Chapter Six

2111 Words
( Sunny) They said, high school life is one of the most memorable stages of your life. It contains a lot of mixed emotions. This is the stage you started to grow. You are allowed to make mistakes but make sure you learned from it. This is the stage where I am so stressed but something strange. Because no matter how frustrating this stage is, I'm still excited to wake up and see how my day ends. Maybe, It's my innocence that keeps me motivated. I treated life so lightly and thought it would always be the same and now, I regret it. July 22, 2008 I’m bored! Parehong wala kasi ang mga panghapong subject’s teachers namin kaya heto kami, ang iingay sa classroom. Kanya-kanya ang trip ng bawat isa. I was supposed to be happy dahil sino ba naman ang hindi natutuwa kapag walang klase. Maybe, sadyang hindi lang ako normal or dahil walang pumapansin sa akin ngayon. Lahat kasi ng mga friends ko may kanya-kanyang business na inaatupag. Si Ricky, nagpapaganda. Si Elton tulala sa isang tabi, si Kye seryoso ang mukha habang nag-aaral at hindi pa dumating si Pearl. Napahikab ako at nagsisimula na namang bumigat ang talukap ng mga mata ko. I want to entertained myself kaya lihim ko na lang silang pinagmasdan habang nakapangalumbaba sa armchair ng aking upuan. Dito ko nakita ang ibat-ibang uri ng mga estudyante sa mga kaklase ko. May feeling celebrity dahil sikat siya sa school, si Grace. Popular siya sa school dahil sa boses niya. Sa isang tabi naman ang mag-couple na naglaladian, sina Pete at Sandra.Tawag ko sa kanila the gecko couple. Parang ayaw kasi mahiwalay sa isat-isa na tila naka-glue ang mga mundo nila. Hmmmp! Akala mo naman, hindi sila maghihiwalay balang araw. Ibinaling ko na lang sa ibang direksyon ang aking mga mata. Hindi kasi nakaka-inspire ang view. Nakaka-ampalaya. Sa bandang kaliwa naman naroon nakaupo si Mia at bansag ko sa kanya ay school beauty. Bukod sa maganda nitong mukha ay matalino din ito kaya minsan nakakasama din ng loob kapag may nagsasabing, Kye and her are perfect couple. Which is, hindi ko rin maitatanggi. May katotohanan naman kasi kaya ano pa ang laban ko doon. Sa maganda at mahaba pa lang nitong buhok na tila alagang-alaga sa shampoo at conditioner, alam kung milya-milya na ang lamang niya sa akin. Ang akin kasi mahaba nga pero parang gubat naman ayon kay mama dahil sa kulot ito kaya minsan nakakatamad suklayin. Next, dumapo ang mata ko sa katabi niyang si Rey, ang shy type na tao. He seems like a nice guy tho’. Sa sunod na row ay sina Pia at Mildred, mga bookworm na mga estudyante. Bagay talaga na naging mag-bff silang dalawa. They have both things in common and both of them are wearing eyeglasses with thick lenses. UGH! Kaya madalas akong pinagsasabihan ni Tita Fe (Kye’s mom), na ingatan ko daw ang mga mata ko dahil they are beautiful. Hindi daw lahat ng kababaihan ay nabibiyayaan ng perfect brown almond shaped eyes. Sa bandang likuran naman ay sina Zian at ang mga ka grupo niyang sina Ace, Angelo, Alex at Tony. Mga estudyanteng baon lang yata ang habol kaya pumapasok sa school. Minsan binabansagan din silang the rich kids dahil puro mga negosyante ang mga magulang but they insisted to call them the F5. Feeling kasi nila, sila iyong F4 sa Meteor Garden tv series , if it exists in real life. Mga shunga lang! Puro kasi gwapo ang F4 samantalang sa kanilang lima, masasabi kung si Zian lang talaga ang papasa ang mukha. Hindi naman panget silang apat kumbaga, medya-medya lang. Tamang mukha lang na matatawag mong silang tao. I don’t hate them and like at the same time pero bansag ko sa kanila, the five idiots! Next ,ay si Paul, the talented art guy. Puro drawing ang laman ng mga notes nito. Katabi niya sa upuan ay si Allan, ang lalaking madalas absent. Isang malaking himala dahil present ito ngayon kung saan wala ang mga teachers namin. Sa bandang kanan naman na malapit sa pintuan ay si Lina, the loner. Walang kaibigan at ayaw niya ring makipagkaibigan. Katabi naman niya ay si Janus, ang photographer wanna be ng klase. Lagi nitong bitbit ang kanyang camera kahit saan man siya magpunta. He was considered the second most handsome in our school at syempre alam nyo na kung sino ang first kaya hindi ko na babanggitin. “ May polbo ka ba?” tanong ni Ricky. Tiningnan ko ito ng masama kaya hindi na namilit. Ang bansag ko naman kay Ricky ay the good son dahil mabait ito sa nanay niya. Ang hilig lang nito ay ang magpaganda kahit na alam niyang lalaki siya. Bunso siya sa kanilang tatlong magkakapatid at parehong mga babae pa ang kanyang mga ate. Hindi na nakapagtataka kung natatakot itong malaman ng tatay niya ang tunay niyang katauhan. “ Ay, oo nga pala ano! Nakakalimutan ko palagi. Suklay nga wala ka, polbo pa kaya.” pang-aasar nito. Nakaharap ito sa palagi niyang dala-dala na salamin. Inismiran ko na lang siya at hindi na pinansin. Wala ako sa mood na makipagtalo ngayon. “ Ano naman problema nito?” tanong ni Pearl kay Ricky na ang tinutukoy ay ako.Kararating lang yata nito sa school. Mabuti na lang at pinapasok pa ng guard. “ Ewan ko! Basta na lang kasing nagkaroon ng menopause.” sagot ni Ricky habang busy pa rin sa pagpapaganda sa mukha niya. Akala mo naman may igaganda pa! “Ano na naman ba ang problema mo?” siko sa akin ni Pearl at naupo na rin ito sa upuan niya na katabi ko lang din. The great master, iyon ang bansag ko sa kanya.Parang lahat kasi ay may alam siya. She’s the girl I admired the most. Pearl is also smart, talented at ang ganda nito ay hindi rin nalalayo kay Mia. Famous din siya sa school at lalo na sa mga boys. Pinormahan siya ni Zian noon pero hindi yata pumasa sa taste niya ang binata. Even though Zian isn't really that bad to be a love interest. May itsura naman ito at magaling din kumanta. Actually may banda nga silang lima which they call it F5. “ Gagraduate na tayo,” nakasimangot kung sabi habang nakapangalumbaba pa rin sa armchair ng aking silya. “ My god Krystal!” ani ni Pearl at napatampal ito sa kanyang noo. “Akala ko ano na,” parang nabunutan ito ng tinik at napahawak pa sa kanyang dibdib. “Ayaw mo non? Makakatakas ka na sa Trigonometry na subject at Physics.” “Hindi ko naman kayo makikita at makakasama everyday.” “Naks!” napalatak ito ng mahina. “Iyon lang ba?” kunot-noo nitong tanong saka hinawakan nito sa magkabilang balikat para humarap sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang pisnge ko at marahang pinisil ito na tila pumipisil lang ito ng stress ball. “ Naku naman! Ang bunso namin nagdadrama na kahit ang layo-layo pa ng graduation. Hayaan mo kahit ano man ang mangyari. Hinding-hindi kita iiwan. Sasamahan kita kahit sa kung saan ka mang college Universities mapadpad.” “Promise mo iyon ha?” sabi ko na tinitiis pa rin ang pagkakahitad nito sa mukha ko. “ Humanda ka sa akin kung doon ka mag-aaral sa University na pinapasukan ng boyfriend mo. Kakalbuhin ko iyong kilay mo.” pagbabanta ko. Napatawa naman ito sa sinabi ko at binitawan na rin nito ang pisnge ko. May isa pa pala akong fact about Pearl, iba ang taste nito pagdating sa mga lalake. Ang weird kasi ng mga naging boyfriend niya. Ang latest niya ngayon ay si Peter, he looked like a typical nerd and his wearing a braces. Alam mo iyong tipong hindi mo pag-interesahang masyado pero Pearl has this feeling na hindi ito mapakali na baka daw ipagpalit siya ng boyfriend niya balang araw. Like the heck! Hindi naman iyon kawalan if it’s happen. Napadapo na ang mata ko kay Elton habang yakap-yakap na naman nito ang malaking bag niya na hindi rin nalalayo ang laki sa bilbil niya. Hindi ko mapigilang mapa-iling. Sometimes he's really hopeless. Minsan nahuhuli mo na lang itong tulala sa isang tabi tapos malalaman mo na ang iniisip lang pala niya ay kung anong kakainin niya mamayang recess. I call him the extra,mahilig kasi sa extra food.Kung may ibibigay kang food sa kanya, dapat hindi lang isa. Dagdagan mo talaga ng extra dahil kulang na kulang ang isang serve sa kanya. “Ako ba ang pinag-uusapan ninyo? Mga inggitera kayo ha!” biglang himutok ni Ricky pagkabaling nito mismo sa amin. Pearl and I just laugh. “ Your not worth enough, darling ,para libakin namin. Duh!” resbak sa kanya ni Pearl. “ Ang feeler mo naman!” sabay flip sa mahaba nitong buhok sa ere. “ Your not worth enough too, para patulan din! Babaeng manipis ang kilay.” nakapamewang na resbak sa kanya ni Ricky. Hindi ko tuloy maiwasang mapa-iling na lang. “Here we go again!” pabulong kung sabi. We are all friends ngunit talagang walang araw na hindi sila parang aso’t pusa. I can’t even imagine kung paano nila natatagalan ang isa’t isa. Next, ay kay Liza naman napadpad ang mata ko. Our very owned CCTV ng classroom. Lahat ng chismis sa buong campus ay alam na alam niya. She's talking to Alexa, our leader/class monitor/class president. Sobrang active niya sa mga school activities ngunit pagdating sa utak lamang lang siya ng konti sa akin. “Iyong ilong mo, mukhang notebook. Ang lapad!” ani ni Pearl. Hindi pa rin sila tumitigil sa pagbabangayan. “ Iyong sa’yo naman, ang ilong mo parang witch. Nasobrahan sa tangkad at hindi naman bumagay sa mukha,” ganti ni Ricky at humagalpak ito ng tawa. Tila napipikon na rin si Pearl kaya expected ko na ang sunod na mangyayari. May lilipad na libro or notebook na naman. Buti na lang at wala sila sa kusina dahil baka nagpatayan na ang mga ito. “Bakla ka!” sabi ni Pearl. Napatayo ito at nakapamewang. “Huh!” maarteng palatak ni Ricky saka tumayo rin. Humarap ito kay Pearl na naka-ekis ang mga braso. “ Matagal na noh! Tatay ko na nga lang ang hindi nakaka-alam.” anito. “ Ano ba ! Tama na kaya iyan,” awat ko sa kanila. Bigla na lang kasing sumakit ang ulo ko sa bangayan nilang dalawa ngunit mukhang walang may gustong magpa-awat sa kanila. “ Ito kasing bakla na kasing flat ng notebook ang ilong,” ani ni Pearl. “ Akala mo naman ikagaganda niya ang araw-araw na pagtingin sa salamin.” “Aba! Ang babaeng mas makapal pa ang buhok niya sa kili-kili kaysa sa kilay niya. Kung makapanglait ka sa ilong ko, akala mo naman perpekto iyong sa’yo ha!” “Atleast hindi flat ang ilong ko,” giit ni Pearl na ayaw pa rin magpa-awat. Kulang na nga lang ay magsabunutan silang dalawa. “ Wow, eh di ikaw na! Ikaw na ang bunso ng mga witches!” ganti ni Ricky na sinamahan pa ng peke nitong nanunuyang tawa. Alam kung everyday ganito na sila ngunit mukhang hindi pa rin ako sanay .Inilinga ko na lang ang mga mata ko sa labas ng pinto ng classroom. Doon natanaw ko si Kye na kinakausap ni Mr. Zamora, principal namin. Bigla akong napangiti kahit natatanaw ko lang siya mula sa malayo. Ngunit napawi din iyon ng maalala ko ang sinabi niya noong nakaraang araw. Iyong tungkol sa paghihiwalay namin after naming grumaduate ng high school. Ibinalik ko na lang ang paningin sa dalawa na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin sa isat-isa. “ Anong kurso ba ang kukunin ninyo pagka-graduate natin ng high school?” tanong ko sa kanilang dalawa. Pareho silang natigilan at kunot ang noong napatingin sa akin. Kalaunan ay kapwa rin napabuntong hininga. “ Hindi ko pa alam eh!” naunang sagot ni Pearl habang pakamot-kamot sa batok niya. Naupo na ito sa silya niya na tila bigla ring napa-isip. “Ako rin,” naka-pout na sagot ni Ricky at umayos na ito ng upo at tila napa-isip na rin. At mabuti na lang pala dahil naisipan ko iyong itanong sa kanila. Atleast ngayon biglang tumahimik ang mundo ko. Ako kaya? Hanggang ngayon kasi hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang kukunin ko. Hindi ko pa rin kasi alam kung saan ba talaga ako magaling. Hay! Buhay estudyante! Akala nila madali pero nakaka-stress din minsan. Madalas ka pang sermonan na mag-aral ng mabuti pero minsan you get to the point na parang nasasakal ka na at hindi mo alam kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD