Agad na natanaw niya si Dwayne sa isang kilalang restaurant. Ni minsan hindi pa siya nakakapasok dun. Pakiramdam kasi niya para lang sa magkakasintahan ang lugar na iyun. Puno daw kasi ng iba't-ibang klase rosas ang loob ng rastaurant iyun. Agad na napatingin sa dako niya ang binata na nag-aabang sa kanya sa labas ng restaurant. Isang tipid na ngiti ang iginawad niya rito bago siya lumapit dito. Blanko ang gwapo nito mukha at kinabahan siya dun sinalubong naman siya nito at agad na pinagsalikop nito ang kanila mga daliri. "Pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod susunduin na kita kung kailan ko gusto.." matiim nito saad na may halong inis. Hindi kasi siya pumayag na sunduin siya nito. Ginawa lang naman niya iyun para hindi siya masyado masanay sa kasweetan nito. Mahirap man pinipilit p

