August 4, 2008
( Sunny)
(When you think you're not doing well, go ahead and strive more! )
It's my mom's favorite dogma.
Ilang taon ko na ring naririnig iyan. Well, maybe ngayong araw ay maririnig ko na naman muli. It was always her favorite line anyway after I got my exam results.
Pumasa man ako or hindi, marahil maririnig ko pa rin 'yan mamaya.
“ Ilan ang nakuha mo sa exam?” excited na tanong ni Ricky kay Pearl habang bitbit nito ang test result niya. Mukhang nakapasa ang bakla base na rin sa expression ng mukha nito.
Katatapos lang kasi ng exam namin for first grading period sa Math kaya kanya-kanya ng tanungan kung sino na naman ang bagsak. Pag-hindi ka kasi nakapasa sa exam ay magte-take ka ulit ng panibago. Nakakapagod kaya iyon sa utak.
“ Iyong sa’yo, Sunny?” sa akin naman bumaling ng tanong si Ricky. Bigla akong nataranta sa isasagot sa kanya.
“Ha? H_hindi ko pa natingnan eh!” kinakabahan kung sagot. Paano ko naman kasi iyon matingnan kaagad kung ang kaba ko ay mataas sa pa height ko. Panigurado kasing bagsak na naman ako.
Simula pa nga kahapon ay panay na ang dasal ko na kahit makakalahati lang ako ng score sa test ay okey na. Passing score kasi namin dito ay 50 kalahati ng 100. Iyong teacher lang naman namin ang mahilig sa 100 items na test tuwing grading period. Iyong iba hanggang 50 lang ngunit kailangan mo naman na maka-35 na score para pumasa.
“Buksan mo na kaya,” utos ni Pearl na may kasama pang siko.
Bigla naman akong napabaling sa kinaroroonan ni Kycer na ngayon ay nakatingin din sa akin. Mukhang kahit siya ay naghihintay din sa resulta ng exam ko.
“ Sandali nga muna!” naiirita kung sabi. Bakit kasi bigla akong na pressure. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon mula sa pagkaka-ipit sa libro ko. Nag-sign of the cross pa ako bago iyon binuklat ngunit mukhang hindi talaga kaya ng powers ko ang magiging disappointment ko ngayong araw.
Tiniklop ko iyon ulit at napatingin kay Kye na parang humihingi ng saklolo. “Pwede bang ikaw na lang ang tumingin?” pakiusap ko dito. Kaagad naman itong lumapit at kinuha ang papel na nasa kamay ko saka tiningnan iyon.
“Ano iyong resulta?” naunang tanong ni Ricky. Seryoso ang mukhang tiningnan ako ni Kye kaya mas lalo lang akong kinabahan.
“ Hindi ka nakapasa!” kalmante nitong sabi habang ibinulsa ang isang kamay.
“Tsk! Ano ba iyan!” palatak na sabi ni Ricky. “Mabuti pa si Elton na laging pagkain ang laman ng utak ay pumasa.Anong nangyari sa'yo besh?”
Hindi muna ako umimik at laylay ang balikat na kinuha ang papel sa kamay ni Kye.
“Tiyak na makakalbo na talaga ako ng nanay ko neto!” nakabusangos kung sabi at muling naupo sa silya ko.
“Okey lang iyan, bunso,” sabi ni Pearl sabay tapik sa balikat ko. “First grading pa lang naman. Tutulungan kitang mag-review sa second take mo,okey?” ani nito na alam kung pilit lang nito pinagagaan ang loob ko ngunit hindi talaga gumagaan. “Kahit lumaki at tumaba pa ang mga eye bags ko,sisiguraduhin ko talagang papasa ka.” dagdag pa nito na mas lalo pang linakihan ang ngiti.
Hindi na ako sumagot pa kay Pearl kahit na alam kung ginagawa nito ang lahat para pagaanin ang loob ko. I’m still mad and disappointed in myself. Ginagawa ko naman kasi ang lahat pero laging bitin pa rin ang grado ko.
Hindi ko napigilang kinuyumos ang sarili kung test paper sa sobrang inis at nilagay iyon sa loob ng bag. Ngunit ilang segundo ang lumipas ay kinuha ko rin ulit ito dahil na curious naman ako sa score ko kahit papaano.
Malungkot na inayos ko iyon at tinitigan ng mabuti. “ Teka!” nanlaki ang mata ko sa nakikita at napatingin kay Kycer ngunit nasa notes na nito ang atensyon.
Si Pearl naman ay nagulat din at napatitig sa papel na kinuyumos ko.
“ You passed, bunso!” masigla nitong sabi na kulang na lang ay magtatalon ito sa tuwa.
“Talaga?” bulalas naman ni Ricky. Mabilis nitong hinablot ang papel sa kamay ko para ma confirm rin niya.Tuwang-tuwa itong napatingin sa akin. “Congrats besh!” malambing nitong sabi sabay yakap sa akin. “Kinabahan ako doon kanina ha!” sumbat nito kay Kye.
Kye just gave him a smirk.
I got a score of 55 out of 100 sa test namin ngunit gulong-g**o naman ang isip ko kung paano ito nangyari. Lalo na nang maalala kung wala akong naisagot sa ika-54 pababa na mga questions dahil sobrang hirap nilang sagutin. Ngunit, bakit bigla na lang nagkaroon ng sagot? Hindi kaya...
sinagutan ito ni Kye?
“ Classmates, paparating na si Sir!” sigaw ng isa naming kaklase kaya mabilis na silang magsikilos para makabalik sa kani-kanilang upuan.
Umayos na rin kaming tatlo ng upo at saka ko lang na realize ang ginawa ko.
Kung bakit ko kinuyumos ang aking papel. Eh, kailangan ko pang papermahan iyon kay mommy at ibabalik sa guro namin bukas.
Hindi na ako malalagot sa nanay ko at sa teacher ko naman ako mayayari. Nak ng tokwa naman!
Napasubsob ako sa aking libro na nakapatong sa aking armchair at marahang binatukan ang aking sarili. Minsan kasi, kusa talagang umaandar ang pagkatanga ko.
Umayos lang ako ng upo nang tapikin ako ni Pearl dahil nasa harapan na si Mr. Pamplona. English at Math teacher namin.
This period is our English subject.
“ Good morning, Mr. Pamplona!” sabay-sabay naming bati sa aming guro.
Mr. Pamplona is one of my favorite teachers at this school. Hindi kasi ito terror kagaya ng ibang mga math teachers ko for the past three years. Cool lang ito at kung hindi mo maintindihan ng mabuti ay gagawa ito ng other way of teaching kung saan madali mong ma gets.
“Good morning,"bati din niya at inilapag na nito ang kanyang gamit sa table. “Anyway, congratulation dahil mukhang walang mapalad na mag-retake ulit ng exam ko.” panimula nito at halos lahat ay bahagyang natawa. “Lahat kayo ay pumasa and congratulation na rin kay Kycer, for being Top One again on our first grading exam.”
There, biglang umingay ang buong klase at kahit ako rin ay hindi mapigilang mapangiti sa tuwa.
Binigyan namin ng masigabong palakpakan si Kye ngunit parang balewala lang iyon sa kanya. Nauumay na siguro. Akalain mo iyon since kindergarten kami ay lagi na siyang nangunguna. Kaya umay na umay na ‘yan siguro.
Hindi ko rin masabi kung natutuwa ito or naiirita. Habang ang ibang mga babae naming kaklase ay panay ang pagpapa-cute sa kanya. Ang sarap pektusan sa tuhod! Kakagigil!
“ We also congratulate, Mia, for being in Top Two,” dagdag na sabi pa ng teacher namin.
There, biglang napawi ang ngiti ko. Akala ko kasi nawala na siya sa eksena.
Ang mga boys naman ang nagkagulo. Paano ba naman kasi ang school beauty ang bida. Minsan tinatawag din nila itong perfect girl dahil bukod sa maganda ay matalino din ito.
I just rolled my eyes. Promise! Hindi ako naiinggit! Crossed my heart, hoping she died. The sooner, the better.
Pero mas labis akong na curious sa magiging reaksyon ni Kycer. Everyone knows na may gusto si Mia kay Kycer at ewan ko lang sa bestfriend ko kung may gusto din siya sa babae. Pero sa simpleng pagsulyap nito kanina sa dalaga ayokong isipin na meron. No way! Highway! Expressway!
Masyado pang maaga para masampal ng isang masakit na katotohanan.
“ And also, gusto ko ring i-acknowledge ang effort ni Sunny.”
Sandaling tumahimik ang buong klase. Lahat sila ay napatingin sa akin.
“It seems like she truly studied hard. I’m really expecting her to fail but I was wrong. Hoping na sana magtuloy-tuloy iyon.”
At nagtawanan silang lahat sa sinabi ng teacher. Like duh! Mukha ba akong malaking joke sa kanila?
Pearl and Ricky throw them a deadly look. Deadman lang si Elton.
Yumuko na lang ako dahil doon.Hindi ko kasi ma feel kung compliment ba iyon or criticism. Alam ko naman kasing kulilat ako sa klase and everyone knows that. Yes, laging mababa angscore ko sa mga quiz at minsan zero pa. Pero bakit kasi kinakailangan pang ipamukha sa akin ‘yon?
“ Okay, that's enough class!” saway ni Mr. Pamplona. Doon lang sila tumahimik. “ Okay, get your books and open it on page 23.” utos nito. Sumunod naman kaming lahat. “ Read the story with understanding and were going to discuss it tomorrow,” anito. “ I'll be at faculty room since we are having a meeting there, kaya huwag kayong maingay. Kung may katanungan man kayo, nandoon lang ako. Alexa, please monitor the class for me.”
Pagkasabi nito ay tuluyan na itong lumabas ng classroom. Wala pa ngang nakasampong segundo na nakalabas si Sir ay nagsimula na namang umingay ang buong klase. Ang nagpasimuno nito ay ang grupo ni Zian.
Sinaway naman ito ni Alexa ngunit tila matitigas ang mga ulo kaya hinayaan na lang din niya ito.
Some are obeying what our teacher asked us to do but some are not.
Ang iba ay may sariling agenda. Some are talking ,flirting, and some are just taking their sweet time breathing the air of freedom.
Si Ricky at Pearl naman ay tila nagsisimula na naman ng world war three. Ang grupo naman ni Zian at grupo ni Grace ay nagbabatuhan na ng papel.
I sighed! Knowing a life in high school isn't that bad at all. There are some days that it’s salty and days that are sweet. Bitter and sometimes, it can be sour too.
I looked at Kye na ngayon ay tutok talaga sa librong binabasa niya. Nakasuot na ito ng headphones niya dahil siguro naiingayan na rin. I wonder why, this guy is so ideal. Iyong tila walang mali sa buhay niya.
A moment later napalingon din ito sa akin. Iiwas pa sana ako kaya lang huli na.
He frowned and within a second a genuine smile came out from his lips. I can't help but smile back too.