Night with the C.E.O

3333 Words
Clara's POV Isang malakas na ungol ang aking pinakawalan. Hindi ko na mapigilan ang sarap na aking nararamdaman. "Ahhh... Ohh..." Sigaw ko. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kanyang mga braso. Halos magkasugat na nga ang braso at likod niya dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanya. "Yes... Ohhh." Ungol niya naman. Mas lalong naging agresibo ang galaw niya sa loob ko. "s**t, I'm coming." Isang bayo pa ay narating na namin ang aming inaasam-asam. Bumagsak ang kanyang katawan sa aking tabi. Hingal na hingal kami pareho. "That was awesome. You liked it?" Tanong niya sa'kin habang hinihila ako papalapit sa kanyang katawan. Sumandal naman ako sa makisig niyang dibdib. "I love it." Sabi ko at humarap sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na halik. "Ikaw nagustuhan mo ba?" "Yes. That was good. I mean awesome." Tumawa siya ng mahina habang hinihimas-himas ang aking mahabang buhok. Kung iniisip niyo kung sino siya, siya lang naman si Nate Sebastian. My boss. The CEO of Sebastian's Company at ang kaisa-isang anak ng mga Sebastian. Siya rin ang nagmamay-ari ng isa sa mga pinaka-malalaking Hotel and Resorts sa buong Asya. Ako naman ay si Clara Moore. Isa ako sa mga nagtatrabaho sa kanyang kumpanya. Isang pang-karaniwang babae na kailangang buhayin ang kanyang sarili. I don't have parents. I grew up in an orphanage. Hindi ko na hinahangad na magkaroon ng masaganang buhay. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong mabuhay para sa aking sarili. Nakilala ko si Nate sa opisina. Isang cold-hearted guy at syempre matinik sa mga babae dahil sa kanyang kagwapuhan at kakisigan. Hindi ko siya pinapansin noon kahit lagi siyang usap-usapan ng mga babaeng malalandi sa kumpanya. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Umiikot lang ang mundo ko sa trabaho. Kaya lang nang magkaroon ng party sa kumpanya because we closed the deal na nagkakahalaga ng 9 Million US dollars, nagpaparty si Nate sa isang high class bar. Kahit ayaw kong pumunta ay nagpunta pa rin ako dahil required daw. And then sa party, may nagpainom sa'kin ng alak na may halo pa lang ecstasy. I didn't know what is happening to me that time. Ang gusto ko lang noon ay maghubad dahil sobra akong naiinitan. Then, my co-workers, dinala nila ako sa isang private room. I think they're three. Kahit naman nakainom ako at nahihilo ay alam ko pa rin ang mga ginagawa ko at ang nangyayari sa paligid ko. Kaya naman nang pinahiga nila ako ay bigla akong nakaramdam ng takot. I'm still a virgin that time. Tumayo ako at pikit matang lalabas na sana ng kwarto ngunit nakita ako ng tatlong lalaki. Tanging pagsigaw at pag-iyak lang ang nagawa ko that time. Takot na takot ako. Tahimik na nagdadasal na sana ay may taong tumulong sa'kin. Nang natanggal na nila ang blouse ko ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang isang binatilyong waiter sa bar kasama si Nate Sebastian. Ang boss ko. Natakot naman ang mga lalaki at bigla silang nagmamadaling umalis. Ngunit hindi ito pinalagpas ni Nate. Tinanggal sila sa kanilang mga trabaho at sinabihan pa na 'wag na 'wag nang magpapakita pa sa kanya. Nakakatuwang isipin na may mga mababait pa palang tao na handang tumulong kahit na walang kapalit. At hindi ko pa inaasahan na ang taong tutulong sa'kin ay si Nate Sebastian. Mahigpit niya akong niyakap at halos hindi na ako makagalaw dahil nanlalambot ang buo kong katawan. Tila parang gripo ang luha ko na patuloy lang sa pagbuhos. Ang hirap lang isipin na kahit wala kang ginagawang masama sa kapwa tao mo ay kaya ka nilang saktan at gawan ng masama ng walang kalaban-laban. Binuhat ako ni Nate at isinakay sa sasakyan niya. Wala akong maiyakan. Walang akong kaibigan, wala akong kakilala pero nung binuhat ako ni Nate, pakiramdam ko kilalang-kilala ko na siya. Pakiramdam ko ligtas ako sa bisig niya at pakiramdam ko'y sa wakas, meron na akong taong maiiyakan at masasandalan. Dinala niya ako sa kanyang condo. Ewan ko ba kung bakit hindi ako natatakot sa kanya. Ewan ko ba kung bakit hindi pa ako tumakbo nang pababa kami ng sasakyan niya. Pinatulog niya ako sa kama niya. Naramdaman ko pa nga ang yakap niya sa'kin noon at ang pagpapatahan niya sa'kin na tila ba isa akong sanggol na kailangang ingatan. Nagising ako nang 3AM at naalala ko na naman ang nangyari sa'kin sa bar. Gusto kong maalis ang hawak ng mga lalaki sa'kin kaya nakiligo ako sa banyo ni Nate. Paglabas ko ay nakita ko siyang gising na habang hinihimas ang kanyang sentido. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, "I want to forget their touch. Please make love to me Nate." Umiiyak na sabi ko sa kanya. Lumapit naman siya sa'kin at pinunasan ang aking luha. Bawat haplos ng kanyang mga kamay ay parang nakakalimot ako. Nakakalimot ako sa mga nangyari. Binigay ko sa kanya ang lahat. Pati virginity ko. He's my first. He took my virginity and I whole-heartedly gave it to him. I don't know what will happen next, basta ang alam ko lang ay hindi ko pinagsisisihan na sa kanya ko ibinigay ang p********e ko. Maaga akong umalis sa condo niya dahil nahihiya akong baka maabutan niya pa ako. Pumasok ako sa opisina na taas noo pa rin at parang walang nangyari kagabi. Kahit ang totoo ay nasasaktan ako. Nasasaktan sa mga nangyari kagabi at sa paraan ng pagtitig nila sa'kin. Nasasaktan ako sa pagbubulungan nila na para akong isang bayarang babae. Hindi naman ako bayarang babae diba? Hindi ko naman ginusto yun diba? Minsan ay nakikita ko si Nate pero todo iwas na lang ako sa kanya. Sa tuwing makakasalubong ko siya ay kusa na akong magtatago dahil nahihiya ako sa mga pinag-gagawa ko. Umuwi na ako sa condo ko. Hindi naman ito ganun kalakihan, tama lang para sa isang tao. May kitchen, banyo, at kwarto. Ito na ang pinagtrabahuhan ko ng matagal na panahon. Habang natutulog ay biglang may kumatok. Sa tagal kong nakatira dito'y ngayon lang ata may nangistorbo sa'kin. Pagbukas ko ay nakita ko si Nate na halatang nakainom. Unang pumasok sa isip ko ay kung bakit at paano niya nalaman kung saan ako nakatira. Titig na titig lang siya sa'kin at nagulat nalang ako nang bigla niya akong halikan. Hindi ko alam ang nangyayari sa aking katawan at kung bakit ako tumugon sa kanyang mga halik. Ang alam ko lang ay miss na miss ko siya. Ang alam ko lang ay hinahanap-hanap ko rin ang mga halik at haplos niya. Naaalala ko pa ang sinabi niya na, "I don't know what is happening to me. I want your body and you made me f*****g crazy." Hanggang sa nasundan na nang nasundan ang p********k namin. Hindi ako nagtatanong kung ano ba kami dahil natatakot ako sa sagot niya. Ang gusto ko lang ay makasama siya. Pumayag ako at tinanggap ko kung ano ang ginagawa namin. Ang sinabi ko sa sarili ko noon ay hinding-hindi ko siya mamahalin pero habang tumatagal ay hindi ko napapansin na nahuhulog na pala ako sa kanya. I mean, hulog na hulog na pala ako sa kanya. Two years na ang relasyon namin. Ay! Hindi pala relasyon ang tawag dito. Two years niya na akong f**k buddy, bedmate, pampalipas oras o parausan. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa relasyon namin eh. "Are you okay? May iniisip ka ba?" Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses niya. "Did I hurt you?" Tanong niya ulit. "N-no! Iniisip ko lang yung trabaho ko." Mahinang sabi ko. "'Wag muna trabaho ang isipin mo. I'm here. Let's enjoy the night babe." Mapusok na naman niya akong hinalikan at syempre hindi nanaman ako nakahindi sa kanya. Matapos ang session namin ay tumayo na ako. Nakita ko siyang tulog na tulog kaya sinuot ko ang t-shirt niya at nagpahangin sa veranda. Habang nakatingin sa mga nagkikislapang ilaw ng syudad ay hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Matapang akong babae at napatunayan ko 'yun sa araw-araw na dumarating sa buhay ko. Ngunit bakit pagdating kay Nate ay nanghihina ako. Nawawala ang tapang ko at tumitiklop nalang ako bigla. Naramdaman ko ang malakas na pang-gabing hangin na dumadampi sa aking balat, at kasabay nito ay ang paghaplos ng lalaking mahal ko sa aking bewang. Yes. Mahal ko na siya. At kahit ulit-ulitin kong sabihin sa isip ko 'yun, alam ko naman na hindi niya iyon maririnig. "You're crying? Why? What happened? Tell me." Pabulong na sabi niya. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking mga balikat. Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha at humarap sa kanya. "Nothing. Wala lang 'to." Ngumiti ako sa kanya ngunit pilit ko pa ring iniiwas na magtama ang aming mga mata. Pinaharap niya ako sa kanya kaya naman wala na akong nagawa kundi salubungin ang kanyang malalamig ngunit maamong mga mata. "Hindi kita pipiliting sabihin ang problema mo. But always remember that I'm just here. Handa akong makinig sa'yo." sabi niya at hinalikan ang aking noo. Gusto ko siyang pigilan sa mga sweet gestures niya dahil mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Mas lalo akong nahuhulog sa lalaking hindi naman kayang suklian ang aking pagmamahal. Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Nilibot ko ang aking mata at nakita ko ang sulat niyang nakalagay sa bedside table. 'I'll go ahead. You're sleeping like a baby that's why I didn't disturb you. See you, Babe.' Whats new? Lagi naman ganito. Hindi ko siya nakikita tuwing gigising ako ng umaga. Hindi ako papasok ng tatlong araw dahil masakit ang pagitan ng hita ko. Alam na ito ni Nate at siya pa nga ang nag-suggest na mag absent muna ako. Isa pa'y medyo hindi rin maayos ang pakiramdam ko. Nasusuka ako ngunit wala rin naman akong nailalabas. Makalipas ang tatlong araw ay sinalubong agad ako ng isa sa sa mga co-worker ko, "Uy, tatlong araw kang wala ah. Ano nangyari sa'yo? Si Sir mainit ang ulo these past few days kasi yung dalawang kumpanya niya, unti-unti nang nababankrupt at nalaman 'yun ng Daddy niya kaya galit na galit." Kaya pala hindi man lang siya nagtext o tumawag. "Eh nasaan si Sir ngayon?" Patay malisya kong tanong. "Wala. Nagpunta sa ibang bansa. Pipilitin niya raw na ayusin ang nabankrupt na kumpanya." Nalungkot naman ako. Ibig sabihin matatagalan siya don. "Sige na, magtatrabaho na 'ko." Pagpapaalam ko sa co-worker ko. Tumango nalang siya at iniwan ako. Dapat pala pumasok ako kahit masama ang pakiramdam ko. 'Yan tuloy hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Malungkot na turan ko sa isip. "Uy, namumutla ka ma'am. Ayos ka lang ba?" Sabi ng guard na nadaanan ko. Maaga akong nag-out sa trabaho dahil masakit ang aking ulo at nahihilo pa ako. Gusto ko nalang magpahinga. "O-okay lang ak--," Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong matumba. "Ma'am? Ma'am?" 'Yan ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay. Gumising ako na nasa hospital na ako. "Gising ka na pala." Isang matandang doctor ang lumapit sa'kin, nakangiti ito. "Doc, ano pong nangyari? May sakit po ba ako?" "Wala hija, normal lang sa'yo ang makaramdam ng hilo sa panahon ngayon." Nakangiting sabi niya kaya ngumiti rin ako. I miss Nate. I really miss him. I miss his hugs, his kisses, his smell, and his touch. Kailan ba kasi siya uuwi? "Dobleng ingat lang ha, because your baby is really sensitive. Masyadong mahina ang kapit ng bata." Tila narindi ako nang marinig ko ang sinabi ng doctor, "Po? Baby?" "Yes. You're three weeks pregnant hindi mo alam?" Umiling ako kasabay nang pagtulo ng aking mga luha. Hinaplos ko ang aking tiyan. My baby. May baby na ako. Mas lalo kong gustong makita si Nate. Gusto ko ipaalam sa kanya na buntis ako. Baka sakaling ito na ang hinihintay kong pagkakataon para mahalin niya na rin ako. Napangiti ako at muling hinawakan ang aking tiyan. "Baby, just hold on. Lumaban ka para kay Mommy and Daddy. Hindi pa kita nakikita pero mahal na mahal na kita." Mahinang bulong ko dito. ---------- Lumipas pa ang dalawang buwan ngunit wala pa rin si Nate. Hindi siya tumatawag o nagtetext man lang sa'kin. Lalo ko tuloy siyang namimiss. Pero nararamdaman ko naman na malapit na siyang umuwi. "Konting tiis nalang baby. Makikita mo na ang daddy mo." Sabi ko habang himas-himas ang aking tiyan. I'm really excited to tell him about my pregnancy. Sana'y matuwa siya. Alam ko naman na magiging mabuting ama at ina kami para sa baby namin. I'm also eating vegetables and fruits. Hindi ko rin ini-stress ang sarili ko sa trabaho. Sensitive ang baby ko kaya kailangan kong mag-ingat at alagaan ang sarili ko. Pagkatapos ng aking trabaho isang araw ay kumain muna ako sa isang Chinese restaurant malapit sa office. Nag-grocery na rin ako ng maraming prutas at gulay at iba pang essentials ko't pagkatapos ay umuwi na rin. Pipihitin ko pa lang ang doorknob ng makitang nakabukas ito. Napaisip ako bigla na baka may nakapasok na sa condo kong magnanakaw pero malabo naman 'yun dahil may mga guards na nagbabantay sa lobby. Dahan-dahan akong pumasok. "You're here." Isang boses ang aking narinig kaya hinanap ko kaagad ito. "Nate? Nate you here." Patakbo akong lumapit sa kanya. Mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. "Nate, bakit ang tagal mong bumalik? Okay ka lang ba? Gusto mo bang kumain? Ipaghahanda kita." Nakangiting sabi ko. Sa sobrang tuwa at excited ko ay hindi ko na alam kung ano ang una kong itatanong sa kanya. "Hindi 'yan ang ipinunta ko dito." Seryosong sabi niya. Bahagyang nalusaw ang tuwa ko pero pilit pa rin akong ngumiti sa kanya. Kahit kinakabahan ako sa sinasabi niya ay hinatak ko nalang siya papuntang kwarto. Kinuha ko ang envelope na naglalaman ng resulta ng pagbubuntis ko at ibinigay sa kanya. "Ano 'to?" Nalilitong tanong niya. "Gusto ko sana na kumain muna tayo bago ko ibigay 'yan pero mukhang nagmamadali ka kaya, yan. Buksan mo." Hindi mawala ang ngiti sa aking mukha. Binuksan niya na ito. Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng kanyang mga mata at ang pagdaan ng saya dito. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko dahil akala ko'y natuwa siya ngunit laking gulat ko ng may tumulong luha sa kanyang mga mata. Tears of joy ba 'yun? Masaya ba siya dahil magkaka-baby na kami? Mabilis akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap. "Magkaka-baby na tayo Nate." Tumulo na rin ang mga luha ko dahil sa sayang nararamdaman ko. "Hindi! Hindi ito pwede." Sabi niya at kumalas sa pagkakayakap ko. "A-anong ibig mong sabihin? Anong sinasabi mong hindi pwede?" Nalilitong tanong ko. Mukha kasing nabibigla lang siya. Nilukot niya ang papel at itinapon ito sa kung saan. "Nate ano ba--," "Abort it. Abort that baby." Sabi niya habang nakaturo ito sa aking tiyan. Nanlaki naman ang mga mata ko. "What?! No Nate! This is my baby. This is your baby, our baby. Why? Why Nate?" Ang kaninang sayang nararamdaman ko ay nahaluan na ng pagkalito. "Why Nate? Anak mo ito." "I-i'm getting married." Pumapatak na rin ang kanyang luha. Yun lang? Yun lang naman pala eh. Mabilis ko siyang nilapitan. Hinawakan ko ang mukha niya upang humarap sa'kin. "Pwede naman yun diba? Nate pwede yun. Okay lang kahit magpakasal ka sa iba. Itago mo nalang kami ng anak mo. Handa akong magtago Nate. Handa akong maging kabit mo, Nate. Please! Wag mo lang ipa-abort ang anak natin.'' Unti-unti akong lumuhod sa harapan niya. "Tumayo ka diyan. Stand-up Clara." Pilit niya akong pinapatayo. Nakikita ko sa mata niya na hindi niya gusto ang sinasabi niya. Mukhang nabigla lang naman siya. "Please Nate. 'Wag mo na hilingin na ipa-abort ang anak mo. Dugo't laman mo ito.'' Itinuro ko ang tiyan ko. Kinuha ko ang kamay niya at pilit na pinapahawak sa aking tiyan. "Nararamdaman mo naman diba? Anak mo ito Nate. Nagmamakaawa ako sa'yo, mahalin mo naman ang anak mo. Kahit 'wag na ako. Nate, kung gusto mo yung dati nalang ang gawin natin. Itago mo nalang ulit ako. Itago mo nalang ulit kami. Pangako walang makakaalam na may anak tayo." Umiiyak na sabi ko. Desperada na kung desperada, wala na akong pakialam. "Hindi Clara, h-hindi pwede. Wala naman tayong relasyon diba? Ikaw na mismo ang nagsabi sa'kin na hindi natin pwedeng mahalin ang isa't-isa. Sorry Clara, pero magpapakasal na ako." "Oo, sinabi ko 'yun pero iba na ngayon. May bata ng involve, Nate. May bata nang masasaktan." "Kaya nga sinasabi ko sa'yo na ipa-abort mo na ang bata. Sorry Clara, pero I'm getting married. Hindi na pwede itong relasyon natin." Huminga ako ng malalim, "Iiwan mo ako? Iiwan mo kami ng anak mo? Para sa babaeng yun? Gusto mong ipa-abort ang sarili mong anak dahil dun? Ito nalang, sagutin mo nalang ako Nate, minahal mo ba ako? Minahal mo ba yung Clara na lagi mong katalik sa kama? Nakaramdam ka ba na bumilis ang t***k ng puso mo tuwing makikita ako? Sumaya ka ba sa piling ko kahit papaano?" Hindi siya sumagot. Tulo lang nang tulo ang luha ko. Pati sa kanya ay patuloy sa pagtulo. Ano pa ba ang inaasahan ko? Ang sagot niyang hindi Dahan-dahan akong tumayo. Nakakapagod na. Oo nga pala, ako nga lang pala ang nagmamahal dito. Natawa ako ng mahina. "Clara." Tawag niya sa'kin. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa kanya. "Sa susunod 'wag puro sarap ang isipin mo. Sa susunod 'wag kang pasabog nang pasabog sa loob kung hindi mo naman pala kayang panindigan 'yang responsibilidad mo. Hinding-hindi ko ipapa-abort ang anak ko. Kung hindi mo siya kayang tanggapin, wala akong magagawa." Tumalikod ako sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pagtulo. "I don't want to see you anymore Nate. Ayaw ko ng makita ang lalaking pinag-alayan ko ng lahat. Ayaw ko ng makita ang lalaking minahal ko, at higit sa lahat, ayaw ko ng makita ang lalaking gusto pumatay ng walang kamuwang-muwang na sanggol. Best wishes, Nate." Tumalikod na ako at naglakad na palabas ng aking unit. Gusto kong maupo sa sahig at maglupasay dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Wala na! Wala na ang lalaking mahal ko. Kesa si Nate ang lumabas ng condo ay ako na ang lumabas. Ayaw ko na siyang makita. Siguro hihintayin ko nalang na makaalis siya sa condo ko at mag-iimpake na ako ng gamit ko. Uuwi ako sa probinsya. Sa may bahay ampunan. Magpapatulong ako kay sister na makaahon. Kakayanin ko ito para sa amin ng baby ko. Kakayanin ko ang lahat ng sakit na idinulot sakin ni Nate. Kakayanin ko ang lahat ng sakit na idunulot nang taong mahal ko at ng ama ng magiging anak ko. At kapag nakayanan ko ito, ipinapangako ko sa sarili ko na mararamdaman niya rin ang sakit at hirap na idinulot niya sa'kin. Naglakad lang ako nang naglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na rin akong pakialam sa paligid ko. "Clara." Tawag ng isang boses na ayaw na ayaw kong marinig. Agad ko naman itong nilingon. Nakita ko si Nate na tila hinahabol ako. Natatakot na ako sa kanya. Natatakot na ako na baka pag lumapit siya sa'kin, ay pilitin niya akong ipa-abort ang baby ko. No! Hindi pwede ito. Kung hindi niya kayang tanggapin ang bata, ako na mismo ang bubuhay sa anak ko. Hindi ko siya kailangan. Hindi ko kailangan ng isang Nate Sebastian sa buhay ko. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa, "CLARAAAAAAAA." ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to Like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD