Chapter 8

4844 Words
" Cindy okay ka lang ba talaga? " Pagsunod rito ni Jeremy. " Oo, tulongan mo na lang akong maghanda para makakain na tayo " Sumunod naman rito si Jeremy at yon naghanda na nga sila. At hindi mapigilang titigan ni Jeremy ang noo ng dalawa habang namumula nang nasa may hapag kainan sila. " Ano ba kasing nangyari at ganyan ang mga noo niyo? " hindi nakapagpigil nitong tanong. " Nagkautogan kami " ani Cindy sabay hawak sa noo niya " kumain na nga tayo " pagkwan kinuha ni Cindy yong pagkaing para kay Aethan o yong mga hindi isda o walang isda. " Walang isda diyan " Pagkain ni Cindy at hindi maiwasang tingnan ni Aethan ang dalawa habang kinakain ang isda na para bang sarap na sarap sila l, sa totoo lang maging siya hindi niya rin alam kung bakit ayaw niya ng isda. " At dahil tapos na tayong kumain, ikaw ang maghuhugas sa lahat ng pinag kainan natin " Pagngiti ni Cindy kay Aethan kaya napataas naman ito ng kilay. " Kami ang nagluto kaya ikaw ang maghuhugas " " Sandali hindi ko naman sinabing magluto kayo, ako nga dapat ang magluluto pero pinilit mong ikaw " " Pero kami pa rin ang nagluto " Ngiti pa nito. " Hindi ako maghuhugas dahil hindi ako nagluto, maghuhugas ako dahil inutos mo at isa pa para namang ang sasarap niyong magluto " Inis namang tumingin rito si Cindy. " Naubos mo nga!? " " Inubos ko lang! " pang-aasar pa nito. " At ikaw " pagturo ni Aethan kay Jeremy gamit ang tinidor " tulongan mo akong magligpit! " " Okay, gaya kanina tumulong lang ako magluto tutulong din ako ngayon " sabi pa ni Jeremy. " Ang bait ah " Pagtayo ni Cindy at pumuntang banyo naiihi kasi. At pagkatapos maghugas ng dalawa nagpaalam na rin silang umuwi. At mga 6 ng biglang may kumatok sa pintuan niya at agad pumasok sa isip niya si Jeremy kaya binuksan niya ito pero natigilan siya ng yong teddy bear sa may mall na kulay orange ang sa may pintuan pagkwan kinuha niya ang note rito. " Napansin ko titig na titig ka rito nong sa mall kaya naisip ko bilhin na lang sa tingin ko gusto mo naman o ano, iba kasi yong titig mo rito " Base sa hand writting kay Jeremy ito kaya binuhat niya ito at pinasok at hindi niya napigilang maiyak ng matitigan ang teddy bear, ganitong ganito kasi yong pinag-iiponan nila ni Julian noon kung saan gustong gusto niya ang kulay nito kaya lang hindi sapat yong pera nila ni Julian kaya napagkasunduan na lang nila itong pag iponan pero hindi rin nila nabili kasi nga namatay si Julian. " Kamusta kana kaya? " Hindi napigilang maiyak ni Cindy ng bigla sa kanya bumalik lahat ng alaala nila ni Julian natigil nga lang yon ng tumawag si Liya. " Umiyak ka ba? Bakit ganyan boses mo? May nangyari ba? " nag-aalala nitong tanong. " Wala naman.... " Iyak pa nito at pagganito ang sagot ni Cindy alam na ni Liya ang dahilan. " Tahan na, hindi matutuwa si Kuya kung makikita kana namang ganyan alam mo namang ayaw na ayaw ka ni Kuyang nakikitang umiiyak " Kumalma naman si Cindy sa sinabi ni Liya at buong pag-uusap nila wala itong sinabi kundi pagaanin ang loob niya tumigil nga lang sila sa pag-uusap ng gumanda na ang pakiramdam nito. Kaya lang hindi naman siya makatulog ang dami niya kasing naiisip. " Cindy magfucos ka " Pagkwan tumunog ang phone nito and it was Aethan. " Tulog kana ba? " tanong rito agad ni Aethan pagkatapos sagotin ni Cindy ang tawag niya " Matutulog na " malungkot nitong sagot. " You're not okay " napatingin naman si Cindy sa phone niya sa sinabi ni Aethan " Anong nangyari? May problema ba? " sunod sunod nitong tanong. " Wala, hindi lang ako makatulog " sabi ni Cindy pero natigilan siya ng wala may sumagot sa kanya. " Hindi ko talaga maitindihan ang isang ito, magtatanong tas pagsinagot hindi ka naman sasagotin " puputolin na sana ni Cindy ang linya pero bigla siyang nakarinig ng tunog ng guitara. " Subokan mong matulog, kakantahan kita " Sabi pa ni Aethan sa kabilang linya kaya napaupo naman bigla si Cindy habang iniisip kung tama ang narinig niya. " Akala ko ba hindi ka mahilig ng music? " " Hindi ako mahilig ngayon pero wala naman akong sinabing ayaw ko at hindi ako marunong " Hindi naman sumagot pa si Cindy, tama nga naman. " Ano bang hindi nito alam? " Pag-iisip pa niya. " Kuya tutugtog kana ulit? " Dinig ni Cindy kay Sam pero wala siyang narinig na sagot mula kay Aethan tanging tunog lang ng guitara ang maririnig mo at hindi maiwasang maexcite ni Cindy kung marunong ba talaga kumanta si Aethan. " Itanong mo sa akin Kung sino'ng aking mahal " Napahiga si Cindy ng marinig niya ang boses ni Aethan ang lamig kasi at ang ganda ng boses niya. " Itanong mo sa akin Sagot ko'y di magtatagal Ikaw lang ang aking mahal Ang pag-ibig mo'y aking kailangan Pag-ibig na walang hangganan Ang aking tunay na nararamdaman " Hindi mapigilang mapangiti ni Cindy habang kumakanta si Aethan habang iniisip kung anong klaseng tao ba ito at hindi niya mapigilang mapangiti rito. " Isa lang ang damdamin Ikaw at aking mahal maniwala ka sana Sa akin ay walang iba Ikaw lang ang aking mahal" Pagkanta ni Aethan, si Cindy naman nakatulogan niya ang pakikinig rito habang natutuwang pinapakinggan ang boses ni Aethan at nong matapos kumanta si Aethan tinawag niya ito pero hindi na nakasagot pa si Cindy. " Good night " Pagputol niya sa linya. ********** " Aethan okay lang ba kung mauuna akong bumaba sayo tas saka kana lang sumunod pagmedyo malayo na ako? " Sabi ni Cindy rito ng malapit na sila sa school. " Natatakot ka ba? " Nag-aalalang tanong rito ni Aethan l, umiling naman ito sa kanya. " Hindi, pero ayaw ko lang nang gulo " Pagkwan ginulo ni Aethan ang buhok nito. " Sige, kung yan ang gusto mo " ngumiti naman rito si Cindy. " Salamat " sabi niya rito sabay baba at mabilis itong naglakad at saka sumunod rito si Aethan ng hindi na niya ito makita. Pagkarating niya nakita na agad niyang nag-uusap na naman sila ni Jeremy o naghaharutan, tumigil nga lang ang mga ito ng dumating siya at mga ilang minuto dumating na rin ang teacher nila. " Kahapon nagmeeting ang mga teachers para sa nalalapit na foundation day at napagkasunduang wala nang klase every afternoon para sa paghahanda sa nalalapit na foundation day natin kailangan praktisin ng mga studyante o lahat ng kalahok sa nasabing event para masigurado ang panalo ng bawat departamentong tatanghalin " Nagsigawan naman ang mga estudyante sa announcement. " Ibig sabihin more on practice na naman pala ang mga araw natin " Sabi pa ni Jeremy habang nagsi-stretch. " Pinaghahandaan talaga ang foundation day dito noh " " Oo bilang pag-alala sa angkan nila Aethan o ang may pundasyon sa school na ito " Napatingin naman si Cindy kay Aethan at seryoso lang ito na halatang ang lalim ng iniisip. Naalala kasi nito bigla ang mommy niya pero hindi na ito pinansin ni Cindy likas rin naman rito ang pagiging critical thinker. At pagkatapos ng klase nila si ma'am Villasore naman ang sumunod rito kaya yong mukha ni Aethan mas lalong sumama pero guwapo pa rin. " Siguro naman alam na niyo ang na meetingan namin kahapon? " Sumagot naman rito ang lahat nang Oo. " Well, like what I have said sa inyo noon ako ang pumipili ng sadusadulaan sa foundation day natin and sad to say walang napili sa department niyo " Tingin nito sa direksyon nila Cindy. " Pero maganda kaya yong video nila Aethan " bulongan pa ng mga kaklase nila. " Sabi nga rin ni Daddy " sabi ng kaklase nilang teacher din sa school nila ang magulang. " Sus! e kasi nga hindi gusto ni Ma'am ang step son niya " " Ang sabihin mo ayaw nila ang isa't isa " bulongan pa ng mga ito, naiinis namang tumingin si Cindy kay Ma'am Villasore at mas nainis siya sa sunod na sinabi nito. " At yong ginawa niyo Aethan bakit ganon, dalawa ang Juliet niyo?! " Tanong panito at magsasalita sana si Cindy para depenshan ang grupo nila pero biglang nagsalita si Aethan. " Nagtataka pa kayo kung bakit ganon ang kinalabasan? Kung hindi mo ba naman kami ginrupo ng isang babae lang ang member e sana hindi ganon ang nangyari doon tsk! dapat kasi as a teacher ay meron commonsense! " Hindi naman makapagsalita si Ma'am Villasore. " Stupid! " mahinang tinig ni Aethan hindi naman nagsalita pa si Cindy basta tahimik lang siya. At si Mrs. Villasore kagaya ng madalas mangyari pagkatapos ng saguytan nila ni Aethan hindi na ito nakakapag fucos magturo at mabilis na lumalabas kahit hindi pa tapuys ang oras niya. At nang matapos ang klase nila ngayong araw ay pumunta agad sina Leo kina Cindy. " Canteen na tayo " yaya ng mga ito sumang-ayon naman sila rito pero natigilan sa paglalakad si Cindy ng mapansing parang multong naglalakad si Aethan. " Oy! ano ba yang iniisip mo at halos mapunit na yang mukha mo? " pagtapik rito ni Cindy at doon rin ay nagising si Aethan. " Wala " Tingin niya rito. " Dissapointed ka ba dahil nagtagumpay ang step mom mo sa plano niya? " " Ganon na nga but let's not mind her pag-aaksaya lang ng oras ang isipin siya " Paggulo nito sa buhok ni Cindy. " Tsss! sabing wag ang buhok ko " naaasar niyang tingin rito. " Cindy may nakapagsabi naba sayong ang cute mong asarin? " " Wala! At hindi ako matutuwa kung mayron man! " naaasar pa nitong sabi at napalingon naman rito si Jeremy, pupuntahan sana niya ang mga ito pero pinigilan ito nila Grey. " Hayaan mo na pinapagaan lang niya ang loob ni Aethan " Ani Grey. " Pero baka siya ang gumaan ang loob kay Aethan e " " Sa ngayon ipaubaya mo muna siya kay Aethan, wag kang mag-alala tutulongan kita, kakampi mo ako " pag-akbay rito ni Leo at doon naman ay kumalma siya. " sigurado ka? Totoo yan? " " Oo, kailangan manalo ako sa pusta " " Anong pusta? " " Wag mo nang isipin yon total wala ka rin namang isip " Pagbibiro nila rito. " Sobra kayo ah! " Pagbatok niya sa mga ito kaya nagkaroon tuloy sa kanila ng tawanan. " Anong nakakatawa? " Pagpunta sa kanila ni Cindy iniinis rin kasi ito ni Aethan kaya iniwan niya ito. " Ayan na pala siya " Napalingon naman si Jeremy kay Cindy kasabay non ang pagngiti niya. " Bakit Jeremy? " " Na mimiss ka " sabay sabay na sabi nang mga team JerCin ( Jeremy+Cindy). " Wag mo silang pansinin mga baliw e " Nahihiyang sabi ni Jeremy sabay taas sa kamay niya para akbayan si Cindy pero bago pa niya yon magawa mabilis na hinila ni Aethan si Cindy . " Ikaw ang umurder " sabay gulo niya sa buhok ni Cindy. " Oh sige, anong sa inyo? " " Tulad ng madalas nating order " sabi rito ni Leo. " Okay " Pagtalikod nito. " Dalawa na tayo " sunod rito ni Jeremy naasar namang tumingin rito si Aethan. " Ganyan nga " Nakangiting sabi nila Leo o ang team JerCin habang pumupunta sa may mesa. " Naku! paghindi ka nagmadali baka mauna sayo si Jeremy " Napalingon naman si Aethan sa may gusto sa kanya para kay Cindy o ang team AeCin. " Dapat alamin niyo kung anong klasing ligaw ang gusto ni Cindy dapat simulan mo nang manligaw " Ani Grey. " Dapat na talagang mangyari yan! " paglalakad nito patungo sa may mesa at mga ilang minuto dumating na rin sina Cindy habang dala ni Jeremy ang mga order nila at pagkatapos nilang kumain at magpahinga napagkasunduan nilang magpractice na sa mga club na sinalihan nila. " Sige, mauna na ako " pagpapaalam ni Cindy balak kasi niyang magrest room at napangiti siya ng makita niya si Jie absent kasi ito kanina. " Cindy...! " punta niya rito " Kanina pa kita hinahanap " " Bakit nga ba absent ka kanina? " " Tinamad ako pumasok e well, totoo ba yong post sa page ng school na half day lang ang klase natin para sa paghahanda sa foundation day? " Tumango naman rito si Cindy bilang sagot. " Oo nga pala ano bang sport mo? " Pagkwan pinakita rito ni Jie ang maliit na table tennis ball sa bag niya. " Table tennis player? " " Table tennis varsity player " napanganga naman si Cindy " Ang cool mo naman pala kaya naman pala ang ganda ng katawan mo dahil varsity player ka! physically fit ha " " Yan ang importante saating mga babae e " Mataray na naman nitong sabi kaya nagkaroon tuloy sa kanila ng tawanan " Saan ka ba? " " Magbabanyo ako " " Oh sige, dadalhin ko muna ang reason letter ko sa mga teacher kung bakit ako nag-absent kanina madali lang ako tas hintayin mo ako kasi magreretouch rin ako " Ngumiti naman rito si Cindy at yon nauna na nga ito at pagkatapos nitong magbanyo humarap siya sa salamin pero napakunot siya ng noo sa nakita niya mula sa likuran niya sa harapan ng salamin " Hai! Cindy, miss me? " Paglapag ni Kristine sa bag niya at tumingin sa salamin. " Tingnan mo ng maayos ang salamin " Pagtitig nito kay Cindy gamit ang salamin "mas maganda naman ako sayo, mas may class, mas may magandang angkan pero bakit ganon ikaw ang nakita ni Aethan? " Pagkausap rito ni Kristine sa may salamin, si Cindy naman kalma lang siya kunwari wala lang pero sa totoo lang kinakabahan siya sa puweding mangyari. " Sabihin mo ano kayang meron sayo na wala ako? " Pagharap niya rito. " Kung naghahanap ka na naman ng away please lang wag na, tigilan mo na ako " sabi pa rito ni Cindy saka naglakad pero bago pa niya mabuksan ang pinto agad inutosan ni Kristine ang dalawa niyang kasama na hawakan siya at sa lakas ng mga ito hindi makakilos si Cindy. " Sinabi ko na diba? tutuparin ko yong pangako ko sayo! Ano nga yon? " Kunwaring pag-iisip ni Kristine pagkwan ngumiti siya " Oh yes! ang pahirapan ka! " Sabay duro nito ng malakas sa ulo ni Cindy. " Talaga bang wala ka nang magawa sa buhay Kristine? " Asar niyang tingin rito " Oo dahil kinuha mo saakin ang bagay na libangan o pinagkaka-interesan ko! Ang bagay na gusto kong makuha! kaya naman para makuha yon ulit babawiin ko yon sayo! " " baliw kana! hindi mo naman naging pagmamay-ari si Aethan at isa pa hindi naman kami ni Aethan e " " Yon na nga!" sigaw nito " Pero kung makalapit ka sa kanya parang kayo! At anong akala mo saakin hindi ko alam na gusto ka ni Aethan?! At sino ka naman para hindi maapriciated si Aethan o hindi rin siya magustohan pero bago pa mangyari yon ipaparamdam ko muna sayo na isang pagkakamali ang pumasok sa buhay ni Aethan ng wala akong permeso " Paghila nito sa buhok ni Cindy at hindi naman ito makapagsalita, kasalanan nga rin kasi niya kaya ganito si Kristine pero matapang rin siyang tumitingin sa kanila hindi siya nagpapakita ng kahit anong takot. " At gaya ng sabi ko sayo sa buhok mo natin sisimulan tsk! tingnan na lang natin kung hawakan ka pa ni Aethan kapag kalbo kana " Nanlaki naman ang mata ni Cindy lalo na nong kunin pa ng kasamahn ni Kristine ang gunting sa bag nito, apat kasi silang magkakasama. " Akala mo ba hindi ko nakikita ang ginawa mo kanina? Ano sa feeling ang hawakan ni Aethan sa buhok? " naiinis ritong tingin ni Kristine pagkwan tumawa siya yong tawa niyang halatang naiinis " kunwari naiinis ka pero sa totoo lang kinikilig ka rin at gustong gusto mo " pagkuha niya ng marami sa buhok ni Cindy sabay abot sa gunting. " Natatakot kana ba? " ngiting demonyo rito ni Kristine at nainis siya ng ngumiti rin rito si Cindy. " Kung diyan ka masaya edi! Gawin mo " Malumanay pa nitong sabi kaya mas lalo tuloy nainis si Kristine. " Ah ganon!! Puwes tingnan natin kung ngumiti ka pa after ng gagawin ko sayo! " Kitang kita ni Cindy yong ilang piraso ng buhok niyang nahuhulog sa floor habang pinuputol ito ni Kristine at tawang tawa naman sila rito. " Jeremy!!! oo, nasa loob si Cindy! Pumasok kana kung gusto mong makita wala rin namang tao diyan!!! " sigaw ni Jie sa labas, dinig na dinig naman yon sa loob kaya sina Kristine nataranta bigla at doon rin ay nakahinga ng maluwang si Cindy. " Hindi tayo puweding makita ng bestfriend ko! si Jeremy?!! No!!! " Pagkwan napatingin si Kristine kay Cindy. " Lumabas kana pero sa oras na magsumbong ka at sinabi mong nandito ako may mangyayari talagang hindi maganda sayo " pagtulak niya rito sa may pinto kaya naman agad itong lumabas at nagulat siya ng bigla siyang hilain ni Jie at tumakbo kaya napatakbo na rin siya. " Puwedi na siguro dito!? Malayo naba tayo?? " Paghinto nila habang hingal na hingal sila. " bakit ka ba tumakbo? Si Jeremy?! " Tanong agad ni Cindy. " Yon na nga, e kasi wala namang Jeremy kanina, ginawa ko lang yon ng marinig ko lahat ng pinagsasabi sayo ni Kristine sa labas and I know the personality of the students here, their Weaknesses and strength pero syempre yong mga famous lang din at si Jeremy lang ang sinusunod ni Kristine sa lahat ng estudyante rito maliban kay Aethan at doon lang din siya takot buti nga umepekto kanina at naisip ko yon agad " Sunod sunod nitong sabi " Yong buhok mo? Naputulan ba? "Napangiti naman si Cindy sa paano ito mag-alala sa kanya. " Kunti lang ang nagupit niya, Salamat " " Tsss! Akala ko ba iiwasan mo sila? o si Kristine? " " Yon na nga pero hindi ko alam kung nagkataon lang yong kanina o ano?" " Hindi yon nagkataon! Sinusundan ka talaga nila, pinapanood nila ang bawat kilos mo " Natatakot nitong sabi " Sinabi ko na kasing mag-ingat ka sa kanila " nag-aalala nitong sabi at napapangiti na lang si Cindy medyo pareho kasi sila ng ugali ni Liya. " Wag kang mag m-alala mas mag-iingat na ako ngayon " At pagkatapos ng pag-uusap nila ay pumunta na rin sila sa mga sinalihan nilang club at ang daming estudyanteng naglalaro pero sina Jeremy wala doon nasa may basketball court sila. " Nakakapagod " pag-uusap ni Jie at Cindy tapos na kasi ang practice nila this day at nagkita sila. " Ang galing mo pala magglaro " puri rito ni Cindy. " Ikaw nga ang galing mong magdribble ng ball " purihan nila pero natigil yon bigla ng dumating ang kaklase nilang babae. " Hoy! Gonsales, punta ka daw sa faculty sabi ni Ma'am " naaasar ritong sabi ng kaklase niya at magtatanong pa sana si Cindy pero umalis na ito. " Sino naman kayang Ma'am ang tinutukoy niya? " " Pumunta kana lang ng faculty basta pagkarating mo doon ngumiti ka agad panigurado naman pagnakita ka ng sinasabing niyang ma'am ngingiti rin sayo " " Ano pa nga bang magagawa ko " walang ganang sabi ni Cindy. " Mas mabuti na yong ganyan akala ko nga baka may gagawin din yon sayo " mataray pang sabi ni Jie. " Sa bagay, oh sige mauna ka nang umuwi pupunta muna akong faculty " " Well, kung gusto mo hihintayin kita sa labas sabay na tayong umuwi pero alam ko namang mas masaya sa sasakyan ni Aethan e " kinikilig pang sabi nito " O sa motorbike ni Jeremy " dugtong pa niya. " Tsss! tumigil ka nga " nahihiya ritong sabi ni Cindy panay naman ang tawa nito " Wag muna akong hintayin sa sunod na lang siguro tayo magsabay, salamat na lang " ngiti pa ni Cindy. " O sige, kahit naman ako si Aethan din ang pipiliin ko o kay Jeremy " Pang-aasar pa nito tinakpan naman ni Cindy ang tainga niya at naglakad na ito papuntang faculty at pagkarating niya kumaway agad rito si Ma'am Villasore kaya nagtataka siyang pumunta rito hindi niya kasi naisip na si Ma'am Villasore ang naghahanap sa kanya. " Maupo ka Ms. Gonsales " Malapad nitong ngiti kay Cindy at sumunod naman siya rito habang nagtataka. " Sa totoo niyan nagustohan ko yong play niyo at napagdesisyonan kong kayo ang magpa-play or represintative nang department natin for play or drama ng foundation day " Masayang sabi rito ni Ma'am Villasore, si Cindy naman nainis siya bigla naaalala niya kasi yong pinagsasabi nito sa classroom nila kay Aethan. " Pero sa isang condition ikaw ang gaganap na Juliet mas kuha mo kasi yong emosyon at mas suit sayo ang characters ni Juliet physically yon nga lang kasi morena ka or in short mas magaling ka kay Nica and I was amazed for that " Natahimik si Ma'am Villasore ng tahimik lang si Cindy. " Alam ko nakakabigla yon hindi niyo enexpect but yon ang desisyon ko " " Kung yong play po namin ang pagbabasihan ko inexpect ko pong kami ang mapipipili dahil magagaling po ang mga actresses, si Jeremy, Nica, at yong lahat ng members at higit sa lahat po si Aethan magaling po siyang director napakahusay niyang leader pero dahil kayo po ang teacher namin doon naalis po yong hope kong baka mapili kami hindi ko po alam pero bakit po ba ganon kayo kay Aethan hindi po tama ang ginagawa niyo sa kanya " seryosong sabi ni Cindy pero nagtaka siya ng ngumiti lang si Mrs. Villasore, iniisip pa naman nitong pagagalitan din siya gaya ng ginagawa niya kay Aethan dahil sa bigla nitong sinabi pero bakit ganon ngumiti lang ito pero bakas rito yong kalungkotan. " Natutuwa ako sa sinabi mo, mahusay talaga si Nathan " masaya pa nitong sabi kaya yong pagtataka sa mukha ni Cindy hindi niya maitago. " Ikaw ng bahalang magbalita sa grupo mo and good luck galingan niyo! " Tumayo naman si Cindy habang nagtatakang naglakad palabas. " Bakit ganon iba yong iniisip ko kay Ma'am, bakit parang ang bait niya? At bakit pakiramdam ko may iba sa mga titig niya at ngiti niya? Haist! nag-iisip na naman ako ng subra " Pagkausap pa niya sa sarili niya sa isipan niya natigil nga lang yon ng biglang magring ang phone niya. " Cindy saan ka? Andito na kami sa gate " " Palabas na rin ako Jeremy " at doon na nga natapos ang usapan nila pagkarating niya nandoon na nga sila ni Aethan, agad naman itong sinalubong ni Jeremy. " Saakin ka sumabay " " Halika na " Pagpunta din rito ni Aethan. " Ah, Jeremy may sasabihin kasi ako kay Aethan " Ngumiti naman rito si Jeremy. " O sige pero sa sunod saakin ka naman sumabay " Tumango naman rito si Cindy at yon na nga ang nangyari kay Aethan na naman ito sumabay. " Ano nga pala yong sasabihin mo saakin? " tanong rito ni Aethan habang nasa byahe sila. " Ah, si Ma'am Villasore ang sabi niya tayo daw ang napili niya na magdadrama sa foundation day " Kitang kita naman ni Cindy ang pagkunot noo ni Aethan. " Ano na naman bang iniisip niya? " Bulong nito pero sapat na ang lapit rito ni Cindy para marinig niya ito. " Hindi ko alam pero kanina ibang iba siya sa Ma'am Villasore na kilala ko " Napalingon naman rito si Aethan " Talaga bang ganon ang ugali ni Ma'am Villasore o sayo lang siya ganon? " " Ano?! " " Wala, kasi kanina " Hindi na tinuloy ni Cindy ang sasabihin niya ng makitang naaasar na talaga itong si Aethan kaya tumahimik na siya pero napatingin siya rito ng bigla itong magsalita. " Hindi ko alam pero naiinis ako kapag kinakausap niya ako ng nagbabait baitan siya tsk! pakiramdam ko inaagaw niya ang lugar ni mommy sa puso namin, inaagaw na nga niya yong puwesto ni Mommy sa buhay ni daddy tas pati ba naman kami?! Kaya nasanay akong wag siyang pansinin kapag nagbabait baitan siya dahil naiinis talaga ako doon " Ani Aethan. " Bakit kaya hindi mo subokang kausapin siya ng maayos Aethan? " " Ano?! " " Kasi sa tingin ko mabait naman siya, bakit hindi mo siya bigyan ng chance? " " Dumating na tayo, pumasok kana! " Sagot rito ni Aethan sa kabila ng sinabi ni Cindy hindi naman ito nagsalita pa at naglakad na rin alam niyang naiinis si Aethan. At pagkarating niya nakita niyang nakaupo sa may pintuan niya si Jeremy. " Bakit nandito ka? " " Wala, hinihintay ko lang na dumating ka " Tayo nito sabay ngiti. " Bakit may kailangan ka ba? " " Wala, gusto ko lang siguradohin na dumating ka ng maayos" Pagkamot pa nito sa ulo niya " O sige, pupunta na rin ako sa kwarto ko " Pag-alis nito at pumasok naman si Cindy habang iniisip pa rin si Aethan. " Nagalit ba yon? Ang akin lang naman ay sana bigyan niya ng chance ang step mom niya para naman hindi siya nahihirapang pakisamahan ito " Pag-iisip niya pa rito habang naghahanda matulog, kanina pa talaga niya ito naiisip pagkwan pumikit siya para matulog pero naalimpungatan siya sa tunog ng phone niya at napaupo siya ng si Aethan ang tumatawag. " Tulog kana? " " Matutulog pa lang, yong kanina pala sor__" " Nandito ako sa labas " Pagputol ni Aethan sa sasabihin nito nagtataka namang lumabas si Cindy habang iniisip kung tama ba ang narinig niya at pagkalabas niya bumungad agad rito si Aethan. " Sorry kanina " Sabi agad rito ni Aethan " Hindi ko alam pero naiinis ako pag ang kabit ni daddy ang naririnig ko siguro galit lang talaga ako sa kanya at naiitindihan ko yong gusto mong sabihin kanina at gustong gusto ko rin gawin yon pero hindi ko kaya, siguro dahil hindi pa ako handa " Pagpapaliwanag rito ni Aethan pagkatapos hindi makapakali sa pagsusungit nito kay Cindy ng ihatid niya. " Naiitindihan ko rin naman yon at sor___" Natigilan si Cindy ng hawakan ni Aethan ang bibig niya. " Wala kang kasalanan " Sabay gulo nito sa buhok ni Cindy kaya agad namang umiwas rito si Cindy. " Bakit ba gustong gusto mong ginugulo ang buhok ko? " " Hindi ko alam pero gustong gusto kong hinahawakan o ginagawa yan sayo " " Tsss! Hinahawakan ba yong nanggugulo ng buhok? " " Pakiramdama ko kasi gumagaan ang pakiramdam ko paghinahawakan kita sa ulo " hindi naman nagsalita pa si Cindy pero natigilan siya ng may kunin si Aethan sa bulsa niya at pinakita niya rito. " Okay lang ba kung suotin mo 'toh? " pagpapakita ni Aethan sa isang foot chain kay Cindy. " Napansin ko ito kahapon sa mall at bagay sa paa mo " Pagpapakita niya rito sa foot chain na pinaikotan ng butterfly na may kulay green, white and black ang tali nito. " Okay lang naman pero hindi naman ata bagay saakin ang mga ganyang bagay " Hindi na nakapagsalita pa si Cindy ng ilagay ito ni Aethan sa paa niya. " Sabi na nga ba bagay sa paa mo " Sabi pa ni Aethan habang nakaupo at tinatingnan ang paa ni Cindy. " Salamt kaya lang pakiramdam ko hindi bagay sa paa ko e " Nahihiya pang tingin rito ni Cindy pagkwan tumayo si Aethan. " Bagay mo ang mga girly things dahil babaeng babae ka at isa pa kaya butterfly ang design niyan dahil gusto kong lumipad ka ng malaya, nang walang iniisip, at yong hawak mo ang mundo mo " Ngiti rito ni Aethan " Wag kang magpacontrol sa iba dahil buhay mo yan " Natouch naman rito si Cindy kaya napayakap siya rito bigla. " Salamat " sabi pa niya rito hindi naman nakakilos pa si Aethan, puso nga lang niya ang naririnig niya pagkwan tinangal ni Cindy ang pagkakayakap niya rito. " Sige na gabi na masyado, umuwi kana " mula doon ay natauhan si Aethan at nakakilos siya. " Sige na mauna ka nang pumasok " " Hindi, ikaw ang mauuna " " Nauna ako nong isang gabi kaya ngayon ikaw naman " Magsasalita pa sana si Cindy pero pinatalikod na ito ni Aethan at pinaglakad kaya wala siyang nagawa kundi sumunod. " Tsss! Kung puwedi nga rin mangyakap ang lalaki paggusto namin " Ngiti ni Aethan habang tinitingnang naglalakad si Cindy pagkatapos maisip ang biglang yakap niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD