Sunny's POV
I was mad.
No to Pearl nor to my mom. I'm just mad at how this life, destiny, love and world works. You know, sometimes everything is not just fair.
Hindi ko alam kung ilang oras or minuto na akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng mismong bahay namin. Nakatingin lang ako sa kawalan na tila hanggang ngayon ay lutang pa rin. Alam kung wala si Mommy sa loob dahil sarado ang lahat ng bintana sa bahay. Humugot ako ng isang malalim na hininga.
Kailangan ko nang makapasok sa loob bago pa ako mapagkamalang magnanakaw. Sa ayos ko ba naman ngayon ay malamang na mapagkakamalan talaga ako.
I was still in my pajamas and braless. Mabuti na lang naisipan ko pang bitbitin ang itim kung jacket , atleast hindi masyadong aninag ang dalawa kung mountain everest. Ni hindi rin ako nakapag suklay ,hilamos at sipilyo kaya kanina ko pa amoy na amoy ang mabaho kung hininga.
Hay world! Kung maaga lang sana akong na-inform na ganito ang magiging buhay ko sana pala ay hindi na ako lumabas sa sinapupunan ng aking ina.
“Hi! Miffy!” bati ko sa malaking rabbit na figurine nandito na siguro ay nasa tatlong talampakan ang haba. It was my Grandma's birthday present when I was 12. Akala kasi nito ay paborito ko ang bunny. Kycer was the one who likes bunny, gumaya-gaya lang ako.
“It's been a while,” dagdag ko pa habang kinapa ang pocket ng jumper na suot nito. Dito kasi nilalagay ni mommy ang spare key just in case naiwan namin ang susi sa loob ng bahay.
Napangiti ako ng malapad nang may nakapa ako. Hindi pa rin kasi binago ni mommy ang lagayan nito kahit ilang taon na ang lumipas.
Honestly ,ngayon lang ako ulit nakabalik dito sa bahay namin. I left this house when I was 22 when I found my first job. Kalahating masaya ako noon dahil sa wakas ay magsasarili na ako ng bahay, kalahating malungkot dahil maiiwan si mommy at lahat ng mga memories na meron ako sa mismong bahay na 'to.
I took the key and immediately opened the door. Sa pagpasok ko,tila bigla akong nanibago. Halos lahat kasi ng mga gamit na nandirito ay bago na. Mula sa sofa hanggang sa mga appliances. Pati ang dining table naging iba na rin. Dati six-seater ito ngayon naging four-seater na lang.
May isang bagay lang na hindi pinalitan ang aking ina, ang mga baby pictures ko na hanggang ngayon ay nakasabit pa rin sa dingding.
Hindi ko tuloy maiwasang napa buntong hininga na naman muli. Is my mom trying to make me feel guilty?
Hmmm! IGNORED! Not now! I don't have space for that right now.
Umakyat na ako sa taas kung saan naroon ang kwarto ko. This time ,I totally feel guilty.
Ganoon pa rin kasi ang ayos ng kwarto ko bago ko ito iniwan. All my stuff that I considered treasurable is still here. I'm expecting na kama at cabinets ko na lang ang madadatnan ko rito at lahat ng mga gamit ko ay malamang na nasa bodega or tinapon na. Well, I am wrong.
Lalo na iyong poster ni Hitsugaya Toshiro. Nakadikit pa rin ito sa dingding ng kwarto ko. I remembered how much my mom hates this poster before, kasi babae daw ako. Dapat flowers or anything that girly ang dapat dinidikit ko sa wall. As if!
Binuksan ko iyong aparador ko at tiningnan ko kung may kakasya pa bang damit sa akin na meron ako dito. Hindi naman talaga ako masyadong tumaba or tumangkad kaya baka meron pa naman. May jogging pants akong nakita at maluwang na puting t'shirt kaya pwede nang pagtiyagaan.
Sa room ni mommy naman ako tumungo dahil alam kung may spare underwear ito na stock. I took one at diretso na sa banyo para maligo. Hindi ko na rin kasi keri ang amoy ko.
After having a nice bath ay bumalik na ako muli sa kwarto ko. Binuksan ko iyong drawer ng study table ko kasi alam kung naroon ang suklay ko ngunit pagkabukas ko. Iba ang tumumbad sa aking mga mata.
It was a picture of me and Kycer on one frame. As I remember, it was taken when we both turned 13. Parehong month lang kasi ang birthday namin kaya madalas sini-celebrate na lang namin ng sabay kahit na magkaiba ang araw. Kycer was born on the 7th day of March and 15 of March naman ako.
Kinuha ko ito at naupo sa aking kama. Mataman ko itong pinagmasdan at may kung anong lungkot ang biglang humaplos sa aking dibdib. Kasunod nito ay ang paglabo ng aking mga mata. Mariin akong napapikit at nahiga sa kama habang yakap-yakap ng mahigpit ang naturang larawan.
Flashback
July 15, 2008
( Sunny)
“ Don't fall in love with your best friend because there is no being friends when it doesn't work out.”
Isa sa mga qoutes na nabasa ko.That is why, I hide it safe inside my closet. And try so hard to keep this feeling fade right away, pero hindi pala ganoon kadali lalo na kung nasanay ka na lagi siyang nasa tabi mo.
Iyong tipong mas strict pa siya sa Papa mo at sweet na parang boyfriend mo lang.
Siya palagi ang kasa-kasama mo buong araw. Mula pagpasok sa school hanggang sa pag-uwi. Iyong parang ang lahat ng tungkol sa’yo ay alam na niya maliban lang sa feelings mo para sa kanya.
At isang araw magigising ka na lang at mapapahiling na sana hindi na lang siya ang best friend mo. Sana naging simpleng kapit-bahay mo na lang siya o di kaya ay kaklase. Nang sa ganoon ay hindi pa naging complicated ang lahat.
“Lutang na naman ba?” biglang sita ni mama sa akin kaya kaagad na akong umayos ng upo at itinuon na sa libro ang mga mata ko. “Ano bang problema mo sa kesame natin at ang lalim ng iniisip mong bata ka?” dagdag pa niya habang nakatuon sa malaking salamin namin ang kanyang mga mata. Busy ito sa paglalagay ng kolorete sa kanyang mukha kahit na hindi naman talaga niya kailangang maglagay. Maganda na ito kahit hindi magmake-up. Sabi pa nga ng mga kapit-bahay namin may pagkahiwig ito kay Dawn Zulueta. Which is quite true naman.
“Wala po,” mabilis kung tugon at kunwari ay busy na sa pagsusulat ng assignment ko. Tiyak kasi na katakot-takot na sermon na naman ang aabutin ko kung papansinin at sasagutin ko pa siya.
Hi! Ako nga pala si Sunny Felipe, a girl who is bad in everything. Iyon ang sabi ng nanay ko
kaya pinaniwalaan ko na lang. Parang totoo naman kasi pero, I don't mind it at all as long as I'm happy of being who I am. Charot lang!
May apat akong bffs sa buhay ko. Sila ay sina Ricky, Elton, Pearl at syempre ang pinaka the best bff ko sa lahat si Kycer.
Were already best buddy since were kids kasi magkapit-bahay lang kami. Magkaibigan din ang mga Mudra namin kaya mas lalo lang kaming naging malapit sa isa't isa.Were classmates since pre-school hanggang ngayong high school sa isang private school na malapit lang sa village na tinitirhan namin. Sina Elton, Ricky at Pearl naman ay nitong high school lang namin na meet. Parehong transferee sina Ricky at Pearl noon. Pinsan naman ni Kycer si Elton kaya naging kaibigan ko na rin.
Kagaya sa magkakaibigan ay may iba-ibang personalidad din kami at minsan may isang bukod tanging tao talaga na nangingibabaw sa inyong magkakaibigan. Sa grupo namin obvious naman siguro kung sino at malamang hindi ako iyon. Hahahaha!
Walang iba kundi si Kycer, bukod kasi sa height at mukha na pwede na niyang ipagmalaki.Matalino din ito at magaling sa lahat ng bagay. Sikat ito sa school at tinitilian ng mga kababaihan. At mukhang isa na rin ako doon. Iyon nga lang hindi ko lang maipakita sa kanya.
Anyway, ganoon talaga ang life kailangan mong itago ng mabuti ang isang bagay kung takot kang mawala.
“Naalala mo pa ba ang lahat ng bilin ko sayo kanina? ” usisa na naman ni Mama. Nakasuot na ito ng maganda niyang damit at mukhang may kliyente na naman na ime-meet.
“Opo!” tinatamad ko namang sagot. Paano ko naman kasi iyon makakalimutan. Eh,araw-araw naman niya iyong pinapa-alala. Mas namemorize ko pa nga iyon kaysa sa mission and vision ng school namin.
“Good, magpakabait ka ha!” bilin nito at hinalikan ko na siya sa pisnge bago siya lumabas ng pinto.
Isang ahente ng condo ang Mama ko kaya madalas na mag-isa ako sa bahay. Sabado ngayon kaya syempre wala kaming pasok ngunit hindi naman ako basta-basta makakalakwatsa. Sa dinami-dami ba naman na pag-aaralan ko ngayon at assignments na gagawin. Ewan ko lang kung makakapanood pa ako ng TV. Hindi ko na naman masisilayan si Sasuke sama ko. Paano na!
Maya-maya lang kunti may kumakatok sa pintuan namin.
“Hindi iyan naka-lock!” sigaw ko. Alam ko naman kasi kung sino iyon.
“Nag-breakfast ka na ba?,” tanong ni Kycer. Mukhang kakaligo lang nito dahil basa pa ang buhok niya. As usual may dala na naman itong tupperware na may laman na pagkain.
Minsan kasi kapag hindi nagising ng maaga si mama ay nakiki-usap ito sa Mama ni Kycer na ipagluto ako ng makakain.
“Ano iyan?,” nakanguso kung tanong kahit obvious naman ang sagot.
“Pagkain ng mga bulate mo,” seryosong nitong sagot na halata naman na nang-aasar lang. Dumiretso ito sa kusina namin para ilipat sa plato ang dala niyang pagkain.
“Tsh!” naiinis kung palatak habang sinusundan siya ng tingin. “ Naku! Kung hindi ka lang gwapo, matagal na kitang pinalibing.” pahabol kung sabi ngunit sinadya ko namang hinaan para di na niya marinig.
“ Kumain ka muna bansot,” utos nito. “ Baka magkamilagro at tumangkad ka pa.” pang-aasar pa rin niya at inilapag na ang dala niyang plato sa harapan ko. Sandwich na may palaman ng strawberry jam ang ginawa ni Tita Fe at sinamahan niya pa ito ng homemade na potato fries. Mukhang napamahal na talaga ang mama niya sa akin kasi alam na alam na nito kung ano ang gusto ko.
“Hmmp! Atleast hindi malabo ang mata ko!” ganti ko sa pang-aasar niya. Alam na alam ko kasing ikinaiinis nito kapag sinasabihan siya ng ganoon.
“Bansot ka naman!” sabay g**o nito sa buhok ko.
“Eh ,ano ngayon,tanggap ko na iyon noh! Atleast hindi malabo ang mata ko,” sabay irap sa kanya.
“Kumain ka na nga lang,” napipikon na niyang sabi at padabog na nilagay ang isang basong tubig sa mesa.Tinapunan ko lang siya ng tingin at pinagtawanan ang pagyayamot nito. Anong akala niya, siya lang ang marunong mang-asar. Like duh!
Dadamputin ko na sana ang isang hiwa ng sandwich nang inunahan niya ako.Tiningnan ko siya ng masama na may kasamang pagkakunot ng noo ko nang makita ko ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi.
Binalewala ko na lang siya sabay iling. Kinuha ko na lang ang natitirang piraso ngunit laking gulat ko na lang nang isubo nito ang kinuha niyang sandwich sa bunganga ko ng buong-buo. Hindi naman ako makasigaw sa ginawa niya dahil tila napuno talaga ang loob ng bibig ko.
Humagalpak ito ng tawa na tila tuwang tuwa sa nakikita niya. And the worst is, pinicturan niya pa ako gamit ang cellphone niya bago ito umalis ng bahay namin. Ang demonyo lang ng ugali!