Wala na siyang ibang maisip kaya't kailangan niyang tanggapin ang offer sa kanya na isang milyon kapalit ng kanyang katawan. Nanginginig ang mga kamay niyang pumasok sa opisina ni Janice.
“Sabi ko naman sayo babalik 'yan,” pa-sekreto na sambit ni Janice sa kasama nitong babae na isa rin sa mga alaga.
“Wala ka talagang pinipili Mama,” sambit ng babae at agad umalis.
Mama ang tawag ng mga kababaihan na bayaran ang trabaho, dahil si Janice ang nag-aalaga sa mga ito.
“A-ate…” mahinang sambit niya at yumuko. Huminga pa ito ng malalim para bigyan ng lakas loob ang sarili. Kapag tatanggapin niya ang alok ay alam niyang wala na talagang atrasan ito.
"Hija, welcome back... Ano nakapag-isip ka na ba?” masaya nitong sambit.
Hindi kaagad siya nakapagsalita kaya't tumango lang siya habang tumutulo ang mga luha niya.
“Huwag kang umiyak, iha. Baka isipin nila ay pinipilit kita,” wika ng babae at tumayo. Hinawakan nito ang balikat niya. “Kaya mo 'yan iha, alam kong kailangan mo ang malaking pera kaya dinagdagan ko 'yan.” Sambit ni Janice sa kanya at agad ibinigay sa kanya ang isang tseke na naglalaman ng isang milyon at sampung libo. Kahit papano ay alam niyang mababayaran niya ang hospital at makakaalis na rin sila sa bahay.
Ang mga taong inutangan ng kanilang mga magulang ay kinuha ang kagamitan nila, mula gamit sa loob ng bahay hanggang ang bahay na mismo ang kinuha nila. Wala silang pambayad kaya hindi sila pwedeng umangal. Nagbitbit na lang siya ng kaunting damit dahil halos sa ospital na rin naman sila naninirahan dahil naka-confine si Kaleigh sa hospital.
“Mamayang alas dose iha, pumunta ka dito para ayusan ka,” sambit ni Janice at tumalikod.
“A-ate pwede bang mag-request?” tanong niya, kailangan niyang itago ang mukha niya para kahit papano ay may mukha pa siyang mailabandera sa labas, dahil baka may makakita sa kanya at pagsabihan ng hindi maganda.
“Ano 'yon? Huwag pera iha, dahil katulad mo naghirap rin ako,” sambit nito habang nakangiti.
Agad siyang yumuko. “Pwede ba akong magsuot ng kahit anong panakip ng mukha?” tanong niya.
Kaagad natulala si Janice ngunit ilang sandali ay ngumiti ito at para bang naintindihan nito ang ibig niyang sabihin. “Huwag kang mag-alala ako ang bahala,” wika nito.
Ilang sandali ay umalis na siya sa lugar na 'yon at agad bumalik sa ospital upang bayaran ang operasyon ni Kaleigh. Wala namang ibang tanong si Olivia kahit pa nagtatanong ang mga mata nito dahil bakit bigla siyang nag-kakapera.
Anim na oras ang ginugol ng doktor kay Kaleigh, kinakabahan at umiiyak na nga siyang naghintay sa labas ng OR. Tapos dumagdag pa ang isipin na mangyayari ngayong alas dose, sana nga lang ay hindi matanda ang magiging kasiping niya.
Naghihintay siya sa labas ng OR para agad niyang makita ang doktor. “Dok! Dok! Kumusta po ang kapatid ko?” tanong niya at sumisinghot pa.
Kaagad naman bumaling ang doktor sa kanya at tinanggal ang mask bago sumagot. “Ligtas na ang kapatid mo, maaari mo siyang dalawin mamaya sa silid kung saan siya itatransfer,” wika ng doktor bago umalis.
Umiiyak siyang umupo habang panay pahid naman sa mga luhang pilit bumuhos. Ilang sandaling pag-iyak ay agad siyang tumayo upang puntahan si Kaleigh kung saan ito inilagay. Pagdating niya roon napahagulgol na naman siya.
“Di baleng ibigay ko ang katawan ko kapalit sa malaking halaga na pera, basta't maging maayos ka na Kaleigh, gagawin lahat ni ate para sa iyo, mahal na mahal ka ni ate bunso.” pagsasalita pa ni Kallisa sa kanyang utak habang nakatitig sa kapatid.
May natitira pa siyang pera na pwede niyang ibili ng reseta at makakapag bayad ng pang ilang buwan nilang renta. Mabilis siyang pumunta sa billing station at agad binayaran ang mga bayarin. Ilang sandali ay pumunta na siya sa napiling bahay na upahan nila.
Maliit lamang ito, sakto lang para sa kanya at kay Kaleigh. Tatlong libo ang renta at pwede niyang bayaran pa ang pang limang buwan, at least makakahanap na siguro siya ng trabaho sa mga panahong iyon. Agad niyang kinausap ang may-ari at mabuti na lang ay mabait ito.
Pagkatapos niya ay agad siyang bumalik ulit sa ospital upang kausapin si Kaleigh na aalis muna siya, ngunit pagdating niya ay hindi pa gising si Kaleigh kaya't si nurse Olivia muna ang pinakiusapan niya. Mabuti na lang talaga ay mabait si Nurse Olivia.
Wala siyang sinayang na oras at agad bumalik sa club kung saan siya magtrabaho ngayong gabi. Habang papasok ay kinakabahan siya, ito ang kauna-unahan niyang gawin lalo na sa mga ganitong bagay.
“Iha, bilisan mo, ang bagal naman ng kilos mo,” sambit ni Janice sa kanya.
Taranta naman siyang lumapit at umupo sa harap ng salamin at nagsimula nang pagpawisan ang mga kamay niya.
“Ito ang isuot mo at humarap ka sa salamin para maayusan kita ng mabuti, pasalamat ka at ako ang mag-aayos sa iyo ngayon,” proud na wika nito.
Tss... Ayusan mo nga ako pero sa ganitong gabi naman.
“Kapag nasa silid ka na niya huwag kang tanga, baka maisipan niyang kunin ang bayad niya sa iyo, ano na lang ang gagawin natin,” wika nito at nilagyan siya nito ng eyeshadow na hindi niya alam kung bakit pa kailangan ng ganon.
Hindi nagtagal ay tapos na siyang ayusan ni Janice at agad siyang pinapasok sa banyo upang magpalit ng damit.
Kunot-noo niyang tinignan ang damit dahil hindi niya alam kung paano isuot iyon. “Bakit ang daming tali? Anong klaseng damit ba 'to?” Inis niyang sambit at tinignan ng maigi ang damit bago sinubukan ulit na isuot.
Mabuti na lang ay tama na ito ngunit agad namula ang pisngi niya, sobrang litaw ng hubog ng katawan niya, ang masagana niyang dibdib at ang maliit niyang bewang.
Akala niya ay iyon na iyon, ngunit agad nalaglag ang panga niya nang may biglang lumapat sa paanan niya. Agad niya itong tinignan at isa pala itong panty na para bang bunbunan lang ang natatakpan at puro string pa ang tali sa bewang.
Anong klaseng panty 'to? Panty pa ba ito o hindi?
Wala na siyang choice, alangan namang susuotin niya ang bulaklakan niya na panty, baka pagtawanan pa siya ng customer. Dahil sobrang pambata at low quality pa, tig-bente pesos lang kaya ang isa non, kaya kahit parang baduy tingnan ang disenyo ay wala siyang magagawa, iyon lang ang kaya ng pera niya e.
Lumabas siyang paika-ika dahil sa damit na pakiramdam niya ay wala siyang suot na damit.
“Omo! Ang ganda mo iha!” kinikilig na sambit nito sa kanya.
Pero sa isip niya naman ay gusto niya ng sakalin dahil sa pinaggagawa sa kanya.
“Oh siya, goodluck sa gabi mo, naghintay na ang unang customer mo iha," sambit nito.
Agad naman siyang tumango at lalabas na sana ngunit may pahabol pa itong sinabi.
“Kapag tinanong ka kung ano ang pangalan mo ay sabihin mo Savanna,” sambit nito.
Gusto niya ang pangalan na naisip ni Janice para sa kanya, ayokong sabihin ang totoo kong pangalan at tinupad naman ni Janice ang pakiusap niya na kailangan niya ng maskara. At para hindi kahina-hinala ay pinasuot ni Janice ang buong kababaihan para hindi magtaka ang iba.
Nakasunod lang siya sa isang staff ng club patungo sa silid kung saan nag hihintay ang customer. Palagi pa siyang natatapilok dahil hindi siya sanay na magsuot ng heels pero kailangan kasi ito sa trabaho kaya wala siyang angal at tahimik na lang na sumunod.
Malapit na sila nang bigla na lang may humablot sa kanya.
“Hey! Miss, gusto kitang tikman, magkano ka ba?” sambit ng isang lalaki na lasing, dahil amoy na amoy niya na ang alak sa katawan nito.
Sasagot na sana siya nang biglang nagsalita ang bouncer na kasama niya, “Pasensya na ho sir, pero may nakabili na sa kanya ngayong gabi,” wika ng bouncer at nagpantig kaagad ang kanyang tainga dahil sa sinambit ng bouncer.
Kahit na nagagalit ay wala naman siyang karapatan dahil kung iisipin ay totoo naman. “I don't care! I want her, how much do you need?” tanong nito sa kanya.
Kahit na nanginginig ang kalamnan niya ay kinokontrol niya ito dahil ayaw niyang magkagulo, ayaw niyang masira ang gabing 'to, ayaw niyang mawala ang perang mahalaga sa kanya.
"Sir, pasensya na talaga pero hindi na siya pwede,” mahinahon na paliwanag ng bouncer at kukunin na sana siya nito nang bigla na lang natumba ang bouncer, pero walang kahit sinong tao ang may pakialam sa nangyari at patuloy ito sa mga ginagawa.
Hindi pa nakuntento ang lasing na lalaki at agad tinadyakan ang bouncer, doon na siya nabahala at tatawag sana siya ng rescue nang sininyasan siya ng bouncer na hindi pwede. Kahit naaawa siya sa bouncer ay hinintay na lang niyang makabawi ito, lumingon-lingon ang bouncer bago ito kinuwelyuhan at may binulong.
Agad napahinto ang lalaki at tumahimik. “Bukas na lang kita aangkinin miss, masarap siguro iyang susu mo,” manyak pa nitong sambit at dinilaan ang gilid ng labi.
Naninindig ang kanyang balahibo dahil sa sinabi ng lalaki. Nakasara ang mga kamao niya nang umalis sa harapan ng lalaking lasing at nang maglakad na sana siya ay biglang sinalat pa nito ang kanyang puwet.
“Baka pwedeng ipalit kami sa kung sino mang nagmamay-ari sa iyo ngayon?” wika nito at hindi pa ito nakuntento at piniga pa ang kanyang kabilang pang-upo.
Awtomatikong nasapak niya ito. “The bouncer told you that I'm not free tonight,” matigas niyang ingles sa lalaki at sabay talikod. Mabuti na lang ay hindi na ito sumunod pa, kaya't tuloy-tuloy ang kanilang paglalakad, hindi niya kaya ang mga iba't ibang amoy, ngunit hindi naman siya pwedeng magreklamo.
Pumasok sila sa isang pinto at agad niyang nakita ang mahabang pathway, At sa bawat paglalakad mo ay makikita mo rin ang mga pintuan na nakasarado.
“Ito ang VIP room, Savanna,” sambit ng bouncer.
Hindi niya inakala na kilala siya nito, marahan siyang tumango at sumunod. “Bawal kang mag labas-pasok rito kung walang pahintulot ng customer mo. Ayaw nila ng ingay lalo na't ang iba ay nag-uumagang mag-stay,” sambit nito at kinuha ang isang card number.
“Oh! Heto,” sabi nito at inilahad sa kanya ang isang card number.
“Ikaw na ang tumuloy at dito lang ako pwede,” sambit nito at agad tumalikod hindi man lang siya binigyan ng panahon upang makapag tanong pa.
Nakanganga siyang napatingin sa card number at tinignan isa-isa ang mga pinto, hinanap kung saan ang magkatugma na numero mula sa card na bitbit niya.
Kumalabog nang kumalabog ang kanyang dibdib habang palapit sa tamang silid, halos hindi pa siya humihinga dahil sa kaba. “F-f**k!... I'm so damn nervous,” ingles niyang sambit.
May narinig naman siyang nagsisigawan para bang nagsasaya ito, agad niyang tinakpan ang tainga upang hindi ito marinig ngunit halos lahat ng nadaanan niya ay kung hindi sigaw, ungol naman na para bang sarap na sarap.
Meron pa siyang narinig na iyakan, ngunit iyak na halinghing ito. Na ipikit na lang niya ang mata dahil sa mga narinig at mas lalong binilisan ang paglakad upang makarating sa tamang pinto. Imbes na gusto niyang mag dahan-dahan ay nawala na ito sa kanyang isip dahil sa mga narinig.
Huminto siya sa tamang pinto at nanginginig ang mga kamay niyang kinatok ang pinto. Walang sumagot kaya kumatok ulit siya ngunit hindi pa nga nakalapat ang kanyang kamay sa pinto nang bigla itong bumukas at hinablot siya papasok.
Agad siyang sinandal sa pader ng lalaki at agresibo na nilukamos ang kanyang labi, kinagat nito ang kanyang labi na naging dahilan ng pagbuka ng kanyang baba, marahas nitong ipinasok ang malikot niyang dila at sabay piga ng kanyang dibdib.
"Ah!” Biglaan niyang ungol. Gulat pa siya sa naging ungol niya at hindi na makilala ang sariling boses.
"Why are you wearing a mask?” tanong nito sa kalagitnaan ng kanilang halikan, hindi niya alam kung ano ang tamang isasagot sa lalaki.