3RD PERSON POV "TRIX!!! Nandito ako!" sigaw pa ng kyut na lalaking kasama niya habang kumakaway sa isang higante. Isang higante ang tumatakbo palapit sa kanilang kinalalagyan. Sa mga oras na iyon, hindi na si Jhe magtataka kung yumanig man ang lupa dahil sa pagtakbo nito. Kung mala-higante na ang tingin niya dito mula sa malayo, halos mapaliyad siya habang nakatingala para lang masilayan ang mukha nito. 'Shete, matangkad na si Dude, pero talagang mas matangkad ang lalaking 'to,' kumento pa niya sa kanyang isipan habang pilit sinisilayan ang pagod na mukha nito. Pansin din niya ang masama nitong tingin na nagbigay kilabot sa kanya, alam niyang wala naman siyang atraso dito kaya hindi niya alam kung anong problema nito. Nawala lamang ang pagsisipatan nila nang tingin ng mala-higanteng l

