Chapter 4

2718 Words
JHE POV MAKALIPAS nang ilang minuto, napapatango pa ako habang nakikinig sa pahayag ng pari. Feel na feel ko na ang sermon nito at mga payo. "Ang pagmamahal mo sa kapwa ay katumabas ng pagmamahal mo rin sa Dyos, kaya naman mga kapatid mahalin natin ang ating kapwa," sermon muli pa ng pari. Masaya na ako at dalang-dala na sa mga pahayag ng pari nang makarinig na naman ako ng isang bulong mula sa aking katabi. "Hey---" "Ano na naman, kala ko ba nanahimik ka na?" hindi makapaniwalang bulong ko din sa kanya pabalik. "Yeah, but you just ask me to be quiet for 5 minutes---" sabi niya na ikinabigla ko at ikinangisi naman niya. "----and your 5 minutes is already up." Gusto kong isampal ang dalawang kamay sa mukha ko ngayon para pigilan ang sarili na makapanakal dito sa loob ng simbahan. Magkakasala ako dahil sa kanya eh. Napabuntong hininga na lang ako at sinabi na gawin niya ang gusto niyang gawain, pero hindi ibigsabihin noon ay sasagot ako sa mga sinasabi niya. Sakit sa ulo ang isang to, tapos english speaking pa, pakiramdam ko ay nadugo na ang utak ko sa pakikinig sa mga sinasabi niya. Kaya bago pa ako ma-highblood sa inis at atakihin dahil sa kakulitan niya, hindi ko na lang siyang pinansin kahit bulong siya nang bulong sa akin. Makalipas ang ilang minuto, nagsitayuan na muli ang lahat upang kumanta ng 'Ama namin' nang sabay-sabay. Tumayo na rin ako at inilahad ang dalawang kamay para sa pag hahanda sa pagkanta nang biglang--- Napatingin ako sa kamay na pumatong sa kanan kong kamay, kanino pa nga ba iyon kung hindi sa bwisit na lalaking katabi ko. Anong binabalak nito at bakit may paghawak pa sa kamay ko? Tinapik ko naman ang kamay niya sabay bulong ng... "Wag mo akong hawakan, hindi tayo close." Patagilid siyang tumingin sa akin at ginawa ang isang bagay na hindi ko inaasahan. "Now, we're close," proud na saad pa niya matapos dumikit sa aking tagiliran. Hindi makapaniwalang napasilay ako sa kanya. "S-Seryoso ka ba?" hindi ko mapigilang di ibulong pabalik. Humarap naman siya sa akin at seryoso akong tiningnan sabay hawak ulit nang mahigpit sa aking kamay, ang mga tingin niya ay para bang nagsasabi ng..."We're already close, what's your problem now?" Hindi na lamang ako umimik at pinilit pa rin na inaalis ang kanyang kamay, pero ang higpit ng pagkakahawak niya. "Uy Dude, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha? Bitawan mo ang kamay ko," halos isigaw ko na sa kanya iyon, pero walang pakialam sakin ang ulol. Ni tingnan ako ay hindi niya magawa, busy siya sa pag himig ng kanta at pagtitig sa harapan at dahil ayaw kong gumawa ng g**o o kaya kumusyon sa simbahan ay hinayaan ko na lang siya. Hindi ko naman ikamamatay ang paghawak niya sa aking kamay. Nang matapos na ang kanta ay mabilis ko namang binawi ang aking kamay, pero ang bwisit na ito ay ngising-ngisi pa talaga, kala mo nanalo sa lotto. Habang nagpapatuloy ang misa, napansin ko na biglang tumayo itong katabi ko. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya. Hindi man lang naman niya ako tinapunan ng tingin habang naglalakad papunta sa gilid na parte ng simbahan. 'Baka tapos na siyang mangulit at mang asar kaya umalis na,' isip-isip ko pa habang napapakitbalikat. Haharap na sana ulit ako sa unahan nang maramdaman kong may umupo na ulit sa aking tabi. 'Hindi rin nakatiis, babalik din pala.' napangisi pa ako sabay lingon sa kanya. Pero mukhang hindi iyon ang inaasahan kong makita, sa halip na si Dude ay isang matandang babae na ang aking katabi ngayon. Wala sa sarili naman akong napalingon habang hinahanap kung nasaan na ang bwisit na lalaking iyon. Nang makita kong tahimik na siyang nakasandal sa pader ay bigla kong napagtanto ang ginagawa ko. 'Gaga ka Jhe, wag mo nang tingnan, dapat magpasalamat ka pa nga at nilubayan ka na.' Tama man ang ibinubulong ng aking utak, pero hindi ko mapigilang lingonin lagi ang kinalalagyan niya. Makalipas ang isang oras, natapos na rin ang misa sa isang malakas at masayang palakpakan kaya nagsimula na din akong maglakad palabas, pero bago iyon ay dumaan muna ako sa lagayan ng holy water para mag-sign of the cross. Ngayon ay papunta na ako sa gilid ng simbahan kung saan kailangang pumila para makapagpa-perma ng mass attendance. Nang makalabas sa pinto ng simbahan nagmadali na akong naglakad palayo, mahirap na at baka makita pa ako ng makulit na iyon. Mabuti na lamang at maraming mga tao sa paligid kaya sumiksik ako sa kanila para hindi niya ako mapansin. "Yes!" pabulong na pagdidiwang ko pa nang makalayo sa simbahan at patungo na sa aking destinasyon, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay mukhang naging maaga ang aking pagdiriwang. Mula sa mga taong nakapaligid sa akin, hindi ko napansin ang isang kamay na mabilis na humigit sa akin pabalik. Dahil sa sobrang gulat ay hindi na ako nakasigaw pa at mas piniling humarap para makita kung sino ang salarin na iyon. Pero sa halip na mukha ng tao ang aking makita, parang humampas sa isang pader ang aking mukha dulot ng bagay na nasa aking harapan. "Aray sakin nun ah, kailan pa nagkaroon ng pader dito?" tanong ko pa sa aking sarili, habang kinakapa ang matigas na bagay na nakaharang sa aking harapan. Nanatili akong nakayuko at nakapikit habang patuloy na hinahaplos ang masakit kong noo, bumalik lamang ang malay ko nang bigla akong nakarinig ng isang tighim. "Ehem!" Mabilis akong napatingala habang nakatungo naman siya para mag pantay ang aming mga mukha. 'Shete, ang tangkad pala talaga niya.' tutulang saad ko sa aking isipan habang namimilog ang mga mata dahil sa gulat. Mabuti na lamang at mabilis akong nakabawi kaya bago pa siya makapagsalita na naman nang maka-nosebleed niyang english ay inunahan ko na. "Ikaw na naman! Ano ba talaga kailangan mo?" Hindi naman agad siya sumagot bagkus ay may kinuha sa suot na body bag. Humarap muli siya sa akin at ipinakita ang hawak. "Can you please take me where they sign this?" tanong pa niya. Nang makita ko ang kanyang hawak, napansin kong mass attendance din pala iyon. Nakatatak pa dito ang logo ng school na pinapasukan niya, at hindi ako nagkamali. Mayaman nga talaga si Dude, sa isang sikat na eskwelahan siya nag aaral dito sa lugar namin. Habang pinagmamasdan ko siya, doon ko lang napagtanto ang aking kamalian. Ngayon parang gusto ko nang ipalamon sa lupa ang aking sarili. 'Ibigsabihin, all this time gusto lang pala niyang tanong tapos ilang beses ko siyang sinungitan. Jusko, nakakahiya. Patawarin niyo po ako Dyos sa aking pagkakasala.' Gusto kong sampalin ang mukha ko nang paulit-ulit, pero naisip ko naman na baka isipan pa niya na nababaliw na ako kaya napigil ko pa ang sarili ko na gawin iyon. Sa halip na magpahalata, napatighim pa ako at umaktong kunwari ay nag iisip. "Hmm, sige sasabihin ko sayo, sasamahan na din kita." Para makabawi naman ako sa kanya kahit kaunti. "Really?" bumakas ang isang tipid, pero masayang ngiti sa manipis niyang mga labi at nabahiran ng pamumula ang maputi niyang pisngi. 'Hays, edi ikaw na nga ang may maputi at rosy cheeks.' "Oo, pero sa isang kondisyon Dude," ani ko sa kanya para tigilan na niya ako, walang masamang tumulong doon din naman ang punta ko. "What is it?" "Pagkatapos nating mag pa-perma ng mass attendance natin, wag mo na akong kukulitin pwede ba? Ano DEAL?" Pagkikita ko kasi siya, naaalala ko ang kagagahan ko. Parang hindi pa agad siya makapagdesisyon, pero maya-maya ay napataas pa ang maitim at medyo makapal niyang kilay bago sumagot. "Okay, it's a deal then." Hays, salamat mabilis naman pala siyang kausap. Nagtungo na kami sa gilid ng simbahan. Habang nakapila doon ko naisipan na ilabas na ang aking mass attendance at ballpe-- t-teka? Mabilis kong kinalkal ang aking bag pero walang ballpen na lumitaw mula dito. Hindi ko maiwasang di mapakamot ako sa ulo ko. 'Ano ba yan, malas ko talaga' "Is there any problem?" tanong pa niya sakin, siguro napansin niya na may hinahanap ako. "Ano kasi Dude, mukhang nakalimutan kong magdala ng ballpen," nahihiyang turan ko sa kanya. "It's okay. Here, take mine," aniya kaya napangiti ako, kailangan ko na talaga ito sapagkat malapit na ang turn ko. Mabait naman pala si Dude, hulog ata ng langit. "Ui salamat ah," saad ko pa sabay ngiti ng maganda sa kanya, pansin ko naman na biglang umiwas siya ng tingin at napahaplos pa sa batok. Hindi ko na lang siya pinansin, baka nangangati lang hindi ata sanay sa mga ganitong gawain. Siksikan kasi ngayon sa pilang aming kinalalagyan. Syempre nagpapa unahan ang mga kapwa rin naming eatudyante na mauna sa pagpapa-perma nang makagala na sila pagkatapos. Alam kong mabait si Dude, pero base sa pagkakahawak niya sa aking pulsuhan, wala ata siyang balak pakawalan ang kamay ko. Hindi ko man gustuhin na lukohin siya, pero kailangan kong isagawa ang aking plano. Kapag natapos na akong magpa-perma, dahil tapos na ako, aalis na ako at iiwan ko na siya dito, syempre hindi niya ako mahahabol dahil may ginagawa siya. Gusto kong tumawa na parang sa mga kontrabida, pero wag na lang, baka isipin pa ng mga tao dito sinasapian ako ng masamang espirito. "Salamat po," magalang na turan ko nang mapermahan na ng pastor ang aking mass attendance. Ngayon handa na akong isasagawa ang plano ko. Unti-unti ang naging pag atras ko palayo para hindi niya mapansin, kaunti na lang at malapit na akong makalayo ng biglang---- "Ay!!!" napasigaw ako dahil sa gulat at mabilis na napatakip ng bibig nang biglang may kamay na humigit na naman sa akin pabalik. Deja vu? Napatingin ako sa salarin, sino pa nga ba? Eh di ang bwisit na lalaki. Hinigit niya ang braso ko at inipit sa kanyang kili-kili para hindi ako maka alis. Pasalamat ka Dude at mukhang wala kang putok, mainit pero di basa ang kili-kili niya. "Dude, bitawan mo na ako," bulong ko pa. "Nope, not until I've finish this. You're going to wait for me," sagot naman niya at dahil ayaw ko namang makipagtalo pa kaya sa huli wala na akong nagawa kung hindi maghintay. "Ang gwapo naman, girlfriend ba niya yung kasama, ano ba yan hindi naman sila bagay." "Kaya nga, mas bagay pa kami." Mga luka, kung pwede lang akong lumingon nang di nababali itong kamay ko ay nagawa ko na, baka nabigyan ko pa ng dirty finger ang mga babaeng nagbubulungan sa likod namin. Mga echosera! Nang matapos na rin siyang magpa-perma at makalayo na kami sa pila. "Dude, hindi na ako natutuwa, bitawan mo na ako dahil kailangan ko nang umuwi sa amin, pansin mo ba hapon na oh," inis na saad ko, sabay turo sa dumidilim nang kalangitan. Ala sais na kasi ng hapon natatapos ang misa. Hindi naman siya nagsalita at patuloy lang sa paglalakad, ang kamay ko ay hawak na niya at wala na sa mainit niyang kili-kili. "My name is Kyle, so stop calling me Dude, got it." "Anong pakialam ko sa pangalan mo, hindi ko naman tinatanong," saad ko sa kanya sabay irap. Hindi naman niya ako pinansin at patuloy pa rin sa pagkaladkad sa akin. "Hays, alam mo kung anong kailangan ko DUDE?" tanong ko sa kanya. "Mn, what is it?" "Ang kailangan ko ay ang braso ko, pwede mo na bang bitawan, gusto ko na talagang umuwi eh." Sa totoo lang, kaunti na lang at gusto ko nang batukan ang isang to kung abot ko lang sana ang ulo niya, kaso hindi ako nabiyayaan ng extra height. "Don't worry, I'll send you home," sabi niya kaya oras ko naman para magtaas ng kilay. Ngayon alam ko na kung bakit patungo sa dereksyon ng parking lot ang pupuntahan namin. "A.yo.ko! Bitawan mo na ako bago pa ako sumigaw dito!" Mukhang wala naman siyang narinig kasi sa halip na bitawan niya ako ay lalo pa ako hinigit palapit sa kotse niyang maganda at mamahalin. Nang buksan na nito ang pinto ng kotse, bigla kong naisip ang paalala ni Mader sa akin lagi ' Wag na wag kang sasama sa hindi mo kilala.' Dahil sa takot ay bigla kong hinigit ang aking kamay nang buong lakas, pero mas malakas talaga siya sa akin, dahil kahit anong gawin ko hindi niya pa rin nabibitawan ang kamay ko. "Sisigaw na talaga ako pag hindi mo pa ako binitawan!" pag babanta ko sa kanya habang binibigyan siya ng isang masamang tingin. Ngayon ay hindi na ako nagbibiro. Tumitig naman siya akin tapos nang ilang sigundo at saka kusang binitawan ang aking braso. Ewan ko kung bakit bigla akong nakaramdam ng awa lalo na nang tingnan niya ako kanina. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko, kanina parang lalabas na dibdib ang aking puso dahil sa kaba tapos ngayon, para nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Mabilis naman siyang tumalikod at sumakay na sa kanyang sasakayan nang hindi manlang ako nililingon. Dahil sa nangyari habang naglalakad ako pauwi, mabigat pa rin ang aking kalooban, para akong na guilty sa nangyari. Ramdam ko namang hindi naman siya masamang tao at nakikita ko talaga iyon sa kanya. Bukod pa roon, sa maikling panahon na magkasama kami ay nakaramdam din naman ako pinaghalong inis at saya. Yun bang pakiramdam na kasama mo ang isang matalik na kaibigan, ganun ang nararamdaman ko habang kasama ko siya kanina. Alam ko man na hindi naging maganda ang una naming magkakakilala, pero hindi naging rason iyon para maging mortal kaming magkaaway. Bukod pa roon, napakaliit namang bagay ang hindi namin napagkasunduan noon. ▼△▼△▼△▼△ SABADO... Isang linggo na naman ang nakalipas at kahit isang saglit ay hindi siya na wala sa isip ko. 'Preno! uyy hindi ko siya crush ha.' pagdedepensa ko pa sa aking isipan. Baka kung ano na naman kasing sabihin ng gaga kong utak kaya inunahan ko na. Nagu-guilty lang talaga ako, para kasing sinabi ko sa kanya na masama siyang tao at hindi maaring pagkatiwalaan. Pero hindi ko din naman masisisi ang aking sarili at naging desisyon, bago pa lang naman kasi kaming magkakilala kaya wala pa roon ang malalim na tiwala. Linggo na naman pala bukas. Sana makita ko kaya ulit siya, hihingi ako ng tawad at baka kapag nakapag usap kami ng maayos ay magkaintindihan kami. Kaso naisip ko din na baka hindi na nga siya pumunta dun. Hindi ko mapigilang hindi mapabuntong hining dahil sa mga iniisip ko. Basta kung makita ko man siya bukas...eh di makita...pero paano kung galit siya? Ewan ko bahala na bukas. LINGGO/ 4:30 PM Okay this is it! Paalis na ako ngayon at patungo muli sa simbahan. Nang maisara ang pintuan at gate, bigla akong napatigil at napahawak sa aking dibdib. "Bakit ako kinakabahan?" bulong ko pa, pero sa halip na mag isip na naman ng kung ano-ano ay minabuti ko na lang na magsimula na sa paglalakad. Wala talagang mangyayari kung tutunganga na lang ako dito, at saka sasakay ako ngayon, may natira sa baon ko nung isang linggo kaya may pamasahe ako ngayon. Patawid na ako sa kanto at handa nang pumara sa dadaang jeep nang may napansin akong pamilyar na kotse na nakaparada sa may tabi ng kalsada sa di kalayuan sa bahay namin. Kulay itim ito na makintab at mukhang mamahalin talaga, pilit kong inaalala kung saan ko nga nakita ang sasakyang ito, pamilyar kasi talaga. Dahil sa malalim na aking pag iisip ko ay hindi ko napansing may taong lumabas mula doon. Nakatingin sa direksyon ko kaya pilit kong inaninag, medyo lumalabo na kasi ang mga mata ko dahil sa gabi-gabing pagbabasa ng ebook. Ngayon nagba-back fire na talaga ang lahat ng ginagawa kong pagpupuyat. Halos hindi ko na makita ang mukha ng taong naglalakad palapit sa aking dereksyon. Sa bawat hakbang niya ay siya namang paglinaw ng imahe na aking nakikita ganun din ay palaki din nang palaki ang mga mata ko dahil sa unti-unti ko nang na aaninag kung sino ang taong iyun. Kinusot ko ng ilang beses ang mga mata ko baka kasi nagkakamali lang ako ng tingin, pero kahit ilang ulit ang gawin ko hindi talaga nagbabago ang aking nakikita. 'Shit.' Nang masigurado ko na tama ang nakikita ko, hindi ko napigilang mapasigaw... "DUDE! ikaw na naman!?" "Miss me?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD