3RD PERSON POV MABILIS naimulat ni Jhe ang kanyang mga mata kahit walang namang pinagkaiba ang kanyang paningin kung nakamulat ba o nakapikit ito dahil kadiliman pa rin naman ang kanyang nakikita. Nailinga niya ang kanyang ulo para hanapin kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Dahil sa pag echo ng tunog sa loob ng kwarto, hindi niya mawari kung boses ba ng babae o lalaki ang kanyang naririnig. Maya-maya pa, pahina nang pahina ang tunog kaya naman naisip niya na baka pakulo lamang iyon ng mga taga jail booth. 'Mga bwisit talaga, ang lakas nila manakot ah.' Kahit medyo kinakabahan at kinikilabutan na dahil sa nangyari, pilit pa rin niyang pinatibay ang kanyang sarili, pero sa totoo lamang, gusto na niyang tumakbo palabas. Hindi nakatulog ang malamig na pakiramdam dito sa loob at nakap

