Chapter 2

1527 Words
Clara's POV "CLARA." Sabi ng lalaki. Dahan-dahan akong humarap sa lalaking nagsalita. OH GOD NOT NOW PLEASE. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. "Hi, I'm Clara Serrio. It's nice to finally meet you, Mr. CEO." Tuloy-tuloy na sabi ko na para bang ayaw ko nang huminga. Nilahad ko ang aking kamay sa kanya. Titig na titig siya sakin. Umubo kunwari ako dahil mukhang natulala siya. "H-hi, I'm Nate Sebastian, I'm the CEO of this Company." Nauutal na sabi niya. Matamis akong ngumiti sa kanya at binalingan si Mr. Cally. "I thought you're the CEO, Mr. Cally." Pag-iiba ko ng usapan, "So, saan niyo gusto mag-lunch?" Tanong ko sa dalawa. "I'm sorry Ms. Serrio, I and my wife are having a lunch date kaya hindi ako makakasama sainyo. But don't worry, Mr. Nate Sebastian will join you." Nakangiting sabi nito. "Oh? Okay then goodluck on your lunch date sir." Sabi ko sa matandang lalaki. Ngumiti lamang siya at nagpaalam na. "So, Mr. Sebastian tayo nalang ang natitira. Saan mo gusto maglunch?" Tanong ko dito na parang wala lang. "Uhh, Anywhere." Umiiwas siya ng tingin sa'kin na parang nahihiya kahit wala namang dapat ikahiya. "Okay. Ako nalang ang pipili ng restaurant." Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng opisina niya. Nakasunod lang naman siya sa'kin. Sumakay ako sa sasakyan niya at tinuro ko kung saan ang restaurant na gusto ko. Mabilis kaming nakarating sa restaurant. Inaalalayan niya pa ako ngunit pilit akong umiiwas. "Thank you, Mr. Sebastian." Pormal na sabi ko at umupo na sa silya. Kasalukuyan kaming magkaharap. Nag-order na rin kami. Nang dumating ang pagkain ay saka palang kami nag-usap. "So, Mr. Sebastian, kilala niyo naman ang mother ko right? I'll go straight to the point. Gusto kong bilhin ang pinapaupahan ninyong kumpanya dito sa Manila." Dire-diretsong sabi ko. "Clara, I'm sorry. But hindi ko ipinagbibili ang kumpanyang 'yon." Mapait akong ngumiti sa kanya, "Mr. Sebastian, I am very willing to pay triple of the amount. Just name your price." Pilit kong tinatago ang pagkainis sa kanya. "I'm sorry Clara." At nag-iwas ito ng tingin. Hinawakan ko ang kamay niya, "Please Nate, I need your company here in Manila. I will do anything. Just please sell your company to me." Kinagat ko ang aking labi at hinimas ang kamay niya. "Clara, stop the crap. Let me talk to you in private, not here." Atsaka siya tumayo. Hindi na ako nakapagsalita nang bigla niya akong hatakin palabas ng restaurant. I need to do this! Gusto ko nang matapos ito. Gagawin ko ang lahat mapapayag lang siya at pagkatapos nun, aalis na ako ng bansang ito. Dinala niya ako sa condo niya. Nung una ayaw kong pumasok pero binuhat niya ako at pinaupo sa couch. "Let's talk." Seryosong sabi niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinimas ang dibdib niya. "About the business Mr. Sebastian?" Nakakaakit kong sabi. "Just Nate, you're too formal Clara." "Okay. Mr. Seb--, I mean Nate." "Let's talk about the past." Mahinang sabi niya. Nakita ko rin ang pagbuntong hininga niya. Napatigil naman ako. "NO!" Pasigaw na sabi ko at bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili. "Sabi nga nila, past is past. And I'm not here because of that. I'm here because of your company, nothing more nothing less. Matagal na 'yun, Nate." Peke akong tumawa kahit kumukulo na ang kaloob-looban ko. "Clara, I'm sorry. Alam ko galit ka. Clara, nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko noon." Pumiyok ang kanyang boses at nakita kong may luhang pumatak sa kanyang mata. Pero wala na akong maramdaman na kahit ano. Wala na akong pakialam sakanya. Hindi ako nagsalita at matalim lang na nakatitig sa kanya. "Clara, sorry dahil nasaktan kita. Sorry about the baby. Alam ko marami akong nagawang kasalan and I don't think na mapapatawad mo ako kaagad. Clara mahal na mahal--," Dinuro ko siya upang hindi niya na matuloy ang kanyang sasabihin. "'Yan ang 'wag na 'wag mong sasabihin sa'kin Nate. Maayos na ako ngayon. Masaya na ako sa buhay ko. Hindi ko na kailangan ng pagmamahal na sinasabi mo dahil kahit kailan hindi ko narinig at hindi ko naramdam yang pagmamahal na sinasabi mo noong magkasama pa tayo." Tumawa ako ng mapakla at pilit na pinipigilan ang luha sa aking mata. "Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo Nate. Isaksak mo yan sa kokorte mo. Excuse me." At tinalikuran siya. Kinuha ko ang dala kong bag at mabilis na pumunta sa pinto. Binagsak ko ang pinto ng condo niya pag labas ko. Bigla nalang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Parang hindi na ako makalakad dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. Ang kapal ng mukha niya na humingi ng sorry. Anong tingin niya? Madadaan sa sorry ang lahat ng sakit na dinanas ko noon? Walang kapatawaran ang lahat ng nagawa niya sa'kin. Walang kapatawaran ang pagtatangka niyang pagpatay sa sarili niyang anak. Sigurado akong masayang-masaya siya dahil namatay ang anak ko. Atsaka hindi na ako yung dating Clara na konting sorry lang ay bibigay na agad kaya inaabuso ng iba. Nagpasundo ako sa driver ko. Umuwi muna ako ng condo at nagpahinga. This day is really exhausting. Isang araw pa lang ako dito sa Manila pero nagkakaproblema na kaagad. Bakit kasi si Nate pa ang may-ari ng kumpanyang iyon? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, si Nate pa talaga. Bakit Lord? Bakit siya pa? Ang taong ayaw ko ng makita o ni maamoy. Napapikit nalang ako sa sobrang inis. Nagpahinga na ako at nagbabad sa bathtub. Hindi muna siguro ako magpapakita kay Nate. Mainit pa kasi ang dugo ko sa kanya. ---------- Kinabukasan ay naisipan kong mamasyal. I went to the mall. Habang naglalakad, maraming tao ang nakatingin sa'kin. Siguro dahil may iilan-ilan din na nakakakilala sa'kin. Hindi kasi ako nagpapakita sa media. Isang malaking question mark sa mga tao kung sino ang may-ari ng bags and accessories na negosyo namin ng ina-inahan ko. Siguro nagtataka rin sila kung sino ako dahil may isang PA na nakasunod sa'kin. Syempre, I checked first my store here bago tumingin sa iba pang mga boutique. Bumili na rin ako ng maraming pasalubong for mom. Habang naglalakad, may narinig akong tumatawag sa pangalan ko kaya napahinto ako at lumingon. "Ms. Beautiful!" Sigaw ng batang nakita ko sa kumpanya ng mga Sebastian. Huminto siya sa harapan ko ng makita ang malaking PA na nasa likod ko. Nagpunas pa siya ng pawis sa kanyang noo. "Ms. Beautiful, I've been calling you po kanina pa." Sumimangot ang kanyang cute na mukha. "I'm tired of running po." "Come here," Tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumapit sa'kin."Do you have a face towel? Look at you, basang-basa na ang likod mo." Kinuha niya naman ang maliit niyang backpack. "Here." Inabot niya sa'kin ang kanyang bag. Binuksan ko naman ito at tiningnan kung meron bang towel. "Buti naman at meron ka. Come with me. Let's go to the restroom." Sabi ko dito at nauna nang maglakad. "Wait me po." Humawak ang maliliit niyang kamay sa aking kamay. Bigla akong nakaramdan ng pangungulila. I wish that my baby is here. Tiningnan ko siya at binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti. Nang makarating kami sa restroom ay pinunasan ko kaagad ang kanyang likod. Binihisan ko na rin siya dahil may dala naman siyang pamalit na damit. "Sa susunod 'wag ka ng takbo nang takbo ha. Baka mamaya madapa ka pa. Where is your mom?" Tanong ko ngunit nagkibat balikat lamang ito. "Ms. Beautiful, I'm hungry." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kaya siguro hindi sumagot nang tinanong ko kung nasaan ang mama niya kasi nagugutom na siya. "Okay, but after we eat, hahanapin na natin ang mommy mo ah." Mabilis naman siyang tumango. "Jabee please Ms. Beautiful." Sabi niya. Jabee means Jollibee pala. Kumain naman kami sa Jollibee. Habang kumakain, kwento lang siya nang kwento about sa alaga niyang aso at pusa. "How old are you?" Tanong ko dito. "I'm 3 po, turning to 4 po." I smiled. She looks so pretty. Kinukuya-kuyakoy niya pa ang paa niya. Pagkatapos niyang kumain hinanap na namin ang mga magulang niya ngunit wala kaming nakita. Napagdesisyunan ko nalang na iwanan siya sa lost and found. Na-announce na rin naman ang pangalan niya. "I have to go. Dito ka na lang ha." Mabilis siyang tumango at ngumiti. Sinuot ko sa kanya ang maliit niyang backpack Umupo siya sa couch at humikab. She looks tired. "Bye-bye Ms. Beautiful. See you." Sabi niya. Nag-wave ako sa kanya at mabilis na lumabas. Habang naglalakad hindi ako makapag-concentrate. Iniisip ko kung nakita o nakuha na ba siya ng parents niya. Huminga ako ng malalim at bumalik sa kinaroroonan ng bata. I saw her sleeping peacefully. Nasa ulo niya ang maliit niyang backpack. Lalapitan ko na sana nang may lumapit na lalaki dito. Hindi ko na tiningnan kung sino ang lalaki. May kasama itong babae, siguro sila ang parents ng batang yun. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to Like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD