(Sunny)
"Ano ba meron diyan? " pambubulabog ni Pearl sa akin. " Bakit ba hindi maalis-alis ang mata mo diyan sa relong iyan?"
"Maganda ba?" tanong ko sa kanya.
At tumango naman ito bilang pagsang-ayon. Kung may isa man sa nakaka-alam ng sekreto ko about kay Kycer. Tanging si Pearl lang iyon. Siya lang naman kasi ang tanging babae sa grupo namin maliban sa akin. Iyong isa kasi kalahati lang. I'm speaking of Ricky na ngayon ay busy sa kakabasa ng Candy magazine. Napatingin ito sa gawi ko kaya nag-wave ako ngunit inismiran lang ako nito. Sa inis ko ayon, nakalasap siya ng notebook.
" Tang***n mo ah!" mura nito habang himas-himas ang nasaktan niyang noo. Nagkibit balikat lang kami ni Pearl at pinagtawanan lang namin 'yon. Were good friends pero minsan ganyan talaga kami magmahalan. Nagkakasakitan lagi.
Yep, you're right. Ricky is a gay. Lumipat naman ang paningin ko kay Elton. Actually, wala naman akong pakinabang kay Elton. He's the type of guy who always creates his own world. Puro computer games ang laman ng utak nito. Parang minsan hindi ka talaga makapaniwala na magpinsan silang dalawa ni kycer dahil ang layo-layo talaga nila sa isa't isa. Mataba at average lang ang height ni Elton while Kycer is 6'0 ft, slim and fit body. Matalino si Kycer at pagkain naman ang hilig ni Elton.
" Teka nga, bakit mukhang pareho kayo ng relo ni Kye? " ani ni Pearl kaya nalipat na naman sa kanya ang atensyon ko. "Ano 'to couple watch?" dagdag pa nito na may kasamang panunudyo.
I blushed.
" Mukha ba?" tila kinikilig ko namang tanong sa kanya. Ewan ko ba sa tuwing mababanggit ang word na couple na iyan. Bigla na lang sumasaya ang puso ko. Hay! Sadyang mababaw lang talaga ang kaligayahan ko.
" Asa ka!" nang-aasar na sagot ni Pearl sabay batok sa ulo ko. Diba? Iba kami maglambingang magkakaibigan.
" Ang sakit 'non ah," reklamo ko kahit na hindi naman talaga ganoon kasakit. Parang kagat lang naman ng buwaya. Joke!
" Bakit kaya hindi mo e-try maghanap ng iba total mukhang malabo naman na magkagusto sa'yo si Kye." aniya. Sandali akong natigilan at napa-isip dahil tila may kung kunting kurot akong naramdaman sa aking dibdib.
"Impakta ka!" naiinis kung sabi sabay irap sa kanya. True friends seems like that.Walang araw na hindi ka iinisin at minsan masakit sila manampal ng katotohanan. Pero kahit na. Ayoko pa rin sa iba!
Sinimulan ko nang iligpit ang mga gamit ko na nagkalat lang sa ibabaw ng aking arm chair. Inilagay ko ito sa aking bag at tumayo na.
"Saan ka naman pupunta?" kunot noong tanong ni Pearl.
"Sa library!" tipid kung sagot at isinukbit na ang aking backpack na bag.
"Bakit? Mag-aaral ka? OMG!" sabay takip ng dalawang kamay nito sa kanyang bibig na kunwari ay gulat na gulat ito.
I just rolled my eyes. Echosera kasi!
" May lagnat ka ba, friend? " tudyo naman ni Ricky na hindi ko alam kung paano siya updated sa usapan naming ni Pearl gayong ang layo-layo nito sa amin.
Ouch! I was a bit offended but I still manage to smile to them. Diba nga, natural lang na may ganyanan sa magkakaibigan.
" Hindi 'no!" I confidently said sabay hair flip. " May lalandiin lang! " pabiro kung sagot sabay kindat sa kanilang dalawa at tuluyan na itong iniwan ang mga ito. Ayokong sayangin ang ilang oras ko sa kanila.
Alam ko kasing sa mga oras na ito nandoon naman si Kycer sa loob ng Library. Syempre marami na naman ang mag-aaligid na mga kababaihan sa kaniya kaya kinakailangang bantayan. Mahirap na 'no! Mabuti na iyong maging vigilant tayo. Echos!
Ang sabi kasi nila kung ayaw mong manakawan, eh! di magbantay ka ng mabuti. That's why, I'm just doing the right thing.
Pagpasok ko pa lang. Mukhang punuan na naman ang loob ng library ngunit puro babae at mga beki naman ang naroroon. Nakakasiguro akong isa lang naman ang dahilan kung bakit nandito ang mga 'to at dahil lang yan kay Kye. Haizz!
Iyon ang sinasabi nila na mahirap magka-crush sa gwapo dahil ang dami mong kaagaw. Well, not for me. VIP kaya ako.
Kaagad ko siyang hinanap sa loob at kaagad ko naman siyang nakita. Ganoon siguro kapag stand out sa lahat ang aura mo. Madali kang makita. Charing!
Nilapitan ko na siya sa table nito at mukhang walang may naglakas ng loob na maki-share sa table niya. Sa naalala ko kasi halos mag-aagawan pa ang lahat para lang makatabi siya sa iisang table noon. My gosh! Nakakaloka sila! Buti hindi ako ganoon. And why would I? Were bff for pete sake.
"Yo!" nakangiti kung bati sa kanya at naupo na sa bakanteng upuan na katabi niya. Hindi ko na inabala pa ang aking sarili na magtanggal ng bag. Hinayaan ko lang itong nakasukbit sa kanan kung braso.
" Why are you here?" tanong niya na hindi pa rin maalis-alis ang mga mata sa librong binabasa.
"Lalandiin ka! " pagbibiro ko kahit na medyo may katotohanan naman ng kunti. Tumagilid ako ng bahagya para malaya siyang mapag-masdan ng mabuti habang nakapangalumbaba ang isa kung kamay.
" Tssh!" tanging reaksyon lang nito at napa-iling.
Bakante ang buong maghapon namin ngayon dahil nasa seminar ang mga subject teachers namin kaya sure na sure akong buong maghapon na naman siyang nandidito. Sasamahan ko na para hindi ma-bored!
"Ayan, magbasa ka ng magkalaman naman ang utak mo." Utos nito saka tinambakan ako napakaraming libro sa harapan ko.
"Ang landi niya girls," mahinang sabi ng isang babae sa likuran ko.
" Oo, nga! Ang kapal pa ng muks at dikit ng dikit pa kay Kycer." segunda naman ng isa.
Napa-iling na lang ak at ewan ko kung sadyang malinaw lang talaga ang pandinig ko kaya dinig na dinig ko sila 'o sadyang pinaririniggan talaga nila ako.
Ilang segundo lang at mas lalo pang dumarami ang bulungan sa aming paligid. Ang lahat ng iyon ay tungkol sa akin. Ang iba ay naiingit at meron namang naiinis sa akin. So what? Kasalanan ko ba iyon kung bestfriend ko ang crush nila?
Aray ko po!" biglang sambit ko nang biglaan na lang nito akong hablutin patayo. "Bakit ba?" naguguluhan kung tanong ngunit hindi ako nito sinagot. Datapwat hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako palabas ng library. " Hoy! Teka nga," tutol ko pa sana ngunit bigla na lang akong tumahimik dahil sa anyo nitong seryoso at tila galit na galit ito.