Chapter 3

1031 Words
JHE POV 'Ah kaya pala, mang-gagaya lang pala ang babaeng ito,' saad ko pa sa aking sarili. Sa isang column kasi ng aming mass attendance sheet ay may nakalaan doong space na lagayan ng iyong reflection tungkol sa naging sermon ng pari sa misang iyon. At dahil ayaw ko nang pag usapan pa ang tungkol sa nangyari kahapon ay ibinigay ko na lang ang mass attendance ko sa kanya para makagaya siya. Dahil sa pagpapaalala ng lukang ito sa nangyari kahapon, hindi ko mapigilang mapaisip kung ano nga kaya ang ginagawa ni Dude ngayon? Nasaan kaya siya? T-Teka? bakit ko nga ba siya iniisip. Sure akong galit pa rin iyon sa akin hanggang ngayon. Pero pag naiisip ko ang inis niyang mukha, may kakaibang pakiramdam na umuusbong sa aking dibdib at hindi ko mapigilang mapangiti. Ewan ko din ba, may hatid na inis at saya ang bwisit na lalaking yun sa akin. ▼△▼△▼△▼△ MAKALIPAS ang isang linggo, araw na muli ito para magtungo ako sa simbahan at magpaperma ng mass attendance ko. Tahimik akong nakatayo sa gilid ng kalsada at nag-iintay na matapos ang pagdaan ng mga sasakyan. Hindi umayon ang swerte sa akin kaya wala akong nahanap na pamasahe ngayon. Pero kahit ganun ay ayos lang dahil sa sipag at tyaga ko naman ay nakarating din ako sa may plaza. Tatawid na lang ako at makakapunta na sa simbahan. Habang prenteng nakatayo ako, hindi ko alam kung pinaglalaruan lamang ba ako ng aking emahinasyon sapagkat may naririnig akong tunog mula sa aking paligid. "Psst." "Pssst!" 'Ano ba yun parang may naririnig akong na sitsit, saan ba yun galing?' bulong ko pa sa aking sarili habang napapalinga sa paligid para hanapin kung saan ba nanggagaling iyon. Nakailang lingon na ako, pero wala akong nakikita, hanggang napansin ko ang pagbaba ng front glass ng kotse sa gilid ko kaya tinitigan ko naman ito, bigla kasi akong na curious. 'Hala! goodness!' Nanlaki ang mata ko sa gulat at halos mahulog sa kalsada ang panga ko dahil sa aking nakita, si DUDE yung nasa loob ng magandang kotse at nakangisi pa ang ulol. "Do you like my car?" aniya, habang itinataas-baba ang kilay at nag bitaw pa ng nakakairitang ngisi. 'Para namang papansin ko siya, bahala ka dyan,' isip-isip ko pa sabay dedma sa kanya. At nang makita kong wala ng dumadaang sasakyan ay tumawid na ako. 'Wala naman akong pakialam sa kanya, kahit isang dosenang kotse pa ang dalhin niya.' Pero habang naglalakad palayo ay parang nakaramdam din ako ng saya nang makita ko sya. 'Nababaliw na yata talaga ako.' Pagdating ko sa loob ng simbahan medyo marami na rin ang mga tao at malapit na ring mag simula ang pang hapong misa. Naghanap ako ng bakanteng upuan para makapag pahinga ako, medyo napagod din ako sa paglalakad kanina at dahil na din sa fated encounter na naman namin ni Dude. Habang nagpapay-pay ako ng sarili, may taong umupo sa aking tabi. Hindi ko naman tinitingan kasi nakapikit ako at hinahabol ko pa rin ang aking hininga. Tumakbo kasi ako papunta dito sa simbahan kanina sa pag aakalang late na ako. Mabuti na lang at hindi pa. Tahimik ang paligid at panaka-nakang mga kaluskos lamang ang maririnig sa lugar kahit napakarami na'ng tao dito, ito ang katahimikang aking nais, pero nawasak ang lahat nang iyon ng makarinig na naman ako ng mga nag chichismisang mga palaka sa di kalayuan. "Oh my gosh girls, mukhang destiny talaga kami yieee." "Naku Ruffa kami talaga ang nakatadhana, akalain niyo yun nagkita kami ulit." "Gurl! wag mo namang solohin, remember kasama mo kami last time." Gusto ko na namang mapailing, hanggang dito ba naman sa simbahan may maiingay at insensitive na tao pa rin. Dapat talaga hindi tatlong bibe ang nasa kanta, dapat tatlong palaka. Mukhang sa likod ko nag gagaling yung mga ingay kaya lumingon ako. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapataas ng kilay dahil sa nakita. 'Akalain mo nga naman, sila din yung tatlong babae sa jeep noong isang linggo ah.' Dahil sa kanila ay naalala ko na naman si Dude, pero ngayon mukhang ibang lalaki naman ang pinagfi-fiestahan nila. Hindi ko na sana papansinin ang mga ito at babalik na sa pagtingin sa unahan nang biglang bumulong ang aking katabi. "Hey, nice to see you again," saad nito. Biglang kumabog ang aking dibdib at bumilis ang t***k ng aking puso, pamilyar ang boses nito pero di ako nakakasiguro. Nang makalingon ako, doon ko nasigurado na tama ang hinala ko. 's**t, si Dude na naman, may special bargain of coincidence ba ngayon?' Ano bang kamalasan ang nasunod sa akin, kanina yung mga palaka, ngayon naman ang bwisit na lalaking ito. Habang tulala pa rin akong nakaharap sa kanya ay nagising ang aking isipan nang mapansin kong nagsitayuan na pala lahat ng mga tao. Tumayo na din ako at napatingin doon sa pintuan ng simbahan, magsisimula na pala ang misa kaya nagtayuan na ang lahat. Habang malayo pa ang pari at mga sakristan nito, inilibut ko naman ang aking paningin kung saan pa may bakanteng upuan. Gusto ko kasing lumipat hindi ko kakayanin na makatabi ang isang to nang halos isang oras. Pero mukhang punong-puno na ng mga upuan kaya wala na akong malilipatan pa. Napabuntong hininga na lamang ako at tinanggap ang masaklap na kapalaraan. Nagsimula na ang simba at gunun din ang pangungulit ng lalaking aking katabi. "Psst." "Pssssst." Ito ang ibig sabihin ko. Ayan na naman siya sa pag sitsit na yan. Kapag di ko siya pinansin, bigla itong lalapit sa akin at bubulong. "Hey, I want to tell you something." Napayukom nang mahigpit ang aking kamao dahil sa pagpipigil ng inis sa lalaking ito, hindi na ako makapag focus sa sinasabi ng pari. Nang hindi ko na makayanan ang kakulitan nito ay hinarap ko na siya at pabulong na kinausap. "Ano bang problema mo ha, ang daldal mo din eh pwede bang tumahimik ka kahit 5 minutes lang," gigil na pakiusap ko pa sa kanya. Tumango naman siya na parang bata at saka humarap na sa unahan para makinig sa pari, napahinga naman ako ng maluwag sapagkat akala ko nagkaintindihan na kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD