Hindi ko maipaliwanag ang kaba ng dibdib ko habang papasok kami sa Fairmont Hotel. Kung ako lang ang masusunod, ayoko ng makipag – usap pa. Pero sabi nga ni kuya, hindi na daw puwedeng hindi ako magsalita. Ipagtanggol ko naman daw ang sarili ko. Meeting Mon’s mom is somewhat made myself relieved. Kahit paano alam kong may nag – aasikaso kay Mon at hindi siya pababayaan. At the same time, we will have time to talk about us. Kung ano ba talaga ang magiging plano sa buhay – buhay namin. Okay na nga ako sa annulment, eh. Wala na nga akong tutol doon kasi iyon ang gusto niya but his mom, is so against it. Ang sabi niya, hindi solusyon sa isang pagsasama ang paghihiwalay. Dapat daw ang buhay may – asawa ay pinag – uusapan at inaayos hindi basta maghihiwalay na lang. Nang dumating kam

