Chapter Three

1053 Words
Kanina pa pasulyap-sulyap si Don Leandro sa'min ng mama ko. Alam kong nagkukunwari lang siyang nagbabasa ng libro pero ang totoo ay gusto na niya akong paalisin sa kuwarto nila ng mama ko. E, hindi ako sanay matulog mag-isa. Simula't-sapul ay katabi ko ng matulog si Mama dahil may kaliitan ang bahay namin at hindi na kasya kung magdagdag pa ng kuwarto para sa'kin. Alam kong dapat ko ng sanayin ang sarili ko na mag-isang matulog. At na promise ko na rin sa sarili ko na ito na ang last na pasaway ko kay Don Leandro. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa mama ko. Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama at hinahaplos niya ang buhok ko na nakagawian na niyang gawin hanggang sa paglaki ko para mabilis akong makatulog. Nabanggit ko na kay mama any encounter namin kanina ni Lucas. Ang sabi niya ay intindihin ko na lang daw ang panganay na anak ng Don. Kahit ako man daw sa lugar na magkapatid ay malamang magdududa rin dahil maraming beses naloko ng babae ang Don. May good news at bad news akong nalaman. Good news dahil nalaman ko na hindi naman pala nakatira sa mansyon na ito si Lucas, ibig sabihin hindi niya ako mababantayan. Malaya akong makakakilos. Bad news, hindi ko siya palagi makikita! Kahit hindi niya ako feel ay mas gugustuhin ko naman na may pagala-galang gwapo sa mansyon. Kanina sa dinner nabanggit ni Don Leandro na i-enroll niya daw ako sa darating na pasukan. Bahala na daw ako mamili ng kurso. At kung gusto ko raw ay sa parehong university na lang kung saan nag-aaral si Angel para may mag guide sa'kin. Bagay na sinang-ayunan ko dahil bukod sa pagpapansin kay Lucas ay misyon ko rin na mapaamo si Angel. Alam kong hindi siya masamang tao. May pinaghuhugutan lang siya ng mamalim na emosyon. Hindi naman kasi biro na mawalan ng ina. Tapos wala pang oras sa kanya ang Daddy niya tapos heto si Don Leandro nagpapakatatay sa'kin. Sino ba naman matutuwa. Tiniklop ng Don ang binabasa at lumapit sa kanilang mag-isa. "Mama's girl ka pala hija, paano na 'yan kung pupunta na kami ng mama mo sa Hawaii?" "Hawaii?" "Yes, hija doon kami magho-honeymoon." "Gaano po kayo katagal do'n?" Tumingin ako sa mama ko. "May 15 days or a month, ililibot ko pa mama mo sa iba't-ibang bansa." "Ma...." Nasambit ko na napuno ng agam-agam ang dibdib. Oo, nineteen na ako at nasa tamang edad na pero hindi ako sanay na wala sa tabi ni mama. Puro kasi ako mama, pagdating galing sa school siya kaagad ang hahanapin ko, pagbiling ko sa higaan na wala siya kahit ano'ng antok ko ay bumabangon talaga ako para hanapin siya. At kung sakali ito ang unang pagkakataon na magkakahiwalay kami. At saka ang haba naman ng one month. "'Wag na kaya tayong tumuloy, Leandro?" tanong ng mama ko sa Don. "Pero - " "No, ituloy niyo po ang plano. At saka malaki na rin ako, kaya ko ng mag-isa 'ma kaya huwag mo akong alalahanin." "Sure ka bang mo na dito?" "Opo!" "Hija, huwag kang mag-alala pwede mo naman papuntahin dito ang mga kaibigan mo, o ikaw sa kanila, magsabi ka lang sa driver. At saka nandito naman si Angel at si Kuya Lucas mo." "Po?" "Yes, hija kakausapin ko si Lucas na for the mean time ay samahan muna kayo ni Angel dito sa mansyon." Napatango na lang ako. As if papayag ang anak niyang suplado! * NALUNGKOT ako nang tuluyan ng lumabas ng gate ang kotseng lulan ang mama ko at si Don Leandro. Ngayon ang alis nila patungo sa honeymoon destination nila. Mag iyakan kami ng mama ko ay aakalain mong ilang taon kaming hindi magkikita. Hindi ko lang kasi siya ina kundi parang bestfriend na rin at kapatid. Pinahid ko ang luha ko. Bumaling ako kay Angel na tulad ko ay nakatingin rin sa gate. "Angel, nakita kong naglalaro ka ng mobile legend sa cellphone mo, gusto mo rank game tayo?" Bahagya niya lang ako sinulyapan. Pagkasabi ng No ay basta na lang ako tinulikuran at basta na lang pumasok sa loob ng mansyon. Naiwan akong napakamot ng ulo. Papasok na rin sana ako nang muling bumukas ang grand door at iniluwa si Lucas Falcon na naka swim robe. Dinaanan niya lang ako at tuloy-tuloy siya patungo sa swimming pool. Nanlaki ang mata ko. At natuptop ang bibig. Mag-swi-swimming si Lucas! Sa loob ba ng robe niya ay naka swimming trunk lang siya? Ibig sabihin ay makikita ko na ang katawan niya! Daig ko pa ang magnanakaw na patingkayad na lumapit sa swimming pool. Nagtago ako sa malagong nalaman. At nag matyag kung ano ang gagawin ni Lucas. Humiga lang siya sa poolside bed habang nagbabasa ng dyaryo habang ako namn ay umupo sa malaking bato na parti ng landscape design. Kulang na lang talaga pop corn para magmukha akong nanonood ng pelikula na inaabangan ang kapana-panabik na eksena. Hindi ko alam kung bakit napapayag si Lucas Falcon na bantayan kami ng kapatid niya. Kagabi ay dumating siya na may bitbit na bag habang nag di-dinner kami. Nag deklara siyang tinatanggap ang utos ng ama niya na samahan kami ni Angel habang nasa honeymoon pa ang newlyweds. Nakisalo na rin siya sa dinner. Lihim kong naipagpasalamat na at least civil siya sa pakikitungo at pakikipag-usap niya sa mama ko. Hindi ko maitago ang kilig habang nag-di-dinner kami. Hindi ko pa mapigilan ang sarili ko na ngumiti sa sobrang kilig habang sumusulyap kay Lucas. Pero matalim na titig ang ginaganti niya sa'kin. Pigil ko ang paghinga nang tumayo na si Lucas. At hinubad ang robe. Tumambad sa paningin ko ang kaiga-igayang tanawin. Naka swimming trunk lang siya. Naka display ang katawan niyang sagana sa exercise, vitamins and minerals. Parang gusto kong humilig sa matipuno niyang dibdib. Parang gusto ko rin pisilin ang abs niyang nakakatakam sa paningin ng tulad kong eba. Ano kaya feeling 'no? Nag dive na siya sa swimming pool. Nakailang pabalik-balik siya sa paglangoy bago umahon sa swimming pool. Pinununasan niya gamit ang tuwalya ang kanyang buhok. At para naman slow motion na sinundan ko ng tingin ang pagdaloy ng tubig mula sa kanyang leeg, papunta sa dibdib hanggang umabot sa pusod niya. Napalunok ako. Sunod-sunod. Napapikit ako sa pagpipigil na huwag ng bumaba ang tingin ko. Self control lang kailangan. Virgin ako! Hindi ako manyak! May isang minuto rin siguro akong nakapikit bago nagmulat ng mata. Hindi na swimming pool ang unang tumambad sa paningin ko. Kundi kulay itim na... swimming trunks. Si Lucas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD