bc

Isang Gabi, Isang Milyon

book_age18+
6.9K
FOLLOW
46.8K
READ
billionaire
one-night stand
family
HE
fated
powerful
heir/heiress
bxg
serious
mystery
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Kallisa, ano ang iyong gagawin? Tatanggapin mo ba ang malaking alok na makakalutas sa lahat ng iyong problema? Ibibigay mo ba ang bataan na pinangalagaan mo nang matagal sa isang taong kahit pangalan ay hindi mo alam at ang mukha niya lang ang natatandaan mo?

Tinanggap ni Kallisa Villarica ang isang alok na makakatulong sa operasyon ng kanyang kapatid, isang milyon kapalit ng kanyang hiyas na birhen pa sa birhen. Ngunit paano kung ang inakala niyang hindi na ulit magkikita ang landas nila ay mali pala?

May naaplayan siyang trabaho bilang isang kasambahay, at hindi niya akalain na doon pala magkukrus ang landas nilang dalawa. Sa kanilang muling pagkikita, mapupukaw kaya ang init na naramdaman niya mula sa lalaki? Mayanig pa rin kaya ang buo niyang pagkatao dahil sa lalaki? Paano na lang kung siya'y bibigay?

chap-preview
Free preview
C-1 OFFER
Si Kallisa Villarica ay isang babaeng mag-isang itinataguyod ang kapatid na may sakit. Dahil wala na silang mga magulang, iniwan sila, at ang malala pa ay nag-iwan sila ng utang sa iba't ibang tao. Dagdagan pa ang kapatid niyang naghihingalo sa loob ng ospital na kailangan kaagad maoperahan. Hindi niya kayang mawala ang nag-iisa niyang kapatid, dahil silang dalawa na lang ang naiwan. Wala na siyang ibang maisip dahil kung magtrabaho lang siya sa mga gilid-gilid ay hindi niya maipon kaagad ang siyam na raang libo. Ang kailangan niya ngayon ay siyam na raang libo upang pambayad sa operasyon ng kapatid niya. Hindi pa kasama riyan ang reseta ng gamot nito pagkatapos ng operasyon. Naghahapong napaupo siya sa gilid ng kalsada, tumutulo ang mga luha kasabay ng mga pawis sa noo. Hindi niya alam kung saan hahanapin ang siyam na raang libo. Habang umiiyak siya ay may takong siyang nakita. Nakayuko kasi siya at ang takong lang ang nakita niya. Unti-unti siyang tumingala upang makita kung kaninong takong iyon. Takong ng isang babaeng sobrang kapal ng make-up pero maganda rin naman tingnan. “Ano pong sa inyo?” magaspang niyang tanong dulot ng pag-iyak niya kanina lang. Ngumiti naman ito at hinawakan siya sa balikat. “Anong iniyak-iyak mo riyan iha?” tanong ng babae at humithit pa sa sigarilyong dala nito. Agad siyang napatikip sa ilong dahil sa usok. “A-ah eh, kailangan ko po kasing makahanap ng trabaho ate, may alam po ba kayo?” walang hiya-hiya niyang tanong habang tinatakpan pa rin ang ilong upang hindi malanghap ang usok ng sigarilyo. “Tamang tama at kailangan ko pa ng isa, baka gusto mo? Puntahan mo na lang ako diyan mamayang alas singko.” sambit nito at inilahad ang isang business card at umalis ito. Tinignan niya naman ito at binasa at napanganga na lang siya sa nakasulat ng card. Isa itong sikat na clubhouse. Huwag niyang sabihin na ipapasayaw siya nito dito? Ngunit kung aayaw naman siya, paano ang kapatid niya na nakaratay sa loob ng hospital at kailangan mabigyan agad ng gamot? Bahala na basta matulungan siya sa mga kailangan niya para kay Kaleigh. Tumayo siya at nagsimulang maglakad patungo sa hospital kung saan si Kaleigh. Habang papalapit ang oras ay mas lalo siyang kinakabahan. “Kaleigh, magtrabaho muna si ate ngayon, iwanan na lang muna kita rito ha, si nurse Olivia muna ang bahala sa iyo.” wika niya sa kapatid niya na nakahiga at nakatutok lang sa libro nitong binabasa. Diyes anyos na ang kapatid niya kaya naiintindihan naman nito kung aalis siya tuwing umaga man o gabi. Alas kwatro na kaya kailangan na niyang umalis. Pagkalabas niya sa ward ay agad siyang umalis at tinungo ang lokasyon ng club na nakasulat sa business card. Nilakad niya lang ito dahil apat na kanto lang naman ang layo mula sa ospital. Wala rin siyang pamasahe kaya kailangan niya talagang maglakad, kahit masakit pa rin ang paa niya dulot ng paglakad kanina ngunit hindi niya iyon pinansin at patuloy pa rin sa paglalakad. Tanaw na niya mula sa kinatatayuan niya ang club na marami ng taong tumatambay sa labas. Ang iba pa ay naghahalikan na. Tinakpan niya ang mga mata niya upang hindi makita. Minor pa siya at sa susunod na Linggo pa siya mag e-eighteen pero kahit ganon ay dapat pa rin siyang umiwas sa mga ganyang bagay. Hindi siya pinapasok ng bouncer kaya sinabihan niya na lang ito na may kailangan sa isang babae at sinabi niya na siya iyong binigyan nito ng business card para makilala agad siya. Agad namang pumasok ang isang lalaki upang sabihin sa babae na nakausap niya kanina na nandito na siya. Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya nang lumabas ito at sobrang sexy ng suot nitong damit, kulang na lang ay maghubad na. “Miss, ano pala ang magiging trabaho ko rito?” tanong niya agad. Hindi maipinta ang mukha ng babae dahil sa nakitang suot niya. Isang maong na pantalon at puting tshirt na may mantsa pa sa ibaba, agad itong mapapansin dahil malaki ang mantsa. “Anong suot naman yan?” nandidiri nitong tanong sa kanya. Agad naman napakunot ang noo niya at napatingin sa sariling damit. “Pasensya na, wala akong maayos na pamalit ngayon eh,” hinging paumanhin niya. Alam niya naman na sobrang dungis siyang tingnan ngayon. Bumuntong hininga ang babae at agad hinawakan ang braso niya. “Halika, doon tayo sa opisina ko mag-usap,” wika nito at kinaladkad siya papasok sa club. Nakayuko siyang sumunod at pigil ang hininga upang hindi malanghap ang mga usok mula sa sari-saring brand ng sigarilyo. Pumasok sila sa opisina at pinaupo siya sa silya. “Alam mo ba kung ano ang alok ko sa iyo?” tanong agad nito at umupo sa sariling silya. Kumunot naman ang noo niya dahil sa naging tanong nito sa kanya. “A-ano po ba?” kinakabahan niyang tanong. Ngumiti ang babae at tumayo, may kinuha ito sa hunos ng lamesa at nilapag sa kanyang harapan. Isang tseke. Kaagad namilog ang mata niya dahil sa nakita. Isang milyon ang nakalagay doon sa papel. “P-po? A-ang laki naman po nito,” wika niya at mas kinakabahan. “Of course, hindi ako nagbibigay ng maliit na halaga iha,” sambit nito. Alam niyang hindi libre ang ganitong halaga kaya kailangan niyang malaman kung ano ang kapalit. “A-ano po ba ang kailangan kong gawin?” tanong niya. Kaagad naman itong ngumiti ng kaytamis. “Simply lang naman, kailangan mong painitin ang isang customer natin. Malaki rin ang halagang binigay niya sa iyo,” kampante na sambit nito. Agad siyang napatayo galing sa pagkakaupo. “Ha? Painitin? Ate, hindi po ako ganon. Salamat na lang po,” sambit niya at agad nilisan ang lugar na iyon. Anong ibig sabihin ng babae na painitin niya ang customer? Isa lang naman ang ibig sabihin non. Habang si Janice ay kampanteng nakaupo, dahil alam niyang babalik at babalik ito mamaya man o bukas. Hindi niya alam ang tamang maramdaman, naiyak na lang siya. Hindi siya pwedeng pumunta sa ospital kung namamaga ang mata niya at kailangan pa niyang makahanap ng trabaho. Dahil alas sais pa lang ng gabi ay may mga bukas pang tindahan. Palakad-lakad siya at naghanap ng pwedeng pagkakitaan kahit kakarampot lang ay pwede na ngunit para siyang pinagkaitan ng panahon at diyos dahil dalawang oras na siyang naghahanap ay wala pa rin. Habang naglalakad siya ay may nakita siyang isang karinderya. Lumapit siya doon upang magtanong kung pwede bang magtrabaho kahit ngayong gabi lang. Tulad ng nakasanayan ay sinabi niyang kailangan niya ng pera dahil para sa kapatid niya. Mabuti na lang ay mabait ang may-ari at pinayagan siyang magtrabaho ngayong gabi dahil kulang sila ng trabahante. Habang naghuhugas siya ng mga pinggan ay panay naman dada ang mga kasamahan niya kasi raw ganyan ganito e. Alam naman niya ang mga gagawin, hindi niya na lang pinansin at ipinagpatuloy na lang kung ano ang sinimulan. “Ali! Pautang naman ako ng pagkain,” sambit ng isang lalaki. Agad naman napataas ang kilay ni Ali dahil sa sinabi ng lalaki. “Anong utang? Ni hindi mo nga nabayaran ang utang mo, isang Linggo na ang lumipas,” asik ng amo niya. Hindi na lang niya pinapansin ang mga ito dahil wala naman siyang karapatan na mangialam, ngunit isang malakas na hampas ang narinig niya at taginting ng mga plato at kung ano-ano pang mga gamit para sa karinderya. “Sumusobra na 'yang bunganga mo! Akala mo naman masarap pagkain niyo!” sigaw bigla ng lalaki at pinagwawasak ang mga pinggan. Nakatayo lang siya sa gilid upang hindi masali ngunit bigla lang siyang tinulak ng isang kasamahan niya kaya't napahawak siya sa lalaki. Galit ang mga matang napatingin ang lalaki sa kanya. “S-sorry po,” sambit niya at inilibot ang paningin upang mahanap kung sino ang tumulak ngunit wala siyang nakita. Napasigaw na lang siya nang biglang hinablot ng lalaki ang buhok niya at binalibag sa kung saan. Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa sakit ng balakang. “A-aray,” ani pa niya dahil sa sakit ng balakang. “Iha, ayos ka lang?” tanong ng amo niya at tinulungan siyang tumayo. “A-ayos lang po,” sagot niya at pinagpagan ang puwetan dahil sa dumi na kumapit dito. May siren kaming narinig kaya agad na tumakbo ang lalaki upang tatakas ngunit awtomatikong sinipa niya ang lalaki sa likod, kaya ito nadapa at dinakip ng kapulisan. Kasalukuyan na kinausap ng pulis ang kanilang amo, kaya nasa gilid lang siya at tahimik na hinintay ang amo. Wala na silang gagawin dahil sira na ang lahat ng gamit at ang mga pagkain ay nagkalat na sa sahig. “Iha, tatlong daan lang sayo ngayon, pasensya ka na at kulang ito, alam mo naman ang nangyari,” sambit nito at inilibot pa ang paningin dahil sa mga gamit nitong nagkakalat. Ngumiti siya at tumayo. “Ayos lang po, naiintindihan ko naman, tulungan ko na lang po kayo rito,” saad niya, dahil hindi naman siya pwedeng umuwi sa hospital na hindi pa maayos ang paninda ng ginang. Tinulungan niya ang Ali upang makauwi na ito, hindi na kasi sila pwedeng mag display dahil wala namang maibenta dahil nga sa nangyari kanina. Habang naglilinis sila ay biglang tumunog ang selpon niya. Tinignan niya ito at agad kinabahan nang si nurse Olivia ang tumawag. “H-hello?” sambit niya sa gitna ng kaba. “Ms. Villarica, ang kapatid mo ay nasa OR, kailangan na siyang maoperahan, hindi na pwedeng ma-delay at baka huli na ang lahat,” sambit ni nurse Olivia. Halos nawalan siya ng pandinig dahil sa narinig mula kay nurse Olivia. “P-po? OR?” tanong niya ulit baka kasi mali ang narinig niya. “Ang kapatid mo ay kasalukuyang nandito sa OR, hindi na pwedeng ma-delay Ms. Villarica,” sambit ulit ng nurse. Gumuho ang kanyang mga plano at niyanig ang buo niyang pagkatao. “P-paano po ang b-bayad…” nasambit na lang niya. “Hanggang bukas ang palugit ng hospital Ms. Villarica,” wika ng nurse. Nag-uusap pa sila at ilang sandali ay natapos na. Tulala siyang nakaupo habang ang Ali ay nakatingin lang sa kanya na awang-awa ang emosyon. Mas lalo siyang nagulo, parang gusto na lang sumugal sa alok ni Ms. Janice, ngunit natatakot siya. Paano kung pangit pala ang lalaki? Paano kung matanda? Nakakadiri naman iyon. “A-ali... May kilala po kayong ma-aplayan ng trabaho?” tanong niya sa Ali. Kaagad naman itong umiling sa kanya. "Pasensya ka na ineng at wala akong alam, bukod sa negosyo ko ay wala na akong ibang kakilala,” sambit nito at tinapos ang ginagawa. "Ano ba kasi ang problema mo at sobrang pag-aalala iyang mukha mo?” tanong ng Ali. Kaagad tumulo ang luha niya dahil naisip na naman si Kaleigh. "Nasa hospital po ang kapatid ko at ngayon nasa loob ng OR para masimulan ang operasyon, may sakit po siya sa puso kaya kailangan niya na po ma-operahan dahil baka mahuli na po ang lahat,” mahabang paliwanag niya at agad napahagulgol. "Sumalig ka sa Panginoong may dangal iha, alam kong gagabayan niya ang iyong kapatid,” sambit ng Ali at agad tinatapik ang balikat niya upang pagaanin ang kanyang loob. “Mauuna na po ako Ali, at kailangan ko pang puntahan ang kapatid ko,” paalam niya sa ginang na agad namang tumango upang bigyan siya ng pahintulot na umalis. Nilakad niya nanaman ang daan patungo sa ospital upang kausapin ng maayos ang doktor at baka pwedeng hulog-hulugan niya ang bayad. Ilang sandali lang ay nakarating na siya at hindi pa nakalabas si Kaleigh mula sa OR. Nakita niya si nurse Olivia na naglalakad patungo sa kanya. “Ms. Villarica, dala mo na ba ang pera?” tanong nito agad sa kanya. “H-hindi pa... h-hindi ba talaga pwedeng hulog-hulugan ko ang bayad?” tanong niya sa nurse. Agad namang nalungkot ang mukha nito, dahil ilang beses na nitong pinaliwanag sa kanya na hindi pwedeng hulog-hulugan ang bayad. "Ms. Villarica, napag-usapan na natin ang tungkol diyan, alam mo namang bawal iyan,” malungkot na sambit ng nurse. “Kapag nadala mo na ay hanapin mo na lang ako sa emergency room upang matulungan kita,” sambit ng nurse at agad yumuko ng bahagya at nagpaalam na umalis. Naiwan si Kallisa na nakatayo roon, walang magawa. Alam niyang kailangan niyang gumawa ng desisyon, at kailangan niyang gawin ito nang mabilis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.6K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.6K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook