Mrs. Legaspit decided to stay in her hotel while kuya went home by himself. Wala kaming kibuan na dalawa habang biyahe kami pauwi. Walang gustong maunang magsalita. Gustong – gusto ko siyang tanungin kung kamusta na siya. Kung anong nangyari sa kanya nitong mga dumaang buwan pero nauunahan naman ako ng hiya. “When did you learn that you are pregnant?” narinig kong tanong ni Mon sa akin. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa kalsada habang nagda – drive at seryoso ang mukha. “Ako ba?” Inirapan niya ako at bahagyang binilisan ang pagmamaneho. “May ibang tao ba dito?” inis na sagot niya. “A week after our separation,” maikling sagot ko. “And you didn’t bother to tell me?” “Bakit pa? Baka hindi ka na naman maniwala. Hindi mo nga pinakinggan ang mga reasons ko.” An

