" Cindy " pagkatok ko sa kwarto ni Cindy pagkatapos ko itong daanan, agad naman niya itong binuksan at pinapasok ako.
" Tapos kana ba? " Tanong ko pa rito.
" Katatapos lang mamaya mauna namang dumating si Aethan e " Pag-upo nito para magsuot ng medyas.
" Maaga ba siya pumupunta rito? " katatapos ko lang magtanong ng may marinig kaming kumatok.
" halika na nandiyan na siya " mabilis ko namang hinablot ang bag niya sa sinabi niya.
" Akin na yang bag ko " pagkuha nito saakin pero iniwas ko ito sa kanya.
" Ako nang magdadala " ngiti ko rito pero masama siyang tumingin saakin.
" kaya ko naman Jeremy " isa talaga ito sa dahilan kung bakit gusto ko si Cindy, hindi kasi siya yong klase ng babaeng gustong gustong bini-baby.
" Ako na, magaan naman e " pag-iwas ko pa rito sa bag.
" Yon na nga " pilit niyang pagkuha rito " Jeremy akin na " pagtiptoe pa nito para abotin pero tinaas ko rin naman kaya na out balance siya at natumba ito saakin at sa gulat ko hindi ko napahiga kami sa sahig at pambihira hindi ako makatitig sa kanya lalo na nong maramdaman ko ang hininga niya.
" Ano yan?!! " dinig kong sabi ni Aethan ng bumukas ang pinto, agad namang kinuha ni Cindy ang bag at tumayo.
" Sabi kasing akin na " pagtingin nito saakin habang tulala pa rin ako sa nangyari samantalang sa kanya halatang wala lang yon.
" Tumayo kana diyan " Pagbibigay nito sa kamay niya para tulongan akong tumayo pero bago ko pa ito maabot agad hinila ni Aethan ang kamay niya.
" Kaya niyang tumayo, halika na! " Sa sinabing yon ni Aethan nagising na rin ako at mabilis na sumunod sa kanila bago pa ako malock sa loob.
" Ano ba yong ginagawa niyo kanina? " Pagtatanong ni Aethan habang naglalakad sila di pa kasi ako maka recover sa nangyari kanina kaya ito nahuhuli ako.
" Na out balance ako kaya ayon natumba kami ni Jeremy " paliwanag nito at nagulat ako ng bigla siyang bumalik saakin
" hindi ka naman nasaktan Jeremy? "
" Huh, hi-hindi naman "
" Buti naman kanina ka pa kasi tahimik " nagtataka niyang tingin saakin " tumalikod ka " utos pa nito saakin, sumunod naman ako rito kahit hindi ko alam anong dahilan at mamaya naramadaman kong hinipo niya ang likod ko.
" Nalagyan ng kunting alikabok pero natanggal naman " sabi nito kaya naman pala sa may labasan kasi kami natumba which is doon na tinatanggal ang mga sapatos pero natigilan ako ng biglang dumiin ang pagkakahipo niya rito parang hampas na nga.
" Okay na! " sabi ni Aethan kaya naman pala hampas na ang nararamdaman ko dahil siya ang gumagawa at ilang araw ko nang napansin na pinagdadamot ni Aethan si Cindy, kailangan ko na talagang humingi sa kanya ng permesong liligawan ko siya para hindi na ito naipagdadamot ni Aethan saakin mamaya maging sila at paniguradong wala na akong pag-asa nun.
" Halika na malilate na tayo " Pagpapasakay rito ni Aethan sa kotse at bago pa ako makapasok sa loob agad sinara ni Aethan ang pinto at binuksan niya ang window.
" Nakita kong nakapark diyan ang motorbike mo kaya yon na ang gamitin mo, masikip dito sa loob " magsasalita pa sana ako kaya lang pinaandar na ito ng driver at iniwan aki, pambihira gusto lang niyang solohin si Cindy e dapat makagawa ako ng paraan ng hindi na niya ito naihahatid tsk! ang sama ng tingin ng mga fan ni Aethan sa kanya dahil sa hatid sundo nito rito paniguradong ganon din ang mangyayari sa mga humahanga saakin kung ako naman ang hahatid sa kanya pero kung magsasabay lang kami wala naman sigurong problema doon, pagtingin ko sa nakabisekletang lalaking dumadaan sa may left side sa totoo niyan medyo malapit rin naman ang school dito sa condo mga 15 minutes gamit ang bisekleta mararating na ito gamit ang short cut way na itong dinaanan nga ng lalake.
" Si Jacob nga pala " natigil ang pag-iisip ko bigla ng maisip ko si Jacob kaya agad kong sinakyan ang motorbike ko at pumuntang school at pagkarating ko dumiretso na ako sa room nila Jacob hindi na muna ako pumasok buong gabi kasi akong hindi pinatulog ng gagong Jacob na ito at hindi siya si Cindy para gawin yon saakin.
" Jeremy!!! " sigawan ng mga babae sa department nila ng makuta ako agad naman akong ngumiti sa mga ito iwan ko ba akala mo lang artista ako, e napaka-bobo ko naman pero sa bagay ang guwapo ko nga rin naman, support na lang kayo readers.
" Sina Jacob? " tanong ko ng hindi ko sila makita doon l, agad naman nilang sinabi saakin na sa may grand stand ang mga ito kung saan ito daw ang madalas nilang tambayan.
" Doon sila madalas tumambay pagwala pa kaming klase, nagpapractice kasi sila ng basketball as well as nagpapahangin na rin " pagkasabi nun nang kaklase niyang babae umalis na ako at sakto nga nakahiga ang mga ito sa mga hagdan doon habang nakatingin sa taas hindi kasi marumi ang grand stand, actually wala masyadong nagpupunta rito.
" Si Jeremy " pagtayo nila at gulat na gulat sila ng bigla kong kuwelyohan ng damit si Jacob at nanggagalaiting nakatingin rito gustong gusto ko na nga itong upakan pero hindi niya pa nasasabi ang side niya kaya hindi ko kayang manakit ng walang tamang dahilan, hindi ako ganon.
" Whoaaa! ang aga aga ang init ng ulo mo " tawanan nila habang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kuwelyo ng damit nito pero natigilan sila ng patulak kong bitawan si Jacob kaya napasandal ito sa hakbangan ng hagdan.
" Ipaliwanag mo yong napanood ko sa phone ni Kristine at siguradohin mong tama ang mga sasabihin mo dahil wala akong pakialam maalis rito sa oras na malaman kong tama lahat ng iniisip ko sa ginawa niyo kay Cindy!! " Nakita ko naman ang pag-iwas ng tingin saakin nang mga tropa nito pagkatapos kong banggitin abg pangalan nito.
" Dahil kay Cindy?" sarcastic nitong tingin saakin " Ano bang meron doon? si Aethan at ngayon si Jeremy the Sanfuente Legatees ay nababaliw na rin ba sa kanya? " Natahimik siya ng bigla kong hilain ang kuwelyo ng polo niya at sa lakas nun bumigay ang isang botones nito, nang-aasar pa eh.
" Magpapaliwanag ka ba o pagsasalitain kita? " Ang hirap magpigil sa isang ito.
" Ano bang ipapaliwanag ko? Kung bakit kami nandiyan sa video? O bakit hindi namin sinabi sayong babae siya? " Napa-upo si Jacob ng tamaan siya ng kamao ko tsk! sinabi ko na kasing sumagot siya ng tama, agad namang umaksyon ang mga bata niyang sa ano mang oras ay igaganti nila si Jacob.
" Si Jeremy yan " tayo nito at kumalma naman ang mga 'toh at alam ko na kung bakit dahil kaibigan ko si Kristine ang babaeng kinababalewan niya kaya nagpapaganda ng imahe.
" Ano bang gusto mong malaman? " tingin nito saakin.
" Bakit pati si Julian ginalaw niyo? Bakit kailangan hawakan niyo siya?! Sinong nagbigay permiso sa inyong takotin siya ng GANON!!!? " sigaw ko sa galit sa mga ito, kitang kita ko kasi yong takot sa mukha ni Cindy sa mga oras na hinawakan siya ni Jacob.
" clear! Malinaw! Nagagalit ka dahil sa ginawa namin at tama lang na maramdaman mo yon pero Jeremy talaga bang si boss ang puntahan niyo? Tsk!tulad mo nagmamahal rin siya kaya niya yon nagawa " pakikisali ng tropa niya.
" Tama na yan! " saway ni Jacob sa kasamahan niya.
" E boss sobra na itong magkaibigan na ito, alam kong mahal niyo ang kaibigan niya pero hindi tamang magpa-bugbog kayo sa kanila " Naiinis na sabi ng kasama nito at alam kong patay na patay itong boss niya kay Kristine kung hindi lang siguro ako bestfriend nito baka kanina pa gumanti saakin ang mga ito.
" Anong ibig niyong sabihin? "
" Wag mong sabihing hindi mo tinapos panoorin? " tingin nila saakin pagkwan lumapit yong isa sa kanila saakin.
" Ginawa namin yon dahil yon ang utos ng bestfriend mo! " pakiramdam ko tumigil ang mundo ko sa sinabi nila, panigurado niluloko lang ako ng mga ito tsk! kilala ko ang bestfriend ko at inosente yon.
" Taposin mong panoorin para makita mo ang totoong nanakit sa mahal mo at tingnan natin kung magkaganyan ka pa " Pagkasabi nila non umalis na sila at wala naman akong magawa kundi sumunod sa sinabi nila.
" Kilala mo naman si Kristine at iba ang tama nun kay Aethan kaya intindihin mo na lang siya " pagtapik saakin ni Jacob at umalis na ito at ako ito tulala at hindi ko alam kung titingnan ko ba ulit ang video o wag na lang dahil natatakot ako sa puweding makita ko rito hindi puweding matagal na akong linuluko ng bestfriend ko dahil hindi siya ganon, isip bata siya kaya imposibleng maisip niya ang mga ganon.
AETHAN'S POV:
Kanina pa palingap lingap si Cindy siguro hinahanap nito si Jeremy, second period na kasi pero wala pa siya.
" Asan na si Jeremy? " tanong na nga nito saakin.
" Hayaan mo na siya baka late lang o tinamad pumasok " sabi ko rito, tumahimik naman ito habang nakatingin sa upuan ni Jeremy at mga ilang minuto may dumating na estudyante saamin kung hindi ako nagkakamali forth year na ito.
" May meeting si Sir Dem kaya pinapasabi niyang pumunta kayo sa Gymnasium at maglaro nang sport para practice na rin sa mga sinalihan niyong club " sabi ng forth year student pagkatapos nito ay nagpaalam na siya.
" Aethan meron rin bang basketball girls dito? "
" Oo, basketball pa rin ba kukunin mo? " tumango naman ito saakin, ito yong ugali niya nong Julian pa siyang ayaw kong ginagawa niya dahil nagmumukha siyang babae sa paningin ko. Sa totoo lang hindi naman ganon kaganda si Cindy pero attractive siya, ang cute ng mga kilos niya, ang amo amo ng mukha niya, kapag ngumingiti siya para siyang anghel parang damang dama mong mabait siya.
" O bakit nakatunganga ka diyan?" Nagising naman ako sa pagtatanong niya kaya bigla akong natawa at ginulo ang buhok niya pagkatapos kong maisip na nakatulala ako rito.
" Bakit ba ang hilig hilig mo manggulo ng buhok " masama nitong tingin saakin pero ang cute lang niya.
" Lahat ba ng mga taga probinsya kapareho mo ng ugali? " napatingin naman ito saakin.
" Bakit ano bang ugali ko? " Pagkwan tinuro ko rito yong salitang child sa may chart sa pathway.
" Aba mas okay naman yon kay sa naman sa isa diyan na kung kumilos akala mo may mga apo na sus! nasobrahan ang kamaturan " pang-aasar din nito saakin.
" So , ano yon late ka mag-isip at advance ako? " natatawa kong tingin rito kitang kita ko naman yon pagkagat niya sa ibabang labi niya saka tumingin saakin.
" Para naman akong abnormal non ah! " mahina nitong sigaw saakin at hindi ko na talaga napigilang matawa ganito pala pagnaiinis ito.
" Anong meron? " Pag-akbay bigla saakin ni Grey pero tinanggal niya rin yon agad ng tumingin ako rito.
" Ikaw Cindy ah, nagsosolo na kayo ngayon ni Aethan " Pagbibiro nila rito.
" Tsk! ang aga aga kung ano nang pumapasok diyan sa ulo mo " Masama nitong sabi kay Leo " Nga pala nakita niyo si Jeremy? " Tanong nito agad.
" Yan nga sana ang itatanong namin sayo kahit bobo yon hindi yon mahilig mag-absent ngayon pang may inspiration siya sa school " Makahulogang ngiti ni Leo kay Cindy.
" Ayiiieeee " Panunuya pa nila rito pero nagtataka lang tumingin si Cindy sa kanila habang umiiling pero mayamaya natigilan siya ng mapansin niyang pinagtitinginan kami sa daan.
" Cindy anong piling na may Aethan at Jeremy? " tanong pa nila Grey.
" Ano bang pinagsasabi niyo!? " asar nitong lingon sa kanila kaya tumigil na din sila, Ako naman nagpigil lang akong tumawa sa totoo lang ang cute niya talagang magalit. At yon nauna na nga itong maglakad papuntang gymnasium.
" Oiii Cindy hintayin mo naman kami " sigaw pa nila rito pero parang wala siyang narinig at patuloy na naglakad pagkwan naglakad na rin sila ng mabilis para sundan ito pagkwan lumiko sila kung saan yon na ang daan papuntang gymnasium pero nagtataka ako ng makita ko silang nagtatago sa may pader ng hindi ko alam kung ano ba itong tinitingnan nila para hindi pumasok at manilip rito pero hindi ko na yon pinansin at dumiretso ako sa loob habang iniisip ano itong tinitingnan nila at pakiramdam ko may kumorot sa dibdib ko nang makita kong kayakap ni Jeremy si Cindy pero nong mapansin niya ako agad niyang tinanggal ang pagkakayakap niya rito saka may sinabi siya rito at hindi ko alam pero naiinis ako nong tapikin siya ni Cindy, tsk! hindi ko gusto ang nakikita ko kaya naglakad na ako papunta sa mga kaklase ko well, wala rin namang makakakita sa kanila kasi wala pang masydong tao sa kanatatayuan na at isa pa sa baba sila at natatakpan yon ng isang pader.
" Anong ginagawa niyo?! " sigaw ko sa ilan sa mga kaklase kong nakaupo lang nang walang ginagawa, pambihira ang sama ng pakiramdam ko.
Someone's POV:
Mabilis namang kinuha ng mga students ang bola at naglaro.
" Mukhang matindi ang labanan sa puso ni Cindy ah " bulongan pa nila Grey habang nakatingin kay Aethan na halatang hindi maganda ang pakiramdam ayon sa mga kilos nito.
" Pero exciting " Ngiti ng mga ito " Ang genious ng School at ang Jeremy ng empire university ay nagkagusto sa iisang babae, sa tingin niyo sino ang pipiliin ni Cindy? yong tulad ni Aethan na alam ang lahat na medyo may pagkaboring o ang tulad ni Jeremy na walang alam pero siguradong hindi mo mararamdaman ang paglipas ng oras sa bawat segundong magkasama kayo " Usapan pa ng mga ito.
" Kay Jeremy ako pupusta dahil medyo pareho sila ng ugali ni Cindy panigurado magkakasundo sila, perfect match " Ani Leo na sinang ayonan ng ilan sa kasamahan nila.
" Basta ako kay Aethan, mas romatic yong magkaiba ng personality at saka panigurado namang si Aethan ang sasagotin niya tsk! Na kay Aethan na kasi ang lahat, dream match " Ani Grey na may sumang-ayon din sa kanya.
" Hoy! Anong ginagawa niyo? " Napatingin sila ng sabay sabay kay Jeremy nang bigla itong pumunta sa harapan nila pagkwan hinanap nila si Cindy at nasa baba na ito habang naglalaro.
" Wala, ano yong payakap yakap mo Jeremy? Nakita namin yon ah " panunudyo agad nila rito.
" Tsk! Hindi na naman siguro niyo pinaliguan ang mga utak niyo " Pagkasabi nun ni Jeremy bumaba na din siya sa direksyon ni Aethan para maglaro ng basketball at gaya dati ganon pa rin ang process ng practice nila, si Cindy naman nasa volleyball girls wala kasing nagpapractice na basketball girls bihira lang kasi ang naglalaro non dito sa school nila.
" Tumabi ka nga! " Pagbangga nong kaklase ni Cindy sa kanya pero hindi siya nagpaapekto rito dahil alam naman niyang kahit sa mga kaklase niya maraming may ayaw sa kanya.
" Excuse me, puwedi bang mamaya kana pumasok nakikita mo na ngang complete players na tsk! saka ka pumasok pagmay magpapa-sub o magpapahinga" Ani Nica, ang klasmet niyang may crush kay Jeremy at kaya siya ganito dahil nagseselos ito pagkatapos makita ang pagyayakapan ng dalawa kanina.
" sige " pagkasabi nun ni Cindy tumabi siya sa ilang mga kaklase niya ring babae.
" Hayaan mo na sila tsk! panigurado naiinggit yan sayo " Napatingin naman si Cindy sa kaklase niyang nagsalita at muntik na siyang mapatayo ng makitang ito yong may crush sa kanya nong si Julian pa siya.
" Anne Jie but you can call me Jie " pakikipag kamay rito ng may crush sa kanya dati.
" Cindy " pag-abot niya rito.
" Mag-iingat ka sa mga estudyante rito sa tingin ko pinag+iinitan ka nila, e kasi naman ang haba ng invisible hair mo "
" Anong ibig mong sabihin? "
" Tsk! obvious namang gusto ka ni Jeremy at Aethan at isang malaking honor yon pero isa ring malaking sakuna sa buhay mo hangga't nandito ka sa empire university " Napaseryoso naman ang tingin rito si Cindy.
" Pinag-iinitan ka ngayon sa campus dahil sa bagay na yan basta mag-iingat kana lang lalo na kay Kristine, the obssess inamonato of Aethan at yang si Nica malaki rin kasi ang tama niyan kay Jeremy " paliwanag rito ni Jie.
" Huh, pero hindi naman ako gusto ni Jeremy magkaibigan lang kami " Nainis siya ng tingnan lang siya ni Jie ng nang-aasar.
" Hoy! Cindy pumasok kana! " agad namang tumayo si Cindy sa sinabi ng mga naglalaro at agad siyang pumuwesto at kararating lang niya rito ay bigla niyang narinig na sumigaw si Jie.
" Ilag Cindy!!!!! " pero bago pa niya magawa ang sigaw rito ni Jie ay sapol agad sa left head niya yong bola at sa lakas nun napaupo siya siya.
" tatanga tanga ka kasi " sigaw ng mga kaklase niya saka nila pinag-umpokan para pagtawanan.
" Cindy kasasabi ko lang sayong mag-iingat ka diba? " pagpunta rito ni Jie habang tinitingnan yong tinamaan sa kanya ng bola at biglang nagsialisan ang lahat nang lumapit si Aethan at Jeremy o ang boys.
" Anong nangyari? " Nag-aalalang pag-upo ni Aethan para tingnan ang ulo nitong hawak hawak ni Jie.
" Pinatamaan, I mean tinamaan ng bola si Cindy " ani Jie saka masamang lumingon kay Nica at ganon naman ang asar ni Jeremy sa sinabi nito.
" Okay ka lang ba? " tanong rito ni Aethan.
" Pumunta kaya tayong clinic Cindy? " Paglapit rin rito ni Jeremy umiling naman rito si Cindy at tumayo.
" Pupunta na lang muna akong banyo " Pagkasabi nun ni Cindy naglakad na siya at sa totoo lang nahilo siya nong tamaan siya ng bola kaya nga ito napaupo at gustong gusto niyang hawakan ang ulo niya ngayon pero ayaw niyang isipin nila na nasasaktan siya sa ginawa nila o sa kung ano pa mang gagawin nila kaya naglakad na ito habang nagkukunwaring walang nangyari pero ang totoo magbabanyo ito para ilabas ang sama ng pakiramdam niya.
" Dapat kasi alert siya " Gulat na gulat si Nica ng biglang paloin ni Jeremy ang bola kung saan muntik ng tumama sa kanya at sinadya iyon ni Jeremy na hindi itama sa kanya bilang babala pero kung lalaki lang si Nica kanina pa siguro siya tinamaan kay Jedemy.
" Alam kong hindi aksedente yong nangyari kay Cindy at sa oras na mahuli ko sa akto ang sino mang mananakit kay sa kanya humanda siya saakin! " Seryosong sabi ni Jeremy saka asar na umalis habang nakatingin kay Nica na para bang gustong gusto niya itong kainin ng buhay at si Aethan naman tahimik lang pero sa totoo lang nagpipigil lang din siya ng galit hindi niya kasi maparusahan si Nica kahit alam niyang siya ang may gawa nun, ayon kasi rito hindi yon sinasadya kaya as an SSG President kailangan patas siya sa kanila kung wala siyang sapat na ebidensya.
SAMANTALA nandito ngayon sa banyo si Cindy habang nakaharap sa salamin at pinipigilang mahulog ang mga luha sa mata niya pagkwan huminga ito nang malalim at ngumiti sa harapan ng salamin saka lumabas at nagulat siya ng nandon si Jeremy.
" Punta tayong clinic " Nag-aalala nitong sabi rito, ito nga kasi ang anghel dito sa school.
" Bakit naman? " Ngiti nito rito para itago ang sakit na nararamdaman niya.
"Alam kong nasaktan ka kaya halika na " Pagkuha nito sa braso ni Cindy at naglakad pero mabilis nitong tinanggal ni ang pagkakahawak niya rito.
" Sus! para bola lang " kunwaring tawa nito " Wala yon saakin Jeremy at saka hindi naman yon sinasadya, isa pa sinasabi ko sayo walang wala itong pinagdadaanan ko kumpara sa pinagdaanan ko sa buhay, naranasan ko ngang matulog lang sa may kalsada dahil sa paghahabol saakin ng mga pinagkakautangan ni Papa kaya walang wala ito saakin wag kang mag-alala" Pagpapalakas nito sa loob niya saka tinapik sa braso si Jeremy kaya naglakad na sila pabalik sa gymnasium.
" Halika na" Paglalakad nito at pagkarating nila wala ng may nagkusa pang tumingin kay Cindy, natakot sila sa banta ni Jeremy at si Aethan naman titig na titig rito nang makarating sila na halatang nag-aalala pero nang ngitian ito ni Cindy doon na rin siya medyo kumalma pero halata pa rin sa mukha ang pag-aalala.
" Nasaktan ka ba kanina? sinabi ko naman kasi sayong mag-iingat ka sa mga school mates natin " pagkausap rito ni Jie ng makita niyang pumasok sa canteen si Cindy pagkatapos hindi sumabay kina Aethan o hindi na muna bumuntot sina Aethan sa kanya.
" kunti lang pero iwan ko ba kung bakit sila ganon "
" Ganon sila e kasi naman lahat ng gwapo dito sa campus close ka tas si Aethan na pinaglalawayan ng lahat may type sayo so ask me why? " Mataray ritong sabi ni Jie pero normal lang ito sa kanya.
" Tsk! Anong type at saka mga kaibigan ko naman sina Jeremy eh "
" Oo na but gaya ng sabi ko sayo nagje-jelous o naiinggit sayo ang mga schoolmates natin "
" E ikaw ba wala kang crush sa kanila? " Umiling naman rito si Jie.
" Actually mayron dati sa tropa nila kaya lang wala na siya e " Nacurious naman si Cindy saka tumingin rito at muntik nang matapon ang iniinom niyang juice ng iharap rito ni Jie ang phone niya at mga litrato niya ito nong si Julian pa siya.
" Sus! Nagulat ka pa diyan tsk! gaya ng sabi sayo ni Jeremy magkamukha talaga kayo " mataray na naman nitong sabi " Alam mo ba ang cute cute ni Julian at feeling ko may crush rin siya saakin dati kasi naman pagnagsusuklay ako o napupulbo ako always ko siyang nahuhuling nakatingin saakin kaya baka may lihim rin siyang pagtingin saakin " kinikilig nitong sabi.
" Baka naman naiinggit lang" pabiglang sabi ni Julian.
" What? Of course not! totoo siyang lalaki, lumalabas nga sila ng malditang kapatid ni Aethan pero alam ko namang napipilitan lang siya kasi sa totoo lang ako ang gusto niya " Tumango naman si Cindy bilang pagsang-ayon, hindi na siya naki pag-argumento pa mamaya madulas pa siya at wala na itong kinuwento kundi si Julian lang and after their class umuwi na si Cindy at Aethan, si Jeremy naman yong motorbike niya ang gamit niya.
" Sige na pumasok kana, magpahinga ka " seryosong sabi rito ni Aethan, sumunod naman rito si Cindy habang nagtatakang nakatingin kay Aethan ang lamig kasi ng boses niya wala naman siyang maalala na dahilan para magalit ito sa kanya pagkwan sumakay na si Aethan at hindi niya maiwasang mainis sa sarili niya habang iniisip yong mga nangyari ngayong araw.
" Nagagalit ako kay Jeremy paghinahawakan niya si Cindy pero hindi ko naman kayang gawin ang ginagawa niya rito tsk! wala man lang akong nagawa sa nangyari kanina kahit alam ko namang sinadya yon " Natigilan sa pag-iisip si Aethan ng magsalita ang driver niya.
" Sir may problema po noh?" tanong nang driver ng mapansing halos mapunit na ang mukha ni Aethan sa pagiisy pero hindi na niya ito pinansin at pagkarating ni Jeremy diretso agad siya kay Cindy pero syempre kumatok muna ito sa kwarto nito.
" Bakit Jeremy? "
" Gusto ko lang malaman kung hindi ba talaga masakit ang ulo mo o yong tinamaan sayo ng bola "
" Hindi naman " Sabi rito ni Cindy ng sa may pintuan sila.
" sigurado ka? Kasi kung masakit pumunta tayong clinic "
" Hindi na, salamat na lang " Ngiti nito.
" Sige pero kung sumakit magsabi ka lang ha " tumango lang rito si Cindy.
" Nga pala bumili akong pagkain pagsaluhan natin at kung puwedi baka namang patuloyin mo na ako? " Nahiya naman si Cindy sa sinabi nito saka pinatuloy si Jeremy paano kasi kanina pa sila nakatayo rito.
" Nga pala ako nang humihingi ng sorry sa ginawa ni Kristine sa ginawa niya sayo " nahihiyang sabi rito ni Jeremy kung saan ito ang usapan nila nong makita sila ni Aethan na magkayakap, naawa kasi rito si Jeremy kaya hindi niya napigilang mapayakap rito dahil sa awang nararamdaman niya rito pagkatapos mapanood ang video.
" At yong kaninang umaga sa gym, sorry don ah nagulat lang ako, nadala ako sa emosyon ko e hindi ko kasi alam na isa sa nagpapahirap sayo ay ang bestfriend ko " pagtukoy nito sa paghakap niya rito.
" Kalimuttan mo na yon nangyari na e " usapan nila and after an hour pumunta na rin si Jeremy sa kwarto niya