3RD PERSON POV
"A-Ano ka ba? Syempre naman di kita iiwan." Tinapik pa niya ng malakas ang likod nito habang pilit pinapasigla ang kanyang boses.
Hindi ito nagsalita at dahan-dahan na lumayo sa kanya nang bahagya, nakalagay pa rin ang braso nito sa kanyang magkabilang bewang habang magkalapat ang kanilang mga noo sa isa't isa.
"Salamat."
Parang tumigil ang kanyang paghinga nang deretsong tumingin ito sa kanya at bigkasin ang salitang iyon.
Unang pagkakataon na kinausap siya nito gamit ang tagalog. Hindi niya maipaliwanag, pero iba ang dating no'n sa kanyang pandinig. Maganda at talaga namang nakakapagpabilis ng t***k ng kanyang puso.
Hindi niya alam ang gagawin kaya napayuko na lamang siya para humugot ng malalim na hininga. Nang makatunghay. Nginisihan niya ito nang malapad at saka malakas na ibinunggo ang kanilang noo.
Masakit man, pero sigurado siyang nawala ang pagkailang sa pagitan nila. "No problem Dude, at saka kaya nga tayo narito ay para magkaroon ng bagong kaibigan at makabonding sila."
"Tapos mukhang ako lang ang nagkaroon ng bagong kakilala, paano naman ikaw?"
"You are enough."
"Hindi pwede Dude, mabuti na lamang at maaga pa. May oras pa tayo para maghanap ng kaibigan para sayo! Kaya halika na!!!" masiglang sigaw niya kay Kyle, habang hinihigit ang kamay nito pabalik sa venue.
Nakangiti lang naman ito nang tipid habang nagpapahila sa kanya. Nang makabalik sa gitna ng campus kung nasaan ang mga booth at iba pa. Napasilay siya sa katabi. "Dude, anong oras ang tapos ng Event?"
"5:00 pm," sagot pa nito, at saka tumingin sa suot na relo.
Napatango naman siya at saka muling hinila na naman ang mala-higante sa tangkad na kaibigan patungo sa iba pang activity na meron dito.
Nagpunta sila sa photo booth para magpa-picture bilang remembrance, nanuod sila ng Movie at na-enganyo din sila na magtungo sa horror house dito.
Naging masaya ang kanilang paglilibot, kahit hapon na ramdam pa rin ang init ng panahon kaya naman pinag intay muna siya ni Kyle sa lilim ng isang booth.
"I'll be back," anito, at saka umalis na. Wala naman itong sinabi kung saan pupunta kaya hinintay na lamang niya ito doon.
Tahimik at napapalinga lamang siya sa paligid, pinagmamasdan niya ang mga dumadaan. Ang masasaya at excited ding mukha ng mga ito kasama ang mga bago nilang kaibigan. Dahil sa kanyang pagmamasid, may isa pa siyang napansin. Ang magka-partner ay may bracelet na magkatulad. Kaya naman, pansin kapag ang magkasama ay magkapareha o hindi.
Habang nag iintay, napatingin siya sa kanyang suot na bracelet. Hindi man iyon ang kanyang inaasahan, nag assume man siya, hindi pa rin maaalis ang katotohanan na masaya siyang ipaalam kung gaano siya kaswerte dahil ang lalaking pinapantasya ng maaarteng babae dito ay kapareha niya.
Sabihan man siya na mukhang basura, mahirap at dugyot dahil sa public school siya napasok, hinding-hindi naman magbabago na siya ang pinili ni Kyle na partner at hindi ang ibang babae.
Kahit papaano ay nagkaroon siya ng mataas na confidence sa sarili. Mula sa pagkakatungo sa gilid. Tumingala sila ng maayos at puno ng kumpyansa sa sarili.
Pero...
Kung kailan naman siya nagkalakas ng loob, doon naman biglang may dumating na mga lalaking nakasuot ng pang pulis at nilapitan siya.
"Miss you're under arrest."
"Eh? Bakit po? Teka? Anong kasalanan ko?" sunod-sunod na tanong pa niya sa mga ito habang pinupusasan siya.
Hindi naman nagsalita ang mga ito at kinaladkad siya patungo sa...
"Jail booth?"
"Yes Miss, ang theme po ay...Someone wearing green," ani pa ng babaeng nakaupo sa likod ng desk. Naka uniform din ito ng pang pulis at may hawak na clipboard.
Ang posas naman nila ay plastic lang kaya hindi naman masakit, tinanggal din ng babaeng pulis ang posas kaya akala niya laya na siya. Pinaupo siya sa harap ng desk at tinanong ng mga kung ano-ano. Mula sa pangalan, saang school galing, sino partner at iba pa.
Nang masagot na niya ang lahat. Tumayo na si Jhe para umalis, pero lumapit muli iyong mga humuli sa kanya kanina para ipasok siya sa loob ng selda.
"Teka po? Tunay bang ikukulong talaga ako?" nagpupumiglas na saad pa niya sa mga ito.
"Yes Miss, sumama na lang kayo ng mahinahon."
'Tangna nakaka-kaba naman to, parang mga tunay na pulis kung umakting si kuya,' isip-isip pa niya habang ipinapasok siya sa madilim na silid.
Walang bintana at kahit ano, ang pintuan din ay walang rehas tulad ng sa mga tunay na selda. Purong kadiliman lang ang nasa loob ng kwartong ito.
"Teka po!" paghabol pa niya bago isara ng pulis ang pinto.
"Paano po ako makakaalis dito?"
"Kailangan may magpyansa sayo miss," sagot ng isa na may hawak ng susi.
"Magkano po, pwede bang ako na." pakiusap pa niya dito.
"Hindi po, kailangan partner mo o ibang tao."
"Paano po malalaman ng partner ko na narito ako?" nagtataka pa niyang pahayag.
"Ia-announced po namin ang pangalan nyo."
Iyon ang huling sinabi nito at walang awa na sinaraduhan ang pintuan.
Napabuntong hininga na lamang si Jhe at nangapa hanggang sa makapunta sa may pader. Dahan-dahan siyang umupo at sumandal doon. Hindi na rin niya inabala ang sarili na lumingon sa paligid sapagkat wala din naman siyang maaninag dahil sa sobrang dilim dito.
Nang mahawakan niya ang pader, pansin niya na may kartolinang nakatapal dito at mukhang pati sa mga bintana para mas dumilim ang paligid.
"Hinahanap kaya ako ni Dude?" bulong pa niya sa sarili habang nakatingala sa kisame.
Tahimik ang kwarto at walang gumagalaw kaya naman sa tingin niya ay mag isa lamang siya dito. 'Napaka swerte ko naman, ako lang ba ang may green sa damit?'
Napailing na lamang siya dahil sa mga iniisip. Dahil malamig dito, sa halip na mag ingay at magmaka awa na palabasin. Napangiti na lamang siya habang dinadama ang lamig ng aircon, kahit papaano makakapagpahinga siya dito. Alam naman kasi niya na mamaya ay dadating na si Dude para ilabas siya dito.
Siguro nga malaki ang tiwala niya sa lalaking iyon, hindi naman niya masisi ang kanyang sarili sapagkat iyon ang tunay niyang nararamdaman. Mabuti na lamang at hindi siya takot sa dilim kaya chill lamang siya habang naghihintay dito.
Hindi pa nagtatagal at kapipikit pa lamang niya nang kanyang mga mata nang bigla siyang makarinig ng mahinang paghikbi sa kanyang paligid.
'M-May umiiyak?'