Chapter 6

4605 Words
PAGKAPASOK ni Jeremy sa kwarto niya ay hindi niya maiwasan isipin ang mga ginawa ni Kristine kay Cindy pagkwan natigilan siya sa pag-aaral ng makitang tumatawag si Kristine. " Nasaan ka? Tsk! talaga bang kaya mo na akong tiisin dahil nandiyan na si Cindy, ang pamalit mo saakin? Dati binibilhan mo pa ako ng apologise chocolate pero ngayon wala na well, anyways kalimotan mo na yong kasalanan mo saakin hindi ako sanay na hindi tayo nag-uusap alam mo yan at siguro kasalanan ko rin kasi hindi ko pinakinggan ang rason mo kaya hindi mo nasabi saakin ang tungkol kay Julian but I understand it kaya wag kanang mag-alala diyan, okay na ang lahat " mahabang sabi rito ni Kristine at asar na asar si Jeremy habang pinapakinggan ang puro kasinungalingan nito. " Magkita tayo " tipid lang nito sagot saka pinutol ang linya at nagulat naman rito si Kristine sa haba ng sinabi niya yon lang ang sinabi ni Jeremy at pagkatanggap niya sa text ni Jeremy which is ang meeting place nila ay pumunta na rin ito rito at nandon na si Jeremy. " Ano ba yan? Wala ka ba talagang apologise things saakin gaya ng chocolate? flower o what so ever tsk! akala ko pa naman kaya ka makikipag kita dahil doon " kunwaring tampong tingin rito ni Kristine pero natigilan siya sa sunod na sinabi ni Jeremy. " Magsorry ka kay Cindy at wag na wag mo na siyang sasaktan pa! " " What?! Ikaw ba yan Jeremy? " Hindi makapaniwalang tingin rito ni Kristine. " Oo at kung gusto mong hindi na sumama ang loob ko sayo, gawin mo yon! " seryoso nitong sabi rito. " What!? Talaga bang itatapon mo ang 14 years nating pagkakaibigan dahil lang sa babaeng yon? " " Hindi mo naiitindihan, alam mong ayaw na ayaw kong may nasasaktang mga inosenteng tao " " Inosente? tsk! inosente ba yong magpanggap na lalaki dito sa campus at lokohin tayong lahat!!!? " " Tama na bayong dahilan para saktan mo siya? May dahilan siya kung bakit niya yon ginawa " " Anong pinagsasabi mo diyan? para doon lang sa pagtapon ko sa kanya ng pagkain nagagalit kana doon Jeremy? p*******t na ba yon?! Oh my gosh! talagang mas pinipili mo na nga ang babaeng yan " Naiinis ritong tingin ni Kristine habang nasasaktan na rin first time kasi itong kontrahin siya ni Jeremy " Dati sinasamahan mo pa akong palayoin ang mga babae kay Aethan tas ngayon nagagalit ka saakin dahil doon!? Dahil gumagawa ako ng paraan para makalayo ang babaeng yon kay Aethan?! " " Hindi ako nagagalit dahil doon, naiinis lang ako dahil hindi makatarungan ang ginagawa mo kay Cindy " " What do you mean? Oh come on! Jeremy nagsumbong ba siya sayo? Tsk! talagang iniinis ako ng babaeng yan ah, kung ano mang sinabi niya sayo wala yon! sinisiraan lang niya ako! Gusto ka rin niyang agawin saakin " paninisi nito kay Cindy. " Kristine!!!! " sigaw rito ni Jeremy " Tama na ang kasinungalingan mo at yang pag-iisip mo nang masama kay Cindy, wala siyang sinabi saakin! " Naiinis ritong sabi ni Jeremy pero tumingin lang rito ng masama si Kristine pagkwan inabot rito ni Jeremy ang phone niya. " Kailan mo pa yan nalaman? Ginawa mo akong tanga Kristine at alam mo ba kung gaano kasakit saakin ang pagsisinungaling mo? Hindi ka ganyan Kristine, sa lahat ng tao dito sa mundo ako lang yong maiitindihan at iitindihin ka palagi pero bakit?! At isa pa Alam mong halos mabaliw ako sa kaiisip sa nararamdaman ko kay Julian dati tas alam mo rin palang babae siya, hindi mo man sinabi saakin at ang masakit doon bakit kailangan saktan mo pa siya o kayo nila Jacob!?" Hindi naman makapag salita si Kristine. " Kung gusto mo si Aethan kunin mo siya sa magandang paraan at hayaan mo na si Cindy " Pagtalikod ni Jeremy. " Alam mong hindi ganyan kadali ang hinihingi mo, alam mong nawawala ako sa katinuan pagmay babaeng lumalapit kay Aethan at kamatayan ang maagaw siya saakin ng iba!! " Naiiyak na sigaw ni Kristine at kahit na gustong gusto siyang yakapin ni Jeremy dahil sa awa rito ay pinigilan niya ang sarili niya, ayaw na ayaw pa naman niyang umiiyak ito lalo na pagdating kay Aethan kaya nga minsan sinasamahan pa niya ito sa mga trip niya para palayoin ang mga babae kay Aethan pagkwan humarap siya rito. " Si Cindy ay iba sa mga babaeng nilalayo mo kay Aethan dahil hindi naman siya ang lumalapit kay Aethan kundi si Aethan kaya wag siya ang pag-initan mo, kung gusto mo si Aethan kunin mo siya sa matinong paraan, kunin mo siya sa kung sa tingin mong tama " Tingin rito ni Jeremy pagkwan pinunas ni Kristine ang mga luha niya at tinaas ang isa niyang kilay at tumitig rito. " Kukunin ko siya sa paraang gusto ko at wala akong pakialam kay Cindy! binalaan ko na siya pero hindi siya nakinig " Pagkasabi nun ni Kristine naglakad na ito habang iniisip na nakuha na rin ni Cindy ang kaibigan niya pero natigilan siya ng magsalita si Jeremy. " Hindi kita kokonsentihin sa binabalak mo! " Pagkasabi non ni Jeremy naglakad na rin siyang muli at si Kristine hindi na ito lumingon pa saka sumakay sa sasakyan niya at umuwi, ganon din si Jeremy at hirap na hirap siya sa mga mangyayari pa pero natigilan siya sa pagbaba sa motorbike niya ng makita niyang nasa may tapat ng building nila ang sasakyan ni Aethan pagkwan naglakad siya papunta rito at kumatok sa window ng sasakyan ni Aethan at gulat na gulat naman itong tumingin sa kanya. " Bakit nandito ka? " tanong niya rito, mabilis namang bumaba si Aethan. " Kamusta siya? Yong ulo niya hindi ba masakit o sumakit? " sunod sunod nitong tanong. " Bakit hindi ka pumasok at tanongin siya? " Pagkwan bumulsa ng kamay si Aethan at mariin lang tumingin sa apartment nila Cindy " Nahihiya ako sa kanya " pagsasalita nito " Pinabalik ko siya pero hindi ko man lang siya mapangalagaan at masakit saaking makita siyang nasasaktan, wala naman akong magawa dahil wala akong ebidensya at tungkolin ng SSG president ay tingnan ng pantay ang sino mang napapaloob sa school, kailangan kong maging patas sa lahat " sabi pa nito " pero sa oras na mahuli ko sa akto ang sino mang nananakit sa kanya matinding parusa ang tatanggapin niya " pagsasalita ni Aethan habang pigil pigil ang inis nito sa mga gustong manakit kay Cindy. " Gaya ng gusto mo, yon din ang gusto kong gawin kaya gusto kong mag-usap tayo ng lalaki sa lalaki ngayon" Napalingon naman si Aethan sa sinabi ni Jeremy. " Alam kong gusto mo si Cindy at alam kong alam mong gusto ko rin siya, matalino ka kaya siguradong alam mo yon " seryosong sabi ni Jeremy, ayiee nagmatured siya bigla haha. " Balak kong sabihin kay Cindy ang nararamdaman ko sa kanya at sa oras na payagan niya akong ligawan siya sana naman wag mo na akong pagsasabihan sa paano ko siya itatrato at sana lumaban ka ng patas, alam ko namang mas malaki ang chance mong maging kayo pero sabi nga nila, No guts no glory at yan ang panghahawakan ko kay Cindy " Tingin rito ni Jeremy, mga ilang segundo naman bago sumagot si Aethan. " Sige, total wala pa naman akong karapatan sa kanya pero sana sa oras na pumili siya kusa mong tatanggapin yon o ako ang disisyon niya " Seryoso ring sabi rito ni Aethan. " Deal!!" paglahad ni Jeremy sa kamay niya, inabot naman ito ni Aethan at sabay nila nasabi ang katagang " Hindi ko alam pero gustong gusto ko siya! " kaya nagkaroon tuloy sa kanila ng tawanan at pagkatapos ng pag-uusap na yon umuwi na rin si Aethan hindi na siya tumuloy ng malamang okay naman si Cindy. " Paano naman ako mananalo doon ni wala akong idea sa panliligaw! "Naaasar na pag-iisip ni Aethan habang nagmamaniho. " Proud ako sayo self nakaya mong kausapin si Aethan ng ganon e dati hindi ka makatitig sa kanya! You're the best self " parang tangang pagkausap ni Jeremy sa sarili niya sa salamin pagkwan natigilan siya. " Pero ang problema paano ako manliligaw?? " pagkwan kinuha niya ang phone niya para humingi ng tulong kay Kristine pero naalala niyang hindi pala sila okay, kaya ayon medyo nawala na naman siya sa mood napaupo na lang siya sa may sofa. ************ KINABUKASAN maagang sinundo ni Aethan si Cindy at sabay sabay na silang tatlong umalis kaya sabay din silang pumasok sa classroom kaya yong mga school mates nila nasa kanila na naman ang mata nila kaya si Cindy medyo nagmadaling lumakad para hindi makasabay sa mga ito, naiitindihan naman nila iyon kaya hindi na rin nila sinundan pero natigilan sa pagpasok si Cindy sa mga nakasulat sa blackboard na bumungad sa kanya. " Isang haliparot" "Transferee the flirt " " namangka sa dalawang ilog! " " Mamatay kana! " "Leave now! you're not welcome here!" " Wala kang lugar dito" " You're not worth it " " Makati ka CINDY!" " CINDY THE MALANDI! " Hindi naman makakilos si Cindy sa mga nakasulat sa board habang tinitingnan siya ng masama ng mga kaklase niya at yong iba para bang hinuhusgahan siya. " Pasensya kana hindi ko puweding e-erase baka madamay ako " pagpunta rito ni Jie pagkwan ngumiti si Cindy para kunwari wala lang ito at wala oang dumadating kila Grey dahil halos late naman ang mga ito palagi. " Hayaan mo na " At bago pa niya maabot ang eraser mabilis itong kinuha ni Jeremy at binura ng madiin ang mga nakasulat na halatang asar na asar habang si Aethan biglang tinawag sa office kaya hindi niya ito nakita. " Sinong nagsulat nito!!!? " sigaw ni Jeremy, si Cindy naman tahimik lang ang sama naman kasi ng pinagsusulat nila at walang may gustong magsalita pagkwan pinalo ni Jeremy ng malakas ang mesa. " Sa oras na mahuli ko ang may gawan nito tsk! sinisigurado kong sabay tayong matatangal sa paaralang ito! Wala akong pakialam sa puweding mangyari saakin, masiguro ko lang na walang nangyayaring ganito kay Cindy! Kaya mas mabuti pang itigil mo na 'toh! O kayo! " Sabi pa ni Jeremy, asar na asar namang nakatingin ang mga babaeng may gusto kay Jeremy ng bahagya kay Cindy. " Makinig kayo!!! Si Cindy Gonsales ay gusto ko! " Napatingin naman si Cindy sa sinabi ni Jeremy, ang mga kaklase naman nila gulat na gulat rin especially yong mga babaeng baliw sa kanya. At sa pagkakataong ring iyon dumating si Aethan at imbis na magtatanong siya sa kung ano bang nangyayari sa classroom nila ay maging siya ay nagulat rin. " Tama ang narinig niyo! Kaya sa oras na may manakit o magtangkang manakit sa kanya sinisigurado kong hindi niya magugustohan ang gagawin ko " Pagkasabi nun ni Jeremy hinila na niya sa may upuan nila si Cindy at walang may nagkusang magsalita sa kanilang dalawa at yong mga babae ang daming arte. " Oh my gosh! Nahihilo ako " sabi ng mga ito. " Is this a dream?!! " " Hindi ako makahinga " paghawak pa ng mga ito sa dibdib nila pagkwan tumayo sila at sabay sabay nagsabing " Excuae me! I need to go in rest room, ahhhhh!! " Sa katunayan nakakatwa ang mga nangyayari sa kanila pero natigilan sila sa paglabas ng biglang magsalita si Aethan. " Walang lalabas! Maupo lahat and attention! " malumanay nitong sabi at takot na takot naman ang lahat doon pagkwan naglakad na ito sa harap at tanging paghinga lang nila ang maririnig mo kahit yong iba hindi pa rin nakakamove on sa sinabi ni Jeremy, yong iba nga halos naiiyak na. " Hindi ko alam kung anong nagyari kaya sabihin niyo kung anong nangyari! " Tumayo naman yong president nila at sinabi ang nangyari. " So isang bullying?! Alam niyong isa sa rules dito ay bawal ang bullying tapos sa classroom ng pinapasokan ko pa ginawa?! tsk! TALAGA BANG SINUSUBOKAN NIYO AKO???!!! " medyo pasigaw na sabi ni Aethan kaya kahit tuloy paghinga nila pigil pigil na rin nila. " Ayaw ko ng mangyari pa ito dahil sa oras na maulit pa ito, isang matinding parusa ang mangyayari sa section na 'toh! Dahil alam kong nandito rin ang salarin o kung wala man alam kong kasabwat kayo " seryosong sabi ni Aethan wala namang may nagkusa pang sumagot. " MALIWANAG?!!!! " " Yes, Aethan....! " sigaw nila at pagka upo niya yong kanina pa gustong lumabas nagsilabasan na at kunti lang ang natira. At pagkatapos ng klase nila nauna namang noaglakad si Cindy at sumabay kay Jie pagkwan nagpasama ito magbanyo. " Nakakakilig yong ginawa ni papa Jeremy kaninang umaga ah" pagpalo ni Jie sa braso ni Cindy habang kanina pa ito nagpipigil ng kilig. " Tsss! Ano ka ba bestfriend kami nun at yong sinabi niya wala lang yon, ginawa niya yon dahil gusto lang niya akong protektahan? " " tsss! manhid ka girl alam mo ba halos patayin na rin niya sa mga tingin niya kahapon si Nica dahil sa pagtama niya sayo ng bola, ghad! nagstrong rin si papa Jeremy kahapon kasi nga gusto ka niya " pag-uusap nila sa loob ng banyo habang nagreretouch itong si Jie pero natigilan sila ng biglang maglock ang pinto at kasabay non ang paglapit sa kanila ng babae and it was Kristine. " anong feeling na may gusto sayo si Aethan at ang bestfriend ko? Huh? " " Kristine? "natatakot na sabi ni Jie pagkwan kinalabit ni Cindy si Jie senyales na lalabas na sila. " Ang igsi ng huhok mo pero bakit ganon mala rapunzel ang dating nito sa mga lalaki ha? " paghila niya sa buhok ni Cindy na siyang nagpahinto rito, si Jie naman natatakot lang na nanonood takot kasi ang mga estudyante kay Kristine. " Well, maganda nga naman " pagbitaw niya rito saka pumunta sa harapan ni Cindy. " Don't worry hindi pa ngayon magsisimula ang pangako ko sayo! " pagcross arm niya rito " Dahil hindi ako sinungaling na taong tulad mo! Gusto ko lang ipaalala sayo na tutuparin ko ang minsan ko ng sinabi sayo" pagkwan tumitig siya kay Cindy " Ang piliing mamatay na lang kaysa manatili rito o kung matigas talaga ang ulo mo baka dito kana nga mamatay! " Pagkasabi nun ni Kristine tumalikod na ito " Simulan natin sa buhok mo total buhay na buhay ang dating! " pahabol pa nito saka umalis doon naman ay nakahinga ng maayos si Jie. " Cindy, ako nang natatakot sayo kilala ko si Kristine pagsinabi niya ginagawa niya, ayaw kasi ni Aethan ng sinungaling o walang isang salita kaya naging bokabularyo na rin niya yon " nag-aalalang sabi ni Jie. " Hayaan mo na siya hindi naman siya ang diyos at isa pa parepareho tayong estudyante rito siguro iiwasan ko na lang na makasalubong siya o magtagpo ang mga landas namin " Ngiti nito pero sa totoo lang nag-aalala na rin siya. " Pasensya kana ha, ayaw ko kasing madamay sa gulo mamaya pag-initan rin ako, hindi kita katulad na may mga shining armor " pagtukoy nito kela Jeremy. " Tsk! tigilan mo na nga yan, halika na baka kanina pa naghihintay si Aethan " At gaya nga ng sabi niya nandoon na si Aethan at hinihintay siya, si Jeremy naman nakauwi na pagkwan mabilis itong sumakay sa loob ng sasakyan at nagtataka siya habang nasa byahe dahil hindi ito pinapansin ni Aethan nahihiya rin siyang magtanong baka nainip na ito maghintay sa kanya o ihatid sundo siya. " Salamat Aethan " malungkot ritong sabi ni Cindy ng makababa ito at hindi niya alam pero bakit affected siyang masyado sa mga kinikilos ni Aethan ang hindi rito pagpansin. " Pumasok kana " Pagkasabi nun ni Aethan sumunod na siya rito. At natigilan siya ng makita niyang nakasandal sa pinto niya si Jeremy. " Bakit Jeremy? " " Labas tayo " yaya niya rito, napatingin naman si Cindy sa relo niya. " Mabilis lang tayo, sige na pumayag ka na " At dahil mahirap tanggihan si Jeremy pumayag naman siya at pagkatapos niyang magbihis lumabas na rin siya, sa labas na kasi ito hinintay ni Jeremy habang nakasakay na ito sa motorbike niya pero pagkakita niya rito agad siyang bumaba at ngumiti sa kanya " Mabilis lang talaga tayo ah at saka ano bang dahilan at lalabas tayo? " " Oo, basta malalaman mo rin " Pagsuot niya rito sa helmet pagkwan sinuot niya rin yong kanya at sumakay sa motor. " Sumakay kana " sumunod naman rito si Cindy at ngayon nasa may gitna na sila ng kalsada at hindi alam ni Cindy kung saan ba ang punta nila basta kunti lang ang sasakyan at sobrang sarap ng hangin. " Ang ganda ng hangin noh? " " Oo, nakakarelax at sobrang sarap sa pakiramdam ang lamig nito " Ngumiti lang si Jeremy sa sinabi ni Cindy. " Cindy tumingin ka sa taas " utos ni Jeremy at binagalan niya ang pagtakbo ng motor sumunod naman rito si Cindy at napangiti sa ganda ng mga bituwin " Yang star parang ako yan kahit saan ka babantayan kita at gusto kong sa bawat oras ng buhay mo nakikita kita " Naalis naman bigla ang ngiti nito sa sinabi ni Jeremy. " Yong sinabi ko sa classroom kanina " Alanganin pang sabi ni Jeremy torpe nga kasi " totoo yon " Medyo lumuwang naman ang pagkakayakap rito ni Cindy. " Alam ko ang tungkol sa past love mo at alam ko rin ang tungkol sainyo ni Aethan pero pakiramdam ko pagsisisihan ko habambuhay kapag hindi ko sinabi sayo ang totoo kong nararamdaman sayo " Hindi naman makapagasalita si Cindy basta nakikinig lang siya, ang daya kasi ni Jeremy sa motor nagtapat para hindi makapag walk out itong si Cindy. " Kahit nong lalaki ka pa gusto na kita at baliw na baliw ako nun sa kakaisip kung ano bang nangyayari saakin o ano ang gagagwin ko para maalis ang nararamdaman ko sayo hangga't sa binabaling ko sa iba pero wala e hanggang sa napagpasiyahan kong bahala na kung anong sasabihin ng iba basta gusto kita at wala na akong pakialaam sa mga tao kaya lang nalaman ko biglang babae ka sobrang saya ko nong malaman ko yon, nakakatawa dapat nga magalit ako sayo kahit 0.01% lang dahil sa panluluko mo saakin " pagtawa pa nito ng kunti " Pero wlaa e, sobrang saya ko lang talaga kasi pakiramdam ko nalagyan ako ng pag-asa pero Oo, alam ko namang malabo e o nandon na yong thought na malabo pero sana bigyan mo ako ng chance Cindy? " kasabay nun ang paghinto ni Jeremy sa motor at nagulat na lang si Cindy ng makita niyang nasa may condo na sila pagkwan bumaba siya at bumaba na rin si Jeremy at tinanggal niya rito ang helmet. " Nasabi ko na sayo ang mga sasabihin ko sayo, ngayon gusto kitang tanongin o gusto kong humingi sayo ng isang bagay " Pagkwan tumingin rito si Jeremy " Pumayag ka sanang ligawan kita? " Kinakabahang sabi rito ni Jeremy. " Pero Jeremy kasi... " " Sige na Cindy, pangako tatanggapin ko naman kung anong kahahantongan hindi kita pipiliting gustohin rin ako pero gagawin ko lahat mangyari lang yon kaya sana pagbigyan mo na ako at kung sa tingin mo wala na talaga akong pag-asa then, sabihin mo pero ayaw kong marinig iyon ngayon dahil alam kong sasabihin mong kaibigan lang tayo kaya give me a chance na iparealize sayong puwedi mo rin akong magustohan ng higit pa sa kaibigan basta hayaan mo lang akong gustohin ka at ipakita ko kung gaano kita kagusto malay mo kahit 0.01% man lang malagay diyan sa puso mo at palalakihin ko yon hanggang sa handa ka nang maging tayo " Mga ilang segundo bago sumagot si Cindy. " Si Aethan gusto niyang manligaw rin at ganon ka din, okay lang ba sayo yon? hindi ba't ang sama ko na non pakiramdam ko pinaglalaruan ko kayo " tingin niya rito " At saka bakit niyo ba ako nagustohan e ang daming babae diyan mas maganda, mayaman, at mas bagay sa inyo" paglilinaw pa nito kay Jeremy. " Pero ikaw ang gusto ko at yong tungkol kay Aethan kaya ko nga ito ginagawa dahil ayaw kong makuha ka niya nang wala akong ginagawa kaya wag mo yon isipin, kaya pumayag kana " Pagkwan huminga ng malalim si Cindy. " Pagpumayag ba ako at sinabi ko rin sa huli na hanggang kaibigan lang tayo wala bang magbabago saatin? " tumango naman rito si Jeremy. " O sige pero hindi ko alam kung kailan kita papayagan ah ginagawa ko ito dahil kaibigan kita at isa pa alam ko namang nabibigla ka lang " Pagkasabi nun ni Cindy iniwan na niya ito at nong hindi na ito makita ni Jeremy saka siya nagtatalon sa labas at nagsisiagaw sa wakas nagawa na rin niyang magtapat, sa ngayon ang kailangan lang niyang gawin ay galingang paibigin si Cindy pagkwan pumasok na rin siya. " Okay lang yon Cindy, ginawa mo yon dahil ayaw mong biglang sirain ang friendahip niyo ni Jeremy at isa pa hindi joke ang magtapat wag mo gayahin si Aethan na walang awang namba-busted at isa pa mas madali namang mahalin si Jeremy kaysa kay Aethan na may tulad ni Kristine na baliw sa kanya haist! lagot na talaga ako nito sa mga fans o baliw rin kay Jeremy pero ayaw ko lang naman na sirain bigla ang hope ni Jeremy at isa pa wala naman siyang sinabi na kailangan ko siyamg gustohin o sagotin gaya ni Aethan puwedi ko silang sabihan kahit kailan man " Natigilan si Cindy ng maalala niya si Aethan pagkwan tumunog ang phone niya at napatakbo siya palabas ng mabasa niya ang message sa kanya. " Nasa labas ako " Text ni Aethan hindi alam ni Cindy pero bigla siyang na-excite at natigilan siya ng makita niyang nakasandal sa sasakyan nito si Aethan habang ang seryoso pa rin ng mukha at ang cool lang niya pagkwan naglakad ito ng mabagal at napahinto siya ng pumunta sa direksyon niya si Aethan at pakiramdam ni Cindy parang lumulutang si Aethan na para bang ang bilis nitong maglakad at bakit ganon biglang lumamig ang paligid at nanlaki ang mata niya ng yumakap rito bigla si Aethan. " I'm sorry " sabi niya rito habang nakayakap kay Cindy. " Saan? " nagtatakang tanong nito. " Nahihiya ako sayo pero hindi ako makakatulog paghindi kita nakausap, hindi ko alam pero ang laki ng impact mo sa buhay ko " sabi nito " Wala man lang akong nagagawa sa kabila ng ginagawa nila sayo kahit ako naman talaga ang may kasalanan non sa pagpupumilit kong gustohin mo ako at isiksik ang sarili ko sayo, ikaw ang sinasaktan nila at wala lang man lang akong magawa doon " naguguilt niyang sabi rito saka humigpit ang yakap niya rito. " tsss! Kasalanan ko rin naman dahil bumalik pa ako rito" pagbibiro ni Cindy "pero bakit ganon pati ikaw binubully mo na ako? hindi mo na rin ako pinapansin " Pabiglang sabi rito ni Cindy saka inalis ang pagkakayakap rito ni Aetham " Nahihiya ako dahil wala man lang akong magawa sa kabila ng ginagawa nila sayo " nagulat si Aethan ng sipain ni Cindy ang tuhod niya. " Isip bata ka rin pala " " Ano?! " Wala! Tsss! yon lang ba pinunta mo dito? Gabi na oh " " Na miss rin kita at hindi ako mapakali sa bahay kanina kaya pumunta na lang ako rito baka may nangyari o mangyari " Pagkwan yumuko naman si Cindy. " Sa totoo niyan kanina may sinabi saakin si Jeremy sinabi niya saaking gusto niya ako at nagpaalam siyang manligaw " " Tsk! may nangyari nga! iba rin ang lalaking yon may ginawa na nga siya kanina tas ngayon na naman kailangan siguro dito na rin ako tumira " bulong pa ni Aethan " Ano naman ang sinagot mo?! " curoious nitong tanong. " Pumayag ako, e kasi naman hindi ko kayang bastedin siya nang ganon kaaga, ang bait kasi ni Jeremy at isa pa chance ang hinihingi niya " tingin rito ni Cindy na medyo nagi-guilty. " Tsk! Ano pa bang magagawa ko kundi makipag kompentisnya doon, pambihira hindi naman ako mandirigma pero nakikipaglaban ako ng dahil sayo " " Sorry... " pag-iwas rito ng tingin ni Cindy. " Ano yan nagi-guilty ka dahil saakin? Sabihin mo Cindy may___ ay! hindi, medyo may gus-gusto kana ba saakin? " " Tsss! Hindi ba puweding nagi-guilty ako dahil parang pinagsasabay ko kayo at saka di ba sinabi ko nang kahit ikaw hindi ko maipapangakong magugustohan din kita at ganon din si Jeremy " Tumahimik naman si Aethan. " Haist! kailangan ko na ngang lumipat rito " Pagbibiro pa nito pagkwan ginulo niya ang buhok ni Cindy ng makitang nakasimangot na naman ito. " Naiitindihan kita kaya wag ka nang nag-iisip diyan ng kung ano ano at saka naglalaban naman kami ng walang kasiguradohan dahil sa totoo lang mayron namang nanalo na diyan " Ngiti rito ni Aethan habang tinutukoy si Julian " Basta hindi ako magpapatalo at sana sa huli ako rin ang manalo " " Naku! iwan ko ba kung bakit niyo ako gusto nakakapagtaka lang talaga " pagbuntong hininga nito. " Gusto kita dahil gusto kita, hindi ko rin alam ang dahilan at kung alam ko man matagal ko ng pinutol yon nong inaakala kong lalaki ka tsk! nakakabaliw kayang mag-isip na nagkakagusto ka sa isang kapwa mo lalaki at sa isang tulad mo pa na werdo pero sa totoo niyan nong unang tingin ko pa lang sayo nong pagtangkaan mo si Luego pakiramdam ko tumigil ang paligid at hindi ko alam bakit naramdaman ko yon natigil nga lang yon ng makita ko ang uniform mo na panglalaki at nong papaloin mo si Luego kaya naman asar na asar ako sayo mula noon " Pagkukwento ni Aethan " Nakakatakot ka nga nong araw na yon " Pagdidma ni Cindy sa sinabi ni Aethan na gusto siya nito hindi niya alam pero na o-awkwardan siya pagsi-Aethan ang nagsasabi ng nararamdaman nito sa kanya siguro dahil masyado siyang mataas na tao. " Sige na, pumasok kana, malamig na masyado at saka si Jeremy ngayong alam mong may gusto siya sayo wag kang magkakamaling patulogin siya sa kwarto mo " masamang tingin rito ni Aethan. " Oo naman, sige na umuwi ka na mga " " Oo pero mauna ka nang pumasok gusto ko lang siguradohing ligtas kang papasok " " sus! para namang may ibang tao rito ikaw ang mag-iingat dahil magbibiyahe ka pa kung bakit rin kasi pumunta pa rito puwedi namang ipabukas pa kaya ngayon ikaw ang mauunang umalis gabi na, kaya daliii " " Hindi nga ako makakatulog hanggayt hindi kita nakikita at dahil may kasabihan tayong ladies first ikaw ang mauunang umalis " pagkwan umismid si Cindy kaya ginulo na lang ni Aethan ang buhok nito saka ngumiti. " O sige na pinapakilig mo ako e baka ano pang magawa ko sayo " Kinikilig ngang sabi ni Aethan, nagtataka namang tumingin rito si Cindy. " Good night basta pagkaalis ko pumasok kana rin " Pagkasabi nun ni Aethan naglakad na ito at nong paalis na siya tinitingnan niya sa side mirror si Cindy at nong tumalikod na ito huminto siya at pinanood ito hanggang sa maalis ito sa paningin niya saka siya nagpatuloy umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD