Warning: SPG
'I love everything about you, except the fact that you're not mine.'
***
Unti-unting nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan ko siya sa kanyang pag-iyak at paghihinagpis. Gusto kong pawiin ang kanyang mga luha at gusto kong akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Mas nanaisin ko pa na ako na lamang ang masaktan, kaysa sa makita ko siyang ganito.
Muli siyang nagsalin ng alak sa kanyang shot glass at sa pagkakataong ito ay pinigilan ko na siya sa kanyang akmang pag-inom no’n.
"Tama na iyan, lasing ka na," awat ko sa kanya.
"No. Hindi pa ako lasing. Kaya ko pa," pagmamatigas niya. Pilit niyang kinukuha sa akin ang bote ng alak at pilit ko naman itong inilalayo sa kanya.
"Lasing ka na, Tes. Tama na."
"I'm fine, Rom. I am very fine! I thought you're my best friend?" Best friend. Oo, best friend niya lamang ako. Iyon lang ako.
"Yes, I am just your best friend." May kapaitan ang tinig kong iyon nang sabihin ko sa kanya. Sandali siyang natigilan at kapwa kaming napatitig sa mata ng isa't isa.
Bakit sa dinami-dami ng pwede kong mahalin ay ang babaeng matalik ko pang kaibigan? At bakit sa dinami-dami ng pwede niyang maging kaibigan ay bakit ako pa? Ayaw kong maging kaibigan niya, dahil gusto kong maging akin siya. Gusto kong mahalin niya rin ako ng higit pa sa isang kaibigan. Katulad ng kung paano ko siya mahalin ng lihim.
Pero ano nga ba naman ang magagawa ko? Hindi ako ang gusto niya. Hindi ako ang mahal niya. Matagal ko nang tinanggap na hanggang ganito na lang kami, lalo pa at may iba nang nagmamay-ari sa kanya.
"Ihahatid na kita sa inyo," saad ko sabay iwas ng tingin sa kanya.
Tumayo ako at ganoon din naman siya. Kinuha ko ang bag niya at lumapit ako sa kanya. Kitang-kita ko ang labis na kalungkutan sa kanyang mga mata at nasasaktan akong makita na nahihirapan lamang siya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong ang asawa niya ang dahilan ng kalungkutan at sakit na nararamdaman niya.
Hinawakan ko siya sa kanyang kamay para akayin na palabas ng bahay, pero nagulat ako sa kanyang ginawa.
Hinila niya pabalik ang aking kamay na nakahawak sa kanyang kamay at mabilis na siniil ng halik ang aking mga labi. Sa labis kong pagkabigla ay nabitiwan ko ang bag niya at napatulala lamang ako habang patuloy niya akong hinahalikan.
Alam kong lasing siya at alam kong mali ito. Oo mahal ko siya, oo gustong-gusto ko siya, pero may respeto ako sa kanya. Mahal ko siya kaya nire-respeto ko siya. Bukod doon, alam kong dala lamang ng espiritu ng alak ang ginagawa niya sa akin ngayon.
Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya at pilit ko siyang pinigilan sa paghalik sa akin.
"You're drunk, Tes!" mariin kong sita sa kanya habang nakakunot aking noo.
"Bakit, Rom? Hindi mo ba ako gusto?" she asked softly habang marahan niya akong hinahaplos sa aking malapad na dibdib. Nag-igting ang panga ko at naramdam ko ang paglalakbas ng mga pawis ko sa katawan ko. Tila ba may kung ano na siyang biglang nagpainit sa aking katawan.
"Stop it. Please," madiin kong pagmamakaawa sa kanya.
Ngunit hindi niya ako pinakinggan at sa halip ay naglakbay ang kanyang kamay sa aking pisngi papunta sa aking mga labi. Para akong nakukuryente sa bawat haplos na dulot niya.
"Pati ba naman ikaw? Ayaw sa akin?"
"Hindi sa ayaw ko sa'yo, Tes. Gusto kita. Gustong-gusto kita," I confess. Sumilay ang masiglang ngiti sa kanyang mga labi at nagsimula na naman siya na halikan ako.
Libo-libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Oo, alam kong mali ito. Pero anong magagawa ko? Lalaki lang din naman ako. At higit sa lahat, mahal na mahal ko siya. Oo batid kong pagmamay-ari na siya ng iba, ngunit kahit ngayong gabi lang–gusto kong maging akin siya.
Ipinikit ko ang aking mga mata at tinugon ko ang mga halik niya. Nagsimula nang maglakbay ang aking mga kamay sa kanyang katawan. Lalo akong nag-init nang marinig ko ang mahihinang ungol niya. Heck!
Isinandal ko siya sa pader at patuloy na hinalikan. Tila ba may kung anong nagising sa akin ng mga oras na iyon na gustong kumawala.
Marahan kong tinanggal ang pang-itaas niya at halos mapamura ako sa ganda ng tanawin na aking nasilayan. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at masigla itong dinumog ng aking mga labi. Dinilaan, hinalikan at hinawakan ko ito na siyang nagpa-ungol sa kanya.
Mabilis ko siyang kinarga at ipinasok sa loob ng kwarto ko. Inihiga ko siya sa aking kama at dali-dali akong nagtanggal ng pang-itaas. Saka ako dumagan sa kanya at muling inangkin ang kanyang mga labi. Bumaba ang halik ko sa kanyang leeg patungo sa kanyang malulusog na dibdib. Napatingala at napa-ungol pa siya nang kagatin ko ang mga ito.
Nagpakasawa ako sa kanyang dibdib, saka nagtungo sa kanyang ibaba. Inalis ko ang kapwa namin natitirang saplot. Bahagya pa siyang napamura nang tumambad sa kanya ang galit na aking p*********i.
"F*ck it!" maura ko nang simulan kong hawakan ang kanyang p********e. Muli siyang nagpakawala ng ungol at halos mabaliw ako sa init at masidhing pagnanais na aking nararamdaman.
Mahal na mahal ko siya. Sana, hindi na matapos ang gabing ito na kung saan ay akin siya.
Kapwa kaming nagpakawala nang malalakas na pag-ungol nang simulan ko nang angkinin ang p********e niya. Ilang beses ko siyang sinamba at inangkin nang gabing iyon at walang mapaglagyan ang saya at tuwa na nararamdaman ko.
Pero sabi nga nila, lahat ng bagay ay may katapusan.
Nagising ako na walang suot at walang katabi. Nasaan na siya? Hindi ko alam. Bumangon ako at nagbihis, saka mabilis na lumabas ng kwarto para hanapin siya ngunit hindi ko siya natagpuan.
Ang sakit. Sobra.
'Yong umaasa ako na magigising ako pagkatapos ng isang mainit at masarap na gabi, na katabi at kayakap ko siya. O 'di kaya'y magigising ako na matatagpuan ko siya sa kusina at naghahanda ng almusal para sa aming dalawa.
Ang tanga ko. Bakit nga ba naman ako aasa sa ganoong bagay? Hindi siya sa akin. Hindi ko siya pagmamay-ari. Maaaring naangkin ko ang katawan niya, ngunit hindi kailanman ang puso niya. Isang katotohanan na napakasakit isipin.
Lumipas ang ilang linggo at buwan na wala siyang naging paramdam sa akin. Nag-aalala ako para sa kanya. Hindi kaya nalaman ng asawa niya ang nangyari? Baka pinagbabawalan siyang lumabas? Baka sinasaktan siya nito?
Nagtungo ako sa pinagtatrabahuhan niya ngunit hindi ko siya natagpuan doon. Ilang araw na raw naka-leave si Tes ayon sa mga katrabaho nito. Kaya naman, sinadya ko na siya sa kanilang bahay.
"May gusto ka pa bang kainin, Mahal?"
"Wala naman na. Isa na lang ang gusto ko, ang manatili ka lang sa tabi ko," masaya at masigla niyang wika sa kanyang asawa. Nakaramdam ako ng hapdi sa aking puso sa masakit na tanawing aking natagpuan doon.
"Rom, right?" tanong ng asawa ni Tes nang mapansin ako sa kanilang bakuran.
Aligagang tumayo si Tes mula sa kinauupuan nito at para bang nakakita siya ng multo nang makita niya ako. "R-Rom…" nauutal niyang usal.
"Kumusta? I'm just here to visit you. Naka-leave ka raw sa work mo? May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Ah... Eh, w-wala naman," hindi mapakali na tugon niya.
"Pasok ka, Brad," nakangiting pagpapaunlak sa akin ni Nic. Ang asawa ng babaeng mahal ko.
Pumasok ako at naupo sa tapat ni Tes. Nagpaalam saglit si Nic upang kumuha ng maiinom kaya naman naiwanan kami doon ni Tes na kapwa nakatitig lamang sa isa't isa.
"R-Rom..."
"Nag-alala ako sa'yo. Simula nang gabing iyon, hindi ka na nagparamdam sa akin. May problema ba tayo?" lakas loob na tanong ko.
"Rom, please. Kalimutan na lang natin ang bagay na iyon," aniya. Napasinghap ako at muling humapdi ang puso ko.
"Kalimutan? Paano ko makakalimutan iyon, Tes? Mahal kita! Ginusto natin iyon–"
"Please! Rom naman! Alam mong may asawa na ako."
"At paano naman ako? Ano iyon? Wala lang iyon?" Gusto kong maiyak sa hapdi na nararamdaman ng puso ko.
"Maayos na sa akin si Nic ngayon, Rom. At dahil iyon sa'yo. Nagpapasalamat ako sa gabing iyon, Rom," aniya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Buntis ako. At dahil doon, hindi na nambababae si Nic. Hindi na niya ako sinasaktan. Mahal na niya ako."
"What?" Hindi ko maintindihan kung ano ba ang unang mararamdaman ko. "Buntis ka kaya okay na kayo? Ako ba ang ama niyang dinadala mo?"
Marahan siyang tumango, kasabay no'n ang pagpatak ng kanyang mga luha. "I'm so sorry, Rom, kung ang selfish ko. Mahal ko si Nic. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Kapag nalaman niyang hindi siya ang ama nito, iiwanan niya ako. So, please! Please hayaan mo akong maging masaya. Best friend mo ako, hindi ba?"
Gusto kong sumabog sa sobrang sakit.
Oo, best friend kita. Best friend lang tayo. Hanggang doon lang.
----
Song: Paano Na Ang Puso Ko by Bugoy Drilon