3RD PERSON POV "Ahhyiie! hindi ako nagkamali, sabi ko na sayo Rona, maraming gwapo dito," kinikilig at di magkamayaw na tili ni Leah at mga kasama nito habang palinga-linga sa paligid. Hindi pa ito nasiyahan at inaalog pa ng ilang beses ang balikat niya. Medyo late na sila nakarating dito kanina, mabuti na lamang at wala namang limit ang pwedeng pumasok dito, open para sa lahat ang campus kaya naman katulad ng kanilang inaasahan, puno ito ng mga tao. May napansin din sila na registration booth kaya lumapit sila doon kanina. Nang hinayang lang sila sapagkat para lang pala iyon sa may mga ka-partner. Pero, kahit ganun nag enjoy naman sila sa pagnunuod ng mga program at iba pang palabas dito sa stage sa gitna ng venue. Bukod pa roon, sigurado si Rona na mas natuwa pa ang kanyang mga kasam

