Sunday ngayon kaya ito nakatunganga ako sa loob ng kwarto ko pagkatapos kong maglinis hindi kasi ako fan ng panonood ng TV kaya ito kanina pa kami nagtititigan ng kisame ko.
" Tama, si Liya " Pagkaisip ko kay Liya tinawagan ko na ito kahit kakausap lang namin kagabi at panigurado tulog pa ito ang tagal kasing nakasagot.
" May problema ba? " Sagot niya sa tawag ko.
" Wala, tumawag lang ako " dinig na dinig ko naman yong paghinga niya ng malalim panigurado pinaandar na naman nito ang pagiging critical thinker niya.
" Akala ko may nangyari na naman well, alam ko may sasabihin ka kagabi pero di mo tinuloy at tumawag ka para sabihin yon diba? " sunod sunod nitong tanong hindi ko alam pero ang lakas ng pakiramdam nito o baka dahil kilalang kilala na talaga ang pagkatao ko pagkwan kinuwento ko rito yong tungkol kay Jeremy.
" Whoaaaa!!! si Jeremy?!" Kinikilig nitong sagot.
" Wala naman akong balak talaga magpaligaw sa kanya pero baka masaktan siya pagbinasted ko agad at saka ang bait niya wala akong rason para hindi siya pagbigyan "
" So ibig sabihin magmamahal kana ulit? Yieeeyyy! pero bet ko silang dalawa para sayo e kung ipagsabay mo na lang kaya sila? " tumayo naman ang balahibo ko sa sinabi nito, alam ko joke lang yon pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang ganon.
" Kung katabi kita nasaktan kana! " sigaw ko rito tawang tawa naman ito " Sa totoo niyan nagi-guilty ako sa kanila dahil sa totoo lang wala pa naman akong balak pumasok muli sa isang relasyon kaya pakiramdam ko pinapaasa ko sila " pagseryoso ko.
" Ano ka ba, sinabi mo naman sa kanila from the start na mahal mo pa rin si Kuya at hindi ka pa handa para pumasok muli sa isang relasyon at tinanggap naman nila yon at isa pa sila naman ang nagpupumilit na pumasok sa buhay mo so ano pang iniisip mo diyan pero kung ako sayo pipili na ako sa kanila sige ka, ang dami kayang mas maganda sayo at mas matino " pagtawa na naman niya pero imbis na matawa ako naisip ko tuloy yong puweding mangyari saakin dahil sa pagpayag ko sa panliligaw ni Jeremy.
" Yon na nga Liya sa tingin ko nababaliw na rin ako grabe na nga yong pagpapahirap saakin ng mga fan ni Aethan tas pinayagan ko pa si Jeremy haist! ayaw ko lang kasing masaktan si Jeremy pero ako naman ang lagot nito sa mga fan niya tsk! siguro patitigilin ko na lang siya ng maaga bago pa lumala ang lahat at siguro ganon din si Aethan sa tingin ko naman wala pa talaga akong balak pumasok pa sa relasyon " mga ilang segundo bago siya sumagot.
" Basta kung ano sa tingin mo ang mabuti susuprtahan kita " sabi nito at naputol bigla ang pag-uusap namin ng may kumatok sa kwarto ko. At pagkabukas ko rito mukha agad ni Jeremy ang ang bumungad saakin habang nakangiti at bakit bihis na bihis ito.
" Kumain ka na? " Tumango naman ako rito pagkwan kinamot niya ang ulo niya.
" Cindy baka naman puweding papasokin mo ako? " Napaatras naman ako sa sinabi niya para makapasok siya dati naman kasi pumapasok na lang ito bigla kaya hindi ako sanay na imbitahan itong pumasok.
" Labas tayo? " Sabi nito ng makapasok siya " may gagawin ka ba? "
" Wala pero wala rin naman akong kukunin sa labas "
" Lalabas ka lang ba kung may kukunin ka? Mamasyal tayo para naman kahit papaano naiiba rin ang daily routine mo " Tingin nito saakin.
" Pero... "
" Sige na " Kitty eyes nito pagkwan tumingin ako sa oras at matagal pa bago matapos ang araw ngayon kaya pumayag na ako wala rin naman akong gagawin. At nong makapagbihis na ako biglang nagtext si Aethan.
" Susundoin kita para mag-grocery, wag kang aangal kung ayaw mong dito tumira saamin! " Text ni Aethan aist! bakit ba grocery always ang nasa isip nito sinabi ng marami pang pagkain rito paglagay ko sa phone ko sa bag ko.
" Tayo na?! "
" E Jeremy hintayin na lang natin si Aethan para sabay sabay na tayong lumabas " Halata naman sa reaction niyang nagulat siya sa sinabi ko.
" Katetext lang niya saakin kaya naisip ko sabay sabay na lang tayo "
" Pero hindi naman tayo basta lalabas lang " Pag-upo nito.
" Huh? anong ibig mong sabihin? "
" Wala, sige saka na lang tayong dalawa lumabas " Medyo dissapointed nitong sabi.
" Importante ba ang pupuntahan natin? Kung gusto mo pagkatapos naming maggrocery ni Aethan saka tayo lumabas "
" E set na lang natin ang araw na yon, yong akin kita buong araw " Natigilan naman ako sa sinabi niya at siguro maging siya nabigla rin sa sinabi niya.
" Sasama na lang din ako sa inyo " Pagngiti nito para bawiin ang sinabi niya kaya ngumiti rin ako at mga ilang minuto dumating na rin itong si Aethan.
" Ang aga aga nandito ka? " Bungad agad nito ng makita niya sa loob si Jeremy.
" Sasama ako " paglabas ni Jeremy pagkwan tumingin saakin si Aethan.
" Tsk! Lalabas sana kami kaya lang nagtext ka pa " Paglabas ko rin hindi ko na nilock meron rin naman siya ng susi ng condo kaya siya na ang naglock nito at napakunot ang noo niya ng makita kaming nakaupo ni Jeremy sa loob ng sasakyan niya.
" Ano yan ayaw mo kaming pasakayin? " Tanong ko rito pagkwan sumakay na rin siya at nasa may gitna na naman ako.
" Cindy mahilig ka ba ng music? " pangumpisa ni Jeremy.
" Hindi naman sa mahilig talaga pero gusto ko rin " Pagkwan nilagyan niya ng airphone ang phone niya.
" Ako mahilig ako pero hindi nga lang ako mahal ng music " Pagbibiro nito.
" pareho tayo " pagbibiro ko rin kaya nagkaroon tuloy saamin ng tawanan.
" Pakinggan mo 'toh " Paglagay ni Jeremy sa isang airphone sa tainga ko, yong isa naman sa kanya.
" Nakaka relax makinig diba? " Ngumiti naman ako rito at hindi ko alam pero bigla itong nag-iwas saakin ng tingin ang lapit nga rin kasi ng mukha namin pero hindi kobna yon pinansin pagkwan nilingon ko si Aethan as usual ito naka cross arm habang magkasalubong ang kilay.
" Gusto mong makinig? " tanong ko rito " Mahilig ka rin ba ng music? " dugtong ko pa pagkwan lumingon siya saakin.
" Hindi! " tipid nitong sagot.
" Sa bagay kailan ka pa nga ba nagka-interest sa isang bagay " pag-iwas ko rito ng tingin hindi ko alam pero parang ang sama na naman ng timpla nito kung ayaw niyang lumabas o kasama kami edi bakit pa siya nagyayang lumabas.
SOMEONE's POV:
Hindi maiwasang mainis ni Aethan habang tinitingnang nag-uusap itong dalawa para kasing may sarili silang mundo, maliliit na bagay tinatawanan nila kahit wala naman talagang nakakatawa at si Cindy parang open na open kay Jeremy.
" Mahilig kang kumain pero dika marunong magluto " natatawang sabi rito ni Cindy, si Jeremy naman ganon din pinag-uusapan kasi nila yong mga bagay na kaya nilang gawin at hindi.
" Oo marami akong hilig pero ayaw naman nila saakin " tawa pa ni Jeremy.
" Sa tingin ko kahit hindi mo hilig ayaw rin sayo " Tawanan pa nila pero biglang umubo ang driver kaya natigilan sila bigla.
" Maingay po ba? Pasensya na " Ngumiti lang ang driver kay Cindy pagkwan tiningnan nito si Aethan gamit lang ang mata niya kaya napalingon rin rito si Cindy at kung kanina nakakunot noo, ngayon wala nang reaction.
" Ang ingay mo kasi Cindy " bulong pa rito ni Jeremy.
" Ikaw kasi inumpisahan mo ako " natatawa pang sabi ni Cindy pero gulat na gulat sila ng biglang lumiko yong driver kahit hindi naman dapat kaya napayakap tuloy si Cindy kay Aethan at hindi siya makakilos nong bigla itong tingnan ni Aethan.
" Cindy okay ka lang ba? " tanong agad rito ni Jeremy at doon rin aybumayos siya ng upo.
" Pasensya na may biglang tumawid na pusa e " Sabi pa nong driver pero alam ni Aethan na sinadya yon ng driver para mangyari talaga yong nangyari.
" Okay ka lang? " lingon rito ni Aethan.
" Oo, pasensya na " sabi rito ni Cindy " Nagulat ako e" buntong hininga pa nila.
" Okay ka lang ba talaga? " nag-aalala pangtanong rito ni Jeremy.
" Oo, nagulat lang ako "
" Tsk! Ano ba kasing pusa yon!! Tumawid ba naman sa high way tsk! pagnakita ko yon babarbeque-hin ko " Naaasar na sabibni Jeremy saka sinuri si Cindy kung okay lang ba talaga ito at tinigilan lang niya iyon ng wala naman siyang nakita at mga ilang minuto dumating na rin sila. Agad naman kumuha ng lalagyan si Cindy ganon din si Jeremy.
" Ano bang kukunin natin Aethan? "
" Anong wala ka? "
" Wala, meron naman ako lahat e " Natigilan si Cindy ng lagyan ni Aethan ng milk ang kinuha niyang basket.
" Pero marami pang ganyan doon at saka hindi naman ako mahilig nito " Pagbalik ni Cindy rito.
" Kaya ka hindi tumatangkad e " napalingon naman si Cindy rito sa sinabi niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin rito at naglakad.
" Narinig ko yon! " habol niya rito at natigilan siya ng iharap rito ni Aethan ang toyo.
" Mahilig ka niyan kaya bumili tayo ng marami " Pag-iiba niya sa mood ni Cindy saka kumuha ng marami.
" Ang dami naman niyan anong akala mo saakin tangke ng toyo? " pagbalik niya rito " mga dalawa lang "
" Mas maganda ang marami "
" Puwedi namang bumili ulit " Natigilan si Cindy ng tumingin rito ng makahulogan si Aethan.
" O anong meron sa mga tingin na yan? " Naasar siya ng tawanan lang ito ni Aethan.
" Cindy samahan mo naman akong mamili ng gulay hindi ako marunong e " singit ni Jeremy kaya natigil tuloy ang moment nila.
" Sabi nila pampatalino daw ito kaya bibili ako ng marami " pagdala ni Jeremy kay Cindy sa mga gulay at sumunod naman sa kanila si Aethan.
" Sa tingin mo kung bilhin ko itong lahat at kainin magiging kasing talino ko kaya si Aethan? " Natawa naman si Cindy sa sinabi nito at hindi niya alam kung seryoso o nagjo-joke itong si Jeremy, isip bata talaga e.
" Wala namang bobo Jeremy tamad lang mag-aral " bulong niya rito pero natigilan siya ng makitang nasa tabi nila si Aethan.
" HINDI NGA PALA NAG-AARAL ANG ISANG ITO " pagtitig pa rito ni Cindy pero nagulat siya ng bigla ritong lumingon si Aethan.
" Sige, kainin natin lahat Jeremy baka nga tumalino tayo " Pagkuha ni Cindy ng marami para iwasan yong tingin ni Aethan at yon namili na nga sila.
" Hindi tayo nakabili ng ulam " Ani Jeremy " Anong gusto mo Cindy isda, chicken, meat o ano? "
" Ikaw? "
" Mas masarap ang isda madaling lutoin pero si Aethan nga pala "
" Hayaan muna hindi naman natin kapitbahay " Bulong pa ni Cindy.
" Oo nga pala at isa pa kung ayaw ni Aethan edi tayo lang ang kumain " bulongan pa nila.
" Tsk! Para namang hindi ako kumakain ng ibang pagkain at saka bakit isda lang ba ang kakainin niyo? " Masamang lingon sa kanila ni Aethan.
" Sus! ang sungit " tingin rito ni Cindy kaya kumalma naman ito " Tayo na nga mamili na tayo" aya ni Cindy at yon na nga ang ginawa nila.
" Ikaw nang magbayad " Pagbibigay ni Aethan ng pera sa driver pagkwan inabot rin rito ni Jeremy ang pera niya.
" Okay lang ba kung kayo na rin po ang magbayad?" pagkwan inabot ni Cindy.
" Ako na lang, nahihiya pa kayong pumila sa counter " Sabi nito.
" May pupuntahan kasi tayo Cindy " Pagkuha ni Jeremy sa pera at binigay sa driver kahit hindi pa ito pumapayag. Saka hinila si Cindy, si Aethan naman hindi na sumunod may pinuntahan rin kahit gusto niyang sumama sa mga ito.
" Asan ba tayo? " Natigilan si Cindy ng sa may arcade siya dinala ni Jeremy.
" Masaya ito " Ngiti nito kay Cindy saka dinala ito sa loob.
" Pero Jeremy masasayang lang ang pera natin rito "
" Pero walang kabayaran ang experience at saya na mararamdaman natin " Paghulog niya ng pera sa machine at nagsilabas ang mga palaka agad naman niyang kinuha ang pamalo rito at bawat lumabas pinapalo niya pero mas marami yong hindi niya nahuhuli o napapalo.
" Ang bagal mo kasi " Pagkuha ni Cindy sa pamalo saka siya ang naglaro basta ang bilis ng mga kamay niya hindi pa nga nakakalabas napapalo na niya.
" Ang galing ah" namamangha ritong sabi ni Jeremy.
" Naman, sisiw lang " pagyayabang pa niya rito pagkwan pumunta pa sila sa iba at kagaya kanina mas magaling rin si Cindy.
" Napagod ako " ani Jeremy habang nakangiting lumalabas sa may archade.
" Pero ang saya " tawanan pa nila.
" Sa sunod bumalik tayo nakakaalis ng stress " Sabi pa ni Jeremy pero natigilan siya ng wala sa tabi niya si Cindy.
" Asan na yon? " paghahanap niya rito pero napahinto siya ng makitang mariing nakatingin si Cindy sa isang teddy bear na color orange pagkwan nakita niya itong ngumiti pero bakas sa mukha ang lungkot.
" Anong nangyari? " nag-aalala niyang tanong rito.
" Tayo na " Pagbalewala niya sa tanong ni Jeremy at pagkababa nila wala na ang driver sa may counter nasa may 5th floor kasi ang archade station at napatakbo sila ng makitang mahigit 30 minutes na pala sila sa loob hindi man lang nila napansin ang oras.
" Lagot na kay Aethan " bulong pa ni Cindy kahit naman nanliligaw rito si Aethan ay ganon pa rin ang temper niya kaya alam pa rin nila ang limitasyon nila rito at gaya ng inaasahan magkasalubong nga ang kilay nitong nakatingin sa kanila.
" Pasensya na, kanina pa kayo? " tanong agad ni Cindy ng makaupo sila.
" Mahigit kalahating oras na akong naghihintay rito " seryoso nitong sabi.
" Sorry Aethan, nalibang kasi kami sa archade kaya di namin napansin ang oras " Ani Jeremy.
" Tayo na! " Pagbalewala nito sa sinabi ni Jeremy at pagkarating nila sa condo ni Cindy agad nilang inayos ang mga pinamili nito, si Jeremy naman inayos na rin niya yong kanya.
" Saan ba kayo pumunta kanina? " tanong agad ni Aethan habang nilalagay sa ref ang ilan sa mga pinamili nila pagkatapos nilang maiwan sa condo ni Cindy.
" Sa may archade nga, sa may fifth floor, pasensya na kung naghintay kayo naaliw kasi kami ni Jeremy kaya yong oras hindi namin napansin " pagpapaliwanag nito.
" Kaya naman pala hindi kita makita " Napalingon naman siya rito dahil hinanap niya kasi ito pagkatapos ng lakad niya " Anong gusto mong kainin? " dugtong pa ni Aethan at bago pa makasagot si Cindy biglang dumating si Jeremy.
" Magluto tayo para sa kakainin natin! " Masayang sabi nito.
" At bakit kailangan dito ka pa makikain? " masungit ritong pagbara ni Aethan.
" Mas masaya nga yon Aethan" sagot rito ni Cindy " ako nang magluluto pero ayosin muna natin ito kung bakit kasi ang dami mong binili Aethan? "
" Ayaw kitang magutom, sapat na bang dahilan yon? " Natahimik naman ito bigla at hindi niya malaman kung galit ba ito o concern..
" Wag kang mag-alala Cindy kung hindi mo kayang ubusin nandito naman ako " pagbibiro ni Jeremy.
" hoy! Jeremy, puwedi ba wag kang palaging nagpupunta kay Cindy tandaan mo hindi na siya ang dating si Julian, hindi maganda sa mata ng mga tao ang makitang nandito ka palagi " sermon rito ni Aethan pagkwan liningon niya si Cindy " At dapat, ikaw mga 1 hour lang dapat ang pagtanggap mo ng bisita! "
" E kung ganon dapat pala kanina pa kayo umuwi " pagcross arm rito ni Cindy kaya natigilan naman ito bigla dahilan para lihim na matawa si Jeremy dahil sa biglang pagtiklop ni Aethan kay Cindy.
" Teka! hindi pa naman ako nagwa-one hour dito at isa pa bakit pati ako kasali? " Pagbawi nito sa naging reaction niya ng mapansin nito si Jeremy.
" Dito ka ba nakatira? "
" Hindi! "
" So anong tawag ng pagpunta mo rito? " Napakunot naman ng noo si Aethan sa tanong ni Cindy.
" Tssss! ayosin mo na nga yang mga pagkain, ilalagay ko rin itong para sa banyo " pag-alis ni Cindy na siyang pagsunod rito ni Jeremy.
" First time akong naisahan ah " napangiti na lang si Aethan ng maisip si Cindy. At pagkatapos niyang ayosin ang sa may kusina pumunta siyang banyo ng maisip si Jeremy.
" Ang lalaking yon talaga " Natigilan sa pagkatok sa may banyo si Aethan ng marinig ang dalawa.
" Ang laki niyan Jeremy ah, hindi ko ata kaya yan " ani Cindy, mariin namang nakinig si Aethan pagkatapos makaramdam ng kakaiba sa mga naririnig niya.
" Haplosin mo kasi tapos yon na, hipan mo " Napakunot naman siya ng noo sa sinabi ni Jeremy.
" Hindi, wag na, hindi rin naman bagay o puwedi sa edad natin itong ginagawa natin " ani Cindy.
" Wag ka nang mahiya tayo lang naman nandito " Sa sinabing yon ni Jeremy hindi na nakapagpigil si Aethan at binuksan niya bigla ang pinto.
" ANONG GINAGAWA NIYO?!!! " Gulat na gulat naman ang dalawang lumingon sa kanya dahil sa bigla nitong pagsigaw.
" Bakit Aethan? " sabay lapag ni Cindy sa sabon habang si Jeremy biglang pumutok ang bubbles sa kamay niyang hinihipan niya kaya si Aethan ito namumula sa hiya pagkatapos maitindihan ang ginagawa ng dalawa na siyang pinag-isipan niya ng masama.
" ano? kasi? Akala ko ma-may ginagawa kayo? " Nauutal na sabi nito habang hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang tingin niya.
" Ah yon ba, si Jeremy kasi ang galing gumawa ng bubbles na malaki gamit ang sabon, ako kasi ang bilis pumutok " pagpapaliwanag ni Cindy, napatango naman si Aethan hindi na nga niya alam ang sasabihin niya " Hayaan muna nga panigurado naman hindi mo pa ito nagagawa nong bata ka " dugtong pa ni Cindy.
" Ah Oo! si-sige ipagpatuloy niyo kung anong ginagawa niyo " mabilis nitong paglabas.
" Anong nangyari doon? " nagtatakang tingin rito ni Cindy dahil sa pagkabalisa ni Aethan pero natigilan siya ng biglang tumawa si Jeremy, naitindihan na kasi nito kung bakit sumigaw si Aethan nagsink-in kasi sa utak niya yong the way na pag-uusap nila ni Cindy sa loob ng banyo.
" Na ano ka diyan? "
" Wala " tawang tawa nitong sabi kaya sa inis ni Cindy pinalo niya rito yong hawak hawak niyang toothpaste kaya ayon natigil si Jeremy.
" Ang weweird niyo! " naaasar nitong paglabas at napahawak naman si Jeremy sa ulo niya pero nong makita niya yong sabon ayon tawang tawa na naman siya hanggang sa lumalabas ito at hindi talaga niya napigilang matawa ng malakas ng makita si Aethan kaya asar na asar rin ritong tumingin si Aethan na gets kasi nito ang tinatawanan ni Jeremy. Natigil nga lang ito sa pagtawa ng makita niya si Cindy habang nakatingin rito.
" Pasensya na " Pagpunta niya rito saka ngumiti na halatang pigil pigil nito ang pagtawa.
" Ano nang gagawin natin? Magluto na kaya tayo o ako na lang panigurado napagod ka niyan " Napalingon naman si Aethan sa sinabi ni Jeremy.
" Sus! Akala mo naman marunong ka magluto! " This time si Aethan naman ang natawa sa sinabi ni Cindy pero natigilan siya ng tamaan siya ng unan at galing yon kay Cindy mula sa sofa.
" Ano ba?! Kanina pa kayo tumatawa ah! " naaasar nitong tingin sa dalawa hindi niya kasi maitindihan ang pinagtatawanan nitong dalawa.
" Kasalanan mo rin naman dahil hindi mo inaayos ang pananalita mo " pagtayo ni Aethan napaisip naman si Cindy. E readers kung hindi kasi don sa pagsasalita ni Cindy sa banyo hindi makakapag-isip nang kung ano si Aethan na siyang tinawanan ni Jeremy at ngayon naman yong kay Jeremy na naman na siyang tinawanan din ni Aethan.
" At sinisi niyo pa talaga saakin ang kawerdohan niyo? " Naaasar nitong tingin sa dalawa agad naman silang nagbuntong hininga at tumingin kay Cindy.
" Kasalanan namin " Nakangiting sabi ni Jeremy, si Aethan naman yong normal lang na pagsasalita niya kaya nagkatinginan tuloy silang dalawa pero sila naman ang nagtataka ngayon pagkatapos tumawa ni Cindy.
" Pareho na kayo ng ugali ah " tawa pa nito pero natigilan siya sa sabay na namang pagsagot rito nila Aethan.
" Pareho lang kasi kami ng babaeng gusto! " Nagkatinginan na naman ang dalawa , si Cindy naman hindi na niya nagawa pang matawa.
" Talaga bang ginagaya mo ako? " masamang lingon ni Aethan kay Jeremy.
" Hindi ko alam baka nga tama si Cindy "
" Na pareho tayo ng ugali? tsk! 19 years old na ako mag isip hindi pangElementary " Napaisip naman si Jeremy sa sinabi ni Aethan, hindi niya kasi ito nagets.
" Magluluto ako, anong gusto niyo? " pakikisali ni Cindy sa dalawa.
" Ako na magpahinga kana lang " Pagpunta ni Aethan sa apron.
" Ako na, Aethan " Pagkuha niya sa apron bago pa niya masuot.
" Ako na! "
" Ako na kasi " Tingin rito ni Cindy at napalunok naman si Aethan sa mga titig nito lalo na nong bumaba ang tingin nito sa leeg ni Cindy kaya napaatras siya.
" Siguradohin mong masarap! " Pag-alis nito, naiinis namang tumingin rito si Cindy.
" Tsss! e kung lagyan ko kaya ng lason at akala mo rin masarap magluto e " sa isip pa nito " Oo na! Masarap siya magluto! " sagot niya rin sa sarili niya natikman na kasi niya magluto si Aethan.
" Basta ako kahit sinong magluluto tutulong ako! " Sabi pa ni Jeremy habang nakataas ang kotselyo at sandok na hawak hawak niya
" Okay! magsimula na tayo!!! " Masayang sabi rito ni Cindy at yon nagluto na nga sila, si Aethan naman nanonood siya at halos pumutok na ang TV sa lakas nito naaasar kasi siya sa bawat tawa ng dalawa magkasundo nga kasi ng ugali si Cindy at Jeremy.
" Hindi kana takot sa mantika ah " Sabi pa rito ni Cindy habang tinitingnang nagpiprito ng isda si Jeremy mahilig kasi ng fried fish si Jeremy or mga fried cook.
" Sayo lang naman ako takot " Sabi pa ni Jeremy pagkwan nilagyan ni Cindy ng isang patak na tubig yong matika kaya bigla itong tumunog kaya si Jeremy ganon na lang ang takbo.
" Hindi takot ah " tawa pa ni Cindy pero natigilan siya ng basain ni Jeremy ang noo nito saka nilagyan ng harina pagkwan gumanti rito si Cindy natigil nga lang yon ng marinig nila ang ginintuang boses ng mundo, joke si Aethan lang ang nagsalita.
" Kung maglalaro kayo edi sana sa park kayo naglaro! " naaasar nitong tingin sa dalawa habang nakapamulsa ng kamay.
" Tapos naman kami, yang isang isda lang ni Jeremy ang hindi at yong kanin hindi pa fully cook " sabi ni Cindy habang punong puno ng harina ang mukha pagkwan bumaba ang tingin ni Aethan sa kamay nila ni Jeremy na magkahawak pa rin habang pinipigilan nila ang bawat isa na lagyan ang harina ang mukha ng isa't isa.
" Tsk! maglinis nga kayo para kayong mga manok na pipritohin at yang kamay niyo! " pag-alis nito, agad namang tinanggal ni Cindy ang kamay nitong hawak hawak ni Jeremy pero wala lang yon sa kanya.
" Sige, Jeremy alisin mo na yong isda, luto na yan " sumunod naman rito si Jeremy at pagkatapos nilang ayosin ang kusina saka sila naglinis ng katawan dahil sa mga harinang kumapit sa mga braso at mukha nila.
" Sa tingin mo Cindy bakit minsan mabait si Aethan, minsan naman ang sungit niya? " paglabas nila sa banyo.
" Pinaglihi siguro siya sa sili kasi kahit ang pangit ng ugali niya ang dami pa ring may gusto sa kanya ah basta, yong ugali niya parang luya kahit nakakainis gusto ko pa rin " paglalakad ni Cindy ng hindi napapansin ang lumabas sa bibig niya kaya natigilan naman si Jeremy.
" May gusto na kaya si Cindy kay Aethan? Kaya ba luya ang tingin niya kay Aethan dahil gusto niya ng maaanghang na pagkain " pakiramdam niya nawalan siya ng lakas sa naisip niya.
" Ano naman ngayon? At least ako gusto ko siya! " Paghinga nito ng malalim at sinundan si Cindy pero napahinto siya ng makitang tinitingnan nito si Aethan habang nakaharap sa TV na ngayon hindi na malakas.
" Jeremy sa tingin mo anong channel yan? Himala! si Aethan na walang interest ay nagkainterest sa channel nila "
" Nakaka-intrega nga " paglapit nila at muntik na silang matumba ng makita ang pinapanood ni Aethan, yong tungkol sa mga scientest or outer space na channel ang pinapanood nito pagkwan nilingon niya ang dalawa.
" Malapit na yon maluto " ani Cindy na kunwari wala silang ginawa saka tumabi rito sa may sofa, si Jeremy naman sa kabila kaya ngayon nasa gitna nila ito.
" Palitan natin ang channel? ang sakit niyan sa ulo panoorin e "
" Oo, wala nga akong maitindihan puro english e " sang-ayon ni Jeremy kay Cindy saka kinuha ang remote ng mapansing pumapayag si Aethan.
" Dapat kasi Aethan yong panggood vibes lang " sabi pa ni Jeremy habang naghahanap ng channel.
" Tama yon, ang talino mo na nga dinadagdagan mo pa "
" Ano namang magandang panoorin? " Nakacross arm nitong tanong dahil sa pangungulit nitong dalawa
" Hintayin mo si Jeremy " Pag-upo ni Cindy ng maayos nang medyo close kay Aethan at habang naghahanap si Jeremy biglang tumunog ang phone nito.
" Sino kaya yon? " Lingon nito kung saan nakapatong ang phone niya sabay pindot sa remote kaya hindi na niya napansin kung saang channel napunta ang TV.
" Ah baka si Mommy! " tayo nito at pumunta rito at natigilan ang dalawa sa screen ng TV kung saan sa isang romantic channel ito nalagay at saktong sa may kissing scene.
" Yan ba ang magandang channel? " lingon ni Aethan kay Cindy kaya hiyang hiya namang tumingin rito si Cindy.
" Pasaway talaga na Jeremy yon! " bulong nito saka biglang inabot yong remote dahilan para mahulog siya sa may sahig dahil sa pagmamadali niyang abotin ito at ibahin ang channel, nakapatong kasi ang dalawang paa nito sa may sofa at sa gulat niya napahawak siya kay Aethan kaya sabay silang nahulog sa may sofa pero si Aethan hindi as in nahulog nakaapak kasi ang paa nito sa may sahig kaya nasalo nito ang ulo ni Cindy habang nanlalaki ang mata nitong nakatingin kay Aethan na nakayuko sa kanya habang hawak hawak ang ulo niya na huwag tumama sa sahig at gulat na gulat rin itong nakatingin sa kanya, mga one inch lang kasi ang layo ng mukha nila.
" Okay ka lang? " paglayo niya rito ng kunti at napabangon bigla si Cindy ng maramdaman niya yong hininga ni Aethan kaya ayon basag ang bungo nila, joke lang nagkauntogan sila, hindi na kasi ito nakapag-isip ng matino at tumayo bigla.
" Ahhhhh! " daing nila mabilis namang pinutol ni Jeremy ang linya ng makitang nakahawak sa noo niya si Cindy pero hindi niya nakita yong eksena nila kanina nakatalikod kasi ito sa kanila habang nag-uusap sila ng mommy niya.
" Anong nangyari? " paghawak niya sa noo ni Cindy habang nag-aalala.
" Ano ba kasing pumasok sa isip mo at tumayo ka bigla? " Nag-aalalang tingin rito ni Aethan habang nakahawak rin sa noo niya.
" Nasaktan ka ba? " pagtingin rin ni Aethan sa noo nito kahit sakit na sakit rin siya sa ulo niya.
" Okay lang ako " paglayo niya sa dalawa " Ah yong kanin nga pala " bigla nitong sabi at tumalikod saka naglakad sa may kusina, ang dalawa naman nagtataka lang ritong tumingin.
" Ano bang nangyayari saakin? Wala naman saakin ang mga ganoong bagay lang e at saka bakit ganon iba ang pakiramdam ko kay Aethan hindi tulad kay Jeremy na kaya kong gawin sa kanya kahit ano pero kay Aethan iba, ahhhhh!! " pagpalo pa nito sa ulo niya.