Chapter 4

3594 Words
NAGTATAKANG tumingin si Cindy kay Aethan ng huminto ito pagkatapos dumating nang maglilinis sa ginawang kalat ni Kristine pagkwan kinausap ito ni Aethan dahil matalino siya at alam niyang sinadya iyon ni Kristine. " Yang babaeng yan " turo nito kay Kristine " Yan ang palinisin mo! siya ang nagkalat kaya siya ang gagawa " utos ni Aethan sa maglilinis at gaya ng inutos niya sinabi niya iyon kay Kristine. " Are you stupid!? Alam mo ba kung sino ako? Huh??!" pagduro rito ni Kristine agad namang hinawakan ni Jeremy ang kamay nito. " Tama na yan " awat niya rito alam niya kasing kaya nagkakaganito si Kristine e dahil sa nangyari kanina, ang pagtatanghol ni Aethan kay Cindy " Ako na lang ang maglilinis " sabi ni Jeremy sa tagalinis, umalis naman itong takot na takot habang nakatingin kay Kristine. " Bakit mo yan gagawin? Dapat si Cindy ang gagawa niyan!! " naiinis nitong sabi na halatang sasabog na sa selos. " Bakit naman siya? ikaw itong nambuhos ng pagkain siya pa ang palilinisin mo? " malungkot ritong sabi ni Jeremy alam niya kasing sinadya ni Kristine yong nangyari kay Cindy, hindi naman niya ito magawang pagalitan from the start kasi kinukonsente ito ni Jeremy sa mga kalokohan niya pagdating kay Aethan kaya baka magtampo ito pagpinag sabihan niya ito ngayon at hindi niya yon kayang gawin rito dahil alam niya ang temper nito pagdating kay Aethan. " Tsk! dapat lang yon sa kanya pero hindi yon sinasadya! " tanggi pa nito at magsasalita pa sana si Jeremy pero naglakad na palabas si Kristine. " Ngayon nag-aalala na ako sa puweding mangyari kay Kristine pagnalaman niyang gusto ni Aethan si Cindy " ani Grey " Mas mag-alala ka sa puweding mangyari kay Cindy " sabi ni Leo, alam kasi nila kung gaano ka obssess si Kristine kay Aethan. " Leo, linisin mo ito ah! " pagkasabi nun ni Jeremy sinundan na niya si Kristine para kausapin ito tungkol kay Cindy dahil nag-aalala siya sa puweding gawin rito ni Kristine dahil kilalang kilala na niya ito. " Pambihira! inako niya ang trabaho ni Kristine tas ako ang pagagawain?! " pagtayo ni Leo habang asar na nakatingin sa panlinis rito. " Galingan mo sayang sinusweldo sayo " panunuya pa rito nila Grey asar naman siyang tumingin sa mga ito pero tinawanan lang nila. " Kristine!!! " tawag rito ni Jeremy habang tumatakbo sa direksyon nito, huminto naman ito at nakataas kilay ritong tumingin habang ang mga mata ay nagpipigil mahulog ang mga namumuo ritong tubig. " Usap tayo " pagpunas ni Jeremy sa mga luha nitong tuloyan nang nahulog pagkatapos ritong makarating ni Jeremy, tumango lang siya rito bilang sagot at ngayon sa may walang tao sila. " Alam ko sinadya mo yong ginawa mo kanina " " Alam ko at hindi ako nagsisisi doon! " " Pero Kristine dapat masanay kana doon sa nakita mo kanina " sabi pa rito ni Jeremy pero hindi na siya umimik pa. " Alam kong ayaw mo nong nakita mo pero Kristine... si Cindy ay gusto ni Aethan kaya dapat masanay ka nang makita silang magkasama " sabi nito agad para putolin na ng tuloyan ang kahibangan ng kaibigan niya kay Aethan. " Alam mong hindi ko kayang gawin yan! si Aethan ay sinulat ko na sa mga palad kong kami ay para sa isa't isa! " Titig nito kay Jeremy habang pinipigilan nitong maiyak kaua ganon na lang ang awa niya rito. " Alam ko yan pero ang akin lang gumising kana diyan dahil masasaktan ka lang at alam mong nasasaktan ako pagnasasaktan ka " " Alam ko namang kaya mo sinasabi yan e dahil gusto mo rin si Cindy at natatakot ka sa puwedi kong gawin sa kanya " natigilan naman si Jeremy sa sinabi nito. " Alam mong isa ka sa mga babaeng ayaw kong mawala sa buhay ko kasi bestfriend kita at sige, ganon nga sa sinabi mo ang isa sa dahilan ko pero iba ka pa rin kay Cindy at isa pa hindi mo naman kailangang magalit kay Cindy " tumingin naman rito si Kristine " dahil si Cindy ay minsan mo nang naging kaibigan o bestfriend dahil Kristine, siya si Julian " Sabi rito ni Jeremy pagkatapos hindi makapagpigil na ilihim rito ang totoong pagkatao ni Cindy habang nagbabakasakaling mabago ang isip ni Kristine pero no reaction lang si Kristine kaya nagtataka tuloy siyang tumingin rito. " sayo ko lang sinabi kaya sana wag mong ipagsabi sa iba at sana sa nalaman mo wag ka nang gumawa ng kahit anong bagay sa kanya " sabi oa nito pero natigilan si Jeremy ng tumayo si Kristine. " Sinasabi na nga ba mas pipiliin mo rin siya kaysa saakin! tsk! Pinagkaisahan niyo ako! nagsinungaling ka! " pagkasabi nun ni Kristine umalis na siya, ginawa niya yon para magmukha naman siyang kaawaawa kay Jeremy at para sa kanya ito kumampi pero hindi na siya sinundan pa nito. " sabi na nga bang hindi niya maiitindihan pero kasalanan ko rin naman dahil matagal ko nang alam pero di ko man lang nabanggit sa kanya " Nagi-guiltying paglalakad ni Jeremy. At ngayon nasa may tapat ng locker ni Aethan sila ni Cindy. " Ito lang ang meron dito " pagbibigay ni Aethan rito sa white t-shirt niya. " Hindi kaya ako mapagalitan ng mga teacher kung ito ang isusuot ko? Kung umuwi na lang kaya ako Aethan? " " Ako ng bahala doon " pagkuha ni Aethan sa pagkain pang nasa buhok ni Cindy habang naaawa ritong nakatingin " Mula ngayon iwasan mo si Kristine dahil hindi yon mabait " tumango naman rito si Cindy " Pasensya kana kung wala man lang akong nagawa kanina " naiinis nitong sabi pagkatapos maisip ang nangyari kay Cindy. " Wala ka namang kasalanan, sa totoo niyan dapat lang naman magalit saakin si Kristine " nagtataka naman siyang tumingin rito. " Usapan kasi namin aalis ako rito tas kakalimotan niya yong pagkatuklas niya sa sekreto ko pero hindi ako tumupad sa usapang iyon kaya hindi ko masisisi kung nagagalit siya saakin" malungkot nitong sabi. " Tsk! ano namang akala niya sa sarili niya para kontrolin ang buhay mo? Nandito ka para maging ikaw kaya wag mong hinahayaang kontrolin ka niya, buhay mo yan at choice mo kung anong puweding mangyari diyan, maliwanag?! " tumango naman rito si Cindy. " Salamat " pagngiti na rin nito. " Sige na, magpalit kana, sa classroom na lang kita hihintayin okay lang ba? " " Oo " At pagkatapos non pumunta na nga sa rest room ng mga babae si Cindy para magpalit ng pang itaas hindi rin kasi ganon narumihan ang palda niya pero may mga nalagay rin dito pero natakpan din ng white t-shirt na sinuot niyang kay Aethan na mas malaki sa kanya pero nagulat siya ng buksan niya ang pinto ay bumungad rito si Aethan, magkatabi rin kasi ang mens rest room. " Akala ko pumasok kana? " " Papasok na sana ako kaya lang bigla kong naisip ba baka makita ka ni Kristine " " Hindi naman ako bata " " Hindi ka nga bata pero hindi ka naman lumalaban " " E kasi nga hindi na ako bata, ang pag-aaway ay para lang sa mga bata " tingin rito ni Cindy. " Pero iba naman yong sinasaktan kana dapat ipagtanggol mo rin ang sarili mo " " Wala naman itong ginagawa saakin ni Kristine kumpara sa mga pinagdaanan ko sa buhay " ngiti nito kaya tumahimik naman si Aethan " E Aethan alam mo ba kung bakit ganon si Kristine? " Tanong ni Cindy para alamin kung alam ba ni Aethan ang nararamdaman rito ni Kristine. " Oo at wala akong pakialam doon, halika na nga " paghawak ni Aethan sa braso ni Cindy at naglakad na sila. " Maganda naman siya ah, mayaman, at gustong gusto ka bakit hindi na lang siya ang gustohin mo? " natigilan si Cindy ng biglang tumigil sa paglalakad si Aethan at humarap rito kaya napaatras siya ng isang hakbang pagkatapos makita ang mga tingin rito ni Aethan, ganito yong mga tingin niya rito nong unang pagkikita nila. " Tanong ko lang naman " pilit nitong ngiti, nakakatakot kasi yong mga ganitong tingin ni Aethan pero natigilan siya ng biglang yumuko rito ni Aethan at tinitigan siya. " Hindi ko siya gusto dahil hindi siya ikaw " titig nito kay Cindy " Kung magiging siya ikaw, bakit hindi? " pagngiti na rin nito kay Cindy at hindi naman siya makakilos ganon pala ang mukha ni Aethan sa malapitan at kapag ngumiti. " Halika na nga " paggulo nito sa buhok ni Cindy at doon na rin siya natauhan pagkwan naglakad na nga sila papasok at hindi nagtagal natapos ang klase. " Magkasama na naman sila " Usapan ng mga istudyante o yong mga kontrabida sa buhay ni Cindy. " sinasagad talaga ako ng babaeng yan bwesit! "napalingon silang lahat ng magsalita si Kristine at mayamaya kumunot sila nang noo. " Tsk! Well, well, well yon na ba ang sinasabi mong isasampol mo kay Cindy sa ginawa mo kanina? " nakacross arm ritong tanong ng mga fans nila Aethan at Jeremy. " Tsk! Nagmukha siyang prinsesa kanina dahil sa ginawa mo parang mga prinseping nag-unahan sa pagtanggal ng polo sina Jeremy dahil sa pambubully mo kay Cindy, Oo! ganon ang dating para kang kontrabida sa isang fairytale at si Cindy ang prinsesa " " Yes! mamaya tayo pa ang magmukhang kontrabida rito e " sunod sunod nilang sabi rito, hindi na nga makasingit si Kristine. " Oo dapat kasi Kristine ilugar mo ang galit mo " sabi nila rito na halatang hindi nila nagustohan ang ginawa nito. " At ako pa talaga ang tinuruan niyo?! tsk! Tama kayo! ako ang kontabida sa buhay ni Cindy at hangga't isinisiksik niya ang sarili niya kay Aethan hindi siya magiging masaya! yong ginawa ko, wala lang yon sa mga susunod pang mangyayari kaya kalma lang kayo okay?! " " Sigurado ka? E bakit ata parang naagaw na rin niya sayo ang bestfriend mo? " pagtukoy nila kay Jeremy. " Si Jeremy? tsk! yan ang sinisigurado kong hinding hindi mapupunta sa kanya at saka mahal na mahal ako ng bestfriend ko, ako ang pipiliin nun kanino man at sa totoo niyan yan ang ginagawa ko ngayon ang palayoin siya sa bwesit na babaeng yon! Kaya kayong may gusto sa kanya you can celebrate in advance! " " Okay, we will rely on that! " ngiti nilang maldita at mga ilang minuto nakita nilang pumupunta sa direksyon nila si Jeremy. " Our prince " napalingon naman si Kristine sa tinutukoy nila at agad siyang nagpaalam sa mga ito ng makita niyang si Jeremy. " Sige, mauna na ako " mabilis nitong pag-alis. " Kakausapin ka ata " " Hayaan niyo siyang humabol may kunwari kunwari siyang kasalanan saakin kaya kunwari kunwari rin akong may tampo sa kanya " natawa naman sila sa sinabi nito. At yon umalis na nga siya at huminto naman si Jeremy sa grupong ito ng mga babae . " Why Jeremy? " tanong nila pero umiling lang siya sa mga ito. " Bukas ko na nga lang kakausapin baka iwan pa ako ni Cindy " bulong nito pagkatapos mapansin ang oras, napataas naman sila ng kilay pagkatapos marinig ang sinabi ni Jeremy at yon pumunta na nga siyang gate. " Bakit ka ba nagpahintay? " tanong agad rito ni Cindy. " Sasabay ako sainyo " " Alam ko kung anong iniisip mo at hindi puweding bisitahin ng gabi si Cindy at isa pa ano bang kukunin mo doon? " Natigilan si Aethan ng sumakay na ito sa sasakyan nila. " E Jeremy tama yong sinasabi ni Aethan pagfree time kana lang dumalaw gabi na e " sabi rito ni Cindy pero natigilan sila nang ipakita rito ni Jeremy ang isang susi. " Kapit-kwarto na tayo " Gulat na gulat naman si Aethan sa sinabi ni Jeremy. " ANO?!!!! " " Oo, kaya pasakay muna sa sasakyan mo, ngayong araw lang! " ngiti nito " 'Lika na Cindy" paghila niya rito. " Totoo Jeremy nasa labas kana rin ng school? Pero paano yon? " tanong ni Cindy at ngayon nasa may byahe na sila at si Aethan hindi niya maiwasang mainis tuwing maiisip na magkatabi ng kwarto itong dalawa. " Kinausap ko si Mommy at noong una ayaw pumayag kaya sabi ko maglalaslas ako paghindi siya pumayag " " Huh?!!! Masama yon Jeremy " gulat ritong sabi ni Cindy. " Syempre joke lang pagginawa ko yon hindi na kita makikita " pagngiti nito " Sinabi kong patataasin ko ang grade ko pumayag lang siya, ayon pumayag naman " " Kaya mo ba? " Pakikisali ni Aethan. " Sus! sisiw lang basta kasama kita! " lingon nito kay Cindy kaya masama namang tumingin rito si Aethan at si Cindy natawa na lang siya sa sinabi nito. " naku! magpapaturo kana naman noh?" sa sinabing yon ni Cindy hindi napigilang matawa ni Aethan ganon din yong driver, syempre kakampi ito ni Aethan. " Ah, hindi naman yon ang ibig kong sabihin Cindy pero parang ganon na rin " pagbibiro ni Jeremy kaya nagkaroon tuloy sa kanila ng tawanan at mga ilang minuto dumating na rin sila. " Hindi na ako sasama sa loob Cindy pero yong rules natin wag mong kakalimotan! " tumango naman rito si Cindy. " Oo, sige na " " Sige na mauna ka nang pumasok " Natigilan si Aethan ng biglang akbayan ni Jeremy si Cindy. " Jeremy! " agad naman niyang tinanggal ang kamay niyang nakaakbay rito sa sama ng tingin rito ni Aethan. " Sorry, halika na nga Cindy " Paghawak niya sa braso nito asar na asar namang nakatingin sa kanila si Aethan. At nong mawala na sila sa paningin niya saka siya pumasok sa sasakyan. " Mukhang may karibal kayo Sir ah " hindi naman umimik si Aethan sa sinabi ng driver niya " Ang payo ko lang Sir dapat manligaw na kayo " sabi pa nito at mga ilang minuto bago nagsalita si Aethan kaya gulat na gulat tuloy ang driver ng bigla siyang magsalita. " May asawa kayo diba? " " Oo, may anak din po akong dalaga, ka edad niyo po " makahulogan pa nitong sabi. " tsk! asawa niyo ang tinanong ko hindi anak " naasar nitong sabi "Manong paano ba manligaw?" naasar si Aethan ng bigla itong tumawa. " Never mind " pagcross arm nito. " Dapat po alam niyo ang gusto at ayaw niya tas yon ang gawin niyo para magkagusto siya sa inyo at dapat po suyoin niyo siya pero dapat alam niyo yong mga ginagawa niyo, ayaw nang mga babae ng lalaking nambubula o yong mararamdaman nilang hindi ka nagsasabi ng totoo, dahil ang mga babae ay higit pa yan sa imbestigador bawat kilos mo pinag-aaralan nila at pagmay makita silang mali sayo maaaring maging dahilan yon para bastedin ka nila " mahabang sabi ng driver mariin naman siyang nakikinig rito. " Ganon ba yon? " " Oo pero kahit naman hindi na kayo manligaw paniguradong kahit sino magkakagusto sainyo " " Sana nga po ganon na lang yon " paghinga ni Aethan ng malalim at doon na naputol ang pag-uusap nila. " Pumasok kana Cindy " pagpasok ni Jeremy sa kwarto niya, sumunod naman rito si Cindy. " Ibig sabihin dalawa lang ang pagitan natin sandali Jeremy bakit ka ba sa labas pa tumira kung ako ang papipiliin doon na ako sa school " " Pagdoon kasi limitado lang kita makita pero pagdito kahit anong oras " " Sus! para namang sino na ako niyan " pagbibiro ni Cindy nang hindi naiitindihan si Jeremy. " Nga pala ano ba yong sinasabi ni Aethan, yong tungkol sa rules niyo? " " Ah yon ba, bawal magpatulog ng lalaki sa kwarto " sabi nito agad. " Maganda nga yon Cindy akala ko ano ng rules yon" pagngiti nito " nga pala dito kana kumain ah, sabay tayo " sabi rito ni Jeremy. " Huh, pero___ " " Edi! sayo na lang ako kakain kung ayaw mo, wala pa kasi ako nakaluto " pagtawa ni Jeremy. " Sus! paglulutoin mo lang pala ako " " Hindi naman sa ganon gusto lang kita makasabay kumain kung gusto mo sabay na lang tayo magluto para na rin maturuan mo ako alam mo kasi mga simple lang ang alam kong lutoin kaya dapat pagmay free time tayo turuan mo ako, sandali ikaw marunong ka ba? " " Aba Oo naman, kahit anong lutoin pa yan " pagmamayabang niya rito " Sige, magpapalit muna ako babalik lang ako " pagkasabi niya nun nagpalit na nga siya and after a minute bumalik na rin siya. At yon nagluto na nga sila. " Ay! ano ba yan Jeremy dapat wag mong masyadong kapalan yong paghiwa mo sa sibuyas " sigaw niya rito. " Sinsya na di ako marunong e" " nipisan mo lang kasi " Natatawang sabi ni Cindy habang tinitinganan ang paghiwa ni Jeremy sa sibuyas pero natigilan siya ng nakangiti ritong nakatitig si Jeremy. " Bakit may nakalagay ba sa mukha ko? " " Alam mo ba noong ikaw si Julian tuwing ngumingiti ka nababaliw ako sa kaiisip kung bakit nagmumukha kang babae sa paningin ko " pagngiti ni Jeremy " " Pasensya na kung linuko ko kayo " pagseryoso ng mukha ni Cindy. " Hindi yon ang ibig kong sabihin, magluto na nga tayo " ani Jeremy bago oa maiba ang usapan nila. " Mabuti pa nga kung ano anong sinasabi mo e " Pagluluto nila at ang ingay lang nila habang ang lakas ng tawanan nila, si Jeremy kasi takot rin sa pagprito yong pagtalsik ng mantika basta grabe ang sigaw nito halos sumakit na nga ang tiyan ni Cindy sa kakatawa rito. " Nakakatakot talaga " pagtatalon pa nito. " Ako na nga " " Wag, okay ng matalsikan ako " "sus! sanay ako sa ganyan Jeremy hindi naman ko tulad niyo na anak mayaman na walang alam sa gawaing bahay " " O sige kung mapilit ka " iaabot na sana rito ni Jeremy pero natigilan siya sa sunod na sinabi ni Cindy. " Pero bakit ganon si Aethan ang daming alam sa buhay pati pagluluto hindi pinalampas siguro ganon talaga pagmatalino ka noh? " namamangha nitong sabi kay Jeremy. " Kaya ko namang magluto ah hindi nga lang ganon kagaling, sige na, ako nang bahala rito maghanda kana lang sa mga gagamitin natin " " Hindi, ako na " " Ako na, kaya ko ito " " Sigurado ka? " tingin rito ni Cindy kung makikipag argue kasi siya rito baka hindi na sila matapus magluto. " Oo, sisiw lang ito " sabi nito sumunod naman rito si Cindy " Sandali, Cindy nakatulog ba rito si Aethan sa kwarto mo? " usapan nila habang nagluluto, umiling naman rito si Cindy. " Wala, yon nga ang rules namin" napangiti naman si Jeremy sa sinabi nito at pagkatapos nilang magluto ay kumain na sila at nang matapos sila nagpaalam na rin si Cindy. " Mula ngayon mag-aaral na ako gabi gabi malay mo maging kasing talino ko si Aethan at isa pa yong pangako ko kay Mommy paghindi ko yon nagawa ibabalik niya ako sa school at mapapalayo na ako nun kay Cindy tsk! dapat masabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko kahit malaki ang chance ni Aethan kumpara saakin para kahit makabalik ako sa school sigurado akong pagmamay-ari ko na siya pero sige lang, wala naman sa bokabularyo ko ang sumuko tsk! si Jeremy Sanfuente kaya ito! hindi pa nababasted " mayabang nitong sabi " Tsk! hindi pa nababasted dahil wala pa namang naligawan "' walang pag-asa nitong sabi pagkwan kinuha nito ang bag niya para mag-aral at natigilan siya ng kunin niya ang ballpen niya ng maramdaman niyang may phone sa bag niya kaya agad niya itong kinuha. " Hindi ko nga pa pala ito naibibigay kay Kristine " napangiti si Jeremy sa naisip niya " Tama, ito ang gagawin kong paraan para kausapin ako nun panigurado hinahanap niya ito" pagkwan pinaandar niya ito para tingnan kung lowbat ba ito at mukha agad ni Aethan ang bumungad rito sa desktop wallpaper nito. " Adik talaga " natatawang sabi ni Jeremy habang tinitingnan ang laman ng phone ni Kristine. " Akala mo naman itetext ni Aethan " Napapailing na lang siya habang tinitingnan ang loob ng phone nito hanggang sa dalhin siya nito sa mga videos ng phone nito puro kay Aethan, naglalakad sa pathway, sa field, sa canteen , basta lahat videos ni Aethan ang laman nito pero natigilan sa pagscroll sa video si Jeremy ng makita niya ang mukha ni Cindy o yong video nila rito nong paaminin nila. " Si Julian ito ah " Pagkwan pinanood niya ito at napakunot siya ng noo nang makita ang pamimilit rito nila Jacob na umamin, yong paghawak niya rito sa mukha habang pigil pigil ni Julian ang luha niyang mahulog at sa galit at awa ni Jeremy hindi na niya ito nagawa pang panoorin kaya hindi na niya nakita ang ginawa sa kanya ni Kristine o ang pakikipagsabwatan niya sa mga ito. " Kung ganon si Jacob pala ang dahilan kaya nabuking si Julian?! tsk! gago yon ah! ang kapal ng mukha para takotin si Cindy o hawakan siya tsk! Lagot talaga saakin bukas ang hayop na yon!!! " Inis na pinatay ni Jeremy ang cellphone at natulog, hindi na nga ito nakapag-isip pa ng matino sa inis nalimotan nito ang pag-aaral niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD