Chapter 18

1031 Words
JHE POV HINDI naman ako sigurado sa aking nakita kaya ipinagsawalang bahala ko na lamang muna. 'Medyo natatakot na din ako ha, kung saan-saan ko na ata nakikita ang bestie kong iyon, baka naman nami-miss ko na siya kaya namamalikmata na ako.' isip-isip ko pa, habang naglalakad kami ni Dude. Makalipas ang ilang sandali nakarating na rin kami, napansin ko na nandoon din sina Ken at Raizen, may kasama pa silang isang babaeng maganda. Paglapit ko pa lang sinalubong na ako ng masiglang bati ni Ken. "Jhe!!! Captain!!! Saan kayo galing? Hindi namin kayo mahanap." "Ui Ken, kuya Raizen nandito rin pala kayo," masigla ko ding bati sa kanila, gusto ko ang pagiging energetic ni Ken, nakakahawa ito at masaya. Napangiti lang naman si Kuya Raizen dahil sa itinawag ko sa kanya. "Diyan lang kami galing," saad ko muli at saka itinuro ang aming pinanggalingan at inilapag sa table ang aming mga dala. Medyo marami din kasi kaming napanalunan ni Dude sa mga booth dito. Uupo na sana ako sa tabi nila nang mapadako ang paningin ko kay Dude na nakaupo na sa dulo ng table kung saan ay wala siyang kalapit doon. Titig na titig siya sa akin tapos biglang lumingon sa gilid niya, napatawa naman ako sapagkat parang sinasabi niyang doon ako umupo sa kanyang tabi. Di ko akalain na, si Dude pala iyong uri ng tao na mahirap intindihin at unawain sa simula, pero sa oras na makilala mo siya ng lubusan at mas malalim. Kahit sa simpleng tinginan at senyasan ay nagkaka intindihin na kami. "Nga pala, siya si Vinah partner ni Zen," ani Ken, sabay turo sa babaeng katabi nila. "Hello Vinah, ako si Jhe," magalang na pag bati ko pa sa kanya habang kumikinang ang aking mga mata, ang ganda kasing babae, para siyang artista. Maputi at sexy. Maamo ang mukha at halatang mabait. Nang ngumiti siya, lalo na akong napangisi nang maganda. Hindi ko alam, nakatingin pala yung tatlong magkababata sa amin ni Vinah, nakangisi lang si Ken, malambing na nakasilay lang naman si Kuya Rai, at di naman mawawala ang masamang tingin ni Dude. Nagpagkilala din naman si Vinah sa amin ni Dude. Pero, as usual, wala naman pakialam itong katabi ko, napakamot na lang kaming tatlo sa ulo dahil sa ugali niya. Dakilang snober eh, sapat na sa kanya ang simpleng pagtango. Yun na yun, di na kailangan ng introduction at pagpapakilala pa. Mabait at tahimik din na babae si Vinah, bagay silang magka-partner ni kuya Raizen, base naman kay Ken, inindian siya ng kanyang magiging kapareha kaya wala siyang kasama ngayon. Habang nag uusap ang aking mga kasama. Napapalinga lang naman ako sa paligid at speaking of partners, habang nakaupo kami doon at nagpapahangin. May napansin akong kakaiba. "Ah pwede pa lang parehas lalaki o babae ang magkaka-partner?" "Oo, ang mahalaga ay magkaiba sila ng school na pinanggalingan," sagot ni kuya Raizen. Napatango naman ako dahil sa bagong nalaman. Nang mapaharap naman ako kay Ken, doon ko naisip itanong ang bumabagabak sa akin mula nang una ko pa lang silang nakilala kanina. "Ah Ken, bakit Captain ang tawag mo kay Du--Kyle?" tanong ko pa. Napatawa naman ito bago sumagot. "Gusto ko nga din itanong kung bakit Dude ang tawag mo sa kanya, pero sige ako muna ang sasagot." "Captain kasi siya nang basketball team namin dito sa LPU, tapos ang vice captain naman ay si Zen," buong pagmamalaki pa ni Ken sa akin. Napa-wow naman ako, naikwento ni Dude noon na member nga daw siya ng basketball team, di ko akalain na Captain pala siya. "Astig mo, Dude ah, kaya pala ang galing mo sa basketball shooting kanina," lumapit pa ako ng bahagya sa kanya at ibinulong iyon. Perfect kasi lahat ng hagis niya sa bola kanina kaya nakakuha ulit kami ng prize. Sa ngayon nga ay, abala si Ken at kuya Rai sa paghahalungkat sa mga dala namin. "Mn," sagot naman niya, tipid man, pero ramdam kong okay na ulit ang kanyang mood. Tumitig pa siya sa akin nang medyo matagal bago lumapit at bumulong. "Do you have some handkerchief?" "Panyo? Ah meron, ito!" nakangiti at masigla ko pang sagot sa kanya. Matapos kunin ang panyo mula sa aking bulsa. "Your sweat is dripping," aniya, sabay pahid sa aking noo. "Sa iyo din naman," nakangusong turan ko pa, kaya sa halip na sa sarili ko na ipunas ang panyo. Itinapal ko iyon sa kanyang noo at saka tumawa. Nang mapatingin sila Ken at kuya Rai, pati na din si Vinah. Napatawa din sila. Hindi naman gumalaw si Dude habang nakatapal sa mukha niya ang aking panyo. Napatigil naman ako ng pagtawa, nang mapansin na biglang tumahimik ang paligid. Nang mapadako ang paningin ko kay Ken at Kuya Rai, bakas ang takot sa mukha ng mga ito. Binigyan ko naman sila ng tingin na nagtatanong ng 'Bakit?' Hindi sila sumagot, pero mabilis na itinuro ang aking tabihan, nang makita ko ang ekspresyon ng mukha ni Dude. Sa halip na matakot ay napatawa muli ako. Magkasalubong na ang kilay niya, habang nakasilip ang matatalas niyang mata mula sa likod ng panyo. "Sorry na Dude, ang cute mo dyan," ani ko pa, at saka kinuha ang panyo para ipunas nang maayos sa kanya. Nawala naman ang pagkaka-kunot ng kanyang kilay at satisfied na napatingin sa akin habang patuloy na inaayos ko ang kanyang itsura. Magulo na kasi ang buhok niya dahil sa hampas ng hangin, basa na din ang kanyang mukha dulot ng pawis. Kaya naman matapos ko siyang punasan sa mukha, pansin ko na basa na din ang likod niya kaya pinatalikod ko siya para mailagay ang panyo doon. Mabuti na lang din at may dala akong pulbo. Naglagay din ako ng pulbo sa kanyang likod at mukha para fresh na ulit siya. Habang abala naman ako sa pag iintindi kay Dude, di ko alam na napapa-umis ang tatlong nakapanuod sa amin. "Jhe, ako naman sunod," pang aasar pa ni Ken, habang sinusuklayan ko si Dude. "Ah sig---" "f**k off." Di ko na nagawang ituloy ang aking sasabihin dahil sa inis na saad ni Dude kay Ken. "Ui Dude! Bad yun," nasabi ko pa dahil sa gulat. "He has a girlfriend already."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD