Chapter Five

1582 Words
Chapter Five ( Sunny) The wrist grab. One of my favorite scenes in any drama I've watched. It seems like a romantic gesture where the hero suddenly realises the feeling he felt towards the heroine. He grabs the heroine's wrist to show how much she means to her. " Pwede ba! Dahan-dahan ka namang maglakad, " reklamo ko. Paano naman kasi iyong isang hakbang niya ,pang tatlong hakbang ko na. Sino naman ang hindi malulugi diyan? Then, I realized na malaki talaga ang pinagkaiba ng realidad kaysa sa drama. Wrist grab is not romantic in the real world. Ito'y mapanakit. Ramdam na ramdam ko na kasi ang p*******t ng kamay ko dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak ngunit parang hindi naman nito nahahalata. Hila lang ito nang hila na parang nanghihila ng alaga niyang aso na ayaw pa umuwi sa kanilang bahay. Hanggang sa nakalabas na kami ng Library ay hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Ilang beses ko rin siyang kinulit sa katatanong kung bakit niya ito ginagawa ngunit hindi naman ito umiimik. Kaya mas pinili ko na lang tumahimik at magpatianod kung saan niya ako dadalhin. " Dito na lang tayo para tahimik," biglang sabi niya kasabay ng paghinto nito at pagbitaw sa kamay ko. Binuksan nito ang bag niya at naupo na sa isang bakanteng bench na nandoon. Naglabas ito ng libro mula sa loob ng bag niya. " Dito ka magbabasa?" tanong ko sabay turo sa bench at naupo na rin sa tabi niya. Marahan kung ginalaw-galaw ang bandang pulsuhan ko dahil pakiramdam ko, bigla itong namanhid. "Bakit? Gusto mo ba doon?" tila may konting bahid ng galit sa tono nito. "Syempre, aircon kaya doon." nakangusong sagot ko. " Eh, di bumalik ka doon!" pagalit na pagtataboy niya. Saglit akong natigilan sa biglaang akto nito. Bakit kasi bigla na lang itong nag-gagalaiti sa galit? " Teka nga," naiinis kung bulalas. "Bakit ka ba nagagalit? " "Ewan ko!" paasik niyang sigaw na ikinalaki ng mata ko. Buong buhay ko kasi ngayon ko lang siya narinig na sumigaw ng ganito ka bagsik. " I'm—sorry. " malumanay nitong sabi na tila natauhan na ito. I sighed deeply. Umusog ako ng konti sa tabi niya. "Ano ba kasi ang nangyayari? " malumanay kung tanong na nakatingin sa kanya. " Naiinis lang ako." may bahid pa rin ng pagkairita sa tono nito. " At kanino naman? " I asked. " Sa mga estudyante doon sa loob ng library." ani nito. Bigla akong napahalakhak ng tawa. Natigil lang ako ng halos hindi na maipinta sa inis ang mukha niya. " Iyon lang pala eh!" sabi ko nang maubos na ang tawa sa lalamunan ko. " Kasalanan mo 'yan dahil gwapo ka." kibit-balikat kung sagot. May nakita akong chocolate bar sa loob ng bag niya kaya kinuha ko iyon. "kaya huwag kang magreklamo kung parang tutubi silang sunod ng sunod sa'yo." dagdag ko pa. "Hindi iyon ang tinutukoy ko," madiin na pagkakasabi niya at ngayon ay nakatingin na ito sa akin. "Eh ano nga?" naguguluhan kung tanong ulit. "Hindi mo ba naririnig ang mga sinasabi nila? They are calling you b***h, malandi at mahina ang utak." Kung kanina ay kaya ko siyang tingnan ng diretso parang ngayon ay bigla na lang akong nakaramdam ng hiya sa kaniya. Bakit kasi sa lahat ng mga kaibigan niya ako pa ang naging kulilat sa lahat. Since nasa pre-school pa lang kami,tanging siya lang ang taga-salo sa kapalpakan ko. Siya ang tagapagtanggol sa akin sa mga bullies. Minsan gusto kung isipin na baka napapagod na rin siya sa kakasalo sa akin. "Well, totoo naman talaga na mahina ang utak ko." nakasimangot kung sabi at sinimulan ng kainin ang chocolate bar na ninakaw ko sa bag niya. "Kung okay lang sa'yo, 'pwes sa akin hindi! " pagpupumilit pa rin niya. Pinilit kung ngumiti para maipakita ko sa kanya na okay lang talaga ako kahit na hindi. Ngunit sadyang kilalang-kilala na niya talaga ako at kaya nitong basahin kung ano man ang laman ng utak ko. He was still on his grumpy face and it seemed like he was not convinced. "Okey nga lang ako! I swear!" pilit na pinasisigla ang boses ko. "Isa pa, sanay na ako doon 'no. Ilang taon na kayang ganyan ang bansag nila sa akin. Lampa, bobo at kung ano-ano pa." "Ano ba kasi ang ginagawa mo tuwing gabi? Nag-aaral ka ba talaga?" paasik na naman niyang tanong. Doon ko na siya tiningnan ng masama. Bakit kasi hindi niya ma gets na ganun talaga ka bagal ang utak ko. Na minsan may mga estudyanteng ganyan at hindi lahat ng estudyante ay parepareho ang mga utak. "Nag-aaral naman ako," nakanguso kung sagot. "Nagbabasa naman ako ng mga libro at ng mga notes ko. Eh, ganun talaga eh! Walang may gustong pumasok sa kukuti ko." pasinghal ko nang sagot sa kanya dahil naiinis na rin ako. Parang kagaya lang siya ni mommy. Hindi nila ako maintindihan. "Walang pumapasok 'o talagang lumilipad lang iyang utak mo kung saan-saan?" naka-ekis ang mga braso nito na tila daig pa si mommy kung maka sermon. Hindi lang ako umimik dahil ngumunguya pa ako ng chocolate bar na nasa bibig ko pero galit na talaga ako. Parang pati iyong wrapper gusto ko ng lunukin. " Ano ba kasi laman ng utak mo na 'yan at hindi makapasok lahat ng tinuturo sa'yo? Sige nga? " dagdag pa nito. "Ikaw!" Nadulas kung sagot. Bigla akong napa-ubo at nagsisimula ng mamula ang aking mga pisnge. "Ha?" kumunot ang noo nito. Kaya ganun na lang ang biglang pag-panic ng lahat ng mga nerves ko sa aking buong katawan at pati utak ko tila namanhid na rin. Patay na! Ngunit talagang mahal ako ni Lord dahil bigla na lang may sumaging palusot sa isipan ko. " I— I mean, ikaw? I'm referring to you. " casual lang akong tumawa. "Ano ba ang kakaiba diyan sa utak mo at kahit ang dami-dami ng laman ay nakapasok pa rin ang lahat ng tinuturo sa'yo?" Blangko lang ang mukha nito sa palusot ko. Mukhang kahit ito ay naguluhan din sa sinabi ko. Isa lang ang ibig sabihin niyan, hindi ako magaling magsinungaling. Huminga ito ng malalim at napa-iling habang binubuklat na nito ang librong hawak. " Hay, ewan ko sa'yo," aniya na tila naging seryoso na naman ang kanyang mukha. "Kailan ka ba magseseryoso sa buhay mo. Alalahanin mo na huling taon mo na ang taong 'to sa high school. After niyan, hindi na natin alam kung magkasama pa rin tayo. Kaya matutu ka ng mag-aral at sumagot ng mga assignments mo na mag-isa. Hindi sa lahat ng oras nandito lang ako lagi para sagutin lahat ng katanungan mo." Saglit ako nitong tinapunan ng tingin pero hindi muna ako umimik. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-nguya ko. Sa isang banda naman ng puso ko ay may kunting lungkot na namutawi doon habang bumabalik sa isipan ko ang sinabi niya kanina lang. Bakit hindi ko iyon naisip na balang araw maghihiwalay din ang mga landas namin at ang tanging matitira na lang ay ang salitang best friend namin ang isat'isa. Maliban sa salitang iyon wala na akong panghahawakan pa. We will go to our separate ways with new faces around us. We're going to meet some new friends at hindi rin naman masisigurado kung may pagbabago bang magaganap sa ugali namin 'o ganun pa rin. " Pero hindi mo naman ako kakalimutan diba? Wala namang magbabago sa ating dalawa diba? Ako pa rin naman iyong best friend mo, right?" sunod-sunod kung tanong. Hindi ko namalayang naluluha na pala ako habang tinatanong ang mga iyon. He just smiled and felt amusement. Dinukot nito ang panyo sa kanyang bulsa at iniabot iyon sa akin pero tila wala ako sa aking sarili dahil nakatitig lang ako dito. " Baliw ka talaga!" natatawa nitong sabi at siya na mismo ang kusang nagpunas ng mga luha ko. "Walang iwanan kahit ano man ang mangyari!" mahina nitong usal. Bigla akong napalingon sa kanya at nakangiti pa rin siya sa akin. "Motto natin iyon noong nasa Grade-One pa tayo. Naalala mo pa ba?" I nod my head right away as a response. Paano ko kasi makakalimutan ang unang pangako namin sa isa't isa. April 03, 2022 ( End of Flashback) Bigla akong napamulat ng mata at marahang napasinghap nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nahahapong napasandal ako sa headboard ng kama at saka ko lang naramdaman ang pamamasa ng mata ko. " Umiyak ba ako?" mahina kung usal at pinahid iyon gamit ang aking mga palad. Dahil sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Oh dear! Napatingin na naman ako sa kawalan. Those memories keep haunting me for the past years. Kaagad kong dinampot ang cellphone ko nang muling mag-vibrate na naman ito. I saw Ricky's name on my notification and he sent some photos on our group chat with a caption (memories! memories! ❤). I got curious kaya binuksan ko ito kaagad. A smile, a sad smile slowly painted on my lips. It was a bunch of candid photos when we were still in the last year of our high school. I'm sure, Janus was the one who took these pictures. Siya lang naman kasi ang wanna be a photographer that time. I kept scrolling down and just stopped when I saw a picture of mine and Kye. I was sitting in a corner and he was on the side. We are looking at each other with genuine smiles on our faces.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD