4 YEARS LATER
September 02, 2020
Underground MAFIA CAMP
Walang pasabing inihagis ni Gon ang hawak na dalawang bag sa mesang nasa harap ng mga lalaking nakaitim.
"Ano nanaman yan!?" Tanong ng isang lalaking may tattoo sa leeg.
"Open it" tipid na sagot nya saka naupo sa bakanteng silya.
Mapanuri syang tinignan ng lalaking may tattoo sa leeg bago nito lapitan ang bag na inilapag nya.
"100, 000, 000.00 worth of money. You gave me 1 week to do that task but..." umiling sya't sumimsim ng wine. "I completed it in just 3 hours" nakangising saad nya.
Nagkatinginan pa ang anim na lalaki bago tumango at nilabas ang perang nasa bag.
"Talagang pinapahanga mo ako, Gon" nakangising sabi ng lalaking naka itim na sando. Malaki ang katawan nito at maraming tattoo sa katawan. Natawa sya ng makita ang naiinis nitong ekspresyon.
"Wanna be a boss?" Dagdag nito.
Tama ang hinala nya, naiinis ito sa kanya. This man is Roux, the ranked 3, natatakot itong malampasan nya panigurado.
"If I can, why not!?" Sagot nya't agad tumayo. Hindi pa sya nakakalayo nang muling magsalita si Roux.
"Wag kang masyadong mataas mangarap. Ikaw pa rin ang taong lumuhod sa harap namin para makasali sa Mafia at makapaghiganti sa pagkamatay ng pamilya mo." Tumawa ito saka nagpatuloy.
"You're just a loser detective Gon Mejia. Hindi mo mababago yun!" Naikuyom nya ang kanyang kamao dahil sa galit pero pinilit nyang magtimpi. Muli nyang hinarap si Roux saka ngumisi na parang wala itong sinabi.
"Salamat sa paalala, tatanggapin ko yun ng buong puso" mapang asar na sabi nya saka tuluyan ng umalis.
.
.
.
-● Flashback ●-
"Gusto mong maghiganti?" Tanong sa kanya ng katabi nyang tinutungga ang beer. Lasing na tumango sya't tumingin sa lalaking katabi.
"Bakit, tutulungan mo ako!?" Natatawang tanong nya. Sinabayan sya nito sa pagtawa bago muling tumungga ng beer at magsalita.
"Nah, I don't want to interfere with others business but... you can help yourself " sagot nito. Nakakunot ang noong hinawakan nya ito sa kwelyo at sapilitang iniharap sa kanya.
"Pinaglololoko mo ba ako!?" Galit na tanong nya rito pero iiling - iling na tumawa lang ito.
"Chill bro!, I have an idea" sabi nito pero hindi nya parin ito binitawan. "Kung makapangyarihang tao ang kalaban mo, maybe I can help"
"Paano mo ako matutulungan?"
Muling ngumiti ang lalaki saka bumulong.
"Join the Mafia to gain more power and built connections" sagot nito na ikinatigil nya.
Hindi na alam ni Gon kung ano ang mga sumunod na nangyari matapos sabihin ng lalaking yun ang tungkol sa Mafia at tangka nyang paghihiganti. Natagpuan nya ang sariling sinusundan ang lalaking kanina ay iisa lang pero ngayon ay nasa sampu na.
Huminto ang lalaking nasa tabi nya nang makarating sila sa itim na pinto kaya napatingin sya rito. Seryoso ang mukha nitong tinignan sya bago muling magsalita.
"Let me remind you for the last time, once you enter that door you can never turn back."
"Inside that black door is Hell, Mr Detective." hindi pa rumirehistro sa isip nya ang sinabi nito ay natagpuan nya ang sariling nakatayo sa loob ng malawak pero blangkong lugar kung saan anim na lalaking nakaitim ang tanging nakikita.
"Isang tao nanaman ang naglakas loob, tignan natin ang tibay mo!" Dinig nyang sabi ng isang lalaki pagkatapos nun ay isang matigas na bagay ang naramdaman nyang tumama sa likod nya.
Nanghihinang napaluhod sya't inangat ang tingin sa lalaking may gawa nun sa kanya. Tatayo sana sya para harapin ang pangahas na umatake sa kanya mula sa likod ng biglang may sumipa sa mukha nya. Malakas syang napadaing at napahiga sa sahig.
Pinunasan nya ang bibig nang maramdamang may tumulo mula ruon. Pagak syang natawa ng makita ang dugo mula ruon.
"Aba, nagagawa mo pang tumawa!?" Sigaw ng lalaking ngayon ay lumapit sa kanya.
"Ahh!" Malakas syang napasigaw ng apakan sya nito sa tyan. Hinawakan nya ang paa nitong buo ang pwersang nakaapak sa kanya saka buong lakas nya yung hinawakan at pinilipit.
"Ugh!" Daing nito nang mabali nya yata ang paa nito. "f**k! Malakas ka pa ah!" Sigaw nito at sinenyasan ang isa pang kasamahan nito. Kumuha ng bakal ang ika apat na lalaki at buong pwersa syang hinampas, buti nalang at nakailag sya pero isang sipa muli sa mukha ang natanggap nya mula sa ikalimang lalaki.
Fuck! Pagtutulungan ata sya ng anim na ito. Babangon sana sya pero kinuwelyuhan sya ng ikaanim na lalaki saka sya pinilit patayuin.
Nanghihinang natawa sya, papatayin ba sya ng mga ito?. Wala syang pakialam sa buhay nya sa mga oras na iyun dahil wala na ring kwenta ang buhay nya. Wala na syang pamilyang babalikan at po-protektahan, pinatay na ng mga hayup na yun kaya ano pang silbi na mabuhay pa sya!?.
"Sabihin mo sakin, bakit gusto mong sumali sa Mafia?" Tanong ng ikaanim na lalaki sa kanya. Walang ganang tinignan nya ito sa mga mata.
"Gusto kong gumanti!" Sagot nya na tinawanan lang nito. Ano bang balak ng mga ito?.
"Yun lang? Edi patayin mo!" Sabi nito saka sya sinuntok sa sikmura. Umubo sya ng ilang ulit at pinilit umiling.
"Sasali ka ng Mafia pero takot kang pumatay!? Hindi pwede yun!" Tumatawang sabat naman ng lalaking may hawak na bakal.
"Kapag isa kang myembro ng Mafia meron ka lang laging dalawang choices." Ngayon naman ang lalaking iika- ikang binalian nya kanina lang ng paa ang nagsalita. "Choice 1, Papatay ka and choice two papatayin ka" dagdag nito.
"Bawal sa Mafia ang duwag!" Sabi pa ng isa na ikinatawa nya.
"Gustong - gusto kong pumatay ang kaso..." tinulak nya ang lalaking hawak pa rin sya sa kwelyo. "Hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong patayin!"
"Ahh, pinaglalaruan ka nila?" Natatawang saad ng lalaking nakaupo sa sahig.
Bumuga sya ng marahas na hangin saka hinarap isa - isa ang anim na nalalaki. "Let me join the Mafia, I need power to avenge my family"
"Nakikiusap ako, Let me join this Mafia" ulit nya.
Nagtinginan ang anim saka malademonyong ngumiti.
"Sure"
"Pero alam mong walang madaling makuha sa panahon ngayon"
"Kung ganun anong kailangan kong gawin!?" Despiradong tanong nya. Hindi pa man sumasagot ang mga ito ay alam na nya ang nais ng mga ito.
Gaya ng sinabi ng mga ito ay lumuhod sya at nagmakaawa sa harap ng mga ito, wala na syang magpipilian. Akala nya ay yun lang yun pero ginawa syang punching bag ng mga ito.
Pagkatapos ng halos dalawang oras ng pambubugbog ng mga ito sa kanya sa wakas ay napagod rin ang mga ito. Hindi makilala ang mukha ni Gon, dahil sa dami ng pasa nya sa mukha at buong katawan. Susuray- suray syang naglakad at naupo sa isang sofa.
"Myembro na ba ako?" Tanong nya. Umiling ang kausap nya at may iniabot sa kanyang tatlong larawan.
Isang babae at dalawang lalaki, nagtatanong na tinignan nya ang nagbigay sa kanya ng larawan.
"Ang ikalawa mong test, patayin mo ang tatlong yan. Mayroon ka lang isang linggo" paliwanag nito. Nanghihinang napasandal sya sa sofa.
Ngayon kailangan nyang pumatay? Wala syang ibang choice. Inalay nya ang buhay nya para paglingkuran ang bayan pero ni hindi sya magawang tulungan ng bayang pinagsilbihan nya para mapagbayad ang pumatay sa mag ina nya, kaya oras na para unahin nya ang pamilya nya. Gagawin nya ang lahat para maipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang mag ina.
"I'll do it, just let me rest a little bit" huling salitang kumawala sa kanyang bibig bago sya tuluyang mawalan ng malay.
The time he entered the black door his not a human being anymore, that was the thought he said to himself. From a good person Detective Gon Mejia he turned into a monster that night.
A|N:
♡Oopps! Ang hirap pala nito...btw love lots!!!!
From Author na kyut!