Chapter 16

1766 Words
3RD PERSON POV NAPANGISI lang naman si Ken at Raizen habang pinagmamasdan ang pagbubulungan ng dalawa sa kanilang harapan. Halatang malapit talaga ang mga ito sa isa't isa. Ngayon, pakiramdam ni Ken ay isa siyang magulang na proud na proud sapagkat nakadaan na sa emotional phase ang kanyang anak. Napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib habang nakatitig sa dalawa. At kahit hindi siya lumingon sa kanyang tabi, alam niyang ganun din ang iniisip at nararamdaman ni Raizen sa lahat ng mga nangyayaring ito. 'Hays, salamat naman sa Diyos at mukhang malapit nang magbalik sa normal ang kaibigan naming ito.' isip-isip pa ni Ken, at saka sumilay sa kausap ni Kyle na babae. "Kyle, siya ba yung bagong kaibigan na tinutukoy mo?" tanong pa ni Raizen dito. Tumango lang naman si Kyle saka tipid na sumagot. "Mn." "Ikaw talaga," ani Jhe at saka tinapik ang braso ni Kyle bago humarap muli sa kanila. "Ah hello po, ako si Jhe," magalang na pagpapakilala pa nito sa kanila. Mangha naman siya dahil sa paraan ng pakikitungo ng mga ito sa isa't isa, ngayon lamang niya nakitang ganito ka-open ang kababata sa ibang tao. Ang isa at pinaka-ikinahahanga pa nila dito sa bagong kaibigan ni Kyle, ay ang katotohanan na hindi ito naaapektuhan ng kakaibang aura na nakapaligid kay Kyle. Karaniwan ng mga taong lumalapit dito ay naiilang o kaya ay natatakot dahil sa mabigat at madilim na aura o atmosphere na nakapaligid dito. Kahit nga sila ni Raizen, ay nararamdaman iyon, ang pinag kaiba lang nila. Sanay na sila dito kaya natatagalan nila iyon. Habang ito na namang bagong kaibigan ni Kyle ay parang walang nararamdaman kahit kaunti, normal na nakikipag usap at nakikipag kulitan ito sa kababata nila. Yumuko din naman sila nang mahagya ni Ken at ginaya ang ginawa nito at saka nagpakilala rin. "Hi, ako si Ken! ang cute na kababata ni Captain," masiglang bati niya na may kasama pang pagsaludo. Napangiti naman si Jhe sa kanya. "Ako naman si Raizen," pagpapakilala din ng katabi niyang si Raizen at saka nakipagkamay pa. "Ako din," natatawang aniya pa, at saka kinuha din ang kamay ng bagong kaibigan ni Kyle kaya nakatanggap siya dito ng masamang tingin. Napatawa na lamang siya nang palihim dahil sa nangyari. "Gusto pa sana naming makipagkwentuhan, pero may kailangan pa kaming puntahan ngayon," pagpapaumanhin na saad ni Raizen. Naalala niya na may kukunin nga pala sila sa gate, ni siya ay nakalimutan din niya iyon. "Oo nga, basta Jhe, Captain, hanapin na lang namin kayo mamaya. Bye muna!" pagpapaalam pa niya sa mga ito. Ayaw pa sana niyang umalis, pero kailangan. "Sige, masaya akong makilala kayo," rinig pa nilang ani Jhe, habang naglalakad sila palayo. Hindi niya inaasahan na babae pala ang bagong kaibigan ni Kyle, nakakabigla, pero mas naging interisado siya sa kilos ng mala-bato at yelong emosyon ng kanyang kababata na si Kyle. Pansin niya na sa maikling oras na iyon, nasaksihan agad niya ang iba't ibang ekspresyon na meron ang kaibigan. Hindi pa man niya lubusang kilala si Jhe, pero alam niyang ang presensya nito ay mabuti para sa kanilang kaibigan na si Kyle. ▼△▼△▼△▼△ JHE POV "Are you okay? I told you, they're annoying," saad pa ni Dude sa akin, matapos makaalis ang kanyang mga kaibigan. "Hmm, hindi naman mababait nga sila, pero sure ako nakita ko na sila noon." Napatingla pa ako sa langit, habang pilit inaalala kung saan ko nga ba nakita ang mga mukhang iyon. "Really?" aniya, habang naglalakad kami sa paligid at di pa alam kung saan pupunta o anong uunahing gawin dahil sa dami nang mga pwedeng pagkaabalahan dito. "Oo, Dude, believe me." Sigurado talaga ako at hindi ko lang maalala. "I believe in you." saad naman niya pabalik, sabay lingon sa akin. May pagngiti pa siya ng bahagya kaya naman napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ito ang oras para isipin pa ang mga bagay na yun. Narito kami para magsaya. "Sya maya ko na lang iisipin, saan tayo pupunta ngayon?" excited na tanong ko pa kay Dude. Hindi ko din mapigilang di luminga sa paligid dahil sa masasayang mukha at ekspresyon ng mga taong nandito ngayon, halatang nag eenjoy na sila sa mga activity na meron. Syempre ayaw ko din naman magpahuli, gusto ko din libutin ang buong lugar. Napangiti na lang ako ng malapad habang iniikot ang aking paningin sa paligid. "Let's buy something to eat," sagot ni Dude, kaya napahawak ako sa aking tiyan. Hindi pa nga pala ako nakain ng agahan. "Sige Dude, anong bibilhin natin?" ani ko, habang nakasilay sa iba't ibang mga booth na may tindang pagkain. May mga waffle, crepes at iba pa, habang nakatitig sa mga booth na ito mula sa di kalayuan, naramdaman ko na lamang na may kamay na humawak sa akin. Mabilis naman akong napatingin doon at nakitang kamay pala yun ni Dude, napatingala ako sa kanya, pero wala naman siyang emosyon na mababakas sa blanko niyang ekspresyon. "Dude, ano--" magtatanong pa sana ako kung bakit. Nang bigla siyang magsimula maglakad at dahil hawak niya ako, nadala na din ako sa kanyang paglalakad palayo. Medyo dumadami na talaga ang mga tao dito kaya habang hinihila ako ni Dude, may di maiwasan na may nababangga akong ibang tao. Mabilis naman ako humihingi ng paumanhin sa kanila. "Ui Dude, dahan-dahan naman," pagrereklamo ko pa sa kanya, medyo bumagal naman siya sa paglalakad, pero hindi pa rin tumigil. Akala ko pa naman bibili kami, kaso bakit parang wala naman ata siyang balak pumunta sa kahit saang booth na meron dito. Sa totoo lamang, hindi ko alam kung saan kami pupunta o ano kaya ang iniisip niya. Kaunti na lamang at paalis na kami sa venue kung nasaan ang karamihan ng mga booth dito. "D-Dude, saan ba tayo pupunta?" pagpigil ko pa sa kanya. Hindi naman siya nagsasalita kaya napalingon na lamang ako sa pinanggagalingan namin. Maya-maya, matapos ng ilang sandali pa. Sa wakas ay umimik din siya. Akala ko nakalimutan na niya na marunong nga pala siyang magsalita. "We're going to take our tour later, for now, just seat in here and wait for me." Napatunganga na lamang ako sa kanya, nang makita ko kung nasaan kami at marahan niya akong paupuin sa isang bench dito. Hindi pa ako nakakasagot nang makita kong malayo na ulit siya at naglalakad pabalik sa may venue. Napasilay naman ako sa paligid, mas kakaunti nga ang mga tao dito, maaliwalas din at di mainit dahil sa mga puno na nagiging lilim sa lugar na ito. Ang paligid ay may makikitang mga bench at table na nakalagay sa bawat ilalim ng puno, tahimik at malakas din ang hangin. Hindi ko inaasahan na may ganitong lugar pa pala sa modern style na klase ng campus na ito, pagpasok pa lang kasi puro building at building lang ang makikita sa paligid, akalain mo nga naman na meron pa palang mga puno sa loob ng school na ito. Habang pinagmamasdan ko ang paligid, di ko napansin na nakabalik na pala si Dude. Naramdaman ko na lamang ang mga container ng pagkain na nakalapag sa aking harapan. "Wow, dami ah," manghang pagayag ko pa habang nakatingin sa sandamakmak na kung ano-anong pagkain na kanyang binili. May chocolate chip waffles, banana crepes at mga smoothie na drinks, syempre di rin nawala sa paningin ko ang isang litro ng C2 na apple. 'Kumpeto talaga,' napailing na lang ako nang kaunti. Binigyan naman niya ako ng tingin na para bang nagsasabi na ' Kulang pa?' Umiling naman ako ng ngumiti, saka hinawakan ang kamay niya para gabayan para makaupo. "Ang dami mong binili, Dude." "Mn, I hope you like them," pabulong na sagot pa niya gamit ang nuetral niyang boses. "Oo naman, sa Tv ko nga lang nakikita ang mga ito," ani ko, sabay turo sa crepes na may saging at chocolate na palaman at sa iba pang pagkain na meron dito. "Mn, I always buy it for you if you want." "Psh, di na uy, okay na ako na ma-experience ito dito," sagot ko naman habang tumatawa, at saka dinampot iyon para tikman. Habang ngumunguya, nakatitig lang naman si Dude sa akin na parang hinihintay ang magiging reaksyon ko. Natawa naman ako dahil nakunot na ang kanyang kilay habang titig na titig at seryoso sa paghihintay. "You don't like it?" "Gusto ko, masarap nga ih, natatawa lang ako sayo, Dude," natatawa pa ring sagot ko sa kanya, ang cute kasi niyang asarin. Sa halip na mainis dahil sa pang aasar ko, malumanay at malambing lamang ako niyang tiningnan at saka pinagtusok pa ako ng straw sa smoothie. Inabot niya iyon sa akin at ininom ko naman, hindi pa nga lang nagtatagal, di ko pa na nilunok sapagkat napaka asim no'n. Napangiwi na lang ako habang inilalayo ang inumin sa akin. "What's the matter?" nag aalala pa niyang tanong. "Sorry Dude, di ko 'to maiinom, maasim," paghingi ko pa ng paumanhin, sabay turo sa tiyan ko para ipaalala sa kanya na may hyperacidity ako. Maraming bawal na pagkain sa akin kaya naman minsan kapag di ako nakakasabay sa trip ng mga kaibigan ko, iniisip nila na maarte ko. Di lang nila alam, gustong-gusto ko din kumain ng maasim na mangga at isawsaw yun sa mahalang na asin o alamang. Hindi rin ako pwedeng uminom ng kape o inumin na sobra sa gatas, mahalang na pagkain, maasim at matigas. Mabilis na nagre-react ang aking tiyan sa mga pagkain na iyon. Kadalasan, sumasakit ang tiyan ko, pero ang pinakamalala ay kapag nakaramdam na ako ng hilo na sinusundan pa ng pagsusuka. Hindi iyon mabilis nawawala at minsan nadadala pa ako sa ospital. Ayaw ko nang bigyan ng problema at dagdag gastusin ang aking mga magulang kaya naman habang maaga, kinokontrol ko na ang aking sarili. Sakripisyo ko na lang ang mga bagay na gusto ko kaysa gumawa pa ng mas malaking problema. "It's okay, here drink this instead," anito. Ngumiti naman ako at nagpasalamat. Kahit mukha siyang suplado at walang pakialam, sa totoo lamang ay napaka maasikaso at devoted siyang tao. Madalang na lamang ang mga ganitong lalaki lalo na sa matataas ang estado sa buhay gaya niya, karamihan ngayon ay mayayabang at wala nang respeto. Masaya akong makilala siya, iyon ang mahalaga sa ngayon. "Dude, ito masarap," sabik na saad ko pa sabay subo sa kanya ng strawberry shortcake na meron dito. Masaya naman niya iyong tinanggap at napatango pa. Habang naka-upo sa isang table sa ilalim ng puno, we share our second breakfast together. "Dude, anong nakahalo dyan?" sabay turo ko sa maasim na inumin. "Lemon and lime." 'Jushiee!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD