Nang mga sumunod na araw mas naramdaman nila ang isa't-isa. Panay ang outdoor activity nila ng dalaga kahit hanggang sa dagat lang sila pwede maglibot-libot. Sakay ng jetski nilibot muli nila ang karagatan. Ang dalaga ang may kontrol niyun kaya siya naman nakayakap at pasimple tsansing lang sa kasintahan. "Ang sarap mo ihulog sa dagat puro ka kalaswaan!" simangot nito habang pabalik na sila ng bahay. Tumatawa na inakbayan niya ito. "Ikaw naman..di ka na nasanay sakin," paglalambing niya rito sabay halik sa gilid ng noo nito. Panay naman ang siko sa kanya nito na tinatawanan lang niya. Sakto pagkapasok nila ng kabahayan nag-ingay ang telepono na nasa salas. Nagkatinginan silang dalawa. Sa ilang linggo na pananatili nila doon ngayon lang nag-ingay iyun. "Ang parents ko lang ang may

