Chapter 2

1171 Words
JHE POV NANATILI akong nakapikit sapagkat wala naman akong pakialam sa taong sumakay, pero may pakialam ako dahil mas lumakas ang pag ingay ng mga echoserang palaka na nakaupo sa unahan ko. "Ang gwapo naman niya." Rinig ko pang saad ng maarteng boses habang pilit ibulong iyon sa kasama kahit failed naman ang attempt nito, sapagkat hanggang sa aking kinauupuan ay rinig ako ang pagsasalita niya. "Hala Oo nga girl, para atang foreigner?" "Oo bes, kita mo ba ang puti at ang kinis, sure akong mayaman si kuya, pwede nang mag artista." Rinig ko muling sabi nila na may halo pang kilig at pagpapa-kyut sa taong bagong sakay. Dahil sa lakas nang usapan nila ay naririnig ko na ang mga sinasabi nila kahit naka headset ako. Nang hindi ko na kinaya ang malakas at eksahiradang pag uusap nila ay inis na naimulat ko na ang aking mata. Nagulat lang ako dahil bakit may lalaking maputi, matangos ang ilong at napakaganda ng mga mata, itim na itim din ang buhok niya na lalong nagpatingkad ng kanyang kaputian. Sigurado rin akong matangkad ito sapagkat halatang hindi siya kumportable sa pagkakaupo niya sa loob ng jeep. Wala mang mababakas na emosyon sa gwapo niyang mukha, pakiramdam ko ay hindi siya sanay pagsakay sa ganitong transportasyon. Dahil sa matinding pagtitig sa kanya ay nabigla ako nang humarap siya sa akin. Dahil sa kahihiyan ay mabilis akong napaiwas at tumingin sa ibang dereksyon. Pakiramdam ko nakatingin pa rin siya sa akin, akala ata ay pinagmamasdan ko siya. 'Yabang din,' saad ko pa sa aking isipan, pero mukhang ni utak ko, di na sumasang ayon sa akin lalo na nang marinig ko ang sunod na ibinulong nito. 'Pinagmamasdan mo naman talaga siya ah,' singit na saad pa ng aking utak kaya napasimangot ako. Gusto ko pa sana itanggi, pero baka mabaliw pa ako kapag nakipag talo ako sa sarili kong utak. Isusuot ko na sana ulit ang headset na tinggal ko kanina nang mag sink-in ang lahat sa utak ko. 'Oh, siya pala yung lalaking pinag uusapan ng mga echoserang palaka kanina pa. "Ang gwapo niya talaga yiee." "Oo nga girl, super hot niya." Muli na namang nasakop ng maaarteng bulungan at iritan nila ang aking tenga. Sa totoo lang ay gusto ko nang bumaba, ako ang nahihiya dahil sa ginagawa ng tatlong babaeng ito, sa tingin ko pa naman ay mas bata pa sila sa akin. Okay na sana ang lahat, malapit na rin naman sa may plaza kung saan ay isang tawid na lang at nasa simbahan na. Wala na akong pakialam sa kanilang lahat, sa maingay ng mga palaka at sa asumerang lalaki nang bigla na lang ako nakarinig ng boses. "SHUT UP!" Natingin ako sa pinanggalingan ng seryoso at malalim na boses na iyon nang makita kong sa lalaking pinagkakaguluhan ng mga palaka iyon nagmula. Oo nagulat ako sa biglang pagsigaw niya, pero mas nagulat ako sapagkat sa akin siya nakatingin. Nung una hindi ko pa nare-realize ang nangyayari. Hindi ko alam kung bakit sa akin siya nakaharap at mukha pang galit. Nang mapagtanto ko ang lahat, ang blanko kong mukha ay napalitan ng inis. 'Aba, ang lakas din ng loob ng isang to, wala akong ginagawang masama tapos sisigawan niya.' 'Naghahanap ata ng gera ang lalaking to ah, pwes wag kang mag alala DUDE! hindi kita uurungan.' "Teka nga, ako ba sinasabihan mo ha?!" syempre kailangan ko munang makasiguro. "Yeah, didn't you hear what I said?" aniya, na para bang inaasar pa ako. 'Yabang talaga.' "Ah ganun ba, ako maingay?---" saad ko, habang deretsong nakatingin sa kanya. Halos magkatapat naman kami kaya wala akong problemang kausapin siya. Pansin ko din na biglang tumahimik sa loob ng jeep. "---wala ka pa nga yatang ilang minuto dito, tapos kung makapagbintang ka diyan akala mo naman napakagaling mo, at kung pwede tigil-tigilan mo ako sa pag-eenglish mo, nasa pilipinas ka po kung di ka pa na iinform," pagpapatuloy ko pa habang pina-niningkitan siya ng mata. "Tss," yan lang ang sagot niya sa lahat ng sinabi ko, mahina pala to, may pa english-english pang nalalaman. Pagkatapos ng pangyayaring yun ay hindi ko na lang siya pinansin kahit naririnig ko mga ibinubulong niya. "So crowded." "Uncomfortable." "Noisy." Nung napansin kong malapit na ako sa aking destinasyon ay naka isip ako ng isang evil plan para makabawi naman sa panghihiya niya sa akin kanina. "Alam mo DUDE kung hindi ka pala sanay sumakay sa public transportation kasi uncomfortable~" Pina-arte ko pa ang pagbanggit ng salitang 'uncomfortable' para asarin siya. "----eh di sa susunod mag dala ka ng sarili mong sasakyan, okay? Wag kang magalit, friendly advice lang," ani ko pa habang nakangiti ng pilit sa kanya. Hindi naman maipinta ang ekspresyon ng kanyang mukha, pero isa lang ang masisigurado ko at iyon ay ang katunayan na mukhang galit talaga siya. Kunot na kunot na kasi ang maitim at may kakapalan niyang kilay. Kaya naman bago pa niya ako masuntok dahil sa galit ay naisip ko na ang pinakamatalinong desisyon at yun ay ang bumaba na. "Para na po manong!" sigaw ko sa driver at saka bumaba. Kaso hindi pa ako nakalalayo nang hindi ko maiwasan na tumingin pabalik sa kanya, pakiramdam ko kasi may nakatingin sa akin. Hindi nga ako nagkamali mula sa jeep na sinakyan ko kanina ay naroon pa rin siya at masama ang tingin sa akin. Sa mga oras na iyon ay bigla ko na lang nahiling na sana ay hindi na ulit kami magkita pa. ▼△▼△▼△▼△ LUNES na naman ngayon kaya narito ako sa school namin. Maaga pa at tapos na din naman akong maglinis ng room ganun din ng labas kaya ngayon heto ako nakatunganga at nakatingin sa kawalan. Mula sa di kalayuan ay may narinig ako. "Bes!!!" sigaw ng luka kong bestfriend na si Rona, short for Ronalyn habang palapit siya sa aking upuan. Wala akong nagawa kung hindi lumingon sa kanya at alamin ang kanyang kailangan. "Oh anong problema mo at agang-aga ay sumisigaw ka?" "Wala naman bes," sagot pa niya habang napapakamot sa ulo. "Sus wala daw, sige na sabihin mo na habang nasa mood pa ako," pang aasar na saad ko pa sa kanya. "Ano kasi bes yung ano ba---" nahihiyang anito. "Ano nga?" inip na tanong ko pa sa kanya habang nagpapanggap na naiinis na. "Ano kasi bes... nakapagsimba ka ba kahapon?" sabi niya at dahil doon ay bigla na namang bumalik ang lahat ng nangyari sa isip ko. Unang-una na ang tungkol kay Dude, ang lalaking englishero. Bigla na lang ako bumalik sa katinuan ng may na pansin akong kamay na iwinawagayway sa mukha ko. "Bes? Hello? nandyan ka pa ba?" Hindi ko namalayan na natulala na pala ako. "Oh?" "Bes hindi mo parin sinasagot ang tanong ko," aniya pa. "A-Ah Oo nakapunta ako kahapon, bakit?" "Nakapunta din naman ako late nga lang, nakapagpaperma nga din ako ng mass attendance kaso hindi ko inabutan iyong sermon ng pari." Nakanguso pa niyang ani. Ngayon alam ko na kung anong kailangan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD