Chapter 1

1774 Words
Clara's POV "Excuse me, Ma'am." Nagising ako sa boses ng flight attendant. Sumilip ako sa labas ng bintana. "Ma'am, we've just arrived at Ninoy Aquino International Airport." Tiningnan ko ang babae at binigyan ng mapait na ngiti. "Thank you." Sabi ko. Yumuko siya at umalis na sa harapan ko. Kinuha ko ang shoulder bag ko. May mga umalalay sa aking mga lalaki pababa ng eroplano at para kunin na rin ang maleta ko. "Ma'am your car is waiting outside." Ani ng lalaking personal assistant ko. Hindi ako sumagot at sumunod lang sa kanya. Isinuot ko ang shades ko. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng airport. It's good to be back here in the Philippines. Wala pa ring pinagbago. Masikip pa rin. Maingay, marumi, at higit sa lahat magulo. Ipinangako ko dati sa sarili ko na hinding-hindi na ako babalik sa lugar na ito. Sa lugar kung saan pinahirapan, sinaktan, at pinatay ako. Hindi lang emosyonal, kundi pati na rin pisikal. Pero mukhang pinaglalaruan ata ako ng tadhana. Pinabalik ako dito ng aking ina-inahan dahil kailangan ko raw makausap ang may-ari ng inuupahan naming building dito, upang mabili na namin ito at hindi na kami mahirapang magpalipat-lipat ng lugar para sa aming negosyo. Mamahaling mga bag at accessories ang negosyo namin. Maraming artista dito sa bansa at sa hollywood ang bumibili dito. Hindi lang dito sa Pilipinas sikat ang negosyo namin ng aking ina-inahan, kundi pati na rin sa ibat-ibang panig ng mundo. Hindi ko lang alam kung bakit dito lang sa Pilipinas nagkaroon ng problema. Sa bansang ayaw ko ng balikan pa. Sa bansang kinasusuklaman ko pa. Pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ng PA ko. Habang nasa sasakyan, hindi ko maiwasang mapatingin sa bintana. Nadaanan namin ang Sebastian Group of Company. Tuwing nakakarinig o nakakakita ako ng Sebastian na pangalan ay kumukulo sa galit ang aking kalooban. Hindi ko nalang ito pinansin at pilit na pinakalma ang aking sarili. Nakarating ako sa condo na aking tutuluyan. Masyado itong malaki para sa akin pero wala akong pakialam. Mayaman na ako. Lahat ng gustuhin kong gawin o bilhin ay makukuha ko na. Hindi na rin nila ako pwedeng tapak tapakan dahil hindi na ako yung Clara Moore na dating mahina. I'm Clara Moore Serrio 2.0. Lahat ng tao kaya ko nang paluhurin gamit ang aking kapangyarihan at pera. In just a snap of my finger. Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog ito. Kadarating ko lang dito sa condo ko. Tiningnan ko muna ang caller bago sagutin ito. "Hello Mom." "How are you baby? Nakarating ka na ba sa hotel na tutuluyan mo?" Tanong ng aking ina-inahan. "No mom, I will not stay in the hotel. Pinakuha ko nalang ng condo ang secretary ko." "WHAT?! But baby? A-are you okay there?" "Yes, mom. I am. Don't worry. Malaki naman ang condo ko at kumpleto na sa gamit. It feels like I'm in a hotel na rin." sabi ko habang inililibot ang tingin ko sa magiging condo ko. "Ganun ba?" Sabi niya, narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. "Okay if that's what you want. But promise me one thing, you'll be safe there okay?" "Yes mom, I promise. I'll be safe here. Take care, I love you." "I love you too. Goodbye." Pagpapaalam ni Mom. I put my phone down and take a deep breath. I'll take a shower first so that I can rest and sleep. Flashback "Dobleng ingat lang because your baby is really sensitive. Masyadong mahina ang kapit ng bata." "Po? Baby?" "Yes, you're three weeks pregnant, hindi mo alam?" I'm really happy right now. I can't wait to tell Nate that he's going to be a father. "Nate? Nate, you're here! Nate, bakit ang tagal mong bumalik? Okay ka lang ba? Gusto mo ba kumain? Ipaghahanda kita." "Hindi 'yan ang pinunta ko dito. Ano ito?" "Gusto ko sana na kumain muna tayo bago ko ibigay 'yan pero mukhang nagmamadali ka kaya, 'yan! Buksan mo." "Magkaka baby na tayo Nate." "Hindi! Hindi ito pwede." "Nate ano ba--," "Abort it. Abort that baby." End of Flashback "NO! NO! NO! NOT MY BABY. NOT MY BABY, NATE..." Bigla akong napabangon dahil sa aking masamang panaginip. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tinitigilan ng aking masamang alaala. It's been f*****g 4 years since my baby died. Hinimas ko ang ulo ko at hinilot-hilot ito. Tumayo ako sa kama at dumiretso sa veranda. Gusto ko ng hangin. Gusto ko makalanghap ng sariwang hangin. Kasalukuyan akong nasa veranda ng aking condo. Tinitingnan ko ang mga ilaw na kumikinang dito sa taas. Hindi ko maiwasan ang pagtulo ng aking luha. Kung nabubuhay pa kaya ang baby ko ay sasaya ako? Kung nabubuhay pa kaya siya makikita niya rin ba ang magagandang tanawin na nakikita ko? Bakit ba kasi hanggang ngayon hindi parin ako makalimot? Bakit hanggang ngayon yung sakit ng pagkawala ng anak ko ay nandito pa rin sa puso ko? Hindi ko man lang siya nahawakan. Hindi ko man lang nakita ang mukha niya. Hindi ko man lang siya naihatid sa huling hantungan niya. Niyakap ko ang aking sarili. "B-baby kung nasaan ka man, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni mommy. Miss na miss ka na ni mommy." Umiiyak na sabi ko. Tila lumakas naman ang hangin at parang may humaplos at yumakap sa akin. Pinunasan ko ang aking luha at bumalik na sa aking higaan. Maya-maya ay kusa nang pumikit ang aking mga mata. ---------- Kinabukasan maaga akong nagising upang mag-ayos. Ayaw kong ma-late sa first meeting ko sa Ciara Group of Company. Pagbaba ko palang ng lobby ay marami nang sumalubong sa'kin. "Good Morning Ma'am, your first meeting will be in Ciara Group of Company." Hindi ako sumagot sa aking secretary at tuloy tuloy lang na naglakad. "Then you have a guesting in the popular business women magazine." "What?! I told you that I don't want to be the newest ambassador of that businesswomen's magazine. I will not accept their proposal. Ito nalang ang gawin mo, set me a lunch date with the CEO of Ciara Group of Company." Sabi ko sa secretary ko. Gusto ko nang matapos ang pananatili ko dito sa Pilipinas. Bumabalik ang mga masasakit na alaala ko dito. Kung kailangan kong gawin ang lahat ay gagawin ko upang mapapayag lang na ipagbili sa'kin ang inuupahan naming kumpanya. Sigurado naman ako na matanda na ang may-ari ng kumpanyang ito. Konting akit lang naman siguro sa kanya ay ipagbibili niya na ang kanyang pagmamay-ari diba? Ganon naman ang mga lalaki eh, basta may nakahain ay kakain. "Yes po Ma'am." Nagbigay-galang siya at umalis na. Dumiretso ako sa aking magarang sasakyan. Habang nasa daan ay hindi ko maiwasan na kabahan. Siguro iniisip ko kung papayag ba itong ipagbili ang sarili niyang kumpanya. Mabilis kaming nakarating sa Ciara Group of Company. I asked the CEO's secretary. Sabi niya hintayin ko nalang daw ang kanyang boss dahil may kausap pa itong importanteng tao. Habang hinihintay ang CEO ay naisipan ko munang mag-CR. Bago ako pumunta ng restroom ay sumilip muna ako sa opisina. May nakita akong matanda na may kausap sa telepono. Siguro ito ang sinasabi nilang CEO. Umiling nalang ako at kinuha ang bag ko. "Excuse me, where is the restroom?" Tanong ko sa secretary. "Go straight po Ma'am and then go right." "Thank you." Nakangiting pagpapasalamat ko. Habang naglalakad ay biglang may bumangga sa'kin. Papagalitan ko na sana ito nang bigla siyang nagsalita. "I'm shorry Ms. Beautiful." Sabi ng batang babae. Napataas ang kilay ko. Bakit may bata dito? Hindi ko alam na pwede na pa lang maging playground ang kumpanyang ito. Huminga ako ng malalim at yumuko upang magpantay kami. "You're not suppose to play here. This is not a playground." Tila hindi naman siya nakikinig at sinusuri ang aking mukha. Tiningnan ko rin siya ng mabuti. She looks cute in her pink cheeks and lips, and her long and curly hair. She looks very familiar. Tinulungan ko itong makatayo. "You're sho beautiful Ms. Thank you for helping me to shtand." Sabi niya, may pagkabulol siya pagdating sa letter S. I think she's just 3 or 4, I don't know. "Why are you playing here?" Tanong ko. Bumusangot naman ang mukha niya. "I'm looking for my daddy. Do you know him? Can you help me find my daddy? Please? Pretty please?" Nagmamakaawang sabi nito. Pinagdikit niya pa ang dalawa niyang palad at patuloy sa pagsabi ng please. "Okay, I'll help you. But first, you need to tell me the name of your dad." Kumislap naman ang kanyang mata. "Yehey! Yehey! Thank you, Ms. My Daddy's name is--," "CIA... CIA..." Tawag sa kanya ng dalagang babae kaya napalingon kami dito. "Cia! There you are! Kanina pa kita hinahanap baby. Let's go! Your dad is looking for you." Sumimangot naman ang bata at tiningnan ako. Lumapit ang babae at kinuha ang kamay ng bata. "Let's go na baby. Akala ko nawala ka na. Nag-alala na ako at ang daddy mo." Sabi ng babae. Ayaw naman bumitaw ng maliliit na kamay ng batang babae sa'kin. "Uhm, sige na, go to your mom." Sabi ko dito. Ngumuso naman siya at binitawan ang kamay ko. Habang papalayo silang dalawa, nakita ko ang lungkot sa mga mata ng batang babae. Palingon-lingon siya sa'kin. Hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya. Huminga ako ng malalim bago magtungo sa restroom. I miss my baby. Siguro kung hindi ito nawala sa'kin ay magiging kaedad niya ang batang nakita ko kanina. Lumabas na ako ng restroom at bumalik na sa couch na inuupuan ko. "Ma'am, Mr. CEO is waiting inside." Sabi ng secretary nito. "Okay. Thank you." Tinaas ko ang palda kong maikli at kumatok ng tatlong beses. "Come in." Sabi ng boses lalaki. Pumasok ako na may ngiti sa mukha. Ginagalaw-galaw ko rin ang aking pwetan upang mas sexy tingnan. "Hi, I'm Clara Serrio. It's nice to meet you, Sir." Sabi ko sa matandang lalaki na nasa harapan ko. I think he's in his late 70s. "Hello, I'm Dante Cally. Former CEO of this company. It's nice to see a beautiful girl in here--," Hindi ko na siya pinatapos ng marinig ang mga salitang 'Former CEO'. "Excuse me? Former? What do you mean by that?" Nalilitong tanong ko dito. Ngumiti ang matanda ng nakakaloko, "Yeah, former--," "Sorry I'm late." Biglang sabi ng lalaking kabubukas lang ng pinto. Unti-unti akong humarap sa lalaking nagsalita. Oh, God. "Clara." Sabi ng lalaki. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to Like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD