Thirty One AMELIC Marahan kong dinampian ng halik ang noo ni Mama nang tuluyan siyang makatulog dahil sa gamot na tinurok sa kanya. Napakapayapa na ngayon ng ekspresyong nakapinta sa mukha ng nanay ko dahil sa wakas, magkasama na ulit sila ni Dad at masaya ako dahil doon. Aunt Nicky tapped my shoulder and gave it a little squeeze. Nang mabaling sa kanya ang aking tingin, nakita ko ang pagrehistro ng lungkot sa mga mata niya. "Are you sure you don't wanna tell her?" Muli kong tinapunan ng sulyap ang mama ko bago ako mapaklang ngumiti. "I've waited for years to give my mom this kind of peace, Aunt Nicky. Hindi ko kayang makita siya ulit na nalulungkot." Kahit pa maaaring ito na ang huling beses na makakasama ko siya. A sigh escaped my lips as I glanced at Aunt Nicky and Brene who's lean

