Chapter 17

1292 Words
JHE POV MATAPOS kumain, niligpit ko na ang lahat ng aming kalat at naghanap ng matatapunan no'n. "Hey, I can do that," ani Dude, habang inaagaw ang basura na aking hawak. Hindi ko naman ibinigay sa kanya. "Ako na Dude, chill ka lang itatapon ko lang 'to." Tiningnan lang ako niya na parang di sang ayon sa gusto ko, pero bago naman ako makaalis, pansin ko na napatango na lamang siya at wala nang nagawa pa. 'Sa wakas, nanalo din ako sa kakulitan niya,' nakangisi ko pang saad saking sarili habang naghahanap ng basurahan. "Sya ba yung kasama ng prince of darkness natin?" "Oo, at mukhang sa public school pa napasok, saan ba yan nakuha ni Kyle?" "Ewan, baka napulot sa daan hahaha!" "Malamang, mukha na naman kasing basura," "Oo katulad ng hawak niya." Gumuhit ng tuwid ang aking labi dahil sa mga bulungan o sigawan ba na ginagawa ng mga kababaihan na taga rito rin sa school na ito. Nung una di ko pinapansin sapagkat sa tingin ko ay hindi ako ang pinag uusapan nila, pero nang marinig ko ang pangalan ni Kyle, hindi ko na kailangan lumingon para malaman na ako nga ang pinaparinggan nila. Well, sabi ko nga, hindi naman away ang ipinunta ko dito, bukod pa roon hindi pa nga nagsisimula ang araw namin. Ayaw kong patulan ang negative vibes nila. 'Chill lang sa buhay' yan ang motto ko. Kung kayang iwasan ang problema, edi iwasan kaysa lumikha pa nito. Wala din naman akong mapapala kung kukumprontahin ko pa sila. 'Ako ang dehado sapagkat school nila ito. Naaawa lang ako sa kanila, sa halip na palaganapin nila ang espirito ng layunin ng event na ito, sila pa talaga ang sumisira nun,' isip-isip ko pa habang naglalakad pabalik kay Dude. Nadaanan ko pa ang banner na may nakasulat sa malalaking letra ang salitang 'Friendship Day.' Napailing na lamang ako at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Nang makabalik ako, niyaya ko na si Dude na maglibot sa paligid, excited na rin ako sa mga games at iba pang activities na pwedeng gawin. Nakayuko ako at binabasa ang mga nakasulat sa brochure na nagsisilbing guide para sa event na ito. Ipinamimigay ito sa may registration booth kanina kaya kumuha na ako ng isa para sa amin ni Dude. "You'll stumble if you continue with that," ani Dude, habang naglalakad siya sa aking tabi. "Okay lang ako, di ako madadap-- Ahh!" "Hehe salamat," kinabahang ani ko, matapos muntikan na ngang madapa. Mabuti na lamang at nasalo naman niya ako. Kung hindi, ay talaga namang nakakahiya lalo na at ang daming tao ngayon dito. "Mn," sagot niya, alam kong nagpipigil lang 'to na sabihan ako ng 'I told you so.' Itinabi ko na lang ang hawak ko at nagpasya na wag na magbasa. "Sorry na talaga, di na ako magbabasa habang naglalakad." Lumingon at yumuko naman siya sa akin bago magsalita. "You can, just hold on to me." Napataas naman ang kilay ko dahil sa kanyang suhestyon, hindi masama kaya pumayag ako. "Ge, okay yan Dude," sagot ko at saka inangkla ang aking kamay sa braso niya. Sa ganung paraan mahahawakan ko ng maayos ang brochure at maaalalayan din niya ako. Una naming nadaanan ang isang dart booth, kapag nakapag patama ka malapit sa center ng dartboard, may nakalaang prize para doon. Mula maliit na item hanggang sa malaking teddy bear na naka-display. Mukhang madali sa una, gusto ko sanang subukan kaso malabo ang aking mata dahil sa gabi-gabing pagbabasa ng e-book. Bukod pa roon, marami ding nakapila para sumubok. "Do you want to try it?" bulong pa niya sa aking tenga mula sa gilid ko. Marami kasing tao kaya maingay tapos may background music pa, kaya naman halos di magkarinigan dito. "Hindi na siguro Dude, okay na ako. Ikaw ba?" sagot ko naman sa kanya, at lumapit pa sa mukha niya para marinig niya ako. "Hm, a little bit." "Ah sya tayo n---" pag aanyaya ko pa sa kanya paalis, di ko agad narinig ang sinabi niya. "----teka? Gusto mo?" Tumango lang naman siya, at saka lumapit sa booth, nagtabihan ang ibang naroon. Napa-wow naman ako. Iba talaga dating niya. Pipigilan ko sana dahil halata namang may mga nauna sa amin kaso. Bago pa ako makalapit, siya na ang nasa harapan at may hawak na'ng tatlong dart sa kamay. Napapayuko na lamang ako habang napapatingin sa ibang mga estudyante na narito. 'Nalabas ang pagiging spoiled ng isang 'to ah,' isip-isip ko pa habang pinapanuod siya. Ang una niyang try, sa itatlong section ng board mula sa gitna ang tinamaan ng kanyang dart, base sa aura niya at sa nakikita kong reaksyon ng mga narito. Bigla kasing naglayuan. Alam kong di siya nasiyahan sa unang resulta kaya naman mas nagseryoso pa siya sa pangalawa. Hindi pa ito tumatama, pero mabilis na agad niyang inihagis ang huling dart na hawak. Parang nawalan ng hangin at ang ingay sa paligid habang tutok kami sa magiging resulta. Nang tumama na sa board ang dalawang dart, napanganga na lamang ang mga narito, ako nama'y nakahinga ng maluwag sapagkat mukhang satisfied naman si Dude sa kinalabasan. Ang dalawang dart lang naman ay parehas na tumama sa gitna ng board, bullseye parehas ang mga ito. Matapos ang pagkabigla. Nagpalakpakan pa ang mga nakasaksi. Lumingon naman siya sa akin at sinenyasan na lumapit ako sa kanya. Napatango na lamang ako at saka naglakad papunta sa kanya. Ramdam ko din ang tingin ng mga estudyante na nakapaligid sa amin. Halo-halo ang mga ekspresyon ng mga narito dahil sa ginawa ni Dude, maraming humanga, may nainggit at may mga kababaihan din na kinilig. "Ah ano pong prize ang gusto nyo? Pwede kayong pumili," saad pa ng estudyante din na operator ng booth. Sa halip na sumagot si Dude, tumingin lang siya sa akin na parang hinihintay ang sagot ko. Naituro ko naman ang sarili, tumango muli siya kaya napabuntong hininga na lamang ako. Maganda ang mga prize na narito, sabi nung operator, doon daw kami pumili sa mga pang VIP na prize. May malaking teddy bear, stuff toys, may isang balot ng chocolate, candy at iba pa. Ang cute noong husky na stuff toy, masungit at mukha din itong snobber tulad ni Dude kaya iyon na lang ang pinili ko. Bukod pa roon, parehas naman silang aso. Hindi rin ito ganun kalaki kaya mas kumportableng bitbitin habang naglalakad. "Salamat po," ilang beses ko pang pagpapasalamat sa babaeng booth operator. Ngumiti lang naman siya sa akin. Umalis kami doon na may dala na akong aso. 'Hehe kanina pa pala akong may kasamang isa, hindi nga lang maingay matigas naman ang ulo,' natatawang isip-isip ko pa, habang napapasilay sa aking tabi kung saan tahimik na naglalakad si Dude. Mula doon, nagsunod-sunod na ang mga lugar na aming pinuntahan at mga booth na sinubukan, tulad na lamang ng target shooting, ring toss at iba pa. At syempre along the way, bumibili din kami ng pagkain na nadadaanan namin. Gusto ko magbayad dahil may ibinigay namang baon si mader sakin kaso ang problema ay si Dude. Ayaw ako nitong pabayarin sa lahat. Dahil mabilis akong kausap, hinayaan ko na lamang siya kaysa naman doon pa kami mag away. Ipinangako ko na lamang sa aking sarili na kapag nagkapera ako, ililibre ko siya gamit ang sarili kong pera. Alam kong di pa iyon mangyayari sa ngayon, pero sisiguraduhin kong di ko makakalimutan iyon. At dahil tanghali na, medyo mataas na rin ang sikat ng araw, hindi naman covered ang lugar kaya mainit na. Medyo pawisan na kami ni Dude, dahil sa paglilibot kaya naman naisipan muli naming bumalik sa tinambayan namin kanina para makapagpahinga muna. Habang naglalakad patungo doon, bigla akong napalingon. Pakiramdam ko kasi ay nakita ko ulit si Rona. 'Hmm, impossible naman, siguradong namalikmata lamang ako.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD