JHE POV
The smirk on this face while striding towards me, scares me the most.
"T-teka ano ginawa mo dito ha?" gulat na tanong ko. 'Ano kayang ginagawa ng ulol na to dito?'
"Ui! wag mo lang ako titigan at sagutin mo ang tanong ko."
"I'm here to fetch you," aniya with full of confiende pa. 'Lakas talaga ng sapak ng lalaking ito.'
Para naman akong nabingi nang ma-realize ko ang kanyang sinabi.
"T-Teka seryoso ka ba? at saka sa tingin mo sasama ako sayo, ni hindi ko nga alam kung paano mo nalaman kung saan ako nakatira, stalker ka no?" nakapamewang na saad ko pa dito na puno ng paghihinala. Alam kong di ako maganda, sexy at lalong-lalo na ay wala akong pera at kayamanan, medyo assumera din ako sa pag aakusa sa kanya bilang stalker ko.
Walang emosyon o kahit anong reaksyon na bumakas sa blanko nitong mukha maliban sa munting pagtaas ng dalawang kilay nito.
"Of course not, am I look like a stalker to you?"
Kapag nagsasalita siya, hindi ko mawari kung bored ba siya o talagang flat lang at walang emosyon pati paraan ng pagsasalita niya. Pakiramdam ko sa robot ako nakikipag usap.
Gusto kong mapabuntong hininga pero pinigilan ko na lang, naniniwala kasi sa kakaibang kasabihan 'bawat buntong hininga daw ay isang taon ng buhay mo ang nababawas.'
Alam ko naman na dumb at kalukohan lang yun pero hindi ko maiwasan minsan na sundin pa rin.
"Ano pa nga ba ang tawag mo sa sarili mo ngayon? hindi naman tayo magkakilala, pero narito ka sa harap ng bahay namin," makatotohanan ko pang saad sa kanya.
Hindi naman agad siya sumagot kaya may katahimikan na namayani sa aming pagitan. Hindi ko na lang sana siya papansinin nang bigla siyang magsalita.
"I have my own ways to know things."
Now, it's my time to raise my eyebrows at him, gago talaga, tinatanong ng maayos eh ayaw sumagot ng matino.
"Own ways ka dyan, ano ba talaga ang kailangan mo sa akin ha?" medyo nababahala na ako dito kay Dude. Nung una gusto akong ihatid. Ngayon gusto akong sunduin. Ni hindi ko nga siya lubos na kilala. Feeling ko bigla akong nagkaroon ng personal driver nang di ko namamalayan.
Naisip ko din naman na baka gusto niya akong gantihan dahil sa hindi namin pagkakaintindihan noon, pero napakaliit at babaw na bagay lamang nun.
"Hey, I'm not a bad guy so don't think too much about this, you're just stressing yourself up---"
Napatitig naman ako sa kanya ng seryoso, alam ko naman wala siyang masamang balak, kahit walang nababakas na emosyon sa kanyang mukha, ramdam ko naman ang kaba sa di mapakali niyang mga mata.
Nakakatawa lang isipin na ito ang pinakamahaba ata niyang sinabi sa akin mula noong nagkakilala kami.
"Yun lang ba ang gusto mong sabihin?" pakiramdam ko kasi may gusto pa siyang idagdag.
Napaiwas naman siya ng tingin sa akin at saka bumulong ng...
"----I just want to know you better and be your friend."
Seriously, kahit alam ko na hindi siya delikadong tao, sinong baliw naman ang sa tingin nyang magpapaloko sa kanya no? 'Want to be your friend' kaya pala kailangan mo silang iistalke at hanapin ang bahay.
'Hays ano ba talaga ang binabalak mo sa akin Dude?'
Pero habang sinisilayan ko siya, may kung anong bagay na pilit sumisiksik sa aking isipan.
Alam kong katangahan lamang ito sabi ng utak ko pero... bakit iba ang sinasabi ng aking nararamaman. Sa katotohanan nga nyan parang sumaya pa ako nung makita ko siya ngayon. Akala ko talaga ay galit siya dahil sa nangyari noong nakaraan.
Ang kapanatagan na nararamdaman ko kapag malapit siya ang bagay na tunay kong kinatatakutan dahil hindi ko alam ang pinagmulan nito.
"I'm serious here, if you don't want to get in the car then we can just walk while talking and maybe we can also know a little bit about each other, what do you think?" hopeful na tanong pa niya.
Can't help to stare at him, hanggang ngayon kasi ay parang hindi pa talaga ako kumbinsido. ' Ano ba talaga ang kailangan niya at bakit parang ang desperado naman ata niya sa pagkakaibigan na yan.'
Lalo na at hindi siya yung taong mukhang mahirap makahanap ng kaibigan. Para sa akin, siya yung uri ng tao na natural nang pinapalibutan ng mga tao. Kaya hindi ko pa rin maisip kung ano ang tunay na pakay niya sa akin.
Hm, hindi ko malalaman kung hindi ko siya makakausap at makakasama. Habang abala ako sa pag-iisip at pakikipagtalo sa aking puso at isipan. Bigla naman nagsalita ang isang to.
"I'm Kyle Luris Buenavista, 18 years old, I'm currently resides in ---"
Napatunganga na lang ako dahil sa paraan ng pagpapakilala nito. Para siyang elementary kapag bagong pasukan. Akala ko tapos na siya pero mukhang hindi pa siya masaya sa kanyang mga sinabi.
"I can also provide you with the password on my social media accounts if you want, it's *****, how about my bank account--"
"---Wait wait! dami mo agad na sabi, pati ba naman password mo binibigay mo pa, baliw ka ba talaga? personal information mo na iyon ah." pagsesermon ko pa dito, matapos pigilan ang attempt nitong pagdedeklara ng personal nitong impormasyon.
"That's fine, I just really want you to trust me, but before we go, do you want to check if my given information are all true?"
Yung mga ganitong galawan ay pang mga scammer, pero dahil siya na ang nag alok, why not? Titingnan at sisiguraduhin lang naman ih. Malay natin at tama ang lahat kaya siya confident na ibigay ang mga private information niya.
"Dahil sa bilis mong magsalita kanina hindi ko natandaan at saka wala din akong load, paano yan?"
"That's not a problem. Here, use my phone." Dinukot niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa. Sa tingin ko hindi lang siya mukhang mayama, kung hindi talagang mayaman. Mamahalin ang kanyang cellphone, IPhone ata ito, yung latest model.
Pero bago tanggapin ang cellphone niya, hindi ko pa rin maiwasang manigurado.
"Hm, sigurado ka ba talaga dyan?"
"Tss, just check it out already," inip na saad nito.
"Okay okay, wag ka magalit." Sa halip na matakot ay napatawa pa ako ng mahina dahil sa pagkaka-kunot ng kanyang medyo makapal na kilay, ang itsura pa nito ay parang mangangain na.
As we're keep talking, I started to browse his phone, pansin ko na hindi siya masyadong active sa sss, kakaunti lang o halos wala siyang mga post. Base sa nakikita ko. Puro tag lamang ng mga kaibigan niya ang laman ng kanyang account.
Gusto ko pang mapatawa nang maisip na may kaibigan pala ang isang weirdo na tulad niya.
"Wow, iba ka din ah, mayaman ka pala talaga Dude, oh at mukhang hindi iisa ang kotse mo," pagpuri ko pa sa kanya dahil sa iilang larawan na aking nakita.
Sa totoo lamang, yung larawan na nakita ko ay halos kinunan noong bata pa siya, may katabi din siyang lalaki na kamukhang-kamukha niya habang nakasandal sila sa isang sasakyan. At sa tingin ko ay nasa garahe sila sapagkat napakarami pang ibang mamahalin at kilalang sasakyan sa kanilang tabi.
Tinitingnan ko pa yung ibang photos niya sa sss pero super unti lang talaga habang naglalakad kami sa tabi ng kalsada.
Napapayag lang niya akong sumama sa kanya mula din sa kanyang prinopose na idea kanina. Napagkasunduan namin na maglakad na lang papunta sa simbahan sa halip na sumakay sa kotse niya.
Hindi kasi talaga ako tiwala sa sasakyan niya, lalo at naniniwala akong once na nakapasok ako dun baka di na ako makalabas.
Ewan, hindi naman ako clostrophobic na tao at di rin naman ako mayaman para ma-kidnap pero ayaw ko talaga sumakay sa isang kotse ng taong di ko naman lubos na kilala.
Habang naglalakad kami, inuulan ko naman sya ng mga tanong. "Dude anong trabaho ng mga magulang mo?"
"My dad is a businessman." Napatango naman ako dahil sa sagot niya. Halata naman sa itsura, kilos at ugali niya na galing talaga siya sa mayamang pamilya.
"May iba ka pa bang kapatid?"
"Yeah, I have an older brother, his name is Kade," sagot pa niya, medyo nagulat pa ako ng higitin niya ang braso ko palapit sa kanya.
Pinagpalit niya ang aming posisyon, kanina kasi ay nasa tabi ako ng kalsada at malapit sa mga sasakyang dumadaan.
Ngayon ay siya na ang naroon at sinasanggahan ako sa mga mabibilis na sasakyang dumadaan.
Napataas na lamang nang bahagya ang aking kilay dahil sa ginawa niya. May pagka-gentlemen din pala si Dude.
"Ah, so sa LPU din ba siya napasok?" Napansin ko kasi sa dala niyang mass attendance nung nakaraang linggo ang logo ng school na kanyang pinapasukan.
"No, he's already graduated and working in States right now along with my dad."
"Talaga, pero dito din ba siya sa Pilipinas nag aral o doon na din sa States?" pag uusisa ko pa dito. Wala naman siyang pakialam at patuloy lang sa pagsagot.
"He studied in States."
"Ganun ba, ikaw bakit hindi ka din dun mag aral eh afford nyo naman?"
"I just don't like." Hmm, typical na ugali ng mga spoiled, joke. Malay ko naman kung may dahilan siya kung bakit nagpaiwan siya dito kahit nasa ibang bansa na ang kanyang pamilya.
"Okay," tipid na sagot ko saka nagkibit balikat. Wala din naman akong magagawa kung ayaw niya di ba?
"Hey, can I have your number?" napalingon ako dahil sa biglang tanong niya sa akin.
"Bakit naman?"
"Tss, are you still have your doubt? I just want to talk to you sometimes," paliwanag pa niya.
"Pero kahit ibigay ko pa number ko hindi din naman kita mare-replayan, hindi kasi ako naglo-load, mahal kasi."
"I have no choice, I just call you then."
Hindi ko talaga alam ang iniisip niya, kaya wala na akong nagawa.
"Bahala ka na nga." Sabay abot ng cellphone kong luma, walang mangyayari sa pakikipagtalo sa ulol na to.
Sa sariling sikap namin ay nakarating din naman kami sa simbahan, mabuti na lang at hindi pa nagsisimula ang misa.
Nakahanap kami ng upuan na malapit sa electric fan para hindi mainit at para makapagpatuyo din kami ng pawis. Ang init maglakad.
Kapag gusto kong mapag isa o kaya gusto ko ng katahimikan, dito ako sa simbahan pumupunta hindi naman ito literal na tahimik dahil syempre may ibang tao din naman dito. Mga taong nag uusap, mga batang nag iiyakan at naglalaro sa paligid.
Ang ibigsabihin ng katahimikan na hanap ko ay ang kapanatagan ng aking puso at isip.
"Hey."
Ayy! nakalimutan ko may kasama nga pala ako dito, paano ko nakaligtaan ang lalaking to, eh ang laki-laki niya.
"Huh? bakit?"
"Tss, nothing, I thought something happens to you. You got silent suddenly."
Hindi naman ako sumagot. Yan na naman kasi siya sa "Tss" na yan, gusto kong mapatawa sapagkat para siyang
ahas na ewan kapag ginagawa niya iyon. Mukhang expression niya iyon kapag naiinis siya.
"May gusto ka bang sabihin?" tanong ko pa, titig na titig kasi sa akin.
Hindi ko tuloy maiwasan na di mapansin ang kakaibang kulay ng mata niya. Para itong purong itim kapag madilim, pero minsan asul ang tingin ko dito kapag maliwanag.
Ganun din ang pangil o Canine teeth nito, Oo mas litaw o pronounced kasi ang sa kanya kaysa sa normal na ngipin na pantay lang.
Di naman ito ganun kahaba katulad ng sa mga vampire pero more on sa side siya ng aso.
Ewan ko kung ano bang iniisip ko, oo alam kong gwapo ang ulol na to, pero mukha talaga siyang werewolf. Ang kanyang kagwapuhan ay pang mga hunk na werewolf at minsan ay may pagka- aristocrats din na parang sa vampire.
Yung vibe kasi niya minsan parang sa isang prinsipe. Di nga lang prince charming, baka prince of darkness pa.
'Hays, nababaliw na ako, ginagawa ko na siyang mythical creature.'
"Hmm, I-I want to say sorry for everything, especially what I acted last time."
Nagising na lamang ako sa kabaliwan ko dahil sa sinabi nito. 'Huh everything daw? san galing yun?'
"Anong sinasabi mo diyan?" hindi ko naiwasang maitanong.
"First of all the incident in the jeep and also last week, I shouldn't force you against your will," sabi pa niya ng puno nang sinseridad habang nakayuko. Mukha siyang pinangaralang tuta. Kawawa naman.
Ang totoo nyan wala lang naman sa akin yung nangari sa jeep, lalo na yung panghihigit niya sa akin patungo sa parking lot. Akala ko nga siya pa ang galit sa akin ngayon.
"Ano ka ba Dude, ayos lang yun. Ang totoo nyan gusto ko din mag-sorry dahil sa mga sinabi ko sayo."
"So, can we be friends now?" hopeful na tanong niya na nakapagpa-isip sa akin.
Hmm, wala namang masama kung yun lang ang ang gusto niya, tsaka pagkakaibigan lang naman eh, pati ba naman ganung bagay ay ipagdadamot ko pa.
"Oo na, sige na," sabi ko sa kanya sabay ngiti, kaya hindi na rin nya napigilang mapangiti na din.
Mas gwapo siya kapag ngumingiti, kahit paano ay nagmumukha siyang tao. Robot na werewolf kasi ang tingin ko sa kanya.
"So, it's settle then, from now on you'll be my friend."
Gusto kong taasan siya ng kilay parang kasing sobrang big deal para sa kanya ng bagay na ito. Ang pagkakaalam ko naman ay may mga kaibigan siya base sa nakita ko sa sss niya.
Pero ewan nahuli ko na lang din ang aking sarili na nakangiti na sa kanya para kasing ang saya-saya niya.
"Oo nga pala dahil official na friends na tayo dapat magpakilala ulit tayo sa isa't isa ng pormal. Ano sa tingin mo?" tanong ko sa kanya para naman makapag simula kami ulit nang mas maayos at kalimutan na ang bagay na aming hindi napagkaintindihan...fresh start ba kamo.
Mukhang nagustuhan naman niya ang ideyang yun sapaglat mas lalong kuminang ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko, para syang isang batang ngayon lang nagkaroon ng kaibagan.
"Yeah sure," maikli pero napaka saya nyang sagot.
"Okay simulan na natin." Hindi pa naman nagsisimula ang misa kaya nakaka usap pa kami ng ganito.
Inilahad ko ang aking kamay asa harapan niya at sinabi ang aking pangalan. "Ako si Jhe Garcia, masaya akong makilala ka."
"Hi Jhe, I'm Kyle Luris Buenavista and I'm glad to meet you too," nagshake hands na kami na parang mga baliw.
Nang mapagtanto namin ang kalukohang ginagawa at sa simbahan pa talaga, napangisi na lamang kami sa isa't isa at tuluyan nang napatawa.
Ang sarap din palang isipin na nagkaroon ako ng bagong kaibigan, kadalasan kasi ang mga nagiging kaibigan ko lang ay ang mga kaklase ko sa school at wala ng iba pa. Hindi ako mahilig lumabas ng aming bahay kaya halos di ko din kilala ang aming mga kapitbahay.
Minsan nga napapagkamalan na akong aswang dahil lagi akong nakakulong sa loob ng bahay. Anong magagawa ko, mas gusto ko pang matulog kaysa makipagchikahan sa labas.
Kuntento na ako sa tahimik at simple kong buhay sa loob ng aking kwarto at aming bahay.
Matapos ang isang oras na misa ay nagpaperma ulit kami ng mass attendance sa gilid ng simbahan bago maisipan na umuwi.
Habang naglalakad, naisipan kong magbukas ulit ng usapan para naman hindi maging awkward ang paglalakad namin pauwi.
"Dude na alala ko lang di ba taga-Libjo ka?"
"Yeah, what's up with that?"
"Kung ganun edi ba may mas malapit na simbahan doon, yung holy trinity sa may SM, bakit nadayo ka pa dito sa bayan?"
Totoo naman, pwede naman kasi na dun magsimba at magpaperma rin ng mass attendance dahil yung ibang mga kaklase ko ay doon nagsisimba para hindi na sila lumayo pa.
"No reason."
Eh di shing parang sinabi na rin nyang "no comment." Pero ano pa nga ba ang pakialam ko kung gusto niya dito magsimba, di ba? Ako lang ang usisera dito ih.
"Ah sya bilisan na nating maglakad, pagod na ako kaya gusto ko ng umuwi."
Tumango lang naman siya at sumunod na sa aking paglalakad. Nang lingunin ko siya ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na makunsensya, dapat pala ay pinagdala ko na siya ng sasakyan para hindi na siya naglalakad.
Mukhang hindi bagay sa itsura niya ang paglalakad sa mausok at mainit na tabing kalsada, pero kahit ganun, hanga pa rin ako sapagkat walang maririnig na reklamo mula sa kanya, tahimik lang siyang sumusunod sa akin.
Dahil tahimik lang kaming naglalakad at walang imikan ay hindi ko namalayang malapit na pala kami, halos natatanaw ko na ang sasakyan niyang naka-park sa may tabi ng kalsada, at mukhang nandoon na rin ang aking mga magulang sapagkat naroon na rin ang aming tricycle.
Alam kong pagod na rin itong kasama ko kahit hindi pansin sa ekspresyon niya. Walang emosyon na makikita sa blanko nitong mukha pero hindi nakalampas sa aking paningin ang pagtulo ng pawis niya sa noo at ang pagkabasa ng damit nito.
Nakakaawa siya tingnan sa totoo lamang, kaya naman naisip ko na papasukin ko muna siya sandali at painumin ng tubig.
"Dude, uyy bago ka umuwi gusto mo ba munang pumasok sa bahay namin at uminom ng tubig? Mukhang napagod ka sa paglalakad ih." Dahil sa aking sinabi ay mukhang namuhay ang lahat ng dugo ng isang to sa katawan. Bigla ba namang nagningning ang kanyang mga mata at ngumiti ng napakaganda.
Napapikit na lamang ako para di masilaw sa makintab at kumikislap niyang mga ngipin. 'Pagkakatanda ko, inalok ko lang siya ng tubig, anong nakakatuwa doon?' hindi ko mapigilang itanong sa aking isipan.
"Yes, sure, I love to."
Woah sa sobra nyang bilis sumagot at halos maputol ang ulo niya sa pag tango ay lalo akong naawa sa kanya, mukhang ganun na talaga siya ka-uhaw.
Pero bago kami makapasok bigla ko namang naisip na... 'Naku po, siguradong samot-saring tanong ang ibabato ng mga magulang ko nito dahil nagdala ako ng lalaki sa bahay namin, ni kaklase ay wala pa nga akong naiisama dito sa aming bahay eh, bale si Dude pa lang ang una.'
Pero, wala na akong magagawa nandito na to kami, ipapaliwanag ko na lang pag alis ni Dude. Bago pumasok ay napa-sign of the cross pa ako.
Nang buksan ko na ang aming pinto, ang una kong nakita ay ang aking ama na nakaupo sa sofang kawayan at nanunood ng balita. Bigla akong kinabahan dahil biglang tumingin ito sa aking direksyon nang marinig ang pagbukas ng pinto.
Kinakabahan man pero alam kong wala nang atrasan to kaya tumuloy na akong pumasok at tumabi sa daan para maka pasok din ang kasama ko.
"Good evening sir." Oh goodness parang jina-jackhammer ang puso ko sa kaba dahil baka kung anong sabihin ni father dear.
"Hm, may kasama ka pala neng, bakit di mo paupuin muna," saad pa nito sa akin. "Magandang hapon din hijo."
Tumango naman si Dude. "Ah sabi ko nga po, Dude upo ka muna dyan." mabilis kong hinigit ito papalit sa isang upuan.
"Okay." yun lang ang sagot nya habang papunta sa may upuan naming gawa sa kawayan.
"Sige, Dude diyan ka lang muna, kukuha lang ako ng tubig mo," sabi ko at saka nagtungo na sa kusina.
Nang makarating sa kusina, naabutan ko pa ang aking mudra na nagluluto. "Oh neng, narito ka na pala."
" Opo, mader, pahingi po muna ng tubig," sagot ko, at saka nagsalin ng malamig na tubig sa isang baso.
Nang bumalik ako para dalhin ang tubig ni Dude para makainom na siya at makalayas na, baka kasi kung ano-ano pang itanong ni father dear eh.
Ngunit talaga yatang hindi ako pinapanigan ng swerte dahil hindi ko napansin na nasa likod ko na pala si mader, sumunod ata sa akin.
"Uy Henry, halika na at kumai-" hindi na naituloy ni mader ang kanyang sasabihin ng makita niyang may kausap si pudra sa sala.
"Magandang hapon utoy, sino ba ang sadya mo dito sa aming tirahan?" tanong ni mader kay Dude...naku nga, patay na.
"Ano ka ba naman Ma, itong gwapong binatang ito ay kasama ni ineng, bisita niya," proud na turan pa ni pudra kay mudra, habang itinuturo si Dude.
Parang gusto ko ulit mag-sign of the cross nang tingnan ako ni mother. Baka kahit papaano ay mailigtas ako nun.
"Ah ganun ba, siya halika na rin utoy sumalo ka na sa aming hapunan."
Ngayon, hindi ko na alam kung matatawa ba ako o matatakot dahil sa narinig. Napa-nganga nalang ako dahil sa gulat. 'As in, ano to dinner with the family?'
Pagkakatanda ko, tubig lang dapat ang pakay ng lalaking 'to, tapos ngayon sasama pa siyang maghapunan. 'Well, alam ko namang mayamanin siya, sure akong tatanggi yan.' napangisi pa ako dahil sa aking naiisip.
Pero sabi nga nila, expect the unexpected.
"Yes ma'am, I would gladly accept your invitation," wala mang emosyon ang namakikita mula nito, pero dahil sa tipid na ngiti sa gwapo nitong mukha, masasabi na rin na masaya ito.
Matapos sabihin iyon ay tumayo na ito at masunurin na sunod kay mudra at pudra papuntang kusina.
At ako, ito naiwanag nakatulala habang nakasunod ang aking paningin sa kanila.
"Wow ha, hindi lang siya uhaw, mukhang gutom na rin."