Chapter Two

1363 Words
May attitude problem talaga ang anak ni Don Leandro na si Angel na sa tantya ko ay kasing edad ko lang. Msyadong gloomy ang personality niya. Sa kabuuan ng lunch namin ay ni minsan hindi siya sumasali sa usapan kahit pilit siyang sinasabay ng mama ko sa usapan Laging matipid kung sumagot. Deretso lang ang tingin, ganoon din ang likod niya sa pagkakaupo. Konti lang ang kinain ni Angel. Wala pa yatang sampung minuto ay nagpahid na siya ng tissue sa bibig at nagpaalam ng babalik sa kuwarto niya. Higit akong namangha sa loob ng mala palasyong bahay ng mga Falcon na akala ko sa pelikula ko lang makikita. Lulang-lula ako. Hindi ko akalain na makakaapak ako sa ganitong klaseng bahay. "Tapos ka na bang kumain, hija?" tanong ng Don. "Opo, Don Leandro." "Daddy na itawag mo sa'kin simula ngayon hija dahil kasal na kami ng Mommy mo." "Sige po D-daddy." "Kung ganoon ihahatid ka na namin sa magiging kuwarto mo." sabi ng Don na nauna ng tumayo. Hinawakan niya sa kamay ang mama ko at nagpatiuna ng lumakad. Sumunod ako sa kanila. At parang kinurot ng pino ang dibdib ko habang nakatitig sa pagkakaholding hands ng dalawa. Nalulungkot ako dahil ibig sabihin hindi ko na solo ang atensyon at pagmamahal ng mama ko. Ganoon din kaya nararamdaman ni Angel? Parang naiintindihan ko na siya sa inaakto niya lalo na sa pagkakaalam ko ay wala pang dalawang taon buhat ng mamatay ang mommy niya, tapos ngayon biglang sulpot pa kami ng mama ko sa buhay nila. "Iyan ang kuwarto ni Angel, hija." Turo ng Don sa isang kuwarto na may nakapaskil sa pinto na salitang 'Do not disturb' "At ito naman ang magiging kuwarto mo." Binuksan ng Don ang nasabing kuwarto at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko. Parang kuwarto ni Barbie! Kulang pink ang lahat ng kagamitan. Mula sa built in closet hanggaang sa wallpaper, maging ang mga nakadisplay na kikay kit ay pink din. At ganoon na lang ang tuwa ko nang makita ang pink na laptop na may kagat na mansanas ang brand. Pangarap ko talaga ang magkaroon ng computer o laptop. Iyong tipong hindi ko na kailangan pumunta sa net café at maghulog ng peso para makapag internet. Mahilig kasi akong mag Twitter kahit wala naman follower. May f******k account rin ako na sobrang ini-edit talaga ang profile picture para maalis ang background na ilog ng basura kung tawagin sa'min. Iyon nga lang kasi pinakamaganda kong kuha, minalas lang talaga sa background. Sa totoo lang, hindi ako kikay o mahilig sa pink. Hindi kasi kayang i-sustain ng lifestyle namin ang maging fashionable. Makapagload nga hirap na hirap, ano pa kaya kung sa luho na. "By the way hija, itapon mo na ang luma mong cellphone dahil binili kita ng bago." Sabi ni Don Leandro na binuksan ang sa loob ng cabinet at may kinuhang isang box. "Para sa'kin po 'to?" tanong ko na hindi makapaniwala ng i-abot niya sa'kin ang isang latest smartphone na hind biro ang halaga. Tumango ang Don. Ngumiti. "Thank you po!" Pangiti-ngiti naman ang mama ko. Masaya sa nakikitang kasiyahan ko. "Sige maiiwan ka namin dito ng mama mo hija." "Sige po." "Matulog ka Amelie, alam kong hindi nakatulog buong magdamag dahil sa sobrang excited." sabi ng mama ko. Amelie Sandoval ang full name ko. Combination ng pangalan ng mama ko na si Amy at namayapa kong ama na si Rommelie. Lily naman ang palayaw ko. Nang lumabas ang dalawa sa kuwarto ay kaagad kong niyakap ang bagong cellphone ko. Hindi pa ako nagkasya, pinaghahalikan ko pa talaga. Kasunod ko na ginawa ko ay binuksan ko ang closet at tumambad sa'kin ang maraming damit at halos may price tag pa lahat. Nanaginip ba ako? Ubod ng ganda ng kuwarto ko, may latest model na cellphone, may laptop. Perfect! Ni sa hinagap ay hindi ko aakalain na magkaroon ako ng ganitong mga gamit. Napalundag ako sa malambot na kama. Nagpagulong-gulong muna ako bago tumihayang tulalang nakatingin sa kisame. Papayag kaya si Don Leandro na papuntahin ko dito mga kaibigan ko? Gusto kong i-share sa kanila ang buhay na tinatamasa ko ngayon kahit papaano. Napayakap ako sa sarili ko nang makaramdam ng lamig. Sobrang ginaw kasi. Sa bahay kasi namin halos abot kamay lang ang bubong kaya parang piniprito kami sa loob. Tinakpan ko ng comforter ang katawan ko. Gumulong pa talaga ako para ma rolyo sa katawan. Nasa ganoon akong posisyon nang maramdaman kong may nakatingin sa'kin. At awtomatikong napatingin ako sa pinto. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Si Lucas Falcon! Nagsirko yata ang puso ko. Taranta akong tumayo. Hindi ko alam kung paano ko siya babatiin, Kung yuyukod ba ako o mag-he-hello lang. Sa huli ay mas pinili kong lumapit sa kanya pero sumabit ang paa ko sa comforter na nahulog sa sahig nang bumangon ako dahilan para ma-out balance ako at deretso ang bagsak ko sa mismong paanan niya. Nahihiya akong tumingala sa kanya na may alanganing ngiti. Kahit mukha siyang suplado sa pagkakasalubong ng kilay habang nakatingin sa'kin ay gwapo pa rin siya sa paningin ko. Higit na mas gwapo at matipuno siya sa personal kesa sa mga nagkalat na mga pictures sa internet. Hindi pure Filipino si Don Leandro, may Spanish blood siya at nakuha ni Lucas sa kanya ang abuhing kulay ng mga mata na kung tumingin ay nanunuot at nakakabigay ng misteryosong personalidad kay Lucas. At dahil nga may lahi itong banyaga ay mas matangkad siya sa pangkaraniwang height ng mga pinoy. Hindi ako expert sa pagsukat pero sa tantya ko ay kasing taas niya ang PBA player na umabot sa anim na pulgada ang taas. Nakakapanliit ang presenya ni Lucas. Ngayon pa lang ay na-i-intimadate na ako sa maawtoridad niyang tindig. Nagmumukha akong palakang nakasubsob sa paanan niya. Pero hindi ba talaga niya ako tutulungan? Hindi ba dapat yuyukod siya para tulungan ang damsel in distress na tulad ko? "Aren't you not going to get up?" tanong niya sa baritono ngunit malamig na tono. Bumangon ako. Ngingisi-ngisi pinagpagpag ang tuhod at siko ko kahit wala naman alikabok na kumapit, kundi ko lang ang pagkirot do'n. "Sorry nadapa ako. By the way I'm Amelie Sandoval, ako po iyong anak ng napangasawa ng daddy mo." Pakilala ko na nilahad pa ang kamay ko sa harap niya. Hindi tinanggap ni Lucas ang pakikipagkamay ko. Bagkus ay nakapamulsa pa rin na tuluyan ng pumasok sa kuwarto ko. Pinagala niya ang paningin sa kabubuan. "Ang ganda ng kuwarto 'no?" sabi kong sumunod sa likuran niya. "Siya nga pala, Kuya na rin ba ang itatawag ko sa'yo?" Kahit nakatalikod ko ay kita ko na natigilan si Lucas. At tila gusto kong umatras nang pagbaling niya ng tingin ay nang uuyaam niyang mukha ang sumalubong sa'kin. "No. Don't. Hindi tayo magkapatid." "Pero kasi - " Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko nang makita kong mas lalong tumiim ang tingin niya sa'kin. Oo na gets ko na! Hindi ako welcome. Para kay Lucas ay Wicked stepmother and stepsister kami ng mama ko. "I know your kind, alam ko kung ano pakay niyong mag-ina sa ama ko. Sorry pero binabalaan ko na kayong magback out sa binabalak niyo." "Ano'ng ibig mong sasabihin?" "Alam ko katulad rin kayo ng dating nakakarelasyon ng ama ko na pera lang ang habol!" Naningkit ang mata ko sa narinig ko. "Excuse me? Sinasabi mo bang budol-budol kami ng mama ko? Na nanloloko kami ng kapwa?" "Bakit hindi ba?" Napamaang ako sa tila nanunukat na tingin niya sa'kin. "I will protect my father as well as his wealth." "Masyado ka naman yatang mapagbentang, kulang ka yata sa aruga e!" "Hindi iisa beses na may lumapit sa ama ko at pera lang pala ang habol." "Matalino at matanda na ang Daddy mo para magpaloko!" Humalukipkip ako. Patibayan lang ng sikmura a, Huh! Ipapakita ko sa kanya ang laking squater moves! "At para sabihin ko sa'yo, mahihirapan ka lang sa pagpapatapon sa'min ng mama ko sa palasyong ito dahil parang chewing gum na kami na didikit sa daddy mo." "Ngayon pa lang lumabas na ang tunay mong anyo." "Oo! At alam mo bang nag aanyong wolf rin ako? Dapat ka ng matakot, roar!" Umasta pa akong tila kakalmutin siya kahit hindi naman mahaba ang kuko ko. Lucas stares at me with amusement. Tila ba isa akong payaso sa paningin niya. "May nakakatawa?" "Yes. You!" "Hindi ako komedyante!" "I will watch your every move, you and your mother. So beware." Banta ni Lucas humakbang na patungo sa pinto. "Whatever! Roar! Roar!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD