#01: New Unsolve Case
"Barilin mo na! Hindi mo kaya!?"
"H-hindi ko kaya, pakiusap wag mong gawin 'to!" The man on his knee was begging.
" Babarilin mo sya o ikaw ang babarilin nya!? Bilisan mo!"
" Wag mong gawin 'to"
" Isa!... Dalawa!..." smirk "You really wanna die huh!?"
" Gon, tama na! Itigil mo na 'to!" Sigaw ng lalaking nakaluhod dahilan para maagaw nya ang atensyon ng lalaking nakaitim. Nakatutok ang hawak nitong baril sa ulo ni Benji na sya ring tinututukan ng baril sa ulo ang lalaking nakaluhod.
" Oh, sorry captain pero... hindi na ikaw ang amo ko!" Nakangising saad ng lalaking nakaitim. Ibang - iba na ito kumpara sa dati. Hindi na ito ang Gon na kilala nila, ang Gon na ka team nila.
" Gon, bumalik ka na sa dati. Hindi ikaw yan!" Si Benji naman ang nagsalita. Ang nakakabinging halakhak ni Gon ang bumalot sa abandunadong hardware.
" You're right, hindi na ako ang dating Gon na kilala nyo. I'm a different person now. You know what, I killed hundreds of people and I can still feel their warm blood at gusto ko pang dagdagan yun—"
" Gon!"
" Shut the f**k up, captain! I'm Gon Mejia, the 5th rank of Black Mafia! "
" August 21, 2016! That day the old me already died" huling sinabi ni Gon bago umalingaw ngaw ang tunog ng baril.
.
.
.
"Gon gising!" Isang boses ang nagpabalik sa natutulog na diwa ni Gon.
"B-Benji!?" Utal na tawag nya sa pangalan nito. " Si captain!?" Tanong nya rito.
Nakakunot ang noong tinuro nito ang lalaking nasa 40's na ang edad. Nakahinga sya ng maluwag, so it's just a dream? Why it feels so real? At ano sya? Mafia!? Napailing sya sa naiisip.
"Partner! Ayus ka lang!?" Tanong sa kanya ni Benji. Napaisip sya, ayos lang ba sya? Hindi nya alama. Nag-aalangan syang tumango.
"Yung killer nasaan na?" Tanong nya para maiba ang topic.
"Nasa interrogation room" sagot ni Benji na nag aalala pa rin sa kanya. Natawa sya sa itsura nito, hindi natural rito ang mag- alala. Puro kasi gimik ang nasa isip nito.
"Congrats Detective Gon!" Bati sa kanya ni Chief Chan. Sabay silang napatingin ni Benji rito.
"Salamat Sir" magalang na tugon nya na bahagya pang yumukod. Si Benji naman ay yumukod rin at nagpaalam dahil tinatawag ito ni Captain.
"Huli kang loko ka! Tatakas ka pa ah!" Nabaling sa gawi ng suspect ang tingin nila ng Chief.
Nakaposas ang mga kamay nito at bantay sarado ng mga pulis. Wala na itong takas. Matapos ang tatlong buwan ng imbestigasyon ay sa wakas nahanap at nahuli na nila ang serial killer. Ililipat ito ng kulungan dahil sabi nito ay wala syang ibang kakampi. Mag - isa lang itong pumapatay at ang dahilan? Trip lang daw nya. Nakakainis isipin ang dahilan nito pero hindi nya ito pwedeng patayin.
Napasandal sya sa hood ng kanyang sasakyan, ngayon lang sya nakaramdam ng pagod siguro dahil successful ang operation na pinagplanuhan nila ng team nya.
"The best team!" Napailing sya habang nakatawa nang maalala ang sinabi ng partner nya nuon. They are not that close but still they are the best team, indeed!. Magkakaiba ng gusto ang bawat isa sa kanila, laging nagkakasagutan but still nagkakaisa sila sa mga planong naiisip nila.
"Partner, celebrate tayo!?" Aya sa kanya ni Benji. Ngumiti sya saka umiling.
"May plano na akong gawin ngayon" sagot nya saka ito tinapik sa balikat.
"Ang kill joy mo talaga_" hindi na nya pinatapos ang sinasabi nito. Agad syang pumasok sa sasakyan nya't pinagana ang makina nito.
Oras na para umuwi sya, siguradong naghihintay na ang mag - ina nya sa bahay nila. Dumaan muna sya sa isang bakery shop para bumili ng cake na pasalubong. Gaya ng dati, cheese cake ang binili nya dahil yun ang paburito ng anak nya.
Malapad ang ngiti at excited sya habang pauwi pero hindi nya inaasahan ang madadatnan nya sa bahay nila.
A broken door...
A scattered things...
A bloody floor....
And the horrible situation of his daughter and wife...
Nanginginig ang tuhod na tinakbo nya ang kinaroroonan ng kanyang mag ina. Parehong may tama ng baril sa ulo ang mga ito. Hindi nya alam ang gagawin nya, nanginginig ang kalamnan nyang tinawag ang pangalan ng asawa't anak, umaasang magigising ang mga ito but he received no response.
"Hindi... hindi ito pwede!" Napapailing na sabi nya habang pinupunasan ang luhang naglalandas sa kanyang magkabilang pisngi.
"No.. please someone wake me up ! Panaginip lang ito, hindi ito totoo!" Pailing iling at panay yugyog sa walang buhay na katawan ng kanyang mag - ina. Masaya pa sya kanina pero bakit ganito!? Bakit grabe naman ito!?.
"Haaaa!" Frustrated na sumigaw sya, hindi ito totoo nakikiusap sya na sana panaginip lang ito. Bakit!? Bakit ang kanyang mag- ina pa?
"Sinong may gawa nito sainyo!?" Umiiyak at nagsisisigaw na tanong nya sa kanyang mag ina umaasang may maririnig na kasagutan.
Binuhat nya ang walang buhay na katawan ng kanyang anak, malabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang malaya paring kumakawala sa kanyang mga mata pero isang bagay ang kumislap mula sa sahig.
Hayop sya! Ang may ari ng badge na ito. Papatayin ko sya! Pagbabayarin ko sya at kung sino pang kasabwat nya. Isinusumpa nya ang bagay na yun.
.
.
.
Pagkatapos madakip ang serial killer, may bagong kaso syang aasikasuhin. Ang kaso ng mga hayop na pumatay sa pamilya nya. Hindi sya titigil hanggat hindi napapagbayad ang sino mang may gawa nito.
=August 20, 2016=
Wien Hotel 11:45 pm
The Serial killer arrested
The 3 months old case
Case Status: Solved
=August 21, 2016=
Gon Mejia's house 12:34 am
Gon's Wife and daughter was murdered.
A new case assigned to Gon's team.
Case status: Unsolve
August 21, 2016
The date when Gon's family
dead.
.
.
Also...
.
.
The date of the beginning of end
♡HOPE YOU GUYS ENJOY IT.
THANKS FOR READING