4

1473 Words
Saiven's Point Of View... Tahimik akong nakaupo at umiinom sa gilid ng bar habang iniisip si Megan. Kasama nito si Third ang asawa nito. Gusto ko mang sapakin ito at magalit dito, pero nakikita ko ang sarili ko dito. Lalo na kanina ng makausap ko ito at marinig ko mula dito na babawiin na niya ito. Alam kong puno ng kumpyansa ang salita nito na hindi ko nagawa sa asawa ko noon. Dahil nung panahon na 'yon si Rein ang dahilan ng lahat, masyado ko itong nagustuhan hanggang sa ito nalang ang naging priority ko at napabayaan kona ang asawa ko. Dino's Point Of View. Mabilis kong inagaw ang alak na nakalagay sa maliit na kopita at agad na tinungga. ''Inaalala mo nanaman ang nakaraan mo. Tama na 'yan walang mangyayari kung ganyan ka. Bakit ata hindi mo kasama si Megan?'' tanong ko dito. ''Binabawi na s'ya ng asawa n'ya.'' ''Eh! Bakit nandito ka imbes na hanapin ito?'' ''Dahil nakita ko ang sarili ko bigla kay Third, buti pa siya ay may pagkakataon na makabawi kay Megan. Pero ako heto, kahit gusto kong makabawi sa asawa ko kinuha agad ito. Akala ko makakausap kopa siya at makakahingi ng tawad dito. Pero kinaumagahan hindi kona naabutang buhay si Mhel.'' sabi nito sabay tungga. Megan's Point of View... Madilim na ng makarating kami sa isang lugar. Hindi ko alam kung saan ito pero mukhang tahimik dito. ''Nasan tayo?'' tanong ko kay Third pero imbes na sumagot ay bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto. ''Nandito na tayo.'' wika ni Third pero imbes na bumaba ay nanatili lang ako sa pagkakaupo ko. ''Ibalik mo ako.'' sabi ko dito. ''Hindi kita ibabalik hanggat hindi tayo nagkakaintindihan.'' sagot nito na nginisihan ko sabay titig dito. ''Tingin mo talaga porket sinama mo ako sa lugar na ito ay magkakasundo na tayo? Sana si Rein ang isinama mo dito. 'yun malamang magkasundo kayo. Parehas kasi kayong may sungay sa noo.'' pang-iinis kong sabi dito pero tila bale wala lang ang mga sinabi ko dito. Dahil imbes na mainis ay ngumisi pa ito. ''Ayaw mong bumaba? Sige ako na ang magbaba sayo.'' sabi nito saka ako dinukwang mula sa pag-kakaupo at tinanggal nito ang seatbelt ko saka akma akong bubuhatin palabas. Pero hindi pa niya ako tuluyang nabubuhat ay inawat kona ito. Hindi na ako kumportableng mahawakan nito ang katawan ko. ''Awat na ako nalang ang baba mag-isa.'' sabi ko dito.agad naman itong tumigil sa pag buhat sa akin at umalis sa pagkakalapit sa akin. Kaya agad akong lumabas dahilan para maramdaman ko ang malamig na hangin sa aking buong katawan. Napagtingin ako sa paligid at napagtanto ko na nasa isa kaming resort kung saan may malawak na karagatan na matatanaw. ''Hindi mona sana ako dinala pa dito.'' ''Gusto kitang makausap na malayo kay Saiven.'' sabi nito na agad kong ikinailing. Naalala ko si Saiven. Siguradong nag aalala na ito. ''Kahit mailayo mo ako kay Saiven hindi na ako ang dating tanga na asawa mo. Na iiyak nalang sa mga pinag gagawa mo.'' sagot ko dito pero imbes na mainis ito ay ngumiti lang ito. ''Masaya akong malaman na matatag kana.'' sabi nito pero imbes na pakinggan ko ito ay tinaas ko ang dalawa kong kamay upang tumigil na ito. ''Wag mo akong dramahan pa Third. Hindi kona kailangan ng kaligayahan mula sayo. Masaya ka dahil matatag na ako? Damn you ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Kayo ng walang hiyang Rein na 'yon'' sabi ko dito saka ako lumakad. Nagtungo ako sa dalawang babae na nag aassist sa mga guest na dumarating. Magsasalita pa sana ako ng biglang nagsalita si Third mula sa likuran ko. ''Naka reserved na ang buong resort na ito para sa ating dalawa.'' sabi nito na ikina inis ko. Talagang naka handa na lahat at nakaplano ang pagsama niya sakin dito. ''Sumunod po kayo sa akin ma'am nandito po ang kwarto n'yo.'' sabi ng receptionist kaya sumunod na lang ako dito hanggang makarating kami sa kwarto ko binuksan nito ang pinto at natuwa ako sa nakita sa kwarto ko. ''Salamat, iwan mona ako dito. Tatawag nalang ako pag may kailangan ako.'' sabi ko dito na agad nitong sinunod. Napatingin ako kay.Third na nasa may gilid ng pinto nakatingin ito sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. Pumasok na ako ng tuluyan sa loob at saka ko sinara ang pinto. Kailangan kong maka alis sa lugar na ito. 'yon ang nasa isip ko ngayon. Tumingin ako sa malaking salamin at tinanaw ko ang karagatan. Napatingin ako sa kwintas ko. Pwede ko itong ipang bayad sa taxi na kukunin ko. Pero paano at saan ako kukuha ng taxi? Wala din akong cellphone. Inis akong napakagat labi bago ko naisipang silipin ang labas ng kwarto. Wala na akong makita sa labas kaya dahan dahan akong lumakad patungo sa elevator pinindot ko ang ground floor nang makababa na ako ay agad akong tumingin sa paligid. Dalawa lang ang kotseng nakaparada ang isa doon ay ang ginamit namin ni Third. Lumakad ako at nagtungo sa labasan natanaw ko ang dagat. ''Ang ganda.'' naibulalas ko ng biglang may tinig akong narinig mula sa likuran ko na agad kong ikinalingon. ''Ano ang ginagawa mo dito?'' tinig ng isang lalake buong buo ang boses nito dahilan para agad akong lumingon at tinignan ito. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat ng makita ako at malamang gano'n din ako. ''Thunder?'' sabi ko ''Megan?'' sabi naman nito dahilan para sabay kaming napangiti at napatingin sa isa't isa. ''Anong ginagawa mo dito?'' ulit na tanong nito. Nawala bigla ang ngiti ko ng maisip ko si Third. ''Si Third ang nagdala sa akin dito.'' ''Si Third? Nagkita na ulit kayo? Pero paano? Nagkaayos na ba kayong dalawa?'' nakangiting tanong nito na sinimangutan ko. ''Hindi na kami magkaka ayos pa ng lalakeng 'yon.'' inis na sagot ko dito pero nagulat ako ng biglang may pumulupot na braso sa bewang ko at parang hangin lang na umangat ang paa ko papunta sa likuran ng isang lalake na agad ko ring nakilala. ''Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo? Bakit kayo magkasamang dalawa dito sa labas?'' tanong ni Third habang nanlilisik ang mata kay Thunder. '' Hwag kang O A Third hindi bagay sa gaya mo.'' inis na sabi ko sabay piksi sa kamay ko. ''Nagkita lang kami dito, napansin ko kasi na parang nagmamadali s'ya kaya tinawag ko s'ya. Hindi ko naman alam na si Megan pala ito.'' paliwanag ni Thunder. ''Thunder hindi mo naman kailangan na mag paliwanag sa taong 'yan.'' inis kong sabi saka ko pilit na kinakalas ang braso ko sa pagkakahawak nito. ''ipina reserved ko ang buong resort na ito kasama ang mga yateng naririto. Kaya nagtataka ako kung bakit ka naririto.'' inis pa rin na tono ni Third kay Thunder. ''So ikaw pala ang umarkila sa resort ko. Nakakatuwa naman.'' ''Resort mo?'' ''Nagulat ka ba? Oo ako ang owner ng lahat ng mga nakikita mo sa paligid dito.'' nakangiting sabi nito na ikinasimangot ni Third. ''Malas.'' biglang sabi ni Third na ikinatawa ni Thunder. Bago ako hinarap ni Third. ''Masaya ako na makita kang muli Megan Tila mas lalo kang gumanda.''sabi nito sa akin na ikinainit ng pisngi ko. Pero hindi pa ako nakakasagot sa papuri ni Thunder bigla ako ng bumaligtad. napagtanto ko nalang na pasan pasan ako ni Third na parang bigas sa balikat nito at kahit na anong palo ang gawin ko sa likod ni Third ay tila wala itong nararamdaman. ''Bwisit ka ibaba mo ako.'' sigaw ko dito pero tila bingi ito. Hanggang sa makasakay na kami sa elevator at doon lang niya ako ibinaba. Dahilan para malakas ko itong nasampal. NakiTa kong nagtangis ang bagang ni Third pero nagtimpi parin ito. ''Bakit ka nasa labas? Plano mo bang tumakas at iwan ako na mag isa?'' tanong nito na inirapan ko lang at hindi sumagot. ''Hindi na kita hahayaan pa na mawala muli sa akin. Gagawin ko ang lahat mabalik ka lang muli sa akin.'' sabi nito pero isang tawa lang ang isinukli ko sa mga sinabi nito. ''Bumalik? Kanino sayo? Wag kang magpatawa Third hinding hindi na ako babalik pa sayo kahit pa mamatay ako ngayon.'' sabi ko dito ''Asawa pa rin kita, kaya hindi ka pwedeng magkagusto sa kahit na sinong lalake pa.'' ''Asawa mo nalang ako sa papel Third, pero hindi na kita mahal matagal na. Mula ng mawala ang anak ko nawala na ang lahat ng pagmamahal na naramdaman ko sayo walanghiya ka.'' sigaw ko dito bago ako lumakad palabas sa elevator na kabubukas lang. Pero bago ako tuluyang makalabas ay bigla ako nitong hitnatak palapit muli dito saka walang sabing hinalikan ako nito sa labi. At kahit ano pang piglas ang gawin ko ay di ko magawang maka kalas dito. ''Magiging tayo muli.'' sabi nito ng saglit nitong pakawalan ang labi ko. To be continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD