Thirty GRAYSON Huminto ang sasakyan ko sa tapat ng isang kulay abong bahay. It doesn't look so big, and it seems like it wasn't taken care of anymore. This is the address Knight gave me, and I can sense that Crayson is inside. Pinatay ko ang makina ng sasakyan saka ako lumabas. I walked the length towards the halfway opened front door, and I stepped inside the house, the smell of burning liquor lingered in my nose. Mabagal kong tinahak ang maliit na hallway patungo sa sala ng bahay kung nasaan siya. Ang puting carpet ay puro na dumi at natuyong mantsa, habang ang mga litratong naka-frame ay nasa sahig at halatang matagal nang nabasag. Ang ibang naiwang nakasabit pa sa pader, kung hindi nakatagilid at basag ang frame, puro naman alikabok. Sandali akong huminto upang damputin ang isang

