April 3, 2022
( The Present)
It is almost 3 P.M ngunit wala pa rin mommy. I heard some rumbled sound on my tummy. Kailangan ko na yatang kumain dahil nagwawala na ang bulate ko sa tiyan.
Sino ba naman ang hindi magwawala kung mula pa kaninang umaga ay wala pa kinakain at ewan ko kung may laman ang refrigerator ni mommy.
As I remember when I was a kid, my mom was never a typical housewife. Iyong tipong tutok ito sa bahay. She's a bad cook too but at least she's good at making a sunny side up egg. Mula noon, iyon na ang naging paborito kung luto niya.
Malamang! May ibang choice pa ba?
Minsan nakakalimutan niya rin mag-grocery kaya madalas tubig ang laman ng ref. namin.
But my dad always says this, 'at least she soars high on her job'.
Napadapo ang mata ko sa veranda at ilang segundo lang ay nakatayo na ako dito. I saw Kye's empty room. A sudden sadness visited me again. The view here comforts me for the past years. His presence, his smile and grumpy face.
Automatico na lang akong napangiti kahit na hindi na ito katulad dati.
Nawala na ang tabla kung saan nagkokonekta sa aming dalawa.
August 12, 2008 ( Flashback)
" Magandang hapon po!," pambulabog ko sa kanya pagkabukas mismo nito ng pinto palabas sa veranda ng kanyang kwarto.
Nginitian ko ito ng napakaganda ngunit sinimangutan lang ako nito.
" Ano na naman ba ang kailangan mo?" wala sa mood nitong tanong. Suot-suot na naman nito ang salamin niya kaya mukhang busy na kaagad ito sa pagbabasa. Haiz!
Wala siguro sa bokabularyo nito ang salitang TV, video games, etc.
Notes! Study! Review! Ito lang yata ang alam 'nya. Psssh! Boring!
" Wala lang, mag-over the bakod ulit." pasemple kung sagot sabay lahad ng kamay ko at alam ko naman na na gets na niya kaagad kung ano ang ibig kung ipahiwatig. Medyo kailangan ko kasi ng isang kamay bilang suporta upang makalapag ako ng maayos.
Kaagad naman itong lumapit kahit na medyo nakasimangot. Hinihintay ko pa rin ang palad niya ngunit laking gulat ko na lang nang biglang buhatin ako nito. Hindi na lang ako umimik dahil after nitong maibaba ako ng maayos ay isang malakas na pitik sa aking noo ang ginawad niya.
"Ilang ulit ko bang sabihin sa'yo na tigil-tigilan mo na ang kakadaan diyan sa tabla!" may bahid ng kunting inis ang sermon niya.
Napahawak ako sa aking noo at hinimas-himas iyon. Medyo masakit naman kasi.
"Ano ka ba, sanay na kaya ako dumaan diyan." katwiran ko. "Huwag kang mag-alala, my friend, sa ilang taon ko ba naman na ginagawa iyan. 'Pro' na po ako." dagdag ko pa and I blink my eyes in cute way.
Hindi ko na siya hinintay na makasagot at nauna na akong pumasok sa kanyang kwarto.
Una kung hinalughog ang maliit niyang refrigerator. Yep! May sarili talaga siyang refrigerator sa loob ng kanyang kwarto. Sosyal diba?
Alam ko kasing hindi iyon nauubusan ng laman at tama naman ako. Full stock naman ang loob.
Kumuha ako ng tatlong yakult doon at curls.Sinamahan ko na rin ng dalawang chocolate bar. Sabi ni Tita Fe hindi ito masyadong mahilig sa mga sweets pero nakapagtataka lang na hindi nauubusan ng chocolate bar ang kanyang bag pati ang maliit niyang ref.
" Bakit sinabi ko bang sa'yo ako nag-alala?" anito na nasa likuran ko na. Bahagya itong lumapit sa akin at kinuha ang isang yakult saka ininom. " Sa tabla ako nag-alala. Sa bigat mo ba naman baka bibigay na iyon." dagdag pa niya.
I'm feeling annoyed! Sa inis ko nabato ko tuloy sa kanya ang hawak-hawak kung potato chip. Magaling naman siyang umilag kaya hindi siya natamaan.Pinulot nito at inihagis pabalik sa akin at syempre sapol na naman ang noo ko.
" Nahiya naman ako sa kapayatan mo ha!" tanging nasabi ko na lang sabay irap sa kanya.
" Payat naman talaga ako." resbak naman niya na ayaw pa rin magpatalo.
" Bakit sinabi ko bang mataba ka?" ani ko ngunit hindi na ako pinansin nito. Naupo na ito muli sa kanyang silya at nagsimula na namang magbasa.
Hay! Ewan ko na lang sa lalakeng ito! Ang hirap dahil wala kang pwedeng maipintas sa kanya. Mukhang wala naman kasing depresenya sa kanya maliban lang sa natatabunan ng salamin ang maganda niyang mga mata. Pero kahit ganun pa man ay hindi iyon kabawasan sa angking kagwapuhan niya.
May tinatanong ito ngunit tila nawawala ako sa aking sarili. Para akong temang na nakatitig lang sa kanya habang hindi maalis-alis ang tuwa dulot ng matinding paghanga sa aking mukha.
" Ay bulate!" gulat kung sambit. Binato ako nito ng unan niya kaya nabitawan ko lahat ng pagkain na hawak-hawak ko.
" Saang planeta na naman ba namasyal iyang utak mo? " naka-ekis ang mga braso nito habang naka-kunot ang noo na nakamasid sa akin habang inisa-isa kung pulutin ang mga hawak kung nalaglag.
" Ano nga ulit ang tanong mo?" pag-iiba ko sa paksa. Napa-iling na lang ito at muling humarap sa kanyang ginagawa.
" Ang sabi ko, gagabihin na naman ba si Tita? " pag-uulit nito muli. Tinutukoy nitong Tita ay si mommy.
" Malamang! Araw-araw naman eh!" malungkot kung sagot at pasalampak na nahiga sa kama niya. Amoy na amoy ko naman ang pabango niya kahit sa higaan niya. Hindi ito matapang at talagang banayad lang sa ilong kaya hindi ka magsasawang amoyin.
" Eh di, dito ka na mag hapunan." offer niya ngunit kaagad naman akong umiling. Nakakahiya na kasi dahil ang dami-dami ko ng utang sa Mama niya simula pa noon.
" Sa bahay na lang 'no! Hihintayin ko na lang si Mommy. Alam mo naman ang isang iyon kapag nalaman non na nakakain na ako.Tiyak na hindi na rin iyon kakain at matutulog na lang." paliwanag ko.
"Okay!" kibit balikat niyang sagot.
" Paano mo ba na sagutan iyong test paper ko? "
Hindi ko na napigilang itanong sa kanya. Bumangon na rin ako mula sa pagkakahiga upang makita ang reaksyon nito. Alam ko naman kasi na siya ang dahilan kung bakit ako nakapasa sa exam namin. Kilalang-kilala ko kaya ang penmanship niya.bHindi iyon mapapansin ng iba pero pagdating sa akin ay hindi iyon makakalampas.
Saglit itong tumingin sa akin at kaagad din namang tumalikod at ipinagpatuloy ang ginagawang pagsusulat.
" Inutusan ako ni Mr. Pamplona na ihatid sa table niya ang mga test paper. Sakto namang nakita ko iyong papel mo at sa tantiya ko talagang hindi ka makakapasa sa mga sagot mo," saglit itong huminto at nakangiting lumingon sa akin. " kaya dali-dali ko iyong sinagutan. Total parang hindi naman babae ang penmanship mo kaya hindi rin mahahalata." paliwanag nito ngunit naiinis ako doon sa duldulang sinasabi na pangit ang penmanship ko ha!
" Hindi naman ganun ka pangit ang penmanship ko ah!" pabulong kung sabi at nahiga na naman muli.
Nasagi ng kamay ko ang potato chips sa tabi ko kaya kinuha ko iyon at sinimulang papakin. " So, you break your own principle for that?" may laman kung tanong sa kanya.
Kilalang-kilala ko kasi siya na kapag mali ay mali talaga para sa kanya. Hindi ko nga siya ma gets kung paano niya iyon nagawa na alam naman niyang maling-mali.
"Maybe," tipid nitong sagot.
Ewan! Basta saglit akong sumaya. He really cares about me since then. Bigla akong napabalikwas ng bango at lumapit sa kanya.
" Dahil ba iyon sa akin?" nakangiti kung tanong. Iyong tipong kinikilig at ang ngiti ay abot tenga na.
"A big No! Mangarap ka!" mabilis nitong tugon na walang ka ngiti-ngiti sa kanyang labi.
I pouted my lips due to disappointment.
" Eh ! Ano naman pala ang reason mo doon sa ginawa mo? " naguguluhan kung tanong. " Trip mo lang ba 'yon?"
Bahagya nitong tinulak palayo ang noo ko dahil malapit ng magkadikit ang mga mukha namin.
" I'm just saving myself from inconveniences." anito " Doon ka na nga! Ang kulit mo eh! " taboy nito kaya harap-harapan ko itong inismidan.
" Inconvenience ka diyan!" may konting pagtatampo sa boses ko. "Paki-explain nga ng mabuti dahil hindi ko maintindihan."
Tila naiirita na rin ito dahil saglit itong tumigil sa pagsusulat. Nagtanggal ito ng salamin at napahilot sa kanyang sentido.
Seryoso pa rin ang mukhang tumingin ito sa akin.
" Sa tingin mo kapag hindi ka nakapasa. Sinong tao ang unang maaabala mo? Diba ako? Kaya habang maaga pa inagapan ko na." anito.
Saglit akong natameme. Nagbibiro man ito 'o hindi, basta masakit siya sa bangs!
" Ang sakit ng mga sinabi mo ha!" sabi ko na pilit pinipigilan ang maging emosyonal. Ayokong maging balat sibuyas. Kaya kalma lang!
After all, totoo naman ang lahat. Mukhang masyado na akong naging abuso sa kanya.
Humakbang ako pabalik sa kama niya at naupo doon.
Inikot-ikot ko na lang ang mata ko sa kabuuan ng kanyang kwarto. Sakto namang napadapo ang tingin ko sa mga pictures namin na nakadikit sa labas ng closet niya.
The one was taken during our first day in school. At sinadya pa talagang iterno ng mga mudras namin ang sapatos at bag naming dalawa.
Iyong iba naman ay kuha noong birthday namin. Since magkasunod na araw lang ang birthdays namin kaya nasanay na kaming laging magkasabay na sinicelebrate. Ang iba naman ay kuha sa ilang mahahalagang okasyon na magkasama kami.
" Kailan na ba uuwi si Tito?" kaswal kung tanong ng mapadapo ang mata ko sa family picture nila. Mag-iisang taon ko na rin kasing hindi nakakabalik ang Papa niya dito sa kanilang bahay simula ng mag-away sila ni Tita Fe. Ang sabi namam ni Tita, babalik naman daw si Tito dito kapag maayos na nila ang gusot nilang dalawa.
"Hindi ko alam," walang gana niyang sagot kaya hindi na lang ako nangulit pa.
" Anong kurso ba ang kukunin mo? " pag-iiba ko ng topic dahil alam ko ang pakiramdam kapag hindi na buo ang inyong pamilya.
"Veterinarian!"
"What? " shock kung tanong at napakamot sa aking ulo. Hindi ko kasi alam kung anong kurso iyon. " Ang veterinarian ba ay doktor ng mga veterano?" curious kung tanong.
Humagalpak naman ito ng tawa at ako naman ay clueless lang. Bakit kaya? Magkatunog naman silang dalawa ah!
" Siguro ka bang nasa high school ka na?" pang-aasar nito at ipinagpatuloy pa nito ang pagtawa. " Hija! Ang veterinarian ay doctor ng mga hayop at hindi ng mga beterano ." paliwanag nito.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Pero huwag naman kayong judgemental sa akin. Tao lang naman po ako at natural na magkamali. I'm still fifthteen and still in the process of learning a lot of things.
" So, gusto mo rin gumaya kay Tita." ani ko. Isang tango naman ang tinugon nito.
Bigla tuloy akong naguluhan kasi sa naalala ko noong mga bata pa kami. Madalas nitong sinasabi na kapag lumaki siya gusto niyang maging katulad ng Daddy niya, an architect. Bakit kaya ngayon bigla na lang nag-iba?
Dating doctora talaga si Tita Fe ngunit tumigil lang ito dahil mas gusto niyang maging plain housewife. Para na rin daw makabuo siya ulit ng baby at magkaroon na ng kapatid si Kye. Gusto nito ay babae naman ngunit iyon nga lang dahil hindi na siya pinalad ay sumuko na silang mag-asawa.
" Bakit biglang nagbago na naman ang gusto mo? Akala ko gusto mong maging architect kagaya ni Tito Ali." hindi ko ulit mapigilang itanong sa kanya.
" Wala lang," kibit balikat niyang sagot. " I love animals that is why, " simple niyang paliwanag.
"Alam na ba ito ni Tito at ni Tita?"
"Yeah!"
" Anong naman ang sabi nila?" puno ng kuryusidad na tanong ko.
" I just do what I really want to do." aniya na tila nagyayabang.
As expected! Lucky him dahil napakasupportive ng parents niya. Unlike me, no comment na lang.
" Saang University ka naman mag-aaral? Doon din ako papasok."
Bigla akong na excite na itanong sa kanya. This time, lumapit na ako sa kanya na nakapangalumbaba sa mesa na nakaharap sa kanya.
" Bakit maging veterinarian ka rin?"
Kumunot ulit ang noo niya na nakatingin sa akin.
" Malamang hindi!" natatawa kung sagot. "Iyong ibang kurso na nandoon na kaya ng utak ko, syempre." sagot ko.
"Ewan, hindi ko pa rin alam."
Bigla itong yumuko at dinampot ang nagba-vibrate niyang cellphone. Kaagad nitong binuksan ang flip phone niya at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Napasimangot ako muli. Sino naman kaya ang ka text nito at nakangiti siya ng ganyan ka ganda. Hmmmp!
TsssH! Lucky him again, dahil may sarili na itong cellphone na may camera. Samantalang ako nokia 33 10 pa rin. Pinaglumaan pa iyon ni mommy.
Nagpapabili ako kay mommy pero sabi nito saka na daw kapag na college na ako. Bawal naman kasi magdala ng cellphone sa school namin.
Nakasimangot na umalis na lang ako sa harapan niya at pasalampak na nahiga ulit sa kama niya.
Sana naman hindi lang siya sa mapunta sa mga Universities na duguan ng utak ang madalas na nangyayari. Dahil kung ganoon talagang malabo na masundan ko pa siya.