Napangiti siya mula sa kinauupuan niya sa isang malapad na bato ay nakita niya ang dalawang magkasintahan na magkahawak-kamay habang naglalakad sa may dalampasigan. Ilang metro lang ang layo niya sa mga ito. Maganda ang babae at gwapo naman ang lalaki. Parang pamilyar nga sa kanya ang lalaki hindi lamang niya matanto kung saan niya ito nakita. Bigla tuloy siya nainggit ang sweet lang kasi nila tingnan. Mukhang in love na in love ang mga ito sa isa't-isa. Agad na idinako niya ang mga mata sa papalubog na araw nang makita niya maghahalikan ang mga ito. Maiingit lang siya. Siya kaya? Mararanasan din kaya niya magkaroon ng nobyo na gwapo at sweet? Mapait siya napangiti. Wala naman talaga forever eh,may mga asawa nga na sobrang tagal na naghihiwalay pa. Hays,hindi siya bitter,opinyon nya la

