PAGKARAAN ng ilang minuto dumating na sila sa bagong tirahan ni Cindy at napanganga ito ng makita niya, isang condominium may kalakihan tas kompleto, may ref, tv, ang laki nang kama, mas malaki sa kwarto nila ni Aethan sa school nila.
" Aethan ang laki naman nito puwedi namang mga ganitong laki lang ang kinuha mo " pagturo niya sa kwarto niya.
" Mas okay na ito para mas komportable ka " pag-upo ni Aethan pagkatapos nitong ipasok ang maleta ni Cindy.
" Pero hindi ba't masyadong magastos ito " nahihiyang pagtingin ni Cindy sa paligid.
" Malaki lang siya tingnan dahil ikaw lang ang tao kung gusto mo para hindi ka malakihan edi! dalawa na lang tayo rito " suggest nitong si Aethan at ngumiti sa kanya ng may panluluko.
" Ano?!! " masamang tingin rito ni Cindy.
" Syempre biro lang " pag-iwas rito ni Aethan ng tingin habang natatawa pagkatapos ma-cutan sa naging reaction ni Cindy " Nga pala bukas mago-grocery tayo kulang kasi itong nabili kong pagkain para sayo at wala ka masyadong mga gamit "
" Hindi na, okay na ito saakin ang laki na nga tas kompleto pa kaya paano naging walang gamit? "
" Kulang yong tuwalya mo, yong gamit mo sa bathroom, at saka malay mo hindi mo gusto itong design ng kwarto mo kung may idadagdag ka bibilhin natin bukas "
" Okay na nga ito saakin at saka ano namang akala mo saakin magbabakasyon rito? Sa totoo niyan nahihiya na nga ako sayo parang binubuhay mo na ako " hindi magawang pagtingin rito ni Cindy.
" Gaya ng sabi ko kailangan mo din itong paghirapan by studying hard at saka ang gusto ko maappreciate mo ang buhay rito, kailangan komportable ka rito sa Manila para hindi mo na maisipan pang bumalik sa probinsya dahil kung hindi ako ang mapipilitang manirahan doon " Huminga naman ng malalim si Cindy sa sinabi ni Aethan.
" Aethan kung ginagawa mo ito dahil may gu-gus-to ka saakin? hindi ko maipapangakong magugustohan rin kita alam mo namang nandito pa rin si Julian " paghawak nito sa puso niya para klarohin rito ang lahat.
" I'm not doing this because of that and I know how Julian loves you baka nga hindi pa nakakalahati ang pagmamahal ko sayo kumpara ng sa kanya pero gaya ng sabi ko I'm doing this dahil gusto kong magustohan mo rito, ginagawa ko ito dahil mahalaga ka saakin at ayaw kong umalis kang muli dahil hindi ako mapakali araw araw at saka kung sakaling magustohan mo rin ako? kung sakali man, handa akong maghintay doon " pagtayo nito at humarap kay Julian " Please, wag kang mag-isip ng ano man ang gusto ko makomportable ka at walang iniisip " bahagya namang tumango rito si Cindy pagkatapos ng mga sinabi niya dahil napaka sincered na tao ni Aethan hindi siya yong magsasabi ng mga walang kabulohan at natotouch siya sa kabaitan nito pagkwan hinawakan ni Aethan ang buhok nito at bahagyang ginulo.
" Teka! kanina mo pa ginugulo ang buhok ko ah " pag-ayos nito sa buhok niyang hanggang batok hindi kasi siya buhok lalaki talaga kahit nong nagpapaka lalaki siya and plus medyo humaba rin ng kunti ang buhok niya kaya medyo nagsi-shape girl hair na ito.
" Nga pala hindi porket wala ako rito wala ka nang rules na susundin " pagtingin rito ni Aethan kaya nagulat namang lumingon rito si Cindy.
" Huh?! ibig sabihin kahit mag-isa lang ako rito may susundin pa rin akong rules?! "
" Oo! one rule! at sa oras na labagin mo may dalawa kang pagpipilian, Tumira sa bahay! O ako ang tumira rito?? " sabay labas ni Aethan sa isang papel na kinuha niya sa drawer ni Cindy.
" Perma na, kasunduan yan kaya dapat sumunod ka " parang bata nitong sabi kaya nagtataka naman itong inabot ni Cindy.
" Ano? dati naman walang ganito ah bakit meron na ngayon? " masamang tingin ni Cindy sa ginawa nitong agreement.
" Tsk! perma na kasi para rin naman sayo ito "
" E ano bang rule yan? Bawal mag-ingay? Mag-salita? o huminga? " naiinis ritong tingin ni Cindy pagkwan hinarap rito ni Aethan ang papel kaya binasa niya ito.
" BAWAL MAGPATULOG NG LALAKI RITO. SA IRAS NA LABAGIN ITO NI CINDY GONSALES MAGSASAMA SILA SA ISANG BAHAY NI NATHAN VILLASORE " malakas niyang basa rito.
" Sandali unfair yan ah! ikaw lang ang gumawa niyan wala naman akong alam diyan at saka bakit naman ako magpapatulog ng lalaki rito? "
" Diba nagi-guilty ka dahil sobra sobra na ang ginagawa ko edi ito na lang ang kabayaran mo ang permahan ito para naman kahit papaano kampante ako sa bahay " sandali namang nag-isip si Cindy pagkwan tumingin ito kay Aethan " sa isang kondisyon dapat may ilagay rin akong rules ko " suggest nito at no choice naman si Aethan kundi pumayag para permahan na ito ni Cindy.
" Oh sige na " Asar nitong pagpayag pagkwan kinuha naman yon ni Cindy " Ballpen?! "
" Wala " pagkwan nagtungo si Cindy sa mga gamit niya at kumuha roon ng ballpen.
" Wag kang titingin dapat magulat ka rin "
" Oo na! " walang ganang sabi rito ni Aethan " O sige, talikod " utos rito ni Cindy.
" Ano?! " nakakunot niyang tingin rito pero tiningnan din siya ni Cindy kaya ayon tumalikod na siya at pagkatapus magsulat ni Cindy hinarap niya rito.
" MAGING SI NATHAN VILLASORE AY BAWAL AT KUNG HINDI SIYA PUMAYAG WALA RING BISA ANG GINAWA NIYANG RULES " basa rito ni Aethan " Seryoso ka ba? " tumango naman rito si Cindy.
" Paghindi ka pumerma hindi rin ako peperma " mabilis namang hinablot ni Aethan ang ballpen at pumerma kaya ganon din si Cindy.
" Pasalamat ka talaga! "
" Ano?! " tingin rito ni Cindy.
" MAHAL KITA " sabi ng isip ni Aethan " Wala, sige na uuwi na ako, magpahinga kana rin at wag kang lumabas ng bahay at yong pinto isara mo ng maayos, wag ka ring nagpapapasok ng kung sino sino " tumango naman rito si Cindy kahit wala naman itong maisip na papapasokin pagkwan binigay rito ni Aethan ang susi ng condo niya.
" Pagmay kailangan ka o may mangyari tawagan mo ako agad, maliwanag? " tumango naman rito si Cindy.
" O sige na, uwi na " pagpapalabas niya kay Aethan pagkwan binuksan ni Aethan ang pinto at tumingin kay Cindy.
" Sige, mag-iingat ka " pagkasabi nun ni Aethan umalis na siya. Si Cindy naman nahiga siya sa kama niya at tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang kwarto niya.
" Mabait naman si Aethan pero hindi ganon kadaling pantayan si Julian e kaya natatakot tuloy akong baka paasahin ko lang siya pero sinabi ko naman sa kanya " Pagtagilid nito ng higa pagkwan tumunog ang phone niya, agad naman niyang binasa ang text ritong dumating.
" Susundoin kita bukas! Hintayin mo ako " pagbasa niya sa text ni Aethan pagkwan naisip niya ang empire university at biglang naalis ang ngiti niya ng maalala niya si Kristine.
Kinabukasan halus maubos na ang perfume ni Jeremy sa kalalagay sa damit nito.
" Grabe ginawa mong shower yang perfume mo ah " Pag-iling pa rito ni Grey habang nawewerdohan rito.
" Nasobrahana ba? " pag-amoy pa nito sa sarili niya.
" Sino ba yang kikitain mo at kanina ka pa nakaharap sa salamin?"
" Makikita niyo mamaya " kinikilig pa nitong sabi at mga ilang minuto pumasok na rin sila at ngayon nasa classroom na ang lahat at si Jeremy ito hindi na makapghintay makita si Cindy.
" Aethan nasaan si Cindy? " salubong agad rito ni Jeremy.
" Kinausap muna siya ng DEAN, alam mo naman hindi siya basta transferee lang at Jeremy yang bibig mo iwasan mong sabihin kahit kanino na siya si Julian " tumango naman si Jeremy at tumahimik ang lahat ng pumasok ang teacher nila kaya naupo na din itong dalawa.
" Class, please welcome your new classmates " tumingin naman ang lahat sa harapan habang excited sa bago nilang classmate.
" Pumasok kana " pumasok naman si Cindy, naka uniform ng pambabae, at nakaayos nang babae pagkwan humarap siya sa kanila at ngumiti at bago pa siya makapag salita isang malaking ingay ang nangyari.
" Julian??? "
"Teka, bakit naka pambabae siya?! "
" Siya ba yan?! "
" anong nangyari sa kanya?" tanongan pa ng mga kaklase niya at nakaramdam naman siya ng kaba rito pagkwan lumingon siya kay Aethan na katabi ni Jeremy at tumitig siya rito habang chinicheer, at si Jeremy nakataas talaga ang kamay nito habang nakangiti at bago pa ito makagawa ng ingay oara echeer si Cindy ay tinakpan ni Aethan ang bibig niya gamit ang notebook nito.
" Gusto mo bang malaman agad nila kung sino siya? " Paghila pa nito sa kamay ni Jeremy at tahimik naman itong sumunod sa kanya kaya bahagyang napangiti itong si Cindy pagkatapos mabasa ang nangyayari sa dalawa.
" Class silent, sige na magpakilala kana " tumahimik naman ang lahat habang nakatingin kay Cindy.
" Hai! I'm Cindy Gonsales isa sainyo ay naging kaibigan ko na and it was Jeremy, nakwento na niya saakin ang tungkol sa dati niyong kaklase na si Julian Reyes kahit siya nong una inisip niyang ako si Julian Reyes pero hindi po ako, HINDI PO AKO LALAKI, babae po ako nagkataon lang po na magkamukha kami. Ayon nga, sabi nila in universe there is a nine faces who are alike at sa tingin ko isa na kami doon ni Julian na nagkataong magkamukha pero hindi po ako siya, sana magkasundo tayong lahat, look at me as Cindy Gonsales at hindi si Julian Reyes, salamat! " sa sinabi niyang iyon tumahimik ang lahat mukha namang naniwala sila at si Jeremy nakatingin lang rito habang nakangiti actually, yong mga sinabi niya itinuro yon sa kaniya ni Aethan para hindi na siya pagtatanongin pa ng mga kaklase niya.
" Buti naman at hindi niya nilihim na magkakilala kami " kinikilig pa nitong sabi.
" Ako talaga ang nagsabi sa kanya dahil paniguradong magdididikit ka na naman sa kanya kaya useless din kung itatago niyang magkakilala kayo " lingon rito ni Aethan pero hindi na nagsalita pa si Jeremy dahil masaya na itong hindi niya kailangan pang lumayo kay Cindy dahil magkakilala sila ayon sa pagpapakilala nito.
" Okay, you may set now " utos rito ng teacher sumunod naman si Cindy well, yong mga teacher nila alam rin nila ang pagkatao ni Cindy o kung anong ginawa nito sa School na ito.
" Ang cool ng sinabi mo " ngiti rito ni Jeremy.
" Kinabahan ka ba? " tanong din rito ni Aethan.
" Kunti lang buti na lang nasaulo ko agad ang itinuro mo "
" Grabe! Napaka cute mo! " akbay bigla rito ni Jeremy pero naalis niya rin yon agad ng paloin ni Aethan ang kamay niya gamit ang ballpen nito.
" Sorry nasanay kasi akong akbayan ka " pagngiti pa ni Jeremy pagkatapos mahiya sa biglang pag-akbay nito kay Cindy at yong setting arrangement nila ganon pa rin.
" Puwes iwasan mo na yan! " Lingon rito ni Aethan hindi naman nagsalita pa si Jeremy pero natigilan sila ng nakatingin sa kanila ang mga kaklase nila at hanggang sa matapos ang buong klase nakatingin pa rin yong iba sa kanya at pagkatapos nang klase pumunta agad sina Leo kina Jeremy.
" Hindi ba talaga ikaw si Julian? " paghawak pa ni Grey sa pisngi ni Cindy " Whoa! totoo ka nga?!! " hindi pa nila makapaniwalang tingin rito pero ngumiti lang siya sa mga ito dahil baka mabuko lang ito kung magdadahilan siya.
" Kung ganoon tatlo ang mukha ni Julian dito sa mundo " napalingon naman rito ng sabay ang tatlo sa sinabi ni Grey " Ayon kasi sa kanya may kambal siya at kamukhang kamukha niya " sabi pa ni Grey.
" Oo, nakita nga namin ang litrato niya sayang at umalis na siya rito, hindi mo tuloy naabotan " malungkot pang sabi nila Leo " Hanggang ngayon iniisip pa rin ng squad bakit siya umalis tas hindi man lang nagpaalam " naguilty naman si Cindy pagkatapos makita ang malulungkot na sabi nila Grey pagkwan napansin ni Aethan ang iba nilang kaklaseng balak rin magsilapitan kaya bago pa iyon mangyari tumayo agad siya at hinila si Cindy palabas, sumunod naman rito sina Jeremy o yong tropa rin nila at sa may canteen ang diretso nila.
" Talaga bang hindi ka si Julian o yong kambal niya? " pagtatanong na naman nila pagkwan nagsalita si Aethan at natahimik ang lahat ng ikuwento niya ang totoong tungkol kay Cindy at pagkatapos ng pagkukwento niya walang may nakapagsalita pa sa kanila basta nakatingin lang sila rito.
" Pero saatin lang yon sa oras na ipagsabi niyo ang tungkol kay Cindy mapaparusahan kung sino man yon " seryosong tingin ni Aethan sa mga ito " Sinabi ko yon dahil ayaw kong mahirapan pa si Cindy sa pakikisama saatin dahil alam niyo namang tayo o kayo ang matalik niyang naging kaibigan rito, gusto kong mabuhay siya bilang siya, yong wala siyang itinatago, ayaw kong mabubuhay siya ng parang tulad pa rin ng dati " Tumango naman ang lahat sa sinabi ni Aethan at si Cindy hindi niya napigilang mapangiti sa mga sinabi ni Aethan, pakimdam niya parang si Julian rin kung protektahan siya ni Aethan.
" Sekreto yon " sabay sabay nilang bulong, naiyak naman si Cindy sa mga ito.
" Salamat " pagpunas nito sa mga namuong tubig sa mata niya.
" Wag kang umiyak " sabay sabay nilang abot rito ng panyo kaya ayon mas naiyak siya.
" Babae ka nga talaga " sabay sabay pa nilang sabi rito pagkwan huminga ng malalim si Cindy para matigil ang mga luha nito saka ngumiti sa kanila.
" Sige na nga kumain na tayo " ani Jeremy at habang kumakain sila panay ang tawa nila habang pinag-uusapan ang mga kilos ni Cindy dati, yong mga werdo niyang kilos ginagaya pa nga nila ito. At yong pagdating niya ay nalaman na sa buong campus dahil sa pagkakahawig nila ni Julian at isa na nga sa mga nakaalam ay si Kristine.
" Totoo, kamukhang kamukha ni Julian Reyes yong room mate ni prince Aethan kamukhang kamukha niya si Cindy Gonsales, ang bagong transferee " napakunot naman ng noo si Kristine sa usapan ng mga kaklase niya.
" Anong sabi mo? " tanong nito habang nakaupo ng nakacross arm.
" Si Julian Reyes kamukha niya yong transferee " alanganin pa nilang sabi rito habang nagtataka sa masusungit nitong tingin.
" Sigurado ka? " tumango naman yong kinausap ni Kristine kaya mabilis siyang tumayo at naglakad papunta sa classroom nila Aethan.
" Hindi ko alam ang puweding mangyari kapag totoo ang iniisip ko ngayon, kapag totoong si Julian at ang transferee ay iisa sisiguradohin kong magsisisi siya at bumalik pa siya rito " huminto siya ng makarating siya sa classroom nila Jeremy at ganon na lang ang asar niya ng wala sila rito.
" Nasaan si Jeremy?! " tanong nito agad sa mga tao sa classroom nila agad naman nilang sinabi na baka nagcanteen ang mga ito kaya ayon dumeretso siya sa canteen at pakiramdam niya sasabog na siya ng makita niyang magkatabi si Cindy at Aethan habang napapaligiran ito ng mga sikat na lalaki sa campus nila kaya pakiramdam niya para siyang bombang sasabog na sa galit at napataas siya ng kilay ng mapalingon rito si Cindy, likod palang kasi nito nakilala na niyang si Julian ito at nong makita ito ni Cindy agad siyang nagpaalam kina Aethan pero hindi niya sinabing kay Kristine ang punta niya.
" Kristine " sabi nito ng makalabas ito, agad namang naglakad si Kristine at mabilis siyang sumunod rito at sa walang tao ang punta nila.
" Talaga bang hindi ka marunong tumupad sa usapan Julian? o Cindy!? " galit na galit ritong sabi ni Kristine " Akala ko ba hindi kana magpapakita sa kung sino mang taga-Empire University?! Pero bakit nandito ka pa rin?!! " sunod sunod nitong tanong habang magkasalubong ang kilay niya.
" Pero hindi ka rin naman tumupad sa usapan natin, ang sabi mo hindi mo sasabihin kay Aethan pero sinabi mo rin " Nagpantig naman ang tainga ni Kristine sa sinabi ni Cindy.
" May isa akong salita! Kapag sinabi ko yon na yon! Kaya wag mong baliktarin ang pangyayari Cindy!! " pagtulak niya pa rito " Sinabi ko na sayo nong una palang na sa oras na pumasok ka sa buhay ni Aethan hindi mo pipiliing mabuhay pa! At Cindy naaalala ko pa yong sinabi mong kamatayan ang kalimotan si Julian pero sa tingin ko gaya ng ginawa mo saakin ganon din ang gagawin mo kay Julian, ang traydorin siya tsk! Wala kang utang na loob alam mo ba yon?! " Napakagat labi naman si Cindy, pag ang nangyari talaga kay Julian ang usapan natatahimik siya at pakiramdam niya tama ang sinabi ni Kristine pinag-aaralan na rin kasi niyang makamove on mula kay Julian dahil sa mga sinabi rito ng mga magulang ni Julian.
" Binabalaan kita, hindi mo magugostohan ang mangyayari sayo sa oras na tanggapin mo ang pagmamahal ni Aethan! " Pagbabanta nito " alam kong alam mo na ikaw ang hinahanap niyang babae at alam mong isa sa dahilan kaya gusto kong umalis ka dito ay dahil doon! Dahil ayaw kong malaman niyang ikaw at ang hinahanap niya ay iisa! Dahil ayaw kong magmahal siya maliban saakin! Dahil kamatayan para saakin ang makita siyang may kasamang iba! At Cindy sa oras na gawin mo lahat ng sinabi ko pipiliin mong mamatay na lang kaysa manatili rito dahil ibabalik ko sayo ng doble ang sakit na mararamdaman ko!" Pagtulak niya rito at napaupo naman si Cindy sa lakas non saka asar na umalis si Kristine pagkatapos ng mga banta nito saka hinanap sina Jacob kung saan nasa field ang mga ito, malakas kasi ang kutob niyang sila ang nagsabi ng sekreto ni Cindy kay Aethan. At napatayo sila ng makitang papalapit sa kanila si Kriatine at isang malakas na sampal ang natanggap ni Jacob kay Kristine pagkatapos niya itong salubongin habang nakangiti.
" Gago ka! bakit hindi mo sinunod ang sinabi ko?! Bakit mo sinabi kay Aethan ang totoong pagkatao ni Julian, Cindy o ano pa mang buwesit na pangalan yan! " Nanggagalaiti nitong sabi.
" Nagagalit ka dahil doon? tsk! sinabi ko yon dahil ayaw kong mawala dito o nang barkada ko, ikaw rin naman ang may kasalanan magiging sikat kana sana dahil malalaman ng lahat ang pagkatuklas mo sa pagkatao ni Julian pero umurong ka dahil natatakot kang baka maging sila ni Aethan pagnalaman niyang iisa lang sila nang babaeng hinahanap niya " ani Jacob habang hinihimas ang sinampal rito ni Cindy.
" Alam mo naman pala e, BAKIT MO SINABI???!" Sigaw niya rito " Alam mo ba mula elementary ako mahal ko na si Aethan kaya hindi ko matatanggap na makukuha lang siya ng babaeng ilang buwan lang niyang nakilala, paano ako? Hindi puwedi Jacob at sinira mo lahat ng pangarap ko! Naiitindihan mo ba? " nagagalit na sabi ni Kristine habang pinipigilan nitong maiyak.
" Oo alam ko dahil yon ang nararamdaman ko ngayon Kristine at kaya ko yon sinabi dahil ayaw kong mapunta ka rin sa iba, alam mo yan! " pagkwan tumawa si Kristine.
" Baliw ka ba? Hinding hindi kita magugustohan dahil hindi ikaw si Aethan at dahil sa ginawa mo kinamumunghian kita JACOB!!! " pagkasabi non ni Kristine tumalikod na siya, si Jacob naman nasasaktang nakatingin rito hindi dahil sa sinabi nitong hindi siya gusto nito dahil sanay na siyang marinig iyon pero hindi ang umiyak sa harapan niya si Kristine nang dahil sa kanya.
BACK TO CINDY:
" Oy! Cindy saan banda ang kwarto mo? " tanong rito ni Jeremy habang naglalakad sila pauwi.
" Hindi na ako nakatira rito "
" Huh?! Saan ka kung ganon? " tanong rin nila Leo.
" Hindi ko alam ang address e, si Aethan ang nakakaalam " paglingon niya kay Aethan at agad naman siyang umuwas sa mga ito dahil alam niyang mang-aasar lang ang mga ito.
" Sus! itong si Aethan nilalayo ka talaga niya saamin ah " biro pa nila Grey masama naman ritong tumingin si Cindy kaya tumahimik na din sila.
" Sandali pareho pa rin ba kayo ng kwarto? " nag-aalalang tanong ni Jeremy.
" Hindi, mag-isa lang ako " sagot agad nitong si Cindy " si Aethan naman nasa bahay na nila nakatira " doon naman ay nakahinga ng maluwang si Jeremy.
" Kalma lang Bro " sabi pa nila Leo dahil mga lalaki sila kaya nakakahalata sila sa mga kilos ni Jeremy.
" Bukas na lang ako pupunta sa lugar mo " ani Jeremy, ngumiti naman rito si Cindy at yon umuwi na nga sila at hinatid ito ni Aethan.
" Sige na pumasok kana, wag kang lumalabas ng gabi " bilin nito ng makarating sila.
" Salamat " agad namang napalingon si Aethan sa sinabi ni Cindy pero binalewala niya ito saka tumalikod " Good night Aethan " paglalakad nito at hinintay naman ni Aethan na maalis ito sa paningin niya bago umalis nang hindi nagtatanong para saan ang pasasalamat nito.