya ng dati. Kaya hindi kona pinilit pa ito. Papasok na sana ako ng bahay ng makarinig ako ng tawa mula sa loob.
''May bisita si Mama sa bahay? Sino naman?'' tanong ko sa sarili ko bago ako tuluyang pumasok.
Nakita ko si Mama na halatang nagulat. Pero ng mapatingin ako sa kausap ni Mama ay ako ang pinaka nagulat.
''Anong ginagawa mo dito?'' tanong ko sa walang iba kundi si Third nakaupo ito at masayang nakikipag kwentuhankay Mama.
''Mom! Anong ginagawa ng lalakeng yan dito.'' medyo napataas na tanong ko dito.
''Gusto ka lang daw n'ya sana batiin ng happy birthday.''sabi ni Mama na agad kong inilingan.
''Ma, hindi ko kailangan ng pagbati n'ya sa akin. Ang tanging halaga nalang n'ya sa akin ay ang pirmahan niya ang unnulment namin. Bukod don ay wala na.'' sabi ko kay mama pero kay Third ako nakatingin.
''Pwede ba tayong mag-usap?'' tanong ni Third na agad kong inilingan. '' Hindi ikaw ang ipinunta ko dito kundi ang Mama ko. Kaya excuse me kailangan ko ng umalis.'' sabi ko dito bago ako tumingin kay Mama. ''Mama pasensya na hindi kona gustong kaharap ang Taong pumatay sa anak ko.'' may diing sabi ko. Pero lumapit si mama at sinabi.
''Ipinaghanda kita anak mula ng mawala ka halos ilang Taon din kitang hindi nakita. Ilang taon kita pinaghahanda kaya sana anak 'wag kana munang umalis.'' may bahid ng lungkot na sabi ni mama. Napatingin ako sa lamesa puno ito ng pagkain at isang cake. Parang kinurot ang puso ko ng makita ko ang mga mata ni mama kaya naman kahit labag sa loob ko ay tumango ako kay mama at lumapit sa mesa. Nakita ko ang masayang ngiti ni Mama. Nakakakonsensya ang ginawa kong paglayo dito dahil sa kahinaan ko noon.
''Salamat po Mama, at patawad.'' sabi ko dito na tinanguan nito sabay ngiti.
''Masaya akong kasama na kitang muli.'' sabi nito na nginitian ko din bago ko ito niyakap.
''Tara na po ma, sabay na tayo kumain.'' sabi ko kay mama. Habang nasa hapag na kami nakita ko sa gilid ng paningin ko kung san umupo sa Third. Sa tapat ng kinauupuan ko. Ngaunit hindi ko ito pinansin. Basta nakinig lang ako sa masayang kwento ni Mama nakakamiss ang kwento ni Mama. Lumipas ang ilang minuto wala sa loob kong napatingin sa plato ko. Bakit ang daming laman? Napatingin ako kay Third na abala sa pagbabalat sa isang hipon na matapos balatan ay inilagay nito sa plato ko.
''Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Kung sa Mama ko umubra ang ganyan mo, sa akin hindi papasa ang mga kaplastikan na ginagawa mo.'' inis na sabi ko saka ko tinabig ang plato dahilan para bumagsak sa sahig at nabasak.
''Anak, bakit mo namam ginawa 'yon?'' tanong ni Mama.
'' 'Wag po kayo magpaniwala sa mga ginagawa ng lalakeng 'yan. Hindi marunong magmahal ang taong 'yan Ma.'' sabi ko kay mama na agad tumayo para ito ang dumampot ng nabasag na plato pero agad na napahinto si Mama ng si Third ang tumayo.
''Ako na po ang gagawa. Umupo nalang kayo at kumain.'' sabi ni Third ngunit pairap ko itong tinignan. Saka sabay sabing.
''Hindi kita mapapatawad kahit pa anong gawin mo.'' sabi ko dito saka ako tumayo. ''Mama babalik nalang po ako dito pag wala na ang taong 'yan sa bahay natin.'' sabi ko kay Mama na napa buntong hininga na napatingin sa akin.
''Ihahatid na kita Megan.'' sabi ni Third na agad kong nginisihan. ''Close tayo para ihatid mo ako?'' hindi kita asawa.'' sabi ko dito, nakita ko ang pag galaw ng bagang nito na tinitimpi lang magsalita. '' 'Wag kang plastic Third, kung inis ka pakita mo ugali mo kay Mama hindi 'yung nagtitimpi ka hindi bagay sayo.'' painsulto kong sabi dito. Maya-maya ay napatingin ako sa cellphone ko nakita kong tumatawag si Saiven. Agad ko itong dinampot at sinagot.
''Hello Saiven.'' malakas na pagkakasabi ko. ''Pwede mo ba akong sunduin dito kay mama?'' tanong ko dito na agad nitong sinang ayunan. Mayamaya pa ay lumapit ako kay Mama at yumakap dito saka sabay sabing ''Pasensya na po Mama sa susunod nalang po tayo kumain pag walang peste.'' naiiling na tumango ito at agad na akong tumalikod palabas. Malapit na ako sa gate para lumabas ng biglang may humawak sa kamay ko at ng tignan ko si Third na agad kong piniksi ngunit madiin na hinawakan nito ang kamay ko at agad akong hinila palabas ng gate.
''Anong ginagawa mo hayop ka.'' piglas ko dito pero 'di ito sumagot lumapit ito sa kotse n'ya at agad na binuksan ang pinto ng kotse at pilit akong pinapasok sa loob.
''Mag-uusap tayo.''
''Wala tayong pag uusapan, hindi ako sasama sayo.'' may tigas na sabi ko dito. Pero imbes na pakinggan ako nito binuhat ako nito at agad na binagsak sa upuan. ''Hayop ka.'' naisatinig ko dito pero isang ngising ngiti lang ang nakita ko dito. Saka patakbong nagtungo sa drives's seat. Tatakas na sana ako palabas ng kotse pero bigla nitong hinila ang batok ko palapit dito.
'' Mag uusap tayo kaya sasama ka sa akin.'' sabi nito sa mismong mukha ko. Dahilan para mapaatras ako palayo dito. Nakita ko ang ngiti nito na nagpainit ng dugo ko.
Tinulak ko ito at agad na sinampal. Nakita ko ang gulat sa mukha nito pero agad din nakabawi dahil muli itong ngumiti saka sabay sabing.
''Magiging tayo ulit.''
''Hwag kang pakasiguro. Hindi na ako ang tangang naging asawa mo.'' sabi ko dito, hindi ito sumagot basta nag drive nalang ito.
Matulin ang pagdrive nito kaya wala na akong nagawa kundi maghintay kung saan hihinto ang lintik na kotse nito. Nasa gano'n akong sitwasyon ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko 'yon at agad na sinagot pero bago kopa tuluyang marinig ang sasabihin ni Saiven sa kabilang linya ay mabilis na nakuha ni Third ang phone ko at ito ang sumagot.
''Asawa n'ya to binabawi kona siya.'' maigsing sabi ni Third na ikinalaki ng mata ko. Nakita kong mabilis na ini off ni Third ang phone ko at saka nito inilagay sa bulsa.
''Hayop ka talga.. Ibaba mo ako Third.'' inis na hiyaw ko sa loob ng kotse nito pero imbes na maging alerto ito sa pagwawala ko ay tila ini enjoy pa nito ang ginagawa kong pagwawala.