AethanPOV:
Ngayon nakaharap ako sa salamin at kanina ko pa inaayos ang buhok ko.
" Sige pa Kuya dapat kasi palitan mo rin ang hair style mo tsk! ang maalala ko elementary ka pa ganyan na ang buhok mo "paghawak pa ni Sam sa buhok ko nakwento ko kasi sa kanya si Cindy pero hindi crush niyang si Julian dahil paniguradong magwawala ito.
" Ang mga babae kasi kuya hindi lang yan sa salita at action nahuhulog syempre sa hitsura rin ng mga lalaki " sabi pa nito at nakakaasar lang malay ko ba sa pag-aayos ng buhok gaya nga ng sabi niya since elementary ito na ang hair style ko pagnasuklay okay na, malay ko bang kailangan ko din matutunan mag-ayos ng buhok para magpapansin sa babaeng gusto ko.
" Nga pala yong mga itinuro ko sayong sasabihin kay Ate Cindy umepekto ba? " kinikilig pa nitong tanong sa totoo niyan yong mga sweet kong sinasabi kay Cindy siya ang nagtuturo nun saakin wala pa naman kasi akong naliligawan.
" Oo pero gaya nga ng sabi ko hindi siya yong ordinaryong babae lang diyan, mahirap siyang paibigin" sabi ko pa rito pagkwan umupo siya sa kama ko, sa totoo niyan mula ng nandito ako saakin na ito tumatabi matulog.
" E bakit hindi mo na lang tanongin kung anong klaseng ligaw ang gusto niya? " napatingin naman ako rito " syempre joke lang malalaman talaga niyang hindi ka marunong manligaw at nakakahiya yon Kuya, biroin mo ang genious ng Empire University hindi niya alam kung paano paiibigin ang babaeng mahal niya " natatawa pa nitong sabi kaya masama akong tumingi rito.
" I'm just kidding " pagtigil nito sa pang-aasar.
" Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nagkagusto kay Cindy " pag-iisip ko pa.
" Naku! kung nakicurious ka diyan Kuya paano na lang ako, Kilalang kilala kita mga ayaw at gusto mo at ang pagkakaalam ko wala ka pang nagugustohan kaya napapa-isip tuloy ako kung anong klaseng tao yang si Ate Cindy sabi mo naman hindi siya tulad ng mga ideal girl ko o yong tipong makikita sa TV tas hindi rin kilala sa bansa natin ang angkan nila unlike us! kaya iniisip ko na lang na baka unique lang ang personality niya? "
" siguro nga, gusto ko siya dahil kakaiba siya " pagngiti ko rito tumango naman ito pero natigilan ako ng sumimangot ito bigla.
" O anong meron sa mukhang yan? "
" E Kuya sabi mo kasi si Julian tumigil na sa pag-aaral, e namimiss ko na siya " malungkot nitong tingin hindi ko talaga alam ang mangyayari rito pagnalaman niyang ang taong gusto ko at gusto niya ay iisa, magkapatid nga talaga kami isa lang ng taste pero sasabihin ko rin naman sa kanya pero hindi pa sa ngayon hahanap muna ako ng magandang tyempo mamaya mapunta na naman ito sa hospital.
" Makakalimotan mo rin siya " paglapit ko rito pagkwan niyakap niya ako.
" Kailan? " natawa na lang ako rito ang bata pa kasi niya para maramdaman ito.
" tuwing sinasabi ko sayong gusto ko si Julian tinatawanan mo lang ako! " masama nitong tingin saakin.
" Hindi kasi guwapo si Julian maganda siya " pagkasabi ko nun lumabas na ako kitang kita ko naman yong pagkunot ng noo niya at inisip yong sinabi ko pero mayamaya sumunod rin ito.
" Kuya yong buhok mo "
" Hayaan muna saka ko na lang iibahin ang style " sabi ko rito pagkatapos kong mabigo sa pag-aayos rito pagkwan kiniss ko ito sa noo, sign na papasok na ako.
" Nathan papasok kana ba? " pagpunta saakin ni Daddy, tumango naman ako rito bilang sagot.
" Kumain kana? " tanong pa nito at gaya kanina tumango na lang din ako kung hindi lang talaga si Cindy hinding hindi talaga ako titira ritong muli.
" Ang allowance mo? Meron pa ba?" Tanong pa niya at alam kong gusto lang niyang kausapin ko siya pagkwan tumingin ako rito.
" Kung wala na po kayong sasabihin aalis na ako " Kumunot ang noo ko nang makita kong nagmamadaling pumunta sa direksyon namin si Rachel at mabilis niyang siniko ang mga braso ni daddy.
" ah, total isa lang kayo ng pupuntahan ng tita mo pasabayin mo na lang siya " nakangiti nitong sabi saakin.
" May dadaanan pa ako " pagkasabi ko nun naglakad na ako pasakay sa kotse tsk! kung inaakala nilang dahil iisa na kami nang bubong na tinitirahan ay magiging okay kami ng asawa niya tsss! nagkakamali sila dahil mas lalo lang lumalaki ang galit ko sa kanila pagnakikita kong masaya sila, pakiramdam ko bumabalik lang yong sakit na naramdaman ko nong una kong malaman na may affair sila.
SOMEONES POV:
" Sige po Dad, tita " pag-alis ni Sam para maghanda sa pag-aaral ngayon, sa bahay na kasi ito tinuturuan o tutoran hindi na nila ito pinapapasok sa school bawal kasi siya sa maingay na lugar o ma-expose masyado sa labas.
" Yes, sweety " ani Rachel ganon din si Mr. Villasore pagkwan tumingin si Rachel sa kotseng sinakyan ni Aethan na papaalis na.
"Hayaan muna natin siya" pagyakap ni Mr. Villasore kay Rachel, naiiyak namang yumakap rito si Rachel.
" Naiitindihan ko naman siya pero sabik na sabik akong mahawakan siya, mayakap, at makausap, ang tingnan niya ako ng hindi tulad ng iniisip niya sa ginawa ko sa mommy niya "
" Mangyayari din yon " tumango naman si Rachel at ngayon nakangiti na siya.
" Sa tingin mo si Cindy ang dadaanan non? "
" Alam mo hon, napapaisip ako kung anong klasing bata yang si Cindy para magka-ganyan sa kanya ang anak natin " ani Mr. villasore.
" Yan nga rin ang iniisip ko pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya naku! baka hanggang ngayon nasa school pa rin nakatira yang panganay natin "
" tama ka, kaya lang nandito nga siya pero parang wala naman nasa kwarto siya palagi, doon siya kumakain dapat siguro ipagiba ko na yong banyo niya sa loob para kahit papaano may rason siya para lumabas sa kwarto"
" Wag, mamaya umalis na naman yon e " sa sinabing yon ni Rachel nagkaroon tuloy sa kanila ng tawanan.
" Pero nagbibinata na ang anak natin " yakapan nila at pagkalipas ng ilang minuto dumating na rin si Aethan sa condo ni Cindy.
" Bakit ang aga mo? 9 pa ang klase natin diba? " salubong rito ni Cindy sa pinto.
" Alam mo namang ayaw ko sa bahay diba? at isa pa ano bang meron kung maaga ako? "
" Wala naman " sagot rito ni Cindy, in love itong si Aethan rito pero hindi pa rin niya maiwan ang pagiging suplado at masungit nito kaya iba pa rin ito magsalita para sa isang taong nanliligaw.
" Sige, sa sasakyan na lang kita hihintayin " pagngiti rito ni Aethan pagkatapos mapansing hindi komportable itong si Cindy.
" Wag na, dito kana lang mangungunsensya ka pa eh! " pagpapapasok niya rito at mabilis naman siyang sumunod rito " Kung talagang sa labas ka maghihintay e daoat hindi kana tumuloy rito " pagdaldal ni Cindy pero hindi na niya ito pinansin at masayang naupo.
" Kumain ka na? " tanong nito rito.
" Wala pa " pagsisinungaling nito " ikaw? " Excited pa niyang tanong rito.
" magluluto sana ako " pagpunta ni Cindy sa kusina kaya mabilis siyang sumunod rito.
" Anong lulutoin mo? "
" Fried egg, kaya lang may problema Aethan "
" Ano yon? " nag-aalala nitong tanong rito.
" Sa totoo niyan toyo lang inulam ko kagabi " nahihiya nitong sabi lalo na nong tumingin rito si Aethan.
" E kasi naman masyadong social itong pinamili mong appliances para sa pagluluto, walang ganito saamin kaya di ko alam paano gamitin " pag-iwas nito ng tingin rito habang nagrereklamo hindi tuloy napigilang matawa ni Aethan hindi dahil doon sa hindi siya marunong gumamit ng appliances kundi sa cute na hitsura ni Cindy.
" Diba sinabi ko naman sayo tawagan mo ako kung magkaproblema? " Pagtanggal nito sa upper uniform niya kaya ang polo lang niya ang natira.
" Nakakahiya na kasi masyado " hindi rito pagtingin ni Cindy at nagulat siya ng gulohin ni Aethan ang buhok niya.
" Sige sa ngayon ako na lang ang magluluto manood kana lang "
" Ayaw ko! ako na lang iguide mo na lang ako "
" Ako na mamaya ano pang mangyari sayo "
" Pero baka marumihan ang uniform mo " natigilan si Cindy ng tanggalin ni Aethan ng isa isa ang butones ng polo niya kaya agad ito nag-iwas rito ng tingin.
" May damit ako at saka para namang hindi muna ito nakita " natatawang sabi ni Aethan kaya asar ritong tumingin si Cindy, isa nga sa dahilan kung bakit siya napaghihinalaang bakla ng mga ito dati ay dahil sa mga kilos niyang ganito, ang pag-iwas ng tingin sa kanila sa mga ganitong eksena.
" Biro lang may t-shirt ako " pagkuha nito sa apron at sinuot pagkatapos tanggalin ang polo niya, hindi naman nagsalita pa si Cindy pagkwan hinanda ni Aethan ang mga gagamitin nila para sa pagluluto mabilis namang kinuha ni Cindy ang kutselyo para hiwain ang mga sibuyas pero kinuha ito rito ni Aethan.
" Manood kana nga lang kasi " pagturo nito sa pisngi ni Cindy, tumingin naman siya rito at ngayon magkaharap sila kaya bago pa kiligin si Aethan pinaupo niya si Cindy sa unahan kung saan makikita niya rito ang lahat ng gagawin ni Aethan kaya no choice na rin siya kundi sumunod.
CINDY' S POV:
Napapanganga na lang ako habang tinitingnang nagluluto si Aethan ang bilis niya manghiwa ng sibuyas parang matagal na niya itong trabaho tas ang cool lang niya habang pinagmamasdan ko siya. Ano pa kaya ang hindi alam ng isang ito? Sa totoo lang masyadong unique ang pagkatao ni Aethan hanggang ngayon nga hindi ko alam kung anong pinagkaka-interisan nito at saka napapaisip din ako paano niya ba ako nagustohan?
" Anong gusto mo, half cook o full cook? " nagising naman ako sa tanong niya.
" Kahit ano gusto ko, ikaw pala? "
" Half cook at ayaw kong nahahalo ang egg yolk sa puti " sabi nito habang nagluluto, tsss! siguradong malas ang future nitong babae ang silan kasi niya sa pagkain.
" Napansin ko ang dami mong ayaw na pagkain o hindi mo gustong klaseng luto nang pagkain, ano bang mga gusto mo? " Pag-upo ko pagkatapos kong ihanda ang mga pagkain namin tapos na kasi siya magluto.
" Wala akong gustong pagkain wala rin naman akong ayaw sadyang hindi lang kaya ng lalamunan ko "
" Pareho lang yon noh, tsk! basta ako kahit anong luto at klasing pagkain gusto ko, ito kasi ang isa sa bonding namin nila Julian, ang kumain " pagngiti ko ng maalala ko si Julian.
" Gustong gusto mo talaga siya noh? " napatingin naman ako kay Aethan.
" Magkababata kami ni Julian parang ni Liya, kilalang kilala namin ang isa't isa at si Julian ay maraming cool na personalities kaya dahil doon nagkacrush ako sa kanya nang sekreto, matalino kasi siya at gustong gusto ko ang pagkatao niya, yong mga hilig o gusto niya, at sa tingin ko crush niya rin ako noon pa man at torpe kasi siya kaya nong graduation namin sa JHS siya nagtapat saakin pero syempre hindi ko muna siya sinagot mga bata pa kami kaya nanligaw muna siya at nong G11 kami naging kami " pagkukwento ko kahit hindi naman siya nagtanong dahil ayaw kong isipin nitong makakalimotan ko si Julian sa kabila ng ginagawa niyang kabaitan saakin pagkwan nagsalita siya.
" Kung maging ako siya may pag-asa bang magustohan mo din ako? " nagulat naman ako sa biglang tanong niya kaya nakatingin lang ako rito.
" Wala kalimotan mo na ang sinabi ko, kumain na nga tayo " pagkain nito para ibalin ang atensyon namin sa pagkain.
" E ikaw nagka-girlfriend kana ba? " tanong ko rito kahit alam ko na ang sagot, malay mo nagkagirlfriend rin siya at saka ang awkward kung kakain kaming tahimik lang.
" Wala! " tipid nitong sagot " E nagustohan? halimbawa nagka crush ka "
" Wala rin, wala kasi akong balak magka-girlfriend o ma involve sa love wala naman kasing makukuha doon ang plano ko kung sino man ang makakasama kong babae habambuhay, kasal na agad ayaw ko ng relasyong girlfriend/boyfriend " pagkwan tumingin siya saakin " pero noon yon! Dahil ngayon, gusto kong gawin iyon lahat kasama ka, maging grilfriend at boyfriend, fiancee, at makasama habambuhay " napaiwas naman ako ng tingin rito.
" Pero Aethan__"
" Wala naman akong balak madaliin ka o piliting gustohin ako pero sana hayaan mong ligawan kita para magawa ko o mangyari ang iniisip ko " pagputol nito sa sasabihin ko at hindi ko alam kung anong isasagot sa sinabi niya.
" Wag ka nang umangal! Sa tingin mo ba gusto ko ring manligaw e wala nga akong idea nun pero dahil ayaw kong mapunta ka sa iba gagawin ko hindi ko alam pero gustong gusto kita " Napainom naman ako ng tubig sa sinabi niya hindi ko alam kung si Aethan itong kaharap ko hindi ko alam na marunong rin siya magsabi ng mga ganito at sa totoo lang isang honor ang mapansin ka ng tulad ni Aethan, sayang nga lang at sa tulad ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt rito dahil sa mga oras na ito, si Julian lang ang laman ng puso ko.
" Gusto ko sana pagnakatapos na tayo saka ko ito sasabihin para kasalan na agad pero baka may mauna saakin "
" Ano bang pinagsasabi mo? E ikaw lang naman itong may gus-to saakin? " nahihiya kong sabi rito, totoo naman kasi yon.
" Sana nga ganon lang yon para siguradong saakin ka lang " pagkwan ginulo na naman niya ang buhok ko siguro napansin niyang naa-awkwardan ako sa mga sinasabi niya.
" Kumain na tayo " sabi nito, hindi naman ako nagsalita pa at gaya pa rin ng dati kung paano siya kumain ganon pa rin at pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami at kabababa ko lang sa sasakyan nakita ko agad si Jeremy sa may gate habang kumakaway saakin kaya kumaway na rin ako at ngumiti kaya pumunta na ito sa direksyon ko.
" Cindy " bago pa niya ako mayakap hinila ni Aethan ang bag ko kaya napaatras ako at natigilan si Jeremy pagkatapos mayakap ang hangin.
" Pasensya na, excited lang akong makita ka " nahihiya nitong sabi " Okay lang " pagtapik ko rito.
" Kumain kana ba? " tanong nito, tumango naman ako rito " kami ni Aethan " napalingon naman si Jeremy kay Aethan sa sinabi ko pero mayamaya binawi niya rin ito ng tumingin rin rito si Aethan " Di bale na nga sa sunod tayo na ang magsasabay " makahulogan nitong sabi pero hindi ko na yon pinansin panigurado namang wala lang yon.
" Halika na " pagsunod namin kay Aethan nang maglakad ito " nga pala masungit pa rin ba sayo si Aethan? " tanong nito habang tinitingnan namin itong naglalakad.
" Hindi ,ang werdo nga niya pakiramdam ko may anghel sa arteries, veins, vessels o ano pa mang-ugat na nagdadala sa dugo niya bigla kasi siyang bumait at ang werdo niya " pagtsitsismis namin rito.
" Kung ganon interesado talaga siya sayo " napalingon naman ako rito " Dapat gumawa na rin ako ng paraan " pagkurot nito sa pisngi ko tsk! si Aethan may pagulo hair siya naman pakurot pisngi nakaka-asar at ano ba itong pinagsasabi niya.
" sabay tayong magdinner mamaya ah " nagtataka naman akong tumingin rito balak ba nitong pumunta sa apartment ko? Paniguradong hindi papayag si Aethan.
" Pero dapat morning kang pumunta Jeremy pangit kasi kung gabi " sabi ko rito pagkwan tumawa siya at nakakaasar lang wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko, ayaw ko lang na hindi pumayag si Aethan kung sakaling gabi.
" Hindi lang gabi kundi araw araw " sabi nito habang nakangiti.
" Anong ibig mong sabihin? "
" Saka ko na lang sasabihin " masaya nitong sabi hindi naman ako nagsalita pa pero bakit ganon pakiramdam ko ang daming matang nakatingin saakin pagkwan lumingon ako sa mga taong nasa paligid at huling huli ko yong pag iwas nila ng tingin saakin, ano bang meron.
" Jeremy wala bang nakalagay sa mukha ko o sa katawan ko? " tanong ko rito mamaya ang dumi pala ng damit ko o may kung anong nakalagay para tingnan ako ng lahat.
" Wala naman maliban sa liptint mo wala namang bago sayo " nag-iwas naman ako ng tingin rito sa dinami dami ng puweding mapansin labi ko pa at yon pumasok na nga kami.
Someone's POV:
" Totoo nga yong balita araw araw siyang hinahatid ni Aethan " usapan ng mga estudyante ng dumaan sina Aethan.
" Kung ganon ibig sabihin puweding gusto siya ni Aethan? "
" Posible___ " natigilan magsalita yong babae nong maramdaman niyang may humila sa buhok niya, agad naman siyang tumingin sa humila rito at si Kristine ito.
" Subokan mong ituloy ang sasabihin mo kakalbohin kita! " masama niyang tingin rito " Walang gusto si Aethan! Alam niyo yan! Dahil hindi puwedi!" napalunok naman sila rito habang galit na galit ang awra nito.
" E Kristine yon ang usap usapan ngayon sa campus " mahina pa nilang sabi rito.
" Puwes! gaya nga ng sabi niyo usap usapan lang! walang katotohanan "
" 'Lika na nga mamaya ano panggawin niyan saatin " bulongan ng magkaibigan habang umaalis kaya naglakad na rin si Kristine para pumasok at hindi niya maiwasang mainis habang iniisip yong nakita niyang magkasama si Cindy at Aethan at kumulo na naman ang dugo niya ng ganon din ang topic sa classroom nila kaya sa inis nito naglakad siya palayo sa mga tao rito para hindi marinig ang usapan nila tungkol kay Cindy at Aethan at sa ngayon nasa may science park siya at napakuyom siya ng kamay ng makita niyang may nagpost kay Aethan at Cindy na magkasama.
" Ahhhhhh!!! " sigaw nitong galit na galit " talagang sinasagad ako ng babaeng ito tsk! kung ganon makikita niya ang hinahanap niya!!! " natigilan si Kristine ng may dumating sa kanyang mga babae at karamihan rito ay admin ng mga fan page ni Aethan at Jeremy.
" Kung nandito kayo para sabihin ang tungkol kay Aethan at ang walang kwentang babaeng yon tsk! umalis na kayo kung ayaw niyong kayo ang makatanggaap ng galit ko ngayon " pagkwan umupo sila sa harapan ni Kristine.
" Alam naming naiinis ka ngayon dahil sa nangyayari kay Prince Aethan at nang transferee at ganon din ang nararamdaman namin bilang fan at nagmamahal kay Aethan hindi namin matatanggap na sa isang tulad lang niya mapupunta si Aethan, tsk! kaya gusto naming makipag tulongan sayo para lumayo si Cindy kay Aethan, mas gusto naming sayo na lang siya mapunta kay sa tulad ni Cindy na walang class at baka saktan lang niya si Aethan at yon ang hindi namin mapapayagan unlike you na mahal na mahal mo " sabi ng mga nagmamahal o humahanga kay Aethan.
" tama yon, pati kami naiinis sa kanya tsk! hindi lang kasi si Aethan ang nilalandi niya kundi maging si Jeremy at hindi namin mapapayagan iyon dapat taga rito lang ang para kay Jeremy hindi yong tulad ng transferee na yon dapat ang para kay Jeremy ay yong ka standard din niya " sabi ng mga fans ni Jeremy napangiti naman si Kristine sa wakas may kakampi na rin siya.
" tsk! Kung ganon dapat palabasin natin sa campus ang babaeng yan o kusa siyang lumabas! " masamang ngiti ni Kristine.
" Yan nga ang gusto naming mangyari, ang kapal naman kasi niya tsk! panigurado may ginawa siya sa mga prince charming nang campus para magkagusto sa kanya "
" exactly! isa lang naman siyang probinsyana tsk! walang wala siya saatin " usapan pa nila.
" Well, kailangan masampolan na ang babaeng yon ngayon " pagsmirk ni Kristine napangiti naman sila rito.
" I like that " tinginan pa nila " Well, what's the plan? " tanong nila kay Kristine.
" Wag na muna kayo makialam, this time ipapatikim ko lang sa kanya na isang pagkakamali ang bumalik pa rito " Masamang ngiti ni Kristine.
" What do you mean Kristine? "
" saka ko na lang sasagotin yang tanong niyo well, dapat maghanda na kayo ng mga plano kung paano paaalisin ang babaeng yon dito dahil ako, sisimulan ko na " pagkasabi niya nun naglakad na siya paalis.
" Tama, isang sekreto pa rin pala ang pagkatao ni Cindy ngayon sigurado sisikat yon pagnalaman ng lahat na siya at ang dating Julian dito ay iisa baka nga mapilitan pa si Aethan na paalisin siya " napangiti si Kristine sa naisip niya pero natigilan siya ng wala na nga pala sa kanya yong video ni Cindy na umaamin siya na babae, yong flash drive kasi na kinalalagyan nong edited vedio na pag-amin ni Julian kung saan tinanggal nila ang mga mukha at pamimilit nilang umamin ito ay hiniram sa kanya ni Jacob na ngayon ay nasa kamay ni Aethan.
" Tama yong cellphone ko lang ang pag-asa ko ngayon kaya lang hindi ko alam kung nasaan yon tsk! noong naglilinis kami nun ni Jeremy ang pagkawala niya e " kung maalala niyo nabulsa ni Jeremy yong phone ni Kristine at tinago niya ito hanggang sa nakalimotan na niyang ibalik ito dahil sa mga nangyari kay Cindy.
" Hindi pa naman yon na edit kitang kita yong pananakot namin doon kay Julian para lang umamin at yong mukha ko sana naman walang makakita nun mamaya ako pa ang mabaliktad eh " Nag-aalala nitong pag-iisip pero napangiti siya ng maalala ang gagawin nito kay Cindy ngayong araw. At Ngayon nasa may canteen sina Cindy.
" Cindy saan ba ang address mo para naman makadalaw kami sayo minsan " ani Leo pagkwan liningon ni Cindy si Aethan.
" Saka niyo na lang alamin at saka hindi kayo basta basta makakadalaw sa kanya tandaan niyo hindi na siya yong dating kilala niyo kung saan si Julian, isang lalaki dahil ngayon isa na siyang babae kaya yong mga ginagawa niyo dati sa kanya hindi na puwedi ngayon " Sona sa kanila ni Aethan, hindi naman halatang pinagdadamot niya ito eh noh.
" Oo, pasensya na, naiitindihan naming ipinagdadamot mo siya " tawanan pa nila pero natahimik sila ng masamang nakatingin sa kanila si Cindy at Aethan.
" Iba talaga pagsi-Aethan ang nangalaga " tawanan nilang muli pero natigil yon bigla ng marinig nila ang boses ni Kristine.
" Jeremy!!! "Kaway nito habang nakangiti agad namang napakunot noo si Aethan at si Cindy bigla rin naalis ang mga ngiti niya.
" Alam na rin ba nihay ang tungkol kay Cindy? " Tanong nila Grey kay Jeremy.
" Hindi pa, nagi-guilty nga ako dahil hindi ko sinasabi sa kanya siguradong matutuwa pa naman yan pagnalaman niyang babae ka " Napatingin naman rito si Aethan at Cindy, iniisip kasi nilang nakwento na ni Kristine ang tungkol sa kanya nong malaman niya ang pagkatao ni Julian kasi nga childhood friend sila nitong ni Jeremy pero sa mha sinabi nito ngayon mukhang wala siyang sinasabi kay Jeremy.
" Bakit nandito ka? " salubong rito ni Jeremy.
" tsk! syempre nandito si Aethan at nalaman kong may bagong transferee na naman at kamukha ni Julian? " sabi pa nito habang naglalakad sila pabalik sa table na inuupuan nila.
" Alam mo na rin pala " naguguilty ritong sabi ni Jeremy dahil sa pagsisinungaling niya rito pero ngumiti lang rito si Kristine habang nakatingin kay Cindy at sa isip nito pinapatay na niya ito habang nakatingin rito si Cindy.
" Naka-order kana ng pagkain mo? " tanong rito ni Jeremy ng makaupo sila.
" Oo " ngiti nito " Hai! Aethan " pagpapapansin nito pero ni pagtingin hindi nagawa ni Aethan " Kristine " pamamlastic nitong pakikipag kamay kay Cindy, inabot naman niya ito ng alanganin.
" Kamukha mo si Julian ah " plastic nitong ngiti si Jeremy naman gustong gusto na niyang sabihin ang totoo pero hindi pa kasi ito nakakapag-paalam kay Aethan at Cindy nangako pa naman siyang hindi niya sasabihin kanino man ang pagkatao nito.
" Sabi nga nila " Pagsakay rin ni Cindy sa pagkukunwari nito pagkwan tumayo si Kristine.
" Wait, kukunin ko lang yong inorder ko"
" Ako na " pagtayo ni Jeremy " Ako na bestfriend " Pagpapa-upo ulit rito ni Kristine kaya ganon na lang ang pagtataka nila Grey dahil alam kasi nilang gustong gusto nitong pinagsisilbihan ni Jeremy.
" At kailan ka pa naging ganyan tsk! ang alam ko gustong gusto mo akong ginagawang alipin"
" Alipin agad? Hindi ba puweding naglalambing lang at this time ako na muna " tingin nito kay Jeremy " May gagawin kasi ako " makahulogan nitong sabi sabay tingin kay Cindy saka umalis at puro may sabaw at tubig ang kinuha niya at hindi niya maiwasang mapangiti habang iniisip ang mangyayari kay Cindy.
" Aethan, Cindy... okay lang ba kung sabihin ko kay Kristine ang pagkatao mo? kilala mo naman siya noon pa man diba? isip bata pero mabait siya at isa pa nasisigurado kong hindi niya ipagsasabi " siguradong sabi ni Jeremy, naawa tuloy rito si Cindy nakumperma na nga niyang inosente si Jeremy sa pinaggagawa ni Kristine.
" Saakin okay lang naman kung sasa___ " dina natuloy ni Cindy ang sasabihin niya ng biglang matapon rito ang isang tray na dala ni Kristine at sakto ito sa damit niya meron ding nalagay sa ulo niya.
" My gosh! I'm sorry " sarcastic ritong sabi ni Kristine habang nakatingin kay Cindy na punong puno ng pagkain " Hi-hindi ko sinasadya " nagpipigil nitong tawa at tumayo naman si Cindy para tanggalin yong mga pagkaing nasa damit niya bago pa ito malagay sa palda niya.
" Cindy okay ka lang? " pagpunta rito ni Jeremy at tinulongan itong tanggalin ang mga pagkaing natapon sa damit niya at mayamaya nagkaroon ng ingay sa canteen habang tinatawanan ang nangyari kay Cindy.
" Mainit ba? " nag-aalala ritong tanong ni Aethan na kanina pa pinupunasan ang mga natapong tubig at sabaw sa mukha braso at ulo niya kaya naman biglang kumulo ang dugo ni Kristine gusto na nga niyang isampal kay Cindy ang tray na nasa mesa.
" Hindi naman kaya lang wala akong ibang uniform " Nag-aalalang sabi ni Cindy habang tinatanggal ang mga pagkaing nalagay sa damit at buhok niya.
" Tsk! kung hindi mo naman kasi afford mag-aral dito edi umalis kana rito! " pabiglang sabi ni Kristine agad naman itong liningon ni Jeremy.
" Kristine!!!? "
" Sorry, nasabi ko lang naman" pagbawi niya sa masama niyang reaction nang lingonin ito ni Jeremy " kawawa ka naman " Pagcross arm nito habang natatawang nakatingin kay Cindy pagkwan lumingon siya sa isang mesa kung saan nakaupo doon yong kumausap sa kanyang mga fan nila Aethan at Jeremy kanina kung saan pinapahiwatig niya na ito yong sinasabi niyang plano kaya proud na proud naman sila rito habang pinagtatawanan si Cindy.
" Uuwi na lang muna ako? " napaharap naman si Kristine sa sinabi ni Cindy.
" Good idea Cindy___" natigilan ito ng magalita si Jeremy.
" Kristine hiraman mo na lang siya sa extra uniform mo total kasalanan mo rin naman ito hindi yong kung ano anong sinasabi mo diyan " asar niyang lingon rito.
" No way! alam mo namang ayaw kong sinusuot ng iba ang mga gamit ko at isa pa it's an accident, hindi ko gusto ang nangyari" dipensa nito.
" Oo na, kaya hiraman mo na papalitan ko na lang sayo " saway ni Jeremy sa kaartehan nito pagkatapos maniwala.
" Wala akong extra and besides bagay niya rin naman niyan " masama pa niyang tingin rito.
" Okay lang Jeremy " ani Cindy pagkatapos mapansin ang masasama ritong tingin ni Jeremy pagkatapos mainis sa pag-aattitude si Kristine.
" See? pauwiin niyo na kasi " Supladang sabi ni Kristine pero natigilan siya ng makitang nagtatangal ng polo si Jeremy.
" What are you doing? " tanong nito pero ni paglingon di siya tiningnan ni Jeremy at nagulat siya sa sunod na nangyari nang sabay sabay nilang iabot rito ang polo nila nag-alis na rin kasi ng polo sina Leo pero nakapanloob sila ng white t-shirt.
" Ito na lang muna ang isuot mo, temporary lang " sabay sabay nilang sabi at nagulat sila sa nangyari hindi kasi nila naisip na sabay sabay nila itong gagawin kaya nagkaroon tuloy sa kanila ng tawanan .
" O mamili kana wag kanang malungkot diyan? " sabi nila rito pagkatapos nilang maawa rito at napakuyom naman ng kamao si Kristine habang pigil pigil niya ang galit niya.
" Salamat, ang babait niyo " ngiti ni Cindy " pero okay lang ba kung yang sayo Jere___"
" May extra white t-shirt ako don yon na lang ang hiramin mo baka ano pang sabihin nila pagnag polo kana naman ng panlalake " pagputol ni Aethan sa sasabihin ni Cindy.
" Mabuti pa nga Aethan " Pagsang-ayon nila rito.
" Halika na " pagkuha niya sa bag ni Cindy at bag niya.
" Sandali anong ginagawa mo Aethan???! " sigaw rito ni Kristine at napalunok siya ng bigla itong balikan ni Aethan.
" Ikaw! sa sunod tingnan mo ang dinadaanan mo, naturingan ka pa namang modelo ng school tas hindi ka marunong maglakad?! " Hindi naman makapagsalita si Kristine sa mga sinabi rito ni Aethan na siyang tinawanan nang ilang nanonood sa kanila pagkwan hinawakan muli ni Aethan ang braso ni Cindy at naglakad na sila