Chapter Three

1566 Words
July 18, 2008 (Sunny) It was a lovely morning when I open my eyes. Sa pagmulat ko nakatambad kaagad sa mga mata ko ang naka-frame na picture namin ni Kye. Bahagya akong napainat na may ngiti sa aking mga labi ngunit biglang nabura din nang maalala kung hindi ko pa tapos ang assignment ko sa Math. Dali- dali na akong bumangon at tinungo ang veranda. “ Kye?” ko kay Kycer mula sa veranda ng kwarto ko.Palayaw niya kasi iyon. Nilakasan ko na para sure ball na magising siya. Magkatapat lang kasi ang mga kwarto naming dalawa kaya minsan alam na alam ko kung tulog na ito or gising na. Paminsan-minsan din ay nakiki-over the bakod din ako sa kwarto niya gamit ang malapad na tabla na ginagamit ko bilang tulay papunta doon.Hindi naman kasi niya nilalock ang pintuan niya kaya malaya akong nakakalabas-masok sa room niya. “What?” masungit nitong sagot pagkadungaw niya mismo sa bintana niya. Mukhang kakagising lang din nito dahil sa magulo niyang buhok.Pero infairness ang gwapo pa rin.:) “Pakopya ng ssignment!” nakangiti kung sabi na sadyang ginandahan talaga ang ngiti. May kailangan eh. Ganoon naman talaga tayong mga humans at isa pa ayokong maparusahan mamaya kapag wala akong homework. Grabe pa naman ang parusa ng Math teacher namin. Patatayuin ka sa isang tabi hanggang sa matapos ang klase. Ayoko kayang maranasan ‘yon. Kahit mukhang nakasimangot ay tumalikod naman ito kaagad papunta sa table niya. Maya’t maya lang may lumipad na notebook at sapol talaga sa mukha ko. Anak ng karayom nga naman! Talagang hindi biro ang mangopya ng assignment sa kanya. Magkakabokol ka muna. Kaagad ko ng dinampot ang notebook niya at hinimas-himas ang nasaktan kung noo. Parang hindi ako babae kung itrato niya. “Tsk!Anak ng tok....!” mumurahin ko pa sana siya ngunit wala na siya sa paningin ko. Maybe the other time na lang. “ Sunny! Saan ka na ba?” sigaw ni Mama mula sa labas ng room ko kaya mabilis na akong bumalik sa loob ng kwarto ko. “Hindi ka pa rin ba nakabangon? Naku na bata ka! Oras talaga na ipatawag ako ng teacher mo dahil sunod-sunod na ang late mo. Kakalbuhin talaga kita!” “ Nakabangon na po ako!” ingos kung sigaw habang dali-daling nililigpit ang higaan ko. “ Eh, di bilisan mo ng kumilos para hindi na naman hahaba ang leeg ni Kycer sa kakahintay sayo sa baba mamaya.” I just rolled my eyes, kakagising nga lang din ng isang ‘yon. “Heto na nga po!” pasigaw kung sagot. Everyday ganoon talaga kami ni Mommy at everyday ganoon talaga siya.Talak ng talak at ganoon ka hyper ang bunganga niya. Minsan naiisip ko rin na baka iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na dito umuuwi si Papa. Pero ayoko na iyong isipin baka malulungkot na naman ako ulit. They got separated when I was ten years old. I was sad and mad at the same time. Sino ba naman kasi ang hindi. Every child need to have a complete family at deserve naman siguro namin ‘yon. Pero minsan nakadepende pa rin sa isang sitwasyon. Pareho na silang hindi masaya sa isa’t isa at tinanggap ko na lang. Kinailangan kung tanggapin at palawakin ang aking isip sa murang edad. Even though kinausap naman nila ako about it. Haizzz! Ang complicated ng lovelife ng matatanda ‘no! Minsan, natatakot din ako na baka someday my love life would be the same as them. Ayoko kaya ng tragedy ending, I want mine to be happy. Mabilis ko nang kinopya ang assignment ni Kycer at niligpit ng mabuti iyon sa bag ko. Mamaya ko na ibabalik sa kanya. Pagkatapos niyan ay nagtatakbo na ako sa loob ng banyo namin upang maligo. After non lumabas na ako para mag-almusal. Nadatnan ko naman na nauna ng kumakain si Mama kaya kumain na rin ako. “Pinabibigay ng Papa mo,” mahina niyang sabi sabay lapag ng paper bag sa gilid ng mesa. Excited ko naman iyong kinuha at tiningnan. “ Yey!,” tanging nasabi ko na lang. Ang relo kasi na matagal ko ng pinapabili sa kanya ay nabili na rin niya sa wakas. “Ano na naman ba ang pinapabili mo sa ama mo?” tila may halong kunting inis sa tono nito. Matagal ng hiwalay ang parents ko at hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila okey.Wala namang third party na naganap sa hiwalayan issue nila at pareho naman silang walang pake sa lovelife ng isa’t isa. Recently, nabalitaan kung may kinakasama na si daddy and seems like mom doesn’t give a damn at all. Maybe they both move on so, ekis na ang pagbabasakali kung magkabalikan sila muli. Maybe, love at second time around is not for everybody. “Iyong relo na matagal ko nang pinapabili sayo. Na hindi mo mabili-bili dahil sabi mo wala kang time,” may himig ng pagtatampo kung sagot. Actually sa kanya ko naman talaga iyon pinapabibili kaya lang lagi niyang nakakalimutan. “Eh, di sana pina-alala mo sa akin! Bakit sira na naman ba ang relo mo?” I suddenly rolled my eyes sa tanong niya na iyon.Hindi niya ba alam na two months ago pa nasira ang relo ko.Tapos siya pa ang nasabi na kapag makakita siya ng maganda ay ibibili niya ako ng bago. “ Nevermind na lang po,” naiinis kung sabi at mabilis ng tumayo sa mesa bitbit ang paper bag. “Hindi ka pa kumain ah!” sita nito. “ Sa school na lang po ako kakain,” matamlay kung sagot at dumiretso na sa kwarto ko. Doon naupo ako sa kama at kinuha na ang laman ng paper bag. “ Bakit dalawang box?” pipi kung tanong kaya kaagad kung tinawagan si Papa. ( “Hello ‘nak?Natanggap mo na ba?” masigla nitong tanong pagkasagot mismo nito sa tawag ko.) (“ Opo, Dad, pero bakit dalawa? Kanino po iyong isa?”) curious kung tanong. (“Ah! paki-bigay na lang kay Kycer iyong isa ‘nak. Naalala ko kasing wala akong naibigay sa kanya noong birthday niya.”) Sa hindi ninyo kasi natatanong. Ninong kasi ni Kycer si Daddy kaya parang anak na rin ang turing niya rito. ( “Ah, sige po,bye and thank you, Dad! I love you!” ) Dahil sa narinig,excited ko ng kinuha iyong paper bag at dali-dali ng lumabas ng bahay. Hindi ko muna tiningnan iyong para sa akin. Gusto ko kasi sabay naming isuot iyon ni Kycer. “ Pandak!,” seryoso ang mukhang bati nito sa akin habang hila-hila na ang bike nito. Iyon kasi ang ginagamit namin papunta sa school. May kalapitan lang naman kasi kaya hindi na kami sumasabay sa school bus. Mabuti nga iyon eh! Para naman may moment kami. “Hi!” bati ko naman na hindi maalis-alis ang malapad kung ngiti sa aking mga labi. “ Anong nangyari sayo?” kunot noo nitong tanong. “Wala lang! Tada!” sabay pakita sa kanya ng paper bag na dala ko. “ Ano naman iyan?” “Gift sa’yo ni Papa.” sabay abot sa kanya ng isang box na para sa kanya. “ Ano ba ang laman nito?” “ Relo!” Kaagad kung tugon at nauna ko ng isinuot iyong akin. Kulay white iyong binili sa akin ni Papa. Kaagad naman niyang binuksan iyong sa kaniya at alam kung natuwa rin siya. Kulay black kasi iyong sa kanya at favorite color niya iyon. Timing na rin dahil last week naiwala nito ang relo niya. “ Astig!,” masayang sabi nito. “ Pakisabi na lang kay Tito ninong na thank you.” “No problem! Huwag mo na iyang iwawala ah!” paalala ko at saka ko lang napansin na pareho pala ang design ng mga relo namin. Kulay lang ang nag-iba. Ewan, basta bigla na lang akong napangiti at gumagana na naman ang aking imahinasyon. “Bagay ba?,” tanong niya sa akin. “ Mas bagay tayo,” nakangiti kung saad. “What?” kumunot ang noo nitong nakatingin sa akin. Nataranta tuloy ako at piping pinagalitan ang aking sarili. “ I mean—” napakamot ako sa aking batok “oo naman! Bagay sa’yo.” Kumibit balikat lang ito at muling kinalikot ang suot na relo. “ Maganda rin iyong sa’yo. Parang couple watch lang ang suot-suot natin,” kaswal niyang sabi pero parang iba sa pandinig ko. Sinasabi ko na nga bang may pagka-wild ang imagination ko. “ C_couple?,” nauutal kung sabi. “ Oo, para siyang couple watch pero dahil hindi naman tayo mag-couple. Considered na lang natin na friendship watch. Okey ba?” saka ngumiti ito sa akin at marahang ginulo ang buhok ko. “ Okey,” dissapointed kung sagot. Pinagdiinan pa kasi ang salitang friendship.Tsk! Kaagad na akong pumuwesto sa likod ng bike niya para maka-alis na rin kami. “Friendship? Mas bet ko pa rin ang couple. Haizz!” maktol ko sa aking isipan habang nakasimangot na naka-angkas sa kanya. “ Kumapit ka nang mabuti at baka mahulog ka,” paalala nito. Hinigpitan ko naman ang kapit ko. “ Matagal na akong nahulog, manhid ka lang.” bulong ko. “ Ha?” anito. “ Sabi ko, bilisan mo na at late na tayo,” naiirita kung sagot. Umiling lang ito at nagsimula ng pumadyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD